Share

Chapter 4

ILANG minutong nakatitig si Kira sa mukha ni Dimitri. Ang mukha nito ay katulad sa napapanood niyang mga lalaki sa TV, sobrang guwapo, ang kinis ng pisngi. Iniisip niya tuloy ay baka may suot pa ring maskara si Dimitri. Hindi siya nakatiis at hinawakan sa magkabilang pisngi ang lalaki at binanat-banat ang makinis nitong balat.

“Stop!” pigil nito sa matigas na tinig. Hinawakan nito ang mga kamay niya at inilayo sa mukha nito.

“Masakit ba?” tanong pa niya.

“Of course,” walang emosyon nitong tugon.

“Akala ko kasi may suot ka pa ring maskara.” Malapad siyang ngumiti. “Ibig mong sabihin, ganiyan na ang mukha mo, iyong totoong mukha?” Namilog ang kaniyang mga mata sa pananabik.

“Yes, but don’t tell anyone about my face.”

Paulit-ulit siyang tumango. “Pero bakit ayaw mong makita ng ibang tao ang mukha mo?” curious niyang tanong.

Ibinalik din ni Dimitri ang maskara nito at tumayo. “Ayaw ko.”

Sinundan niya ng tingin ang bawat galaw nito. Namamangha siya sa katawan nito, wari isang perpektong obra ng isang manlililok sa napanood niyang sculpture tutorial. At habang nakatitig siya rito, naisip niya na magandang iguhit ang imahe ni Demitri.

Salat man siya sa ibang kaalaman, biniyayaan naman siya ng talento sa pagguhit ng imahe ng isang tao, maging ng mga hayop at bagay na mayroong mukha. Kumurap-kurap siya nang muling humarap sa kaniya si Dimitri. Awtomatikong bumaba ang tingin niya sa puson nito at natitigan ang mahaba at matabang nakalawit sa dako paibaba ng puson nito. Iyon pala ang ibinaon nito sa kaniya kaya masakit.

Paulit-ulit siyang lumunok at hindi maalis ang tingin sa nakaaaliw na tanawin. Noon ay nakikita lamang niya iyon sa isang video na natuklasan niya sa internet. Ang sabi ni Manang Sonia, isa iyong malaswang video na hindi dapat panoorin ng mga bata. Hindi umano magandang panoorin ang video ng mga nagt*talik.

Hindi na siya bata kaya binabalik-balikan niya ang video na iyon sa tuwing nag-iisa siya sa kuwarto. At sa tuwing nanonood siya ay may pagbabago sa kaniyang katawan, tila gusto rin niyang maranasan ang ginagawa ng lalaki sa babae. Kaso, sumasakit ang puson niya sa tuwing nakapanood ng video, at saka kusang namamasa ang kaniyang puw*rta.

Ang gusto lang naman niya sa video ay ang lalaki na maganda ang katawan. Minsan na rin niyang ginuhit ang imahe ng isang lalaki at babae na hubad. Siyempre, itinago niya ang kaniyang drawing book para hindi makita ni Manang Sonia.

“Matulog ka na, Kira,” mamaya ay sabi ni Dimitri.

Umangat ang kaniyang tingin sa mukha nito’ng may maskara. Hinablot nito ang tuwalyang nakasampay sa sandalan ng upuan at ito’y ipinulupot sa baywang nito. Natakpan na ang malaking ari nito.

“Uh…. a-ako lang ba ang matutulog?” untag niya.

“You will sleep here alone. Sa kabilang kuwarto ako matutulog.”

“Ha? Bakit hindi tayo magkasama?” kunot-noong tanong niya.

Hindi na sumagot si Dimitri at humakbang patungo sa pintuan. Sinundan lamang niya ito ng tingin. Ngunit nang patayin nito ang ilaw ay napatili siya at nataranta. Kapag ganoong madilim ang paligid ay wari siyang nahuhulog sa bangin, inaatake siya ng nerbiyos. Muli namang binuksan ni Dimitri ang ilaw at hindi niya namalayan ang agarang paglapit nito sa kaniya.

“What’s wrong?” tanong nito.

“Huwag mong patayin ang ilaw, ayaw ko ng madilim,” balisang tugon niya.

“Okay. Sleep then.”

