CHAPTER 01
“Camilla! Gumising ka na tanghali na!” galit na sigaw ni Tiya Guada sabay kalampag sa pinto ng kwarto ko. Mabilis naman akong napatayo dahil doon. Tumingin ako sa maliit na bintana sa kwarto ko. Mataas na ang sikat ng araw.
Huminga ako ng malalim at bumangon na. tinali ko ang buhok ko gamit ang mumurahing pamusod. Tiniklop ko ang kumot at ang ginamit kong kulambo. Pinatay ko na rin ang luma at walang hangin naming electric fan.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa lumang hagdan. Nagtuloy ako sa maliit naming banyo. Naghilamos at nagmumug ako. Pagkatapos ay lumabas ako at pinuntahan ang Tiyahin kong naglalaba sa labas ng bahay.
“Anong oras ka ba umuwi kagabi, Camilla? Alam mong madaming labahin ngayon.” Tanong nito sa naiinis na tono habang nagkukusot ng damit.
Tumabi ako sa kanya. Ang ginalaw ko ay ang mga de-kolor na damit dahil kay Tita na ang pinutian.
“Mga medaling araw na din po, Tita. Madami po kasing tao kagabi kaya hinid ko naiwanan ang kasamahan ko. Hindi rin po dumating ang kapalit ko kagabi.” Mahinahon kong pagpapaliwanag sa kanya.
Narinig ko ang pagpalatak nito.
“Hindi ba’t sinabi ko na sayong huwag ka ng magtrabaho dahil madami pang nagpapalaba sa’kin.” Turan pa niya at tiningnan ako. “Gusto kong ilaan mo ang buo mong atensyon sa pag-aaral.” Aniya pa.
Ngumuso ako sabay tingin dito. “Tita, hindi pwede. Tulong ko na rin po ito sa’yo.” Malambing kong sabi para hindi na siya magalit. Ngumiti ako ng malapad. “Huwag kang mag-alala, Tita, malapit na akong makapag-tapos ng pag-aaral. Ilang buwan nalang at gra-graduate na ako. Mai-aalis na kita dito sa Tondo.” Masayang sabi ko.
Tumingin siya sa’kin at ngumiti ng matamis.
“Mabuti yan. Mangarap ka para sa sarili mo kahit huwag mo na kong alalahanin. Malapit-lapit na ako…” sabi niya sabay ubo. Nanlaki ang mata ko at mabilis na lumapit dito. Hinagod ko ang likod niya.
“Wag kang magsalita ng ganyan, Tita. Alam mo namang ikaw nalang ang meron ako. Wala na si Tatay di ‘ba? At saka mukhang iba na ‘yang ubo ninyo, dapat ay magpa-checkup na tayo sa Doctor.” Nag-aalala kong sabi sa kanya.
Sunod-sunod siyang sumenyas at nag-uubo. Tiningna niya ako. “Huwag na! Iyang pera mo, itabi mo na sa’yo yan. Sa pag-aaral mo. Madami kang bayarin ngayon, hindi ba?”
Wala sa sariling napatango ako sa tanong niya. Ngumiti siya sa’kin at hinawakan ako sa pisnge. “Kaunting ubo lang ito, Camilla. Iinuman ko na lang ng gamot para hindi ka na mag-alala.” Dagdag pa niya.
Bumalik ako sa upuan ko kanina. “Tita naman eh! Baka mamaya iba na ‘yan. Pwede naman akong manghiram ng pera kay Arlene para sa mga projects sa school.” Pagpupumilit ko pa sa kanya.
“Nako! Camille! H’wag kang magulo! Pumasok ka na nga sa loob at pumirmi doon. Nagsisidatingan na naman yang mga tambay at panay ang tingin sa’yo!” galit niyang sabi at tinuro ang mga kalalakihang nakatambay sa may tindahan.
Pinasahadan ko sila ng tingin at nagtaas ng kilay. Lumapit ako sa timbang may lamang tubig. Naghugas ako ng kamay saka tumayo.
“Sila po ba?” tanong ko kay Tita sabay pamemewang. Tumango ang matanda. Naglakad ako palapit sa tindahan.
“Camilla!” malakas na sigaw ni Tita, nasa boses niya ang pag-aalala sa kung anong gagawin ko. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy sa may tindahan. Nang makalapit ako at tinanguan ko sila at sumandal sa may pasimano ng tindahan. Nakaharap na kami kay Tita ngayon.
“Ano `tong naririnig kong pinagtitinginan niyo daw ako?” matigas kong tanong sa kanila. Tiningnan ko sila. Napansin ko ang pag-lunok ng isa sa kanila.
“H-ha? N-nako… hindi naman, Camilla. Baka nagkamali lang ang Tiyahin mo.” ani Boyet na nagkakamot ng ulo.
“O-oo nga, Camilla. T-tinitingnan lang namin kung may tubig pa kayo. Ipag-iigib sana namin kayo.” ani Koko habang nag-iiwas ng tingin.
Tumango ako na para bang naniniwala sa sinabi nila. Nag-cross arm ako.
“Edi gawin niyo na.” mahinahon kong sabi at tinuro ang pwesto ni Tita. Hindi ko inaalis ang tingin sa kanila. “Ipag-igib na ninyo si Tita dahil wala na siyang tubig pang-banglaw!” malakas kong sigaw na kina-igtad nila.
Mabilis ang kanilang naging pagkilos at patakbong lumapit kay Tita. Kinuha nila ang mga timbang walang laman saka umalis. Natawa ako ng mahina dahil sa ginawa nila.
“Tinakot mo na naman sina Koko at Boyet.” Biglang sabi ni Arlene na nasa gilid ko na pala.
Tumingin ako dito saka umupo sa upuan. “Tsk! Hindi ko naman sila tinakot. Kinausap ko lang.”
Inilingan niy ako saka tumawa. “Ay susssss! Hindi raw! Alam mo, h’wag ako Camilla. Alam mong takot sa’yo ang dalawang yun. Si Barumbadong Camilla ba naman ang lumapit sa kanila hindi sila matakot.” Ani Arlene at tumawa pa.
Kumunot ang noo ko saka tiningnan ng masama ang babaeng naka-upo ngayon sa kaharap kong upuan.
“Hoy! Hindi ako barumbado ah! Aba! Malay ko bang mga takot sa babae yang mga iyan!” naiinis kong sabi kay Arlene.
“Ewan ko sayo. Kunwari ka pa. Alam mo namang takot yang mga ‘yan sa’yo.” ani Arlene at tumayo na. Humarap ito sa may tindahan. “Pabili po! Whisper nga po! With wings!”
“Ilan?” tanong ng tindera kay Arlene.
“Apat po.” Magalang na sagot nito at tumingin sa’kin. Nito ko lang naalala.
“Sasama ka ba mamaya?” tanong ko sa kanya.
“Saan?” kunot noo niyang tanong.
