Home / All / The Heartless Hunter / Chapter Eight

Share

Chapter Eight

Author: FallenAngel
last update Last Updated: 2021-06-24 00:54:36

CHAPTER EIGHT

            MATIIM akong nakatingin sa kabaong ni Tita habang ibinababa ito sa lupa. Tapos na ang pagmimisa sa kanya at aalis na siya. Hindi ako makahinga dahil sa pag-iyak. Sobrang sakit dahil madami pa kaming pangarap. Gusto ko siyang makasama hanggang sa maabot ko lahat-lahat.

            Yakap-yakap ko ng mahigpit ang picture ni Tita, nakangiti siya sa larawan niya. Kinunan ito nung Pasko at sobrang saya namin nito dahil marami kaming naipon kaya may handa.

            Si Arlene ay katabi ko at umiiyak rin. Kinuyom ko ng madiin ang kamao ko para huwag mag-break down sa harap ng maraming tao. Hindi pwede at ayoko. Hindi ako pwedeng maging mahina. Napatingin ako sa kamay na nakahawak sa’kin ngayon. Nag-taas ako ng tingin para makita kung sinong pangahas na ‘yon at gumaan ang loob ko ng makitang si North ‘yon.

            Humigpit ang hawak niya sa kamay ko na para bang sinasabing magiging okay lang ang lahat. Nandito lang ako at hindi kita iiwan. Hanggang sa matapos ang libing ay hindi siya umalis sa tabi ko. Nakahawak lang siya sa kamay ko. Iilan na lang kami dito. Nagsi-uwian na ‘yung ibang nakipag-libing.

            “Cam, halika na. Umuwi na tayo.” Marahang yaya sa’kin ni Lyn, tiningnan ko siya.

            “Mauna na kayo, Lyn. Mamaya na ako.” walang buhay kong sagot.

            Nauunawaan naman ni Lyn na gusto kong mapag-isa kaya tumango siya at niyakap ako. Sumunod na ‘to kina Tatay. Narinig ko pa ang pagtanong ni Tatay Berto kung bakit hindi pa ako uuwi pero sinagot lang ni Lyn na hayaan na muna ako.

            Binasa ko ang nakasulat sa lapida.

            Guada E. Salazar

            Born: November 10, ****

            Died: March 08, 2020

            In Loving Memories

           

            “T-tita... mami-miss kita. Alam mo namang ikaw na lang ang meron ako ‘di ba? Nakakatampo ka, hindi mo sinabi na may nararamdaman ka na pala. Sana naipagamot kita. Sana naagapan ka pa at humaba pa ang buhay mo. Sana magkasama tayong nagc-celebrate sa graduation ko. Sana ay…. Sana ay nandito ka pa.” hinaplos ko ang lapida niya. “Alam kong magkasama na kayo ni Tatay, diyan. Paki sabi na lang sa kanya na mahal ko po siya. Huwag kang mag-aalala, Tita, hindi ka na mahihirapan diyan. Hindi mo na kaylangan maglaba ng maglaba.” Nang maramdaman ko ang pagtulo ng luha ko ay tumingala ako.

            Napatingin ako sa paa na tumabi sa’kin. Sumunod ay nagsalita na si Sir.

            “Still not going home?” malambing niyang tanong.

            Umiling ako. “Mamaya na po siguro.”

             Tumabi siya ng upo sa’kin at nagtama ang mga mata. “Do you need someone to talk to? I’m here, I’m all ears about what you’re feeling right now.”

            Ilang minuto akong nakatingin sa kanya bago hinayaang bumagsak ang mga luha ko.

            “Masakit… h-hindi ko matanggap na ako na lang mag-isa. Hindi ko matanggap na wala na si Tita. Hindi ko pa rin matanggap na iniwan na nila akong lahat…. Wala na ‘yung tatay ko… tapos wala na rin si Tita.” umiiyak ako na para bang bata.

            “H-hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya, North. Hindi ko pa nasusuklian lahat ng ginawa niya para sa’kin. B-bakit siya pa kasi ‘yung nawala?! Napakadaming masasamang tao sa mundo! Bakit kung sino pang mabuti siya pang nawawala?” nag-crack ang boses ko ng sabihin ko ‘yon.

            Ngumiti siya ng malungkot sa’kin at pinunasan ang luha ko sabay salo sa pisnge ko.

