DIMITRI punched the table in front of him as he heard the bad news from Owen.
“Where’s Kira?” he asked Owen. His teeth were gritted in anger.
“There are guys who kidnapped her, boss,” Owen replied from the other line.
He just arrived at his office exactly when Owen called. Pero sa halip na magalit sa assistant, kinuha niya ang kaniyang laptop at binuksan.
“Listen to me carefully, Owen. Patigilin mo ang mga bodyguard sa paghahanap kay Kira. Tell them not to panic. I had an idea who was responsible for Kira’s abduction,” he said.
“Copy, boss. Pero ano po ang gagawin namin? Hindi puwedeng magtagal si Ma’am Kira sa kamay ng mga kidnapper. Baka magising ang trauma niya.”
“I will activate the tracking device on Kira’s necklace. Once I get the location, puntahan n’yo. Pero huwag muna kayong susugod sa mga kidnapper. Alamin n’yo ang sitwasyon, sabihin sa akin ang hitsura nila. Then, I’ll go there. Is it clear?”
“Clear, boss.”
“Hold your line. I’m working on the tracking device.” Binuksan na niya ang security monitoring system sa kaniyang laptop at hinanap ang deactivated tracking device na nakakonekta sa kuwintas ni Kira.
Ibinigay niya ang kuwintas na iyon kay Kira as a gift noong eighteenth birthday nito, but it was also an emergency device. As he activated the tracking device, he sent the details of the abductor’s location to Owen.
“I got it, boss. I will update you once we reach the target’s area,” ani Owen.
“Bilisan n’yo!” gigil niyang utos.
“Yes, boss.”
Pinutol na niya ang linya. Halos madurog sa kamay niya ang cellphone na hawak. Walong taon na ang nakalipas magmula noong kinuha niya si Kira sa bahay ng parents nito. Kira’s father was his former bodyguard, and he saved his life many times since he was young. And when his parents died in a car ambush, Rolly, Kira’s father, took revenge for him.
Walong taon siya noong namatay ang mga magulang niya. Natatangi siyang anak, tagapagmana ng mga negosyo ng parents niya, even those illegal businesses of his late mafia boss father. Hindi niya maiwan ang mafia world dahil hindi pa niya nahuhuli ang mastermind sa pagpatay sa parents niya. At naniniwala siya na ito rin ang nagpapatay sa mga magulang ni Kira.
The mastermind killer had his picture as a reference since he was eight, and the killer monitored his business, kept spying on him, and wanted to know his appearance as an adult, but he was wiser than him. Ilang beses nilang nahuli ang pinadala nitong spy, pero hindi rin alam ng mga spy kung sino talaga ang big boss. Lahat ng itinurong tao ng mga ito ay napatay na niya. Wala pa rin siyang nakuhang kasagutan.
Simula otso anyos siya ay nagsusuot na siya ng maskara sa tuwing lalabas o haharap sa ibang tao. Sa bahay lang naman siya nag-aral for his safety. And no one sees his adult face, not even Owen or the Cosa El Gamma members.
He is already thirty years old. His age was perfect for the exclusive membership qualification for the famous mafia alliance in Northern Italy. Sa Cosa El Gamma, ang grupo ng mga mafia leader na tumatanggap ng miyembro mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Qualified kahit sino basta may dugong Sicilian or Italian. And his father was a Sicilian mafia boss.
Binago niya lahat ng pangalan ng business ng parents niya upang maitago mula sa taong nagpapatay sa mga ito. And to protect himself. Batid kasi niya na hindi basta-basta ang mafia lord na iyon. Ni isa sa miyembro ng CEG ay hindi kilala ang taong iyon.
Bago kumagat ang dilim ay may nakuha na siyang update mula kay Owen. Nagpadala na ito ng picture ng apat na kidnapper. Inihanda na niya ang kaniyang sarili sa pag-alis at nang mabigyan ng parusa ang mga kidnapper. Hindi alam ng mga ito kung kaninong asawa ang tinangay ng mga ito.
WALANG pakialam si Kira kahit sa harapan ng mga kidnapper ay umihi siya sa kaniyang panty. Tumagas sa sahig ang likido mula sa kaniya. May nakakabit na tila paputok sa kaniyang baywang, marami. At sabi ng lalaking mukhang dinaanan ng gulong ang mukha, maari raw sasabog ang nasa baywang niya kung maglilikot siya.
“Hoy! Bakit ka umihi riyan, ha?” tanong ng lalaki. May nakaipit na sigarilyo sa bibig nito. May sukbit itong mahabang baril sa kanang braso.
Wala nang nakadikit sa bibig niya kaya malaya siyang makapagsalita. “Saan pala ako iihi? Sabi mo kung gagalaw ako ay sasabog itong nasa baywang ko,” reklamo niya.