“Bar. Di ‘ba sa-side line ako mamaya.” Pagpapa-aalala ko dito.
Tinaasan niya ako ng kilay. “Hindi ba’t may gagawin tayong project? Saka sa canteen dapat tayo mamaya di ‘ba?” anito at kinuha ang binili, “Eto na po yung bayad.” Ani Arlene at inabot ang singkuwenta.
Napakagat ako sa bottom lip ko. “Tsk! Oo nga pala! Bakit ngayon mo lang pina-alala sa’kin?”
“Hala siya?! Teh! Pinag-uusapan lang natin kagabi yon! Nakalimot ka na? Matanda-matanda?”
Inirapan ko siya. “Pasensya. Busy eh!” ani ko at tumayo na. “Sige na. mamaya nalang ulit. Kakausapin ko yung kasamahan ko sa Bar para sabihing di ako papasok.” Tinalikuran ko siya pagkasabi ko noon at lumakad na papunta sa bahay namin.
“Cam, pupuntahan kita mamaya ha!” pasigaw nitong paalala. Nag-thumbs up ako sa kanya at binaling ang atensyon kay Tita Guada na masama ang tingin sa akin.
“Bakit po?” painosente kong tanong saka ngumisi.
“Ikaw talaga. Pumasok ka na nga doon at magluto na. Tanghali na rin.” Utos niya sa’kin. Umiling pa ito saka naglaba na ulit. Tumango ako at naglakad papasok ng bahay, pero bago muna ako magluto ay magpapakilala ako.
Camilla Salazar, 27 years old. Fourth year college sa kursong Business Ad. Nakatira ako sa may Tondo. Nag-iisang anak at ulila na sa magulang. Nung bata pa ako ay nakulong ang Tatay ko dahil sa kasong kidnapping. Doon na rin napatay ang Tatay dahil napasali daw sa riot sa loob.
Kaya ngayon lang ako makakapagtapos ay sa kadahilanang ginusto ko munang mag-ipon. Nakapag-grade 12 naman ako kaya pwede ng pumasok sa trabaho. Nang mag-twenty ako ay saka lang ako nakapag-enroll. Gustong-gusto ko na talagang makatapos.
Masakit ang buhay. May darating, mayroon ding umaalis. Ganun lang kadali. Hindi ko na iiykan ang mga bagay na ganun. Wala akong boyfriend dahil sakit lang sa ulo ang mga boyfriend-boyfriend na ‘yan. Lolokohin ka lang din naman, o kaya bubuntisin saka tatakbo. Galing di ‘ba? Tsk!
Kinuha ko ang kaldero at nag-saing. Sinakto ko lang ngayong tanghali hanggang mamayang gabi ang takal ko sa bigas. Hindi naman ako kakain dito dahil may trabaho ako sa gabi. Sinalang ko sa kalan ang kaldero.
Mabilis akong tumakbo papunta sa silid ko sa ikalawang baiting ng bahay. Kinuha ko ang bag ko at bumaba ulit sa kusina. Gumawa ako ng mga takdang aralin ko.
Nang matapos ako ay saktong luto na rin ang sinaing. Nagligpit na ako ng kalat ko sa lamesa at inilagay sa maliit naming sala ang bag ko pati na rin ang mga notebook. Sumilip na rin ako sa bintana.
“Tita, kakain na po!” yaya ko dito.
Nilingon ako ng matanda. Ngumiti siya. Bakas ang pagod sa mukha nito dahil sa paglalaba. Nakakaawa ang Tita ko. Simula ng makulong si Tatay ay siya na ang tumayong magulang ko. Kaya nga pinipilit kong makapagtapos ng college para magantihan ko ang kabutihan niya sa’kin.
Pumasok si Tita sa loob ng bahay. Nakaalalay ako sa kanya ng pumunta kami sa kusina. Nauna itong umupo sa harap ng mesa. Kumuha ako ng plato at naglagay ng kanin. Binaba ko sa mesa ang plato at kumuha ng mangkok.
“Camilla, aalis ka ba mamaya?” tanong ni Tita.
Tumango ako bilang sagot. “Opo, bakit po?” tanong ko.
Umiling saiya. “Gusto ko lang malaman kung saan ka pupunta mamaya.” Aniya at sumubo na ng pagkain.
“May gagawin po akong school project. May raket rin ako kasama si Arlene.” Sagot ko at nagsimula na ring kumain.
“Sige pero mag-iingat ka ha. Tatapusin ko pa rin ang mga labahin dahil dapat ng maihatid yan sa makalawa.” aniya.
Tumango ako at ngumiti sa kanya. “Sabi ko naman kasi Tita, kahit huwag ka nang magtrabaho dahil kaya ko naman. Ibibili nga po pala kita mamaya ng gamot, bukas kapag malaki ang kinita ko ay pupunta tayo sa hospital.”
“Nako, huwag na at magagastusan ka lang.” pagtanggi niya.
Umiling ako. “Walang kaso sa’kin kung mawalan ako ng pera, Tita. Mas importante ka po.”
“Hay nako. Tigilan mo na yan, Camilla. Sinabi kong ayaw ko, kaya huwag mo ng ipilit. Magagalit ako niyan.” Pagbabanta niya.
Ngumuso ako at tiningnan ito ng matiim. Gusto ko siyang dalhin na talaga sa hospital kaya lang ay ayaw niya. Ayoko naman siyang magalit dahil iba magalit si Tita. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at tumango nalang.
Naging matahimik ang pananghalian namin dahil hindi na nagsalita si Tita. Siguro ay ayaw niya ng mabuksan yung topic namin. Katatapos ko lang maligo at inaayos ko na ang aking sarili ng sumilip sa pinto si Arlene.
“Aalis na ba tayo?” tanong ko dito pagkapasok niya. Napatingin samin si Tita. Ngumiti si Arlene dito.
“Good afternoon sa pinakamaganda at sexy naming Tiya Guada!!!” puno ng energy-ng bati ni Arlene at lumapit dito. Humalik pa ito sa pisnge ni Tita.
Tumawa ng mahina si Tita dahil sa tinuran ni Arlene.
“Kumusta naman ang Dyosa ng kadiliman?” tanong ni Tita kay Arlene, nag-flip hair si Arlene.
“Syempre, dyosa pa rin, Tita! Nasa lahi yarn! Hahaha.” ani Lyn at tumingin sa’kin. “Hindi pa tayo aalis, Cam. Ang advance mo naman. Atat umalis?” mapang-asar na sagot niya sa tanong ko kanina habang nakataas ang kilay.
“Hindi ako atat, kulot! Naligo lang ako para prepared. Ang init-init kaya ng panahon.” Naiinis kong sagot dito saka pinusod ang buhok ko.
“Ay bat ka galet ‘teh? May regla?” pang-iinis pa niya sabay ngisi ng mapang-asar.