Natigilan siya nang lumukod ito sa kama sa kaniyang harapan. Hinapit ng kamay nito ang kaniyang batok. Napatingala siya sa mukha nito na pansamantala nitong inalisan ng maskara. Iyon pala ay hahalikan lamang siya sa mga labi, isang mabilis na halik ngunit nagtataglay ng nakaliliyong kuryente na agarang dumantay sa bawat himaymay ng kaniyang laman.

Kaagad din itong lumayo sa kaniya at tuluyang umalis. Wala na si Dimitri ngunit nakatanaw pa rin siya sa kasasarang pinto. Inilapat niya ang kaniyang dalawang daliri sa mga labi niya. Tila naiwan ang init ng mga labi ni Dimitri sa kaniyang bibig. Ang sarap nito sa pakiramdam, gusto niyang maulit.

Bumaba siya ng kama at pumasok ng banyo. Naghugas siya ng katawan dahil ang lagkit ng kaniyang pakiramdam. Sinabon niya itong muli. At habang kinukuskos ng sabon ang kaniyang dibdib ay laman ng isip niya si Dimitri. Marami siyang katanungan tungkol sa pagkatao ni Dimitri, tanong na bakit ayaw nitong ipakita ang mukha sa ibang tao, bakit din ayaw nitong matulog kasama niya?

Meron pa siyang napansing kakaiba sa mukha ni Dimitri. Hindi nagbabago ang ekspresyon nito katulad ng ibang taong nakita niya na ngumingiti, nagagalit, tumatawa, natutuwa, at kung ano pa. Gusto niyang gumuhit ng taong nakangiti at masaya. At bigla siyang may naisip na ideya. Napahagikgik siya.

KINABUKASAN ay ginising si Kira ng sinag ng araw na lumusot mula sa bilog na salaming bintana at tumama sa kaniyang mukha. Dahan-dahan siyang kumilos ngunit noon lamang niya naramdaman ang masidhing kirot sa pagitan ng kaniyang mga hita. Masakit din ang mga kalamnan niya.

Napalingon siya sa pintuan nang bumukas ang pinto. Pumasok si Dimitri, nakasuot ng itim na kamesita at itim ding pajama. Siyempre, may maskara pa rin ito.

“Breakfast is ready. Get up,” sabi nito, wari nag-uutos ng kawaksi.

Napansin niya na nag-iiba ang boses ni Dimitri sa tuwing may itong suot na maskara na mata lamang ang nakikita. Iba naman ang suot nitong maskara, nakalabas ang bibig. Nagiging mas malinaw ang boses nito, hindi kagaya ng buong mukha ang natatakpan ng maskara, wari nasa loob ito ng isang kulob na lugar ang tunog ng boses.

“Sige, susunod na ako,” sabi niya.

Muli ring lumbas si Dimitri.

Nagsuot siya ng pulang pajama na maluwag sa kaniyang katawan. Mas gusto niya iyong isuot kaysa bagong biling mga damit. Pumasok pa siya ng banyo at nagmumog, naghilamos.

Paglabas niya ng kuwarto ay namangha siya sa magandang tanawin. Sa ‘di kalayuan ay natatanaw ang berdeng bundok na maliliit, siguro dahil malayo. Una niya itong pinansin bago ang mga pagkain sa round table. Naghihintay na roon si Dimitri, prenteng nakaupo.

Saka lang niya ulit pinansin na maraming klaseng maskara pala itong si Dimitri. Iyong madalas niyang makita na suot nito ay mata lang ang nasisilip. Itong suot nito at kahapon ay nakikita rin ang bibig at baba. Kumakain ito na may maskara. Umiral na naman ang curiosity niya kaya hindi siya mapakali.

“Let’s eat!” paanyaya nito.

Lumapit siya rito at umupo sa katapat nitong silya. Sinilip pa niya ang mga mata nito na nakatitig pala sa kaniya. Tipid siyang ngumiti rito at umupo nang tuwid.

“Ilan ba ang maskara mo?” tanong niya rito.

“They are hundreds,” tugon nito.

Matagal bago niya nauunawaan ang sinasabi ni Dimitri sa tuwing gumagamit ito ng banyagang salita. Kahit papano ay marami na rin siyang natutunan dahil sa walang tigil na pag-aaral online at meron siyang tutor.