“Aba’t masagot ka, ah! Pasalamat ka mahalaga ka sa boss namin. Kung hindi ay pinagpiyestahan ka na naming apat dito!” anito saka tumawa na wari sinapian ng demonyo.
Inirapan niya ito. “Pangit mo!” singhal niya rito.
“Ano’ng sabi mo?” Akmang susuntukin siya nito pero pinigil ito ng kasamang pandak na malaki ang tiyan. Konti na lang ay kasing laki na nito ang baril na sukbit sa leeg.
“P’re, kalma ka lang. Saka ka na bumawi once nakuha na natin ang pera,” anang pandak.
Umatras naman ang pikon na lalaki. “Ang tagal naman kasi dumating ni Boss Serkan! Kating-kati na ang palad ko makahawak ng isang milyon!” maktol nito.
Tumatak sa isip ni Kira ang pangalang binanggit ng lalaki. Iyon siguro ang nagpa-kidnap sa kaniya. Ibig sabihin, hindi darating si Don Dimitri upang iligtas siya? Nagsimula na siyang kabahan.
Umiinit na ang pang-upo niya sa ilang oras na nakaupo sa silyang bakal. Nakagapos ang mga kamay niya sa likod, maging ang mga paa niya kaya hindi siya makagalaw. Iiyak na sana siya nang biglang may bumusinang sasakyan sa labas.
“Si Boss na ‘yan!” usal ng pandak na lalaki.
Sumugod ang mga ito sa pintuan ngunit mamaya rin ay napaatras. Nanlaki ang mga mata ni Kira nang makita si Don Dimitri na pumasok, suot pa rin ang maskara. Sa dalawang kamay nito ay hila-hila ang dalawang lalaki na nakalawit ang mga ulo, duguan.
“S-Sino ka?” tulalang tanong ng pandak na lalaki kay Don Dimitri.
Hindi kumibo si Don Dimitri, basta na lang ibinagsak sa sahig ang mga lalaking wala nang buhay. Babarilin sana ng isang lalaki si Don Dimitri ngunit naunahan nito. Binaril nito sa ulo ang lalaking matangkad, at isinunod ang pandak.
Napapikit na si Kira kaya hindi na niya alam ang sumunod na pangyayari. Tanging sigaw ng mga lalaki ang kaniyang narinig. May lumapit sa kaniya at kinalagan siya. Nagpumiglas siya.
“It’s me, Kira, si Owen. Kalma ka lang,” sabi ng lalaking nag-aalis ng tali sa mga kamay niya.
Hindi na siya makakibo dahil nai-imagine niya ang nakita. Nangangatal ang kaniyang mga tuhod. May bumuhat sa kaniya, naglakad. Dahil sa nerbiyos ay nahilo siya, napahiga sa upuan. Doon lang siya nagmulat ng mga mata, sa loob ng kotse.
Pagdating sa mansiyon ay may nakaabang na doktor, iyong madalas ding bumibisita sa kaniya. Inasikaso kaagad siya nito. May itinurok itong gamot sa kaniya at kaagad siyang kumalma.
“Maligo ka na muna, Kira. Hay! Aatakehin ako sa puso nito!” natatarantang sabi ni Sonia.
Pumasok naman siya sa banyo ng kaniyang kuwarto. Nagbabad siya na hubad sa battub. At habang nakapikit ay nai-imagine niya si Don Dimitri. Naikuwento sa kaniya minsan ni Sonia na malupit si Don Dimitri, walang awa sa pagpatay. Kahit ganoon ang imahe nito sa kaniya, hindi niya ito magawang kamuhian. Iniligtas nito ang kaniyang buhay, binigyan siya ng proteksiyon laban sa mga taong gustong pumatay sa kaniya.
Naniniwala siya na hindi likas na masama si Don Dimitri. Maaring may dahilan ito bakit ito pumapatay ng tao. Nang humilab ang kaniyang sikmura ay umahon na siya at nagbanlaw sa shower. Kinuskos niyang maigi ng sabon ang kaniyang katawan. Nasanay siya na hindi nagsusuot ng kahit ano pagkatapos maligo. Binalot lamang niya ng tuwalya ang ga-baywang niyang buhok na aalon-alon.
Sumisipol siyang lumabas ng banyo. “Aaahh!” sigaw niya nang mamataan ang matangkad na lalaking nakatayo sa gilid ng kama, nakatalikod sa kaniya.
Awtomatikong pumihit paharap sa kaniya ang lalaki. Nahila niya bigla ang tuwalya sa kaniyang ulo at ibinalot sa hubad niyang katawan. Ang lalaki pala’y walang iba kundi si Don Dimitri! Suot pa rin nito ang mahiwagang maskara ng tigreng itim.