Pinandilatan ko siya. “Pag ako napika, sasampalin kita makita mo.” Malamig kong pagbabanta dito.
“Ay nako bad yan ha. Minus points ka na naman kay San Pedro.”
“Huwag kang mag-alala, sabi naman ni Lucifer doon tayo magkikita sa gate ng hell.” Pambabara ko dito.
Tumawa siya. “Iba rin! May number ni Lucy! Famous ka ghorl?” aniya pa.
“Tumigil nga kayo! Mauuwi na naman kayo sa away niyan.” Sabi ni Tita at pumagitna na samin ni Arlene. Di ko naman siya masisisi. Dahil simula nung mga bata pa kami, kapag nag-aasaran kami ni Lyn madalang pa sa madalang ang hindi napipikon ang isa samin.
“Bakit ka ba nandito? Wala kang bahay?” tanong ko saka kinuha ang bag ko.
Humiwalay ito kay Tita at naglakad papunta sa direction ko. Umupo siya sa katabing upuan ko.
“Tatanong ko lang kung magpapasa ka na ng report kay Sir. Magalis?” aniya at pinagdiinan pa ang salitang ‘Magalis’.
Natawa ako sa kanya. “Hindi pa din. Mamaya ko pa siguro tatapusin. Sa makalawa pa naman ipapasa yon.” Sagot ko.
Tumango siya. “Kaya nga. Sa makalawa pa yung pasahan pero nagmamadali siya. May lakad ata.” Pang-ookray nito.
“Hayaan mo na. Baka inaantay na siya ni Kamatayan kaya ganun, char!” pang-gagatong ko dito. Nagtawanan kami dahil sa katarantaduhan namin sa buhay.
“O siya! Iiwan ko nalang dito yung folder. Balikan ko latur!” sabi niya sabay baba ng folder na hawak. Ngayon ko lang napansin na may hawak pala ito.
Kinuha ko ang ibinaba niyang folder at tiningnan iyon.
“Sige. Balikan mo ha. Huwag mong igaya sa`yong di na binalikan.” Pang-aasar ko dito.
“Pasmado yang bunganga mo, ghorl!” anito at tiningnan si Tita Guada na nasa lamesa at duon nakapwesto. “Tita, yung pamangkin mo madami ng alam. Dapat na pong itumba.” Natatawang sabi nito.
Hinampas ko sa braso niya ang folder na hawak niya.
“Bruha ka! Malulukot!” sigaw niya sabay kuha ng folder sa’kin sabay ayos.
“Hahaha.” Tinawanan ko lang siya samantalang masama na ang tingin niya sa’kin dahil sa inis. Ayaw na ayaw kasi niyang nalulukot ang mga gamit niya. Metikolosa sa sariling gamit.
Umalis na si Arlene, at dahil mamaya pa naman ang alis namin ay naisipan ko munang tulungan si Tita para makapag-pahinga ito ng maaga. Ako ang nagsampay sa likod ng bahay ng mga damit. Wala pang alas tres ay natapos na kami.
Pumasok ako sa loob ng bahay at lumapit sa salamin. Naglagay ako ng liptint para magkakulay ang labi ko. Maputla kasi ako.
Nagsusuot ako ng rubber shoes ko ng mapansin ang pagbuka nito sa harap. Nakagat ko ang labi ko habang tinitingnan ang sapatos ko. Nagbuntong hininga ako. Matagal na ring lumalaban ang sapatos ko, pasasalamat ko na nga lang na hindi siya tuluyang bumibigay.
Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang shoe glue mula doon. Nilagyan ko ang sapatos ko at hinayaang magdikit ulit.
“Aalis ka na ba Camilla?”
Napataas ako ng tingin sa nagsalita. Huminto ang mata ko sa may pinto kung saan nakatayo si Tita. May dala dala itong bimpo at nagpupunas sa sarili.
“Opo. Hihintayin ko lang na dumikit ang sapatos ko.” sabi ko at ibinaba na ang hawak saka tinapakan.
Bumaba ang tingin ni Tita don pero agad ring bumalik sa mukha ko.
“Bakit hindi ka bumili ng bagong sapatos, Camilla? Luma na yang sapatos mo.” Puna niya sabay turo sa sapatos ko.
Umingos ako. “Tita, pwede pa naman `tong sapatos ko. Sayang yung pera.” Nanghihinayang kong sagot dito. “Ibibili ko nalang ng gamot mo o kaya pang-aral ko nalang kesa bumili pa ng bago.” Sabi ko at sinuot na ang sapatos.
“Huwag mo namang pabayaan ang sarili mo Camilla. Dalaga ka, dapat ay gayahin mo yung ibang kabataan diyan.” Sabi niya at tumabi ng upo sa’kin.
Umakto ako na nandidiri. “No! Ayaw!” ani ko.
Sasagot pa sana si Tita ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko at mabilis na sinagot.
“Hello?!” malakas kong tanong.
“Sakit sa tenga ng boses mo Camilla!” naiinis na sabi ni Arlene.
Tumawa ako. “At least di ako boses lalaki.”
“Gago!”
“Hahaha.”
“Lumabas ka na bruha ka! Kakalbuhin kita makita mo!” pagalit niyang utos.
“Osige. Labas na ako.” sabi ko at binaba na ang tawag. Ang cellphone ko ay isang lumang model ng Nokia. Bumili ako nung may sale na buy 1 take 1. Tig-isa kami ni Tita Guada para kahit wala ako sa bahay ay makakatawag siya sa’kin kung may kaylangan siya.
“Mag-iingat ka ha?” ani Tita.
Tumingin ako dito. Nginitian ko siya ng matamis. “Opo, Tita. Ikaw rin. Kapag sumama ang pakiramdam niyo ay tawagan niyo po ako.” paalala ko sabay tayo.
Kinuha ko ang bag ko at lumapit dito. Niyakap ko siya ng mahigpit. Gumanti naman ito. Nagpa-alam ulit ako at saka tuluyan ng umalis ng bahay.
NAKASAKAY NA kami sa jeep ng mapansin ko ang panay sulyap na si Arlene. Kumunot ang noo ko at tumingin dito.
“Sabihin mo kung may sasabihin ka, hindi yang panay ang nakaw mo ng tingin.” sabi ko at nginitian ng nakakaloko si Lyn. “Gandang-ganda ka na ba talaga sa’kin?”
“Alam ko wala namang bagyo, bakit kaya biglang humangin ng malakas?” ani Lyn saka humawak ng mahigpit sa bag. “Liliparin ata ako!” malakas pa niyang sabi.
Napatingin samin ang mga tao sa jeep kaya pasimple kong kinurot si Lyn para huminto na sa kagaguhan niya.
“Tss.” Asik ko dito sabay irap.
“Sa’kin ka pa nainis bruha ka. Tokong na naman yang sinuot mo. Bumili tayo ng pantalon nung nakaraang linggo hindi ba?” tanong niya sa’kin habang sinusuri ng tingin ang buong katawan ko.
