HINIGPITAN pa ni Kira ang kapit sa paa ni Dimitri hanggang sa mahila siya nito palabas ng kama. Nang marinig kasi niya ang boses ni Dimitri ay nataranta siya at nagtago sa ilalim ng kama.
“What are you doing there, Kira? Are you crazy?” galit nang asik sa kaniya ni Dimitri.
Umupo naman siya sa sahig at tumingala kay Dimitri. Nagulo na ang buhok niya. “Naglalaro kasi ako ng tagu-taguan,” nakangising tugon niya.
“It’s not funny. Get up! Ayusin mo ang sarili mo,” sabi nito saka siya tinalikuran.
Tumayo siya at inayos ang kaniyang buhok. “Bakit bumalik ka? Kukunin mo na ba ako?” nakasimangot na tanong niya.
Hinarap siya nitong muli. “No. May titingnan lang ako sa drawing mo.”
Walang kurap siyang tumitig kay Dimitri. Dati naman ay wala itong pakialam sa drawing niya.
“Ano ang titingnan mo?”
“Where’s you drawing book? May pinakita ka sa akin noon na mukha ng lalaki.”
“Ah, sandali.” Kinuha naman niya ang kaniyang drawing book sa drawer ng lamesa.
Hindi na niya maalala kung aling drawing ang tinutukoy ni Dimitri. Lahat naman ng gawa niya ang pinakita niya rito pero hindi nito pinansin.
“Ito, oh!” Inabot niya rito ang drawing book.
Kinuha naman nito iyon at isa-isang binuklat ang pahina. Tumayo siya sa gawing kaliwa nito at tumingin din sa drawing book. Nasa likod ng libro ang iginuhit niyang imahe ni Dimitri na merong maskara. Hindi pa niya nasisimulan ang plano niya na iguhit ang mukha nito na walang maskara at nakangiti.
May hawak na nakatuping larawan si Dimitri at binuklat nito, itinabi sa drawing niya. Nagulat siya nang mapansing magkamukha ang drawing niya at larawang hawak ni Dimitri.
“Hala! Pareho sila?” manghang bulalas niya.
“Saan mo nakopya ang drawing mo na ito, Kira,” tanong ni Dimitri.
“Uhm…. ‘di ba sabi ko, ‘yan ang lalaki na palaging nasa panaginip ko.”
“Anong panaginip?”
“Iyong lalaki na nakatingin sa akin palagi. Tapos may isa pa akong panaginip na merong babae at lalaki na binabaril, nakita ko rin ‘yang mukha ng lalaki na nakatayo sa likod ng mga lalaking bumabaril,” kuwento niya.
“It’s odd. Your mind could still recall the scene from the past through your dream,” usal nito.
Hindi niya ito lubos na maintinhan.
“Ano ‘yon? Hindi ko maintindihan ang sinabi mo.”
“Don’t mind me.” Ibinalik nito sa kaniya ang drawing book. “Babalik ako bukas to check your daily activities. Prepare for your tutorial,” sabi nito saka lumisan.
Tinanaw lamang niya ang palabas na bulto ni Dimitri. Tiningnan niya ulit ang drawing niya na kamukha ng nasa picture na dala ni Dimitri. Naguguluhan siya bakit nagkaganoon.
Kauupo lang niya sa gilid ng kama ay may kumatok sa pinto. Bumukas din ito at pumasok si Manang Sonia.
“Ano’ng ginagawa rito ni Don?” kaagad ay tanong nito. Tinabihan siya nito.
“Wala naman po. Tiningnan lang niya ang drawing ko. Ito, oh.” Pinakita niya sa ginang ang drawing.
“Bakit? Anong meron diyan?”
“Kasi po kamukha siya ng picture na dala ni Dimitri.”
“Talaga? Eh, saan mo ba kinopya iyang drawing mo?”
“Uhm….. sa panaginip ko po.”
“Nako! Mukhang iyong panaginip mo ay totoong nangyari at nakita mo talaga ang taong ito.”
“Nakita ko? Saan po?”
“Basta, siguro noong bata ka pa.”
“Eh, bakit nga po hindi ko maalala noong bata pa ako? Sino ang mga magulang ko po?”
Bigla na lamang nanilim ang anyo ng ginang, hindi na nakapagsalita. Napapansin niya na sa tuwing tinatanong niya ito kung saan ang mga magulang niya, palagi itong nalulungkot at hindi siya sinasagot. Dinutdot niya ng hintuturo ang pingi ng ginang.