“IKAW pala, Don Dimitri,” wika ni Kira. Matabang siyang ngumiti rito.Humakbang palapit sa kaniya ang ginoo kaya siya’y napaatras. Huminto naman ito may dalawang dangkal ang pagitan sa kaniya.“Please call me in my name,” anito.“Ho?” Walang kurap siyang tumitig sa may maskara nitong mukha.“Call me Dimitri, and remove the Don. It’s not appropriate for you to call me that.”Napanganga siya. Wala siya masyadong alam sa wikang ginagamit nito pero may naiintindihan naman siya konti. Nakapag-aral siya sa bahay lang pero sadyang hirap siyang matuto minsan. Mas gusto niya iyong kusa siyang mag-aral, magbasa ng libro.“S-Sige, Dimitri na lang,” naiilang niyang sabi.“I’m glad the kidnapper didn’t hurt you.”Kumislot siya nang hinawakan siya nito sa kanang braso. May marka ng lubid sa kaniyang kamay.“Masakit ba ito?” tanong nito habang tinititigan ang kamay niya.“H-Hindi naman masyado.”“Good. Take a rest and take your medicine on time. I’ll be right back tomorrow morning.”Tumango lang siy
ILANG minutong nakatitig si Kira sa mukha ni Dimitri. Ang mukha nito ay katulad sa napapanood niyang mga lalaki sa TV, sobrang guwapo, ang kinis ng pisngi. Iniisip niya tuloy ay baka may suot pa ring maskara si Dimitri. Hindi siya nakatiis at hinawakan sa magkabilang pisngi ang lalaki at binanat-banat ang makinis nitong balat. “Stop!” pigil nito sa matigas na tinig. Hinawakan nito ang mga kamay niya at inilayo sa mukha nito. “Masakit ba?” tanong pa niya. “Of course,” walang emosyon nitong tugon. “Akala ko kasi may suot ka pa ring maskara.” Malapad siyang ngumiti. “Ibig mong sabihin, ganiyan na ang mukha mo, iyong totoong mukha?” Namilog ang kaniyang mga mata sa pananabik. “Yes, but don’t tell anyone about my face.” Paulit-ulit siyang tumango. “Pero bakit ayaw mong makita ng ibang tao ang mukha mo?” curious niyang tanong. Ibinalik din ni Dimitri ang maskara nito at tumayo. “Ayaw ko.” Sinundan niya ng tingin ang bawat galaw nito. Namamangha siya sa katawan nito, wari isang perpe
KUMALMA ang kaba ni Kira nang maging okay si Dimitri. Hindi niya alam kung ano ang nangyari rito. May nainom itong gamot, pagkatapos ay nawala ang pangingig nito at bumalik din sa dati. Natatakot na siyang lapitan ito at hindi na niya kinausap. Bumalik na sila sa mansiyon kung kailan palubog na ang araw. Iniwan na siya roon ni Dimitri, ni walang paalam na umalis. “Kumusta ang honeymoon, Kira?” nasasabik na tanong ni Sonia. Sinalubong siya nito sa sala. “Ho?” Napaumang siya rito. “Ano ang mga ginawa ninyo ni Don Dimitri?” “Uhm, sumakay po kami sa maliit na parang eroplano, nakalimutan ko ang pangalan. Natakot nga po ako. ‘Tapos sumakay kami sa yate na mas malaki. Kumain kami, tapos ano…. nag-ano kami,” hinahapong kuwento niya. “Anong nag-ano?” “Iyong nag-ano, nag-sex!” Napalakas ang kaniyang tinig. “Ay! Dios mio!” Kinabig siya ng ginang sa kanang kamay at pumanhik sila sa hagdanan. Pagdating sa kaniyang kuwarto ay pinaupo siya nito sa gilid ng kama. “Ano, mabait naman ba sa ‘
PINUNTAHAN ni Dimitri si Manang Sonia sa hardin kung saan ito namimitas ng bunga ng kalamansi. He’s unaware of Kira’s hidden behavior since he’s not staying in the mansion for a whole day. She behaved when he was around, so he thought she was still a shy girl he had met since the first time she lived in his house. “Manang Sonia,” sambit niya nang makalapit sa ginang. Tumigil naman ito sa pamimitas ng kalamansi at pumihit paharap sa kaniya. “Bakit po, Don?” tanong nito. “I just want to talk about Kira. I noticed that seems she has still stuck in her younger version. I’m worried, baka hindi niya kayanin ang college life, especially when she’s living with me in my house.” Natigagal ang ginang, bakas sa mukha ang lungkot. “Kukunin n’yo na po si Kira?” “Yes, but I want her to learn more things about how to live without you and the other housemaids.” Lumamlam ang mga mata ng ginang hudyat na gusto nitong maiyak. “Bakit kailangan ilayo n’yo si Kira rito, Don? Puwede naman na ikaw ang t