Tiningnan ko ang sarili ko saka tumingin dito. “Wala namang masama sa suot ko, Lyn. Yung mga pantalon nasa labahan pa.” sagot ko sa kanya at umayos ng upo dahil may mga taong sumasakay sa jeep.
“Subukan mo kayang mag-bestida man lang, Camilla. Bagay sa`yon for sure.” Sabi niya sa’kin.
Umiling ako at tiningnan siya. Nakasuot ng bestidang pula.
“Tingnan mo, mamaya kapag humangin ma-aalanganan ka pa dahil liliparin yang palda mo.” Sabi ko at tinuro ang mga lalaking nakatingin sa gawi namin. “Nakatira ka sa Tondo, Lyn. Alam mo ang ugali ng mga lalaki dito.” Dagdag ko pa sa kanya.
“Babae tayo kaya dapat nag-susuot tayo ng bestida, Cam.” Dahilan niya.
“Hindi lahat ng babae ay gusto ng bestida, yung iba ay mas gusto ng shorts or pantalon.” Sagot ko sa kanya.
Hindi na nagkumento si Lyn. Ayaw na siguro niyang pahabain pa ang usapan naming dalawa kaya tumahimik nalang siya. Tumingin ako sa labas ng jeep. Maingay at mausok ang kalsada. Makikita mo ang mga estudyanteng nag-uunahan sa pagsakay ng jeep. Ganun rin sa matatatanda.
Ang hirap ng buhay dito sa Pilipinas. Kaya pag nakatapos na ako’y aalis na ako dito. Sa ibang bansa ako magta-trabaho. Malaki na ang kita, maayos-ayos pa ang buhay.
BUMABA kami sa harap ng ACVA University kung saan kami nag-aaral ni Lyn bilang scholar. Hindi rin naman maiiwasan na magkaroon ng madaming bayarin kahit na scholar kami, madaming mga projects, research, at uniform at mga libro na minsan kaylangan isa bawat estudyante.
Kasama pa rin namin ang mga mayayamang nag-aaral dito na kung makatingin samin ay akala mo wala kaming karapatan na mag-aral sa isang magandang paaralan. Judgmental at ipokrito ng ibang mayayaman.
“Papasukin ka kaya?” nag-aalalang tanong ni Lyn habang papatawid kami ng kalsada.
Tiningnan ko ulit ang sarili ko. “Siguro oo? Wala akong ibang damit, ako ba may kasalanan kung bakit mahirap ako?” mataray kong sagot.
Akmang papasok kami nang harangin kami ng Guard. Si kuyang guard na na nadaig pa ang may-ari ng school sa sobrang higpit.
Plastic na ngumiti si Arlene dito.
“Hi sa pinaka-poging si Kuya Dado!” ani Lyn.
Tumango lang si Kuya Dado. Nagkatinginan kami ni Lyn at awkward na tumawa ako.
“Ilabas ang ID.” ani Kuya Dado.
Napatingin ako kay Lyn saka umiling. Tumango ito at humarap sa guard.
“Kuya Dado, baka naman pwedeng pass muna? Nasa library yung ID namin.” ani Lyn sa malungkot na tono. Isama mo pa ang pagpa-puppy eyes nito.
Umiling si Kuya Dado. “Hindi. No ID-No Entry Policy tayo dito mga hija.” Sabi nito saka tinuro ang sign sa may gate.
“Eh? Nasa Library nga, Kuya!” ani Lyn at tumingin sa relos nito. “Late na kami!”
“Kasalanan ko ba yon?! Ako ba ang nag-iwan ng ID? Ako ba?! Ako ba?!” matapang na sabi ni Kuya Dado saka tiningnan kami ng masama. “Alam ko na yang gawaing yan! Wala sa library yon! Naiwan ninyo!” naiinis pang sabi nito.
“Hindi naman po kaya lang nasa library nga po. Library!” madiing sabi ko.
Tiningnan niya ako. “Wala akong pake. Kuhanin niyo muna!”
“Paano namin makukuha kung di mo kami papapasukin?!” naiinis ko ng tanong dito.
Sasagot pa sana si Kuya Dado ng may bumusina sa likod namin. Mabilis kaming tumabi ni Lyn at tiningnan ang kotseng paparating. Bumaba ang salamin sa likod ng sasakyan. Sumilip ang magandang babaeng kulay blonde ang buhok.
“What’s happening here?” tanong nit okay Kuya Dado.
“Ma’am, wala ho kasing mga ID at nagpupumillit pumasok.” Sagot nito sabay turo samin.
Inirapan ko siya. “Nasa library nga ho kasi Mang Dado. Hindi namin makukuha kung di kami papasok sa loob.” Sarcastic kong sabi at tiningnan yung magandang babae. “Ma’am, nagsasabi ho kami ng totoo.”
“Eto yung libro, Ma’am. Hindi naman po kasi pwedeng mag-uwi ng book na hindi iniiwan yung ID.” Singit ni Lyn habang hawak ang libro.
Tumingin yung babae kay Mang Dado.
“Let them in. Nasa library pala yung ID.” Mahinahon na sabi nito. Lumawak ang ngisi namin ni Lyn.
“Thank you po!” sabi ni Lyn.
“Thank you po, Ma’am!” sabi ko.
Tumingin sa’kin yung babae at ngumiti. Namula naman ako. Sumara na ang bintana at na-star struck pa rin ako sa ganda ng babae. Kulay asul ang mga mata niya.
Nang wala na ang sasakyan ay humarap kami kay Mang Dado na malawak ang ngisi.
“Paano ba yan? Sabi papasukin daw kami.” Mapang-asar kong sabi dito at tumawa ng maloko. Nakasimangot na tumango si Kuya Dad. Pumasok kami ni Lyn na may mga ngiti sa labi.
Nagtuloy kami sa una naming klase. Classmate kami ni Lyn. Parehong kurso ang kinuha namin noon. Para kaming nabunutan ng tinik ng wala pang Prof nung dumating kami. Pumasok kami sa loob at umupo sa pinaka-dulo.
“Bakit kaya wala pa sila Prof? Hindi naman nale-late ang isang yun eh.” Tanong ni Arlene habang nag-aayos ng kolorete sa mukha.
Nagkibit balikat ako at yumukyuk sa mesa ng upuan ko. Inaantok ako. Walang tulog at pagod ako, kaylangan kong makabawi ng lakas dahil may trabaho pa ako mamaya. Dalawang subject lang ang meron kami ngayong araw.
“Camilla, tinatanong kita!” ani Lyn sabay kalabit sa balikat ko. Nag-angat ako ng ulo at tumingin dito.
“Hindi ko alam. Bakit di ka magpunta sa may faculty at doon magtanong.” Malamig kong saad saka bumalik sa pagyukyuk.