“Ah, kaya pala. Pero bakit puro itim na tigre ang maskara mo? Wala bang aso, pusa, o kaya’y lion?” Ngumisi siya.

“Would you please eat first? Ang dami mong tanong!” anito, bakas ang inis sa tinig.

Ngumuso siya. “Damot mo!” may hinampong usal niya. Kumain na lamang siya.

Hindi siya nagsalita hanggang sa matapos siyang kumain. Tatayo na sana siya ngunit pinigil siya ni Dimitri.

“Stay here,” sabi nito.

“Eh, tapos na akong kumain. Gusto kong pumunta sa taas.”

“Magpahinga ka muna.”

Humalukipkip siya at tumitig nang mahayap kay Dimitri. “Bakit sa bahay umaalis kaagad ako pagkatapos kumain? Hindi naman nagagalit si Manang Sonia, ah,” maktol niya.

“Kailangan mong masanay sa akin, Kira. Hindi magtatagal ay titira ka sa bahay ko, tayong dalawa lang. No one will stay with us in my house.”

Napamulagat siya. “Ang ibig mo bang sabihin ay aalis na ako sa mansiyon?” eksaheradong usal niya. Hindi matanggap ng sistema niya ang sinabi ni Dimitri.

“Yes, but Manang Sonia will visit you if you need some help to assist you. You also need to learn things that married women usually do.”

“Hindi ko maintindihan.”

“Matuto kang magluto para sa sarili mo. At hindi mo naman kailangang pagsilbihan ako o ibigay lahat ng gusto ko. Gusto ko maging independent ka, hindi umaasa sa katulong upang mag-mature ka.”

“Hindi ko na ba makakasama si Manang Sonia?” mangiyak-ngiyak niyang wika.

“Makakasama mo pa rin siya pero hindi madalas. Pupunta siya sa bahay upang ipaglaba tayo at maglinis, pero hindi siya maaring matulog doon.”

“Bakit naman gano’n? Ang sama mo!” may hinampong sabi niya.

“You’re not a kid anymore, Kira. Mag-aaral ka na rin ng college sa pasukan. You need to adapt to the new environment and have new friends.”

Nang marinig ang ‘college’ ay nabuhayan siya ng loob. Bigla siyang sumigla. “Mag-aaral na ako sa school? Iyong may classmate na ako?” namimilog ang mga matang untag niya.

“Yes, but you have to adjust first.”

“Paanong mag-adjust?”

“Matuto kang makisalamuha nang maayos sa ibang tao. Don’t be childish.”

“Ewan ko sa ‘yo. Ginugulo mo isip ko, eh!”

“Makinig kang mabuti sa tutor mo at huwag kang makulit.”

“Bakit kasi wala na si Teacher Roy? Mas gusto ko siya kaysa kay Teacher Ally. Pangit niyang ka-bonding, nandidilat ng mga mata. ‘Tapos kinukurot niya ako sa hita. Gusto ko lalaki na teacher katulad ni Teacher Roy! Ibalik mo siya, please…” May pa-cross finger pa siya.

Nang mapansing tahimik na si Dimitri ay sinilip niya ang mga mata nito na nakapikit. Mamaya ay biglang lumapat ang mga palad nito sa ulo at yumuko.

“Hoy! Napa’no ka na riyan?” Dinutdot niya ng hintuturo ang ulo ni Dimitri.

“Ugh!” mahinang da*ng nito.

Akmang aalisin niya ang maskara nito ngunit hinuli nito ang kaniyang kamay at mariing pinisil. Ramdam niya ang pangangatal ng kamay nito. Inalipin na siya ng kaba dahil sa napapansing kakaiba kay Dimitri.

“Dimitri? Hoy!” natatarantang sambit niya.

Ayaw nitong bitawan ang kamay niya, lalong humigpit ang kapit at nanginig nang sobra. Wala siyang makitang tao na malapit sa kaniya pero nasa itaas ng yate merong dalawang lalaki.

“Tulong!” sigaw niya. Tumayo na siya at bumaling sa tabi ni Dimitri.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Princess Tobias
anyare?lagot ka na kira haha
goodnovel comment avatar
Ry Sprakenheim
update pa Po miss ...️
goodnovel comment avatar
Rona Rosel
Lagot ka kira hahaa
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status