            “Maybe… her mission is completed that why she left…” mahinang sabi niya saka tiningnan ang lapida ni Tita bago tumingin sa’kin. “God already know you can stand without her, your Aunt can now have her peace. And Camilla, you’re not alone. There’s your friend and her family for you. I’m here for you. Always, Camilla. Always.”

            Dahil sa sinabi niya ay niyakap ko siya at nagsiksik sa leeg niya. Hinayaan ko lang lumabas ang mga luha sa mata ko. Hinayaan ko lang ang sarili kong mailabas lahat ng sakit. Napatigil ako ng maalala ang isang bagay…

            “Mawawala ka rin pag natapos na yung training namin… hanggang do’n lang ‘yung contract ko ‘di ba?” Humiwalay ako sa kanya at tiningnan siya sa mata. Kulay kahel na ang langit, malapit ng lamunin ng dilim ang langit.

            Seryoso siyang tumingin sa’kin. “Do you want to work for me as my EA? I know Aunt Jess, says that she’s just temporary there… you can take her position after you graduate.”

            Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. “Seryoso ka?” ‘di makapaniwalang tanong ko.

            Tumango siya. “Yap. Dead serious, Camilla. You can start to work again when you’re ready. I know this is not easy for you.”

            Tumayo ako habang nakatingin pa rin sa lapida ni Tita. “Bukas o sa makalawa ay babalik na ako sa trabaho…”

            “Then it’s settled,” aniya at tumayo. “I will call someone to help you for your things para hindi ka na mahirapan sa susunod.” Ngumiti si Hunter sa’kin.

            Napakamot ako sa ulo ko. “Kaylangan pa po ba ‘yon?” tanong ko sa kanya.

            “Yes. Saturday bukas, sakto. You can pack your things, hapon dadating ang mga tauhan ko. Sunday you can start again. Para na rin sa safety mo ‘to Camilla, delikado ka na do’n dahil wala kang kasama,” nag-aalalang turan niya.

            Napailing ako. Hindi pwedeng umalis na lang ako basta do’n… Ang mga tsismosa naming kapit-bahay. Baka mamaya may kung ano na naman silang masabi sa’kin kung aalis ako kaagad.

            “Why? Having second thoughts?” malamig na tanong ni North.

            Nag-aalangan akong tumingin sa kanya saka tumango. “Opo.”

            “Why?”

            “Kasi naman kakalibing lang ni Tita. Ano na lang sasabihin nila sa’kin kung makikita nila akong  basta na lang aali—”

            “Hindi ka naman aalis do’n, pwede kang umuwi kung gusto mo. Patirahin mo ‘yung kaybigan mo sa inyo kung nag-aalala ka sa mga gamit niyo. I will not accept no for an answer. It’s either yes or yes,” final na sabi niya.

            Napabuntong hininga ako. Ilang sandali pa ay tumango ako bilang pag-sang-ayon.

            “Okay. Sunday I will start working again,” I said.

            I saw a glimpse of something in his eyes. Happiness? His smile makes me nervous as fuck right now. Am I fuck up?

             Naglahad siya ng kamay sa harap ko. “C’mon… let’s go. It’s getting dark,” yaya niya sa’kin.

            Bumaba ang tingin ko sa kamay niya. Nag-angat ako ng makarinig ng tikhim, si North ‘yon na naghihintay sa susunod kong gagawin. I bit my lips and I held his hand. He smirked then intertwined our fingers. My hand… suits for his. Parang ginawa talaga para sa isa’t isa.

            Naglakad kami papunta sa kotse niya, nang makarating kami do’n ay binuksan niya ang passenger seat para sa’kin. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti bago sumakay sa kotse. Si North na rin ang nagsara ng pinto at sumakay sa driver seat. Ngumiti siya sa’kin bago pinaalis ang kotse do’n.

            MEDYO madilim na ng makarating kami samin. Huminto si North sa gilid ng daan. Tiningnan ko ang eskinita papunta sa bahay. Bigla akong nakaramdam ng kahungkagan. Tumingin ako kay North.

            “Salamat sa paghatid, North.”

            He smiled at me. “You’re welcome, tomottow afternoon my men will pick up your things,” paalala pa niya na tinanguan ko lang. Binuksan ko ang pinto at sumilip do’n bago isara.

            “Keep safe. Ingat sa pagd-drive.” Sinarado ko ang pinto at naglakad na pauwi.

            Malapit na ako sa bahay ng makitang bukas ang mga ilaw pati na ang binatana’t pinto. Mabilis akong naglakad para lang mabungaran sina Arlene na nag-wawalis. Kumatok ako sa pinto para makuha ang atensyon niya. Lumingon si Lyn saka ako nginitian.