“Ay! High blood ka ‘teh? May regla lang ang peg? Sa tingin mo ba makakapag-tanong ako dito? Alam mo namang puro mayayaman ang nasa classroom natin bukod sa’ting dalawa.” aniya.
Totoo naman yon. Wala talagang kumaka-usap samin ng matino dito, sa ibang subjects meron pero kapag puro mayayaman kasama mo sa isang class. Huwag ka ng umasa. Naalala ko pa noon na may isa kaming classmate na binu-bully, dahil sa depression sa pam-b-bully sa kanya nagpakamatay. Yung iba ay nag-shift o kaya tumigil sa pag-aaral para magtrabaho nalang.
Tinagilid ko ang ulo ko at humarap kay Arlene. “Mag-tiis ka na lang, Lyn. Malapit na tayong makaalis dito.” Pagpapalakas ko sa loob niya at nginitian siya.
Nagtama ang mata namin at gumanti siya ng ngiti. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. Napa-upo kami ng maayos ng may kumatok sa pinto.
Pumasok ang isang babae don.
“Good afternoon, Alexandrite! All students should proceed at the gymnasium.” anito, saka walang sabi-sabing tumalikod at umalis. Nag-angilan naman ang mga kaklase ko dahil sa narinig.
Tumingin ako kay Arlene. “Announcement lang siguro.” ani ko at kinuha ang bag ko.
“Wala naman tayong magagawa. Okay din naman `to. Makakapasok tayo sa trabaho mamaya.” anito habang inilalagay sa bag ang mga make-ups niya.
Tumayo na kami. Naglakad palabas ng room. Nasa likod kami ng mga In girls sa school. Mga sikat at magaganda daw na babae.
“Alam niyo, Girls… I heard a student from section A na andito daw ang may-ari ng school. They’re going to choose the students na magO-OJT in their company.”
“Really?! Narinig ko kay Dad na handsome and pretty daw yung anak nila Mr. and Mrs. Anderson. And yung anak nila na si North Polaris? Girl, he is so yummy! I saw him once with his twin.”
“Shut up, girls! Don’t forget that Queen V owns King North. If you want to stay where you are right now? shut up and don’t you dare to lust over King North!”
“Sige, pag naghiwalay na lang sila.” Sabi nung babae saka tumawa ng malandi.
Nagkatinginan kami ni Lyn dahil sa mga tinuran nila. Napa-iling nalang ako. Hinawakan ko sa braso si Arlene at nauna na kaming naglakad sa kanila pero saktong pagkaliwa ko ay nauntog ako sa isang matigas na bagay.
Nabitawan ko si Lyn saka napahawak sa noo ko. Naiinis kong hinilot yon at nag-angat ng tingin sa kung saan ako bumangga. Umawang ang bibig ko at huminto ang mga mata ko sa mata niya.
Ilang beses akong lumunok dahil sa kakaibang titig ng lalaking nasa harapan ko.
“Hala, Sir! Sorry po!” gulat na sabi ni Arlene sabay hila sa’kin para makalayo sa lalaking nasa harap namin.
Tumikhim ito at nag-iwas ng tingin, doon natapos ang magical scene namin. Ngayon ko naramdaman ang kaba. Mukhang bigatin kasi ang nabangga ko.
“Sorry po, Sir. Nagmamadali po kasi ako hindi ko napansing may tao pala akong makakasalubong.” Paghingi ko ng paumanhin dito habang nakayuko. Hindi ko na kasi kayang i-angat pa ang ulo ko.
Humigpit ang kapit ni Arlene sa braso ko. Tumingin ako sa kanya para sana tanungin kung bakit kaya lang ng tumingin ako’y wala sa’kin ang atensyon niya. Sinundan ko ang tingin niya. Shemay! Yung smile!
Ngumiti ito sa amin. Sa samin ba talaga o sa’kin?
“It’s okay. It’s not your fault anyway. Please, be carefeul next time ladies.” Mahinahong sabi nito at tinanguan kami, tumalikod ito pagkatapos ay umalis na. Ilang minute na siyang wala pero andito pa rin kami nakatayo.
“Ang pogi niya.” mahina at mukhang wala pa sa sariling sabi ni Lyn, nilingon niya ako at ang sumunod niyang ginawa ang nagpalaki ng mata ko. “KYAH!!!!” tili nito na kinapikit ko.
Hinampas ko siya sa braso at tiningnan ng masama.
“Yang bungang mo ha! Nakalunok ka ba ng mega phone?!” naiinis kong tanong sabay bawi ng mga braso ko.
“Hindi mo ba nakita?! Ang pogi! Tapos yung ngiti?! Para siyang model ng tooth paste dahil sa puti ng ngipin niya!” kinikilig na sabi niya habang nagkikinsay sa gilid.
“Tsk! Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapo ha?!” naiinis kong tanong sa kanya sa nauna ng maglakad. “Bala ka nga diyan.” ani ko pa.
Hinabol naman ako ni Lyn at sumabay ng paglalakad sa’kin.
“Haler! Yung mga lalaki sa’tin mukhang palaka. Chour!” aniya saka tumawa ng mahina.
“Wiws, nanlait pa.” puna ko at pumasok na kami sa loob ng Gymnasium. Napatigil ako dahil sa dami ng tao. Oo nga’t malaki ang Gym sa school namin pero madami ring students kaya halos mapuno ito.
Maingay ang buong lugar dahil sa mga estudyanteng nag-uusa-usap. Hinila ko si Lyn at naghanap ng ma-uupuan.
“Sana pala’y pumasok na lang tayo sa trabaho.” Sabi ko habang nag-lilibot ng tingin.
“Papasok naman talaga tayo sa work. Huwag na magreklamo.” Sabi ni Lyn.
Tumango ako at mabilis na naglakad sa nakita kong bakanteng pwesto. Umupo kami dahil wala namang naka-upo. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Lyn. Paniguradong pag-uusapan na naman kami ni Lyn bukas dahil dito.
Madalas kasi akong pinagkakamalang tomboy dahil daw sa asta ko. Akala nga ng lahat mag-jowa kaming dalawa.
“Good afternoon, Students!” ani ng Dean, umayos naman lahat ng upo at tumahimik ang buong Gym. “We asked you to come here because of our announcement! And we all know that fourth year students will have OJT. Today, Mr. and Mrs. Anderson is here with their children to pick lucky students who will work under their supervision.” Mahabang salita nito habang nakatingin sa amin.
“Sir, dito!” sigaw mula sa harap.
“Sir, hindi, dito ho!” ani sa gilid.
At nasundan pa ng nasundan ang mga salitang iyon. Kanya-kanya sila ng group na gustong pamilian. Tumingin ako sa stage kung nasaan ang mga may-ari ng school. Kumunot ang noo ko. nasaan ang mga anak nila? I mean, bakit wala pa dito. Hindi ko na rin kasi maalala ang mga mukha nila dahil ang tagal na nung huli ko silang makita.