“Manang Sonia, bakit ka malungkot?” nakasimangot niyang tanong.
Ngumiti na ito pero iba sa ngiting madalas niyang nakikita, iyong masaya. “Wala ito. Ang mabuti pa, magpalit ka ng damit na matino. Kakausapin ka na ni Dr. Jean pagkatapos ng tanghalian,” sabi nito. Tumayo na ito.
“Nasaan po ba si Dr. Jean?”
“Umalis siya sandali pero babalik din after lunch.”
“Sige po. Magliligpit lang ako ng gamit ko.”
“Very good! Matuto kang magligpit ng sarili mong kalat. Bukas ay tuturuan na kita ng gawaing bahay.”
Tumango siya.
Nang makaalis ang ginang ay inayos niya una ang magulong kama. Sumayaw kasi siya roon kasabay ng tugtog.
PAGKATAPOS ng tanghalian ay dumating si Dr. Jean. Iba na ang damit nito, puting blouse na maraming botones sa harap, at itim na pantalong maluwag. Malayo pa lang ito kay Kira ay nakangiti na. Samantalang nakaupo lamang siya sa couch sa may lobby at hinintay na bumaba ang kinain niya. Iyon ang turo sa kaniya ni Dimitri, huwag munang galaw nang galaw pagkatapos kumain.
“Hi, Kira! Are you ready?” bungad sa kaniya ni Dr. Jean.
“Uh…. busog pa ako, eh,” tugon niya.
“That’s okay. Mag-uusap lang naman tayo.”
“Saan po tayo mag-uusap?”
“Hm, saan mo ba gusto?”
“Sa garden?”
“Okay. Let’s go then.”
Maingat naman siyang tumayo pero pino ang hakbang sa takot na maligaw ang pagkain niya sa ibang organ.
“Bakit ganiyan ka maglakad?” tanong ni Dr. Jean.
“Sabi kasi ni Kulasa, dapat mabagal ang lakad para hindi mapunta sa ibang organ ang kinain ko. Baka raw puputok ang tiyan ko.”
Natawa ang babae. “Hindi naman ganoon. Tinatakot ka lang nila para huwag kang malikot kapag busog. Pero totoong may masamang epekto ang pagkikilos nang sobra sa tuwing busog. Pero hindi naman kailangang gumalaw ka na parang robot. Just walk normally.”
“Sinungaling pala si Kulasa! Mamaya siya, kakagatin ko siya sa leeg!”
Natawa na naman si Dr. Jean. “You’re cute,” anito.
“Talaga po?” Namilog ang kaniyang mga mata sa tuwa. “Pero sabi ni Mang Efren malaki ang mga mata ko at pangit.”
“Huwag kang maniwala sa sinasabi nila. Maganda ka, Kira.”
“Sabi mo ‘yan, ah? Itatanong ko kay Dimitri kung maganda ba ako.” Bigla siyang na-excite.
“Oo naman.”
Pagdating sa hardin ay pinili niya ang mas magandang puting lamesa na yare sa bato. Nasa lilim ito ng puno ng sampalog na wala nang bunga. Doon sila pumuwesto ni Dr. Jean.
Katulad rin ito ni Dr. Nate na pinagkukuwento siya tungkol sa mga karanasan niya, iyong naaalala niya.
“Aalala ko lang po noong nagising ako sa isang kuwarto, ‘tapos una kong nakita si Dimitri. Hindi ko siya kilala noon. Sabi niya siya raw ang guardian ko, magpapalaki sa akin. Magulo po, eh. Akala ko tatay ko siya. Sabi niya akong mga magulang kaya kinuha niya ako,” kuwento niya.
“Kumusta naman ang pamumuhay mo rito?”
“Uh…. masaya naman po. Mababait po ang mga kasama ko lalo na si Manang Sonia. Sobrang maalaga po niya sa akin.”
“So, si Manang Sonia ang kasama mo simula noong nagising ka sa isang kuwarto?”
“Opo, kasi dinala ako rito ni Dimitri, narito na si Manang Sonia. Siya raw po ang yaya ko na mag-aalaga sa akin.”
“Paano ka inalagaan ni Manang Sonia? I mean, minsan ba ang nasasaktan ka niya, napapagalitan?”
