Share

Sino?

Gilda Point of View

                “Anong natapos mo?” tanong ko sa kasama ko na narito rin ngayon sa silid na pinagtapunan sa amin ni Maria.

                Nais kong libangin ang aking sarili hangang hindi pa dumadating si Maria sa loob.

                “Ako? Higschool lamang,” sagot niya sa akin.

                “Bakit mo nais kumuha ng medisina?” tanong ko sa kanya. Pareho kasi kami ng nais na kurso. Iyon nga lang ay hindi magkasing tulad an gaming lakas ng loob upang magpatuloy sa buhay.

                Siya ay nais nang sumuko habang ako ay nais ko pang umakyat paitaas.

                “Bakit nga ba?” tanong niya kaya napakunot ang noo ko. Tinatanong niya ba ako o ang sarili niya ang tinatanong niya? “Ilang taon pa ang hinihintayin mo bago ka maging ganap na doktor. Bakit medisina ang nais mong kuhanin? Hindi ka ba naiinip? Bakit nais mo pa magpatuloy.”

                Ako ang nagtatanong pero ako ako pa rin sasagot ngayon.

                “Ano naman ngayon kung matagal,” ani ko. “Ayos lang naman sa akin. Kung worth the wait naman hindi ba? Bakit hindi ?”

                Ilang minuto ang lumipas ngunit walang sumagot sa akin. Napakunot ang aking noo, at napatingin tingin sa may gilid.

                “Nariyan ka pa ba?” tanong ko ngunt wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Ano na ang nangyari sa kanya?

                “Hoy! Nariyan ka pa ba? Bakit hindi ka sumasagot!” tawag ko.

                Oh no! Baka namatay na siya sa gutom.

                “Huy! Huwag kang bumitaw! Kumapit ka lamang!” sigaw ko sa kanya. “Sumagot ka! Hindi ka pwedeng mamatay! Tatakas pa tayo sa lugar na ito!”

                “Hoy!!! HOY!! SUMAGOT KA!!” sigaw ko habang kinakabahan.

                Please naman huwag niyo siyang kunin! Kailangan niya pa makatakas na buhay dito kasama ko! Huwag naman kayo maging malupit sa amin!

                “Kung prank ito ay huwag ka namang ganyan,” ani ko sa kanya. “Sa mga oras na ito ay walang lugar ang biro na ginagawa mo.”

                “Narito pa ako, Gilda,” sagot niya sa akin. “Naidlip lamang ako saglit.”

                Napabuntong hininga ako noong marinig ko siyang magsalta. Akala ko ay nawala na lamang siya bigla o may kung anong nangyaring hindi maganda na sa kanya.

                “Tinakot mo ako,” ani ko sa knaya. “Akala ko ay may nangyari na sa iyo. Sa susunod ay huwag mo nang gagawin iyon ha. Tayo na nga lang ang mag kasama rito ay  mawawala ka pa.”

                Ano na lamang ang gagawin ko kung wala siya? Paano na ako makasurvive ng mag – isa. Ngayong nakausap ko na siya ng ilang araw, at nakasama sa iisang silid ay mahirap na sa akin ang bitawan siya. Tila kilalang kilala ko na nga siya sa aming pag uusap kahit ilang araw pa lamang kami nagkasama.

                 Teka, ilang araw na kaming nag – uusap ay hindi ko pa alam ang kanyang pangalan.

                “Ano nga pala ang pangalan mo?” tanong ko sa kanya. “Ilang araw na tayong nag – uusap ay hindi ka pa rin nagpapakilala sa akin samantalang ako ay kilala mo na. Sabihin mo nga sa akin kung ano ang pangalan mo para matawag kita roon.”

                Hindi siya sumagot sa akin.

Ayan nanaman siya. Ayaw na niya naman ako sagutin. Kailangan ko pa ba uli siya sigawan?  Baka nanghihina na ang kanyang pandinig dahil sa gutom.

“Huy, anong pangalan mo?” tanong ko muli.

“Gilda,” sagot nya sa akin na ikinakunot ng aking noo. Ano raw?

Napatingin ako sa bandang itaas noong makarinig ako ng bagay na tila ginagalaw doon. Tila ginagalaw ang padlock sa itaas.

Bigla akong nabuhayan dahil may bababa dito.

Matapos ang ilang kalampag ay tuluyan na ngang bumukas ang pintuan sa taas na bahagi ng silid. Pumasok ang liwanag na nagmumula sa ilabas. Mukhang maaga pa.

Napapikit ang aking mga mata dahil nanakit ito sa mga nasalang liwanag mula sa itaas. Ilang segundo lamang ang lumipas ay muli kong binuksan ang dalawa kong mata upang tignan ang taong paparating.

Malayo pa lamang ay kilala ko na kung sino iyon. Si Maria. May dala siyang gasera sa kanyang kamay, at plato sa kabila.

Inilapag niya ang gasera sa pang unang palapag at may inabot siya sa gilid. May kinapa kappa siya roon ng ilang segundo.

Biglang may ilaw na sumindi na mas lalong nakapagpasakit ng aking mga mata. Nasilaw ako sa liwanag.

May ilaw pala ang kwarto na ito.

Napadilat ako ng aking mata noong marinig ko ang paghakbang ni Maria pababa sa kinaroroonan ko.

“Nag enjoy ka bas a paglalaro mo?” tanong sa akin ni Maria habang nakangiti.

“M-maria,” tawag ko sa kanya, at napatingin sa platong hawak hawak niya. Nakapatong din don ang isang baso ng tubig.

Napalunok ako pagkat nais kong lantakan ang pagkain na hawak hawak niya dahil sa gutom.

“Gutom ka nab a, anak ko?” tanong niya sa akin.

Napatango tango naman ako.

Lumapit siya sa aking kinalalagyan at inilagay ang plato sa may sahig sa tapat ng aking mukha.

Agad kong niyuko ito upang abutn ang sabaw na may kanin. Kinagat ko ang malalambot na karne na ibinigay niya sa akin.

Tila wala na nga akong pake kung saang karne pa to galing ang mahalaga sa akin ay malagyan ko ng laman ang kumakalam kong sikmura na ilang araw ng hindi kumakain. Hindi pa ata nakakalagpas ang limamng minuto ay wala ng natira sa plato.

Kahit papaano ay naibsan ang gutom ko.

“Oh heto, uminom ka,” aniya saka inilagay din ang baso sa tapat ng aking mukha.

Ininuman ko ang baso na tila isa akong aso na kanyang alaga. Wala na akong pake sa kung ano man ang itsura ko ngayon sa harap niya. Kailangan kong mapawi ang sarili kong uhaw, at gutom.

Kailangan ko ng lakas upang makatakas.

Napatigil ako noong maalala ko ang kasama ko sa kwarto.

Agad akong nagtaas ng ulo at inikot ang aking pangingin. Gayun na lamang ang aking pagtataka noong wala akong makita sa loob ng silid kundi puro gamit lamang na mukhang nabagak na dahil nilalamon na ito ng mga sapot.

S-saan napunta ang babaeng kausap ko? Bakt wala akong kasama dito? Sino ang babaeng nakakausap ko sa bawat oras?

                Nag – iilusyon ba ako? Napapikit ako nang mariin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status