“STUDENTS! QUITE! Mrs. Anderson will now going to choose.” Strict na sabi ng Dean. Kinuha ng magandang babae ang mic kay Dean.
“Good afternoon.” ani Mrs. Anderson. “And now I will choose students from building A.” anito.
May limang building ang school ng college’s dito. Building A is for rich students. Mayayaman lang ang nandoon, Achitecture at Engineering students. Building B is for Culinari and HRM students. Building C is for Artist, Singer, etc. Building D kami yon, Business Ad, Business Management. Ang building E is for Mass Communication, Journalis, and Law etc.
Bumunot si Mrs. Anderson sa fish bown na hawak ni Dean.
“Okay… the students came from Section C of Building A. Diesel Barron and
Jaz Nova.” anito, natilian ang mga taga building A at tumayo ang mga tinawag na pangalan. Nakasunod lang kami ng tingin sa mga napili. Ang swerte nila.
Nakipag-shake hands si Mrs. Anderson sa dalawa at ngumiti ng matamis dito. Lumapit si Mr. Anderson sa asawa at kinuha ang mic. Bumunot na rin ito ng papel sa may fish bowl.
“From Building C.” anito at tumikhim. “Section A, Vix Valerio and the last one is Cotton Grams from section F.” anito at ibinalik ang mic sa Dean. Nagsi-tilian ang mga nasa Building C at ang mga tinawag ay nagsitayuan rin.
Nagsipalakpakan ang mga nanunuod habang umaakyat sa stage ang mga tinawag.
“Okay, dahil wala sina Ms. Aura… I will—” hindi naituloy ni Dean ang sasabihin niya ng lumabas mula sa gilid ang isang magandang babae. Nanlaki ang mata ko at napa-upo ng maayos.
Siya yung---
Napatakip ako sa bibig ko at tumingin kay Lyn. Nagtatanong ang mata nito at gustong humingi ng sagot sa nagtatanong nitong mata.
Yung nagtanggol samin kanina sa gate.
“Good afternoon.” Bati niya at ngumiti sa lahat.
“S-Siya yung kanina di ‘ba?” tanong nito.
“Yap. Its her.” Sagot ko.
Bumunot ito at binasa ang nakasulat doon. “From Building B, both came to section D. Fries and Sunday Aguinaldo?”
Napatingin kami sa gawi ng Building B. Tumayo ang mga tinawag na mukhang kambal, pumanik sa stage. Walang ingay na narinig sa mga taga-Section D ng Building B.
Kinuha ni Dean ang mic at nagsalita. “And fro the last one, Mr. North.” ani Dean, nag-angat ako ng tingin at sinundan ang tingin ni Dean.
NALAGLAG ang panga ko ng makita kung sino ang tinawag nitong Mr. North
“Tangina, Bess!!! Siya yung—”
“Patay ako.” mahina at natatakot kong sabi. “H-Hindi ko alam na s-siya yung anak—” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita na ito na kinatigil ng mundo ko.
“From Building D, Section C. Camilla Salazar.” Malamig na tawag nito.
Nanlaki ang mata ko. Tumingin ako kay Lyn na nakangiti sa’kin.
“M-Mali ako ng dinig di ‘ba?” kinakabahan kong tanong.
Umiling siya. “Ang swerte mo, bess!”
“Miss Salazar?” pagtawag ulit nito sa pangalan ko. Madaming beses akong lumunok bago tumayo. Napatingin silang lahat sa’kin na kina-ilang ko.
Kumunot ang noo ko nang mapansin mula sa kung nasaan ako ang pag-ngisi ni Sir. O baka naman namamalikmata lang ako?
“There she is! Ms. Salazar, can you please go here. And the last one is also from Building B Section E, Damon Train.” Anito.
Alerto ang mga mata kong tumingin sa likod at hinanap ang sinasabing si Damon Train. Bumabaa ang tingin ko sa isang lalaking tumayo at naglakad papunta sa stage. Sumunod naman ako
Habang palapit ng palapit sa stage ay naghuhurumintado ang puso ko. Ang bilis ng tibok na parang hinahabol ng aso. Saan ka nakikipa-race, Camilla?
Nakipag-shake hands kami kay Mr. Anderson ng maka-akyat kami sa stage. Napalunok ako ng maramdaman ang malambot pero mainit nitong kamay. Parang may maliit na kuryenteng dumaan sa pagita namin.
Mabilis kong binawi ang kamay ko. Tumingin ako sa harap.
“The Chosesn Eight!” ani Dean at tinuro kami. Pumila kami sa gitna, nasa likod namin ang mga Anderson. Napatingin ako sa pwesto namin ni Arlene, nakangiti siya sa’kin. Pilit akong ngumiti.
Hindi nakaligtas sa’kin ang mga masasamang tingin ng bawat babaeng nasa loob ng gym. Kung nakakamatay ang tingin nila, kanina pa siguro ako pinag-lalamayan.
WALANg tao sa Gymnasium, ang mga naiwan lang ay ang napili at mga Anderson.
“Congratulations sa inyo.” ani Mrs. Anderson. Ngumiti ang ng maliit sa kanya ng dumako ang tingin niya sa’kin. “Bukas ang simula ng OJT ninyo, sa’min muna kayo hanggang sa matapos ang OJT ninyo.”
“Yes, Ma’am. Were really glad na kami ang napili.” Ani Friend.
Ngumiti dito si Mrs. Anderson saka tumango. Umalis ito kasama ang asawa. Naiwan ang mga anak nila. Ang awkward kasi ang tahimik namin ngayon.
“Congratulations again.” ani Ms. Aura saka umalis na rin kasama ang ibang mga students. Bale ako nalang ang naiwan kasama si Sir. North. Nakakahiya dahil kanina pa siya nakatitig sa’kin.
“You’re still here?” tanong ni Sir Noth.
Tumango ako. Magsasalita dapat ako ng tumunog ang phone ni Sir. Mabilis amang sinagot ng lalaki iyon ng makita kung sino ang caller nito. Siguro ay girlfriend?
“Yes?” ani Sir. “Hm…. Yes, okay. I will tell her.” Sabi nito at tumingin sa’kin pagkababa ng phone.
“My sister said, you can bring one of your friends to join you in your OJT.” Sabi niya.
Nabuhayan naman ako dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin ay pwede kong isama si Arlene. Napangiti ako at mabilis na tumalikod ng hindi nagpapaalam. Mabilis ang naging takbo ko dahil gusto kong mahanap agad si Lyn.
CHAPTER TWO NAGPUPUNAS ako ng buhok ng maalala ko si Sir. North. Umupo ako sa higaan ko at tumigil sa ginagawa. Kakauwi ko lang galing trabaho. Three am nang madaling araw. Hindi na ako matutulog ngayong gabi. Madaming gagawin isama pa na kaylangang maaga pumasok mamaya dahil Eight am daw kami susunduin. Lumabas ako ng kwarto ko, bumaba sa kusina. Tumigil ako sa harap ng salamin at wala sa sariling humawak sa noo ko. “T-Totoo ba yung kanina?” Tanong ko sa sarili ko. Yung b-blue eyes niya… y-yung smile niya. ang gwapo! Napatigil ako sabay panlalaki ng mata. “Hoy Camilla! Ano bang iniisip mo?! Magtigil ka nga! Huwag kang maniwala sa mga lalaking ganun ang estado sa buhay! Kung yung mahihirap ay manloloko na at sira-ulo paano pa sila di ‘ba?! Huwag
“Ahh… buti naman kaya mong pagsabayin yang pag-aaral mo at pagtr-trabaho. Sinubukan ko noon ‘yan, hanggang two years course nga lang. Madami pa kasi akong pinag-aaral sa Probinsya.” Nag-anagt ako ng tingin. “Kaylangan eh. Nakapangako ako sa Tatay ko bago siya mamatay. Pangarap niya sa’kin `to. Gusto niyang magkaroon ako ng magandang kinabukasan.” Medyo emosyonal kong sabi dahil sa pagkakaalala ko sa Tatay ko. Tumango ito habang nakangiti. “Congrats ha! Kaya mo yan. Malamapit ka nang makapagtapos ‘di ba?” tanong niya. Tinanguan ko siya at tumayo. Pumasok ako sa loob n gaming maliit na pwesto. “Oo, apat na buwan na lang.
“HATING gabi na pala.” ani ko ng mapagtantong madilim na sa labas. Nandito ako sa may sala at nakatingin sa labas ng bintana. Nakikita ko mula dito ang mga nagtataasang mga building pati na rin ang mga sasakyan sa ibaba na animo’ y mga langgam. Tumingin ako sa wall clock at binasa ang oras. Siguro naman ay pwede na akong umuwi. Wala na ring lilinisin. Naglakad ako papunta sa pinto ng kwarto ni Sir North. Kumatok rin ako ng tatlong ulit. Simula ng umuwi kami kanina ay hindi niya na ako kinikibo, hindi rin lumabas ng kwarto ang binata kahit sinabi kong tapos na akong maglito. Ilang beses pa akong kumatok pero walang response. “Sir?” tawag ko pero waley! Tumikhim ako dahil parang may nagbabara sa lalamunan ko. “Magpapaalam lang po ako na aalis na. Gabi na po
CHAPTER FIVE KANINA pa ako naghihintay kay Camilla. Maaga kasi akong gumising dahil sinabi nitong maaga siyang papasok pero wala pa rin siya. “Anong oras na ba? Hindi ba’t nilinaw ko ng ayokong nale-late siya.” naiinis kong turan sa sarili ko. Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina. Binuksan ko ang ref sabay kuha ng beer. Binuksan ko’t inisang tunggaan lang. I bite my lower lips and calmed myself. I’m North Polaris Anderson, 24 years old. The only son fo Jake and Alex Anderson. I have a twin brother but he died when he’s still a kid. We’re triples, Me, Aura and Jaime. But my brother killed by his kidnapper mother. Katherine bring Jaime with her in death. FLASHBACK &nbs
CHAPTER SIX IKAAPAT NA araw ng burol ni Tita pero hindi na nagparamdam si Sir North. Nadisyama ako sa kadahilanang hindi ko alam. Siguro dahil lang sa napakapango siya at akala ko ay tutuparin niya. “Kanina pa ako salita ng salita pero wala naman pala sa sarili yung kausap ko.” sarcastic na ani Arlene. Ngumiwi akong tumingin dito. “Pasensya na.” Hinaplos ko ang salamin ng kabaong ni Tita at mapait na ngumiti. “Ano ulit yung sinasabi mo?” tanong ko at lumingon kay Lyn. “Hays, Cam. Magpauloy ka lang sa pagiging lutang mo’t iisipin ko na talagang nami-miss mo si Sir.” she said dryly. Inirapan ko siya.
CHAPTER SEVEN KAHIHINTO ko lang ng sasakyan sa harap ng bahay ng parents ko. Tiningnan ko si Aura na bitbit ang mga pinamili namin sa Mall. Ang iba sa mga binili namin ay para sa kanya, she buy it using my money but I don’t mind. “MAMA!” malakas na tawag ni Aura kay Mama ng makapasok kami sa loob ng bahay. Umupo ako sa sofa at nagtanggal ng coat, niluwagan ko rin ang necktie ko at ibinukas ang botones ko hanggang tatlo. A moment later we heard Mama's voice. It came out of the kitchen and smiling at Aura, I stood up and hugged her. “Polaris,” tawag niya sa buong pangalan ko at gumanti ng yakap. Hinalikan ko siya sa noo at nginitian. &n
CHAPTER EIGHT MATIIM akong nakatingin sa kabaong ni Tita habang ibinababa ito sa lupa. Tapos na ang pagmimisa sa kanya at aalis na siya. Hindi ako makahinga dahil sa pag-iyak. Sobrang sakit dahil madami pa kaming pangarap. Gusto ko siyang makasama hanggang sa maabot ko lahat-lahat. Yakap-yakap ko ng mahigpit ang picture ni Tita, nakangiti siya sa larawan niya. Kinunan ito nung Pasko at sobrang saya namin nito dahil marami kaming naipon kaya may handa. Si Arlene ay katabi ko at umiiyak rin. Kinuyom ko ng madiin ang kamao ko para huwag mag-break down sa harap ng maraming tao. Hindi pwede at ayoko. Hindi ako pwedeng maging mahina. Napatingin ako sa kamay na nakahawak sa’kin ngayon. Nag-taas ako ng tingin para makita kung sinong pangahas na ‘yon at
CHAPTER 09 HUMINGA ako ng malalim bago tuluyang ini-lock ang pintuan ng bahay namin. Nakapagpaalam na ako kila Tatay Andres at Tatay Berto na muntikan pang mauwi sa iyakan. Ini-lock ko ang pinto at humarap kila Arelene, ngumiti ako sa kanya kahit malungkot ang mukha nito. “Huy… wag kang malungkot. Magkikita pa rin naman tayo sa office,” pagpapagaan ko sa loob ko sa kanya. Ngumuso siya at inirapan ako. “Bakla ka! Mami-miss kita!” aniya at niyakap ako ng mahigpit. Gumanti ako ng yakap at bahagya pang natawa. “Mami-miss ko din kayo dito. Ikaw ha. Wag ka ng lalabas mag-isa, wala pa naman ako dito,” bil
Yey! After a long 6 months of editing! Natapos ko na rin ang THH! thank you so much for reading my story! i hope nasiyahan kayo sa pagbabasa. nawa'y 'di kayo nainip, HAHHAHA. 'yun lang gusto ko lang mag-thank you kasi 'di ako makapaniwalang may nagbabasa neto dito sa GN kasi 'di naman 'din ako gaanong kilala na manunulat at sumubok lang talaga ako. So ayorn, thank you sa mga nagbabasa kahit mga silent readers kayo ay love ko kayo! sa nagbibigay ng gems! thank you so much! advance Merry Christmas and happy new year! Huwga kayong mag-alala kasi may idadagdag pa akong special chapter dito na ngayon ko pa lang ilalabas. 'di pa sa ngayon kasi busy sa school and tinapos ko lang talaga 'tong THH. Keep safe everyone! take care!