            “Andiyan ka na pala. Gusto mong kumain?” tanong niya at tinigil ang pagwawalis sabay lapit sa’kin.

            Umiling ako sa kanya at hinila siya paupo sa set namin. Inilibot ko ang tingin sa buong bahay. Wala na ang mga kalat. Malinis na. Tumingin ako kay Arlene saka siya nginitian ng maliit.

            “Salamat sa paglilinis ha, pero sana’y nagpahinga ka na lang,” ani ko.

            Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. “Bess, hindi ako ang naglinis ng bahay mo. Nung dumating kami kanina ay may mga tauhan na si Sir North dito, ang sabi ay pinapunta sila para maglinis. Ang haba ng hair mo do’n gurl! May naghahanap para maglinis!” kinikilig na aniya.

            Natigilan ako. nagpapunta si North ng maglilinis? Hindi niya—

            “T-talaga?”

            Sunod-sunod ang pagtango niya. “Oo, ‘tong winawalis ko ay yung mga kalat ko dahil nagkakain ako ng chi-chirya diyan.” Sagot niya saka tumayo. Hinarap niya ako. “Magpahinga ka na. Wala kang tulong simula nung unang araw nung burol.”

            “Aalis ako,” walang lakas kong sabi pero alam kong nakarating sa pandinig niya ‘yon.

            Nilingon ako ni Lyn, kunot ang noo niya. “Saan ka pupunta, Bess? Kakauwi mo lang.” may halo pang biro ang sabi niya.

            Inirapan ko siya. “Baliw! Iba ang ibig kong sabihin, gaga! Aalis ako dito sa bahay, kay Sir North na muna ako titira.” Pagpapaliwanag ko.

            Nanlaki ang mata niya at sumilay ang mapang-asar na ngiti. “Bess?! Magl-lived-in na kayo?!” kunwaring gulat na gulat niyang tanong.

            Akma ko siyang sisipain ng lumayo siya sa’kin. “Mas lalong hindi! Toyo ka!” naiinis kong sagot sa kanya. Ngumuso naman siya saka nag-peace sa’kin.

            “Mapanaket ka ha!” akusan niya.

            “E paano kasi gaga ka! Kung ano-ano pinagsasabi mo!”

            “Tss… eh ano ba kasi gurl? Titira ka kasi sa kanya ‘di ba? And may sexual tension sa pagitan niyo.”

            Huminga ako ng malalim. “OJT kasi tayo ‘di ba? Tapos maid pa niya ako tuwing weekends, kaya ang plano para hindi masyadong hassle. Do’n na lang ako titira sa kanya pansamantala.”

            “Ay so magba-bahay-bahayan kayo? Ikaw ‘yung misis siya ‘yung mister? Aba, edi magaling! Sanaol!” aniya sa mapanuksong tono.

            Pinandilatan ko siya. “Alam mo…. Kahit kaylan ka talaga noh! Wala ka talagang pinipiling oras.” Naiinis kong sabi sa kanya. “Napaka-dumi ng utak ha. Agiw-agiw din,” Dagdag ko pa.

            “At least utak lang ang madumi at mukha lang di virgin pero intact pa rin ‘to! Hindi katulad ng iba jan, tatahi-tahimik pero maluwag na pala.” May diin ang huling sinabi niya.

            Napangisi ako sa isip ko. “Judgemental ka talaga hano.”

            Tumaas lang ang kilay niya at may kakaibang ngising naglalaro sa mga labi, “Hindi ako judgemental, bess. Nagd-describe lang ako saka totoo naman ah. Huwag na tayong magkunwari, dito lang sa lugar natin ang daming mapagpanggap na mayaman plus the fact na hindi na pure!”

            “Pure gold?”

            Nandidiring tumingin sa’kin si Lyn. “Corny mo, Bess. Minsan ka na nga lang mag-joke wala pang natawan,” naaasiwang aniya.

            Ngumuso ako. “Wow ah! Napaka-supportive mo talagang kaybigan!” ani ko saka siya inirapan. Nag-make face lang siya sa’kin para mas asarin ako. “Tss. Pero kidding aside, aalis muna ako dito pero babalik pa rin ako.”

            Tumango siya. “Ano, papaupahan mo muna ‘to?” tanong niya.

            Umiling ako. “Hindi, Bess. Hanggang matapos