Napaisip pa siya. Bilang lang sa daliri na nasaktan siya ni Manang Sonia, iyon ay dahil nagkasala siya.
“Sinaktan po niya ko noong bata ako kasi makulit ako. Pero sabi niya hindi niya sinasadya,” aniya.
“Paano ka nasaktan? Pinalo ka ba?”
“Pinalo po niya ako ng walis sa puwit. Tapos kinurot niya ako sa hita. Nagagalit siya, pero tumigil na siya noong nagkasakit ako.”
“Nakaramdam ka ba ng takot kay Manang Sonia?”
“Hindi po.”
“Bakit hindi ka natatakot?”
“Kasi alam ko mabait siya. Sabi niya parang anak na niya ako. Natatakot siyang saktan ako kasi hindi ako kakain.”
May tiningnan ang doktor sa cellphone nito. “Ano’ng ginagawa mo sa tuwing napapagalitan ka ni Manang Sonia?” mamaya ay tanong nito.
“Kuwan, hindi nga po ako kumakain, ‘tapos hindi ako lumalabas ng kuwarto.”
“Nagalit ka na ba minsan kay Manang Sonia o sa ibang tao?”
“Opo, noong namatay ang pusa ko kasi nakakin ng buto ng manok.”
“Ano pa ang mga ginawa mo noong namatay ang pusa mo?”
“Ano po, sabi ni Manang Sonia ginupit ko ang buhok ko at nasugat ako sa kamay.”
“Hindi mo ba naalala ang ginawa mo na ‘yon?”
Umiling siya.
Tumingin na naman sa cellphone nito ang doktor. Napansin niya na mabait naman ito katulad ni Dr. Nate.
“Sinabi sa akin ni Dimitri na mag-aaral ka na sa pasukan, so nag-aalala siya na baka hindi mo kayang makisalamuha nang maayos sa ibang tao. And I noticed something from you that needed to fix first. Siguro naman ay aware ka sa posibleng pagbabago sa buhay mo. Kailangan mong masanay na walang ibang tao na gagalaw para sa ‘yo.”
Inintindi niya ang sinabi ng doktor, hindi lahat ay naunawaan niya. Basta ang alam niya ay malalayo na siya sa mga kawaksi, lalo na kay Manang Sonia.
“Ayaw ko pong malayo sa akin si Manang Sonia,” sabi niya.
“Hindi naman siya lalayo, pero siyempre, kailangan mong masanay na hindi umaasa sa kaniya. Sa paraang iyon ay mas mabilis mong ma-adapt ang bagong environment at masanay magdesisyon para sa sarili mo. Mabagal kasi ang development ng utak mo kung limitado lamang ang environment mo. You have to explore and discover more things. This kind of environment was the reason why you’re still naive.”
“Kasi ayaw akong payagan ni Dimitri na mag-aral sa school at pumunta sa ibang lugar. Sabi niya kasi may huhuli sa akin at papatayin ako.”
“Oh, I see. Dimitri didn’t tell me that. Pero huwag kang mag-alala, once nakapagsimula ka na mag-aral sa normal school, marami kang matutuklasang mga bagay-bagay na hindi mo na-encounter noon. You will have new friends.”
Ginupo siya ng pananabik nang marinig na magkaroon siya ng friends. “Excited na apo akong mag-aral!”
“Good. Pero bago ‘yon, kailangan mo munang masanay na walang nag-aalaga sa ‘yo.”
Napalis ang kaniyang ngiti. “Dapat na rin po ba akong matutong magluto, maglaba, at saka maglinis?”
“Hindi naman kailangang tutukan mo ang mga bagay na ‘yon, at least marunong ka. Kakausapin ko si Manang Sonia para ma-guide ko siya kung paano ang tamang pagturo sa ‘yo ng bagong kaalaman.”
“Okay po.”
“Babalik ako bukas ng hapon para naman sa iba pa nating pag-uusapan.”
“Wow! Magiging katulad ka rin ni Dr. Nate? Magdadala ka rin ba ng chocolate?”
Napangiti ang doktor. “Uh, sige, dadalhan kita ng chocolate. Ano ba ang gusto mong chocolate?”
“Iyong meron pong parang mani pero hindi siya mani!”
“Ah, almond. Sige, dadalhan kita.”
Lumapad ang kaniyang ngiti at nagningning ang mga mata. Mas gusto na niya si Dr. Jean kaysa kay Teacher Ally. Nang umalis ang doktor ay tumakbo siya papasok ng bahay.
Kinabukasan ay inagahan ni Kira ang gising dahil marami umano silang gagawin ni Manang Sonia. Naligo na siya at excited mag-almusal, kaso pagdating sa kusina ay walang pagkain.
“Hindi po nagluto si Ate Kulasa?” untag niya kay Manang Sonia.
“Walang magluluto para sa ‘yo, Kira. Kaya simula ngayong araw, ikaw ang magluluto ng pagkain mo,” sabi nito.
Ginupo na siya ng kaba. Ni hindi siya marunong gumamit ng kalan na di-kuryente kahit iyong may gas.
“Hindi po ako matunong, Manang.”
“Kaya nga tuturuan kita.”
“Paano?”
Nakaupo lang sa harap ng lamesa ang ginang at naghihimay ng dahon ng malunggay.
“Ano ba ang gusto mong kainin?” tanong nito.
“Itlog po at hhotdog.”
“Kuha ka ng hotdog sa ref at ibabad sa tubig.”
Sumunod naman siya. May isang pakete ng hotdog na merong bawas. Ito ang kinuha niya at ibinabad sa bowl na merong tubig ang anim na hotdog.
“Ano po ang susunod?” tanong niya sa ginang.
“Hintayin mo munang lumambot ang hotdog. Magsalang ka ng kawali sa kalan.”
“Eh, hindi po ako marunog magbukas ng kalan. Baka masunog po katulad noon.”
Minsan na siyang naturuan ni Manang Sonia magluto pero dahil nakasunog siya ng kawali noon na may mantika, hindi na nito inulit. Nilapitan naman siya nito at tinuruan kung paano buksan ang kalan na di-gas. Nang lumabas naa ng apoy ay nagsalang siya ng maliit na kawali.
“Liitan mo lang ang apoy. At kapag mainit na ang kawali, lagyan mo ng mantika. Biyakin mo ang itlog at ihulog sa kawali,” turo nito.
“Okay.”
Iniwan siya ni Manang Sonia nang tawagin ito ni Kulasa.
Problemado na si Kira dahil ayaw lumiit ng apoy sa kalan. Pinihit niya ito pero lalong lumakas. Hinayaan na niya. Umusok ang kawali kaya nilagyan niya ng mantika, naparami. Nang galawain niya ang kawali ay tumagilid, inakyat ng apoy sa ibabaw at biglang lumiyab.
“Hala! Manang!” Napatili siya at hindi malaman ang gagawin. Kumuha siya ng tubig at tinapunan ang umaapoy na kawali ngunit lalong lumakas ang apoy.
“Ahhh! Sunog!” Muliy sigaw niya.
“Hoy! Ginoo ko!” sigaw ni Kulasa.
Nagtakbuhan na ang mga tao sa kusina pero si Kira ay tulalang nakatayo sa gilid ng lababo. Lumakas pa ang apoy at halos maabot na siya pero hindi siya makakilos. Mayroong pamilyar na senaryong gumugulo sa kaniyang isipan.
“Kira!” sigaw ng lalaki.
Napatingin siya rito nang bigla siyang hapitin sa baywang at ilayo sa apoy.
Psensiya na. Nagkamali ako ng upload na chapter pero napalitan ko na at waiting na lang sa approval ng reviewer. Basahin n'yo na lang ulit. Salamat!
NAKALABAS na ng kusina si Kira nang mahimasmasan siya. Saka lamang niya napansin na si Dimitri pala ang humila sa kaniya. Nakatayo na ito sa harapan niya. “You’re such a disaster, Kira! Kamuntik mo pang masunog itong bahay!” nanggagalaiting sabi nito sa kaniya. Kahit hindi niya nakikita ang mukha nito dahil sa maskara ay nai-imagine niya ang galit nitong mga mata. Tumaas din ang tinig nito kaya wari siyang ginapos at hindi makakilos. Nakatitig lamang siya rito. Dahil wala siyang kibo, iniwan siya nito at pinagalitan ang mga kawaksi. Lumuklok siya sa sofa at nakikinig sa mga sinasabi ni Dimitri kay Manang Sonia. “Sino ba ang dapat kong sisihin bakit limitado lang ang alam ni Kira? Ipinagkatiwala ko siya sa inyo hindi para lang alagaan kundi turuang kumilos nang maayos. I didn’t expect this to happen. Akala ko okay na kaya pinakasalan ko siya. Bakit walang nagsabi sa akin ng mga problema, ha?” nakataas ng boses na sermon ni Dimitri sa mga kawaksi. “Gusto ko namang magkuwento sa inyo
NAPAWI ang lungkot ni Kira paggising niya. Napasarap ang tulog niya sa biyahe at namulat na naroon na siya sa bahay ni Dimitri. Hindi niya namalayan na binuhat siya nito at dinala sa isang napakalaking kuwarto at magara. Nagising lamang siya na nakahiga sa kama. Mas malaki ang kama niya roon, mataas. Excited siyang bumangon at sumilip sa bintanang malaki at makapal na salamin. Mula roon ay natatanaw ang hardin na merong malaking swimming pool. Mayroon din niyon sa mansiyon pero maliit at walang tubig dahil sira. Kaya naman ay hindi siya natutong lumangoy. Napatakbo siya palabas ng kuwarto ngunit hindi niya alam kung saan siya bababa. Napalingon siya sa gawing kaliwa kung saan niya narinig ang pagsara ng pinto. Lumabas mula roon si Dimitri, walang suot na maskara at tanging itim na pantalon ang suot. “Where are you going?” tanong nito. “Uh…. gusto kong pumunta sa swimming pool,” tugon niya. “Later. Ayusin mo muna ang gamit mo.” “Huh? Saang gamit?” “Nasa baba. Kukunin ko.” Naglak
ANG daming magagandang damit at gustong bilhin lahat ni Kira. May anim na pares siya ng damit pantulog, tatlong dress, anim na pants, at bagong underwear. May dalawang pares ng sandals din siyang napili. Nang magbayad na sila, hiningan siya ni Manang Sonia ng sampung libo. Nagbilang siya ng sampung pera at ibinigay rito. Pagdating naman sa grocery store ay nalibang din siya sa pamimili ng mga pagkain. Si Manang Sonia ang namili ng pinabibili ni Dimitri dahil hindi niya alam ang iba. Halos lahat ng klase ng prutas ay kumuha siya, mga gulay. Dalawang malaking lalagyang may gulong ang napuno nila. Tinawag itong cart ni Manang Sonia. Nang bayaran na ay hiningan siya nito ng twenty na pera. “Eh, sampu na lang po ang nandito,” sabi niya. “Nako! Patay tayo nito. Kulang ang pera mo!” sabi nito. “Sabi ni Dimitri kung kulang ang pera ko ay hihingi ako sa ‘yo.” “Kulang pa rin, ineng. Kung ang pinamili mo lang ang babayaran natin, wala na akong pambayad sa pinamili ko. Paano naman ang kakain
DIMITRI can’t focus his mind on cooking. He discovered shocking facts about Kira. Marami pa talaga siyang dapat tuklasin sa kaniyang asawa. And it makes sense now why Dr. Nate suddenly dropped his part-time job to help Kira from recovering. Magkaedad lang sila ni Dr. Nate, at classmate niya ito noong elementary pero may asawa na ito. Hindi niya inaasahan ang sanabi ni Kira tungkol kay Nate. At hindi na rin siya magtataka dahil nahuli rin ng isang bodyguard ni Kira noon si Roy na hinihipuan sa hita ang babae habang tinuturuan nitong magsulat. Doon siya lalong nagalit at nagsimulang pinaimbestigahan si Roy. He realized that it was not just him who noticed Kira’s seductive sex appeal. Despite Kira’s innocent mind, she was unaware that her beauty was a temptation for men. Aminado rin siya na si Kira ang kaun-unahang nagsampal sa kaniya ng katotohanan na puwede pala siyang maging uhaw sa pagnan*sa. Isa rin sa dahilan bakit ayaw niyang makita madalas si Kira, lalo na noong nagdalaga ito,
MAG-ISA na lang sa kama si Kira nang magising siya kinabukasan. Umaga na at tumagos ang sikat ng araw sa salaming bintana. May kurtina naman pero may nakalusot pa ring liwanag. Tumayo siya at nag-unat ng kasukasuan. Hinawi niya ang kurtina at sumilip sa labas. Nakita na naman niya ang swimming pool. Mabilisan siyang nagbanyo, naghilamos, naglinis ng katawan. Pagkatapos ay tamakbo siya palabas ng kuwarto. Dumaan siya sa kuwarto ni Dimitri kaso naka-lock ang pinto. Humugot siya ng lakas ng loob upang makababa ng hagdan. Inalis pa niya ang sapin sa mga paa bago humakbang sa bawat baitang ng hagdan. Napatili siya sa tuwa nang ligtas siyang makababa sa sala. Dumiretso na siya sa kusina upang magluto. Di-pindot lahat ng gamit pero ang kalan lang ang tinutukan niyang inaral. Naturuan na siya ni Dimitri kung paano ito gamitin. Mas mainam ito dahil walang lumalabas na apoy at umiinit lang ang malapad na bakal sa itaas. Ipapatong lang dito ang kawali at puwede na magluto. Nagprito siya ng ap
HINDI mapakali si Kira habang nililibot nila ni Janice ang malawak na pasilidad kung saan ginagawa ang mga gadgets. Ang dami palang tao roon, mga nakasuot ng puting damit mula ulo hanggang paa, may salamin sa mga mata na malalaki, may nakabalot din sa ulo na puting tela. Nanood siya kung paano binubuo ang cellphone kaso hindi siya puwedeng lumapit sa gumagawa. Hindi rin maaring kausapin ang mga ito. Pumasok naman sila sa isang malaki ring pasilidad kung saan makikita ang mga natapos ng gadget. “Wow! Ang daming cellphone!” napalakas niyang sabi. Napatingin sa kaniya ang mga abalang empleyado. Tinawag naman ni Janice ang atensiyon ng mga empleyado na karamihan ay katulad ng damit ni Janice ang suot. “For your awareness, guys. Please meet Kira Guicini. Asawa siya ni Don Dimitri, kaya once nakita niyo siya rito, asikasuhin ninyo at igalang,” sabi ni Janice sa mga tao. Nawindang si Kira nang luminya sa harapan niya ang mga tao at panabay na bumati. Nagtataka siya bakit hindi iyon gina
NAPASARAP ang tulog ni Kira. Nang magising siya’y madilim na. Bumalikwas siya ngunit natigilan nang biglang bumukas ang ilaw. Napako ang kaniyang paningin kay Dimitri na kapapasok.“Bangon na, uuwi na tayo,” sabi nito.Bumangon naman siya at kinuha ang kaniyang bag. Kung kailan lulan na sila ng kotse ay saka niya ininda ang paghihimutok ng kaniyang pantog. Hindi na siya mapakali sa kaniyang upuan katabi ni Dimitri.“What’s wrong?” tanong nito.“Kasi naiihi na ako!” balisang tugon niya.Napahilot sa sintido nito si Dimitri. “Bakit hindi ka muna umihi kanina bago umalis?”“Eh, nagmamadali ka.”“We’re trapped in the middle of the traffic. Wala kang maiihian dito.”“Baka puwedeng bababa muna ako.”“Kira, nasa gitna tayo ng highway at walang malapit na banyo. Hindi tayo puwedeng ma-stuck dito.”“Ihing-ihi na ako, eh! Sige, dito na lang!” Uupo na sana siya sa sahig pero pinigil siya ni Dimitri.Tumawag ito sa isang bodyguard at inutusan ang driver na maghanap ng palikuran. Umalis sila sa ka
“WHAT?” matigas ang tinig na untag ni Dimitri.Hindi nakahuma si Kira nang lapitan siya ni Dimitri at kinuha nito ang tablet. Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi dahil sa hiya.“Nanonood ka nito?” anito.“Ano, minsan lang naman.” Matabang siyang ngumiti.Awtomatikong umalab ang kaniyang mukha nang ibaba ni Dimitri ang tingin sa ibabang katawan niya. Tiniklop na niya ang kaniyang mga hita pero makikita pa rin nito ang kaniya dahil hubad.“Come here,” tawag nito. Lumuklok ito sa gawing paanan ng kama.Umisod naman siya palapit dito pero hindi niya ibinaba ang kaniyang mga paa. Sumadsad ang balikat niya sa braso ni Dimitri kaya lalong nagatungan ang init sa kaniyang katawan. Tanging itim na brief lang ang suot nito at tila nararahuyo siya sa presensiya nito.Kumislot siya ang hawakan ni Dimitri ang kaliwang hita niya at bahagyang inilayo sa isa. Tinitigan din nito ang tirik niyang dibdib na naninigas pa rin ang tuktok.“Nag-arouse ka na kapapanood ng scandal. Silly girl,” anas nito.