EPILOGUE (PART 2) KANINA pa ako kinakabahan. What if malaman ni Camilla ang lahat? What if iwanan niya ko at ‘di na magpakita ulit sa’kin? Umiling ako! Fuck! No! No! Jesus! Calm yourself, fucker. Darating siya. Darating. Masama kong tinitingnan ang mga pinsan kong kanina pa ako tinatawanan, inaasar nila ako. “Nandiyan na ang bride!!” sigaw ng tao sa may pinto. Napa-ayos ako ng tayo. Biglang nabuhay ang katawan at loob ko. Ang saradong pinto ay unti-unting bumukas kasabay ng pagtugtog ng kantang ‘A Thousand Years’, napatigil sa may pinto si Camilla.
EPILOGUE NAGISING ako dahil sa iyak ng isang sanggol. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko dahil sa ingay na ‘yon. Kaninong anak ba ‘yon at pinapabayan na lang na umiiyak? Tumambad sa’kin ang kisame. Hindi pamilyar sa’kin ang lugar kung nasaan ako. Tatayo sana ako ng hindi ko maigalaw ang katawan ko, namamanhid nung una pero kalaunan ay nagawa ko ring makagalaw. Napatingin ako sa crib kung saan nanggagaling ang ingay. Tumingin ako sa gilid dahil nakadagan sa’kin ang kung sino. Natigilan ako ng makitang si Camilla ‘yon. Ang mahal kong si Camilla. Hinaplos ko ang pisnge niya at hinalikan ng marahan sa labi. Marahan kong ina
CHAPTER 69ONE YEAR AND A HALF LATER NAKANGITI ako habang buhat-buhat si Evie o Evangeline South Anderson, six months old bouncy baby girl. “Evie, siya si Tatay. Alam mo bang mahal na mahal niya ako? At alam kong mahal na mahal ka din niya sa kung nasaan man siya nandoon,” ani ko habang nakatingin sa lapid nito. Yes, malungkot pa din ako dahil sa mga nalaman ko. Hindi ko man lang naiparamdam sa kanya na mahal ko siya. Mas higit pa sa inaakala niya. Tumingin ako kay Evie, sana ay naabuta
CHAPTER 68 NAPATINGIN ako kay North ng biglang pumasok ‘to sa bahay, ang takot ko ay medyo nabawasan dahil nandito na siya. Nag-aalalang tumingin sa’kin ang lalaki bago masamang tiningnan ang dalawang nangho-hostage sa’kin. “SINO KAYO?!” sigaw nito. Humarap sina Koko at Boyet kay North. Akmang hahakbang siya ng magkatinginan ang dalawang lalaki saka ako pagalit na kinuha ni Boyet at tinutukan ng kutsilyo sa leeg. “Sige! Lumapit ka! Papatayin ko si Camilla!” sigaw ni Boyet, samantalang si Koko ay nakatutok ang patalim kay North.&
CHAPTER 67 PINAGSISIPA ko ang gulong ng kotse ko nang nasa labasan na ako. Hindi ko na dapat pinatulan ang init ng ulo ni Camilla. Dapat ay naging pasensyoso ako sa kanya. “FUCK!!!” gigil kong mura at padabog na binuksan ang pintuan ang driver seat. Sumakay ako sa loob at binuhay ang makina. Pinaandar ko ‘yon paalis at dinala sa Bar. Hindi ko alam kung bakit gano’n na lang si Camilla ng umuwi siya. Namumugto ang mga mata niya at halatang-halata na umiiya ito, gusto kong malaman kung bakit! Anong nangyari? Saan siya nagpunta at nagkagano’n na siya. Nang makarating ako sa bar ay pinarada ko sa parking lot ang kotse ko. Wala akong pake
CHAPTER 66 GABI na ng umuwi ako. Nagulat pa nga yata ‘yung mga babaeng nasa loob ng banyo ng lumabas ako sa isang cubicle do’n. ang akala siguro nila ay sira ang huli kaya naka-lock. Namumugto ang mga mata ko kakaiyak, pati na rin ang ilong ko ay namumula. Tumingin ako sa bahay namin. Ilang hakbang na lang ang layo ko pero tumigil pa din ako. Bukas ang ilaw. Hindi pa umaalis si North. Handa na ba akong harapin siya? Inalis ko ang mga ‘yon sa isipan ko at nag-umpisang lumakad pauwi. Pumasok ako sa loob ng bahay namin at nakita ko si North sa kusina. Nakataliko ito sa’kin, mukhang malakas naman na ‘to dahil nakakatayo na. Pumasok ako sa lo
CHAPTER 65 KINABUKASAN naako nagising. Maganda ang sikat ng araw at hindi mo aakalaing umulan ng malakas kagabi. Bumangon ako at inayos ang higaan ko. Umalis na kaya si North? Sigurado akong sa naranasan nito kagabi ay uuwi na ‘yon sa kanila. Hindi siya sana’y sa ganitong buhay. Pagkabukas ko ng pintuan ay kaagad kumunot ang noo ko ng makita si North na nanginginig sa lamig. Dinalawang hakbang ko ang pagitan naming dalawa. Umupo ako sa gilid nito at sinalat ang leeg niya na mabilis ko ring binawi. Sobrang init nito at animo ginaw na ginaw. Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang wallet ko. Lumabas na din ako para bumili sa tindahan. Pag-uwi ko ay may dala na akong noodles at tatlong paracetamol.&n
CHAPTER 64 NAPANGITI ako nang ako na ang susunod na mag-iigib ng tubig sa may poso. Nang magising ako kaninang umaga ay napag-alaman ko sa mga kapit-bahay ni Camilla na nawalan daw ng tubig ang buong barangay. Maaga pa kaya nanghirap ako ng timba para mapag-igib si Camilla. Mabilis akong lumapit sa poso. Itinapat ko ang walang lamang timba sa may dulo kung saan lalabas ang tubig saka nag-umpisang mag-igib. Natapos ko ang dalawang timba kaya lumapit ako sa may balde. Binuhat ko ‘to gamit ang magkabilang kamay ko at naglakad pabalik sa bahay ni Camilla. Maganda rin palang exercise ‘to para sa araw-araw kung sakali. Hindi ko na kaylangang magpunta sa gym. Nang nasa t