HINIGPITAN pa ni Kira ang kapit sa paa ni Dimitri hanggang sa mahila siya nito palabas ng kama. Nang marinig kasi niya ang boses ni Dimitri ay nataranta siya at nagtago sa ilalim ng kama. “What are you doing there, Kira? Are you crazy?” galit nang asik sa kaniya ni Dimitri. Umupo naman siya sa sahig at tumingala kay Dimitri. Nagulo na ang buhok niya. “Naglalaro kasi ako ng tagu-taguan,” nakangising tugon niya. “It’s not funny. Get up! Ayusin mo ang sarili mo,” sabi nito saka siya tinalikuran. Tumayo siya at inayos ang kaniyang buhok. “Bakit bumalik ka? Kukunin mo na ba ako?” nakasimangot na tanong niya. Hinarap siya nitong muli. “No. May titingnan lang ako sa drawing mo.” Walang kurap siyang tumitig kay Dimitri. Dati naman ay wala itong pakialam sa drawing niya. “Ano ang titingnan mo?” “Where’s you drawing book? May pinakita ka sa akin noon na mukha ng lalaki.” “Ah, sandali.” Kinuha naman niya ang kaniyang drawing book sa drawer ng lamesa. Hindi na niya maalala kung aling dra
NAKALABAS na ng kusina si Kira nang mahimasmasan siya. Saka lamang niya napansin na si Dimitri pala ang humila sa kaniya. Nakatayo na ito sa harapan niya. “You’re such a disaster, Kira! Kamuntik mo pang masunog itong bahay!” nanggagalaiting sabi nito sa kaniya. Kahit hindi niya nakikita ang mukha nito dahil sa maskara ay nai-imagine niya ang galit nitong mga mata. Tumaas din ang tinig nito kaya wari siyang ginapos at hindi makakilos. Nakatitig lamang siya rito. Dahil wala siyang kibo, iniwan siya nito at pinagalitan ang mga kawaksi. Lumuklok siya sa sofa at nakikinig sa mga sinasabi ni Dimitri kay Manang Sonia. “Sino ba ang dapat kong sisihin bakit limitado lang ang alam ni Kira? Ipinagkatiwala ko siya sa inyo hindi para lang alagaan kundi turuang kumilos nang maayos. I didn’t expect this to happen. Akala ko okay na kaya pinakasalan ko siya. Bakit walang nagsabi sa akin ng mga problema, ha?” nakataas ng boses na sermon ni Dimitri sa mga kawaksi. “Gusto ko namang magkuwento sa inyo
NAPAWI ang lungkot ni Kira paggising niya. Napasarap ang tulog niya sa biyahe at namulat na naroon na siya sa bahay ni Dimitri. Hindi niya namalayan na binuhat siya nito at dinala sa isang napakalaking kuwarto at magara. Nagising lamang siya na nakahiga sa kama. Mas malaki ang kama niya roon, mataas. Excited siyang bumangon at sumilip sa bintanang malaki at makapal na salamin. Mula roon ay natatanaw ang hardin na merong malaking swimming pool. Mayroon din niyon sa mansiyon pero maliit at walang tubig dahil sira. Kaya naman ay hindi siya natutong lumangoy. Napatakbo siya palabas ng kuwarto ngunit hindi niya alam kung saan siya bababa. Napalingon siya sa gawing kaliwa kung saan niya narinig ang pagsara ng pinto. Lumabas mula roon si Dimitri, walang suot na maskara at tanging itim na pantalon ang suot. “Where are you going?” tanong nito. “Uh…. gusto kong pumunta sa swimming pool,” tugon niya. “Later. Ayusin mo muna ang gamit mo.” “Huh? Saang gamit?” “Nasa baba. Kukunin ko.” Naglak
ANG daming magagandang damit at gustong bilhin lahat ni Kira. May anim na pares siya ng damit pantulog, tatlong dress, anim na pants, at bagong underwear. May dalawang pares ng sandals din siyang napili. Nang magbayad na sila, hiningan siya ni Manang Sonia ng sampung libo. Nagbilang siya ng sampung pera at ibinigay rito. Pagdating naman sa grocery store ay nalibang din siya sa pamimili ng mga pagkain. Si Manang Sonia ang namili ng pinabibili ni Dimitri dahil hindi niya alam ang iba. Halos lahat ng klase ng prutas ay kumuha siya, mga gulay. Dalawang malaking lalagyang may gulong ang napuno nila. Tinawag itong cart ni Manang Sonia. Nang bayaran na ay hiningan siya nito ng twenty na pera. “Eh, sampu na lang po ang nandito,” sabi niya. “Nako! Patay tayo nito. Kulang ang pera mo!” sabi nito. “Sabi ni Dimitri kung kulang ang pera ko ay hihingi ako sa ‘yo.” “Kulang pa rin, ineng. Kung ang pinamili mo lang ang babayaran natin, wala na akong pambayad sa pinamili ko. Paano naman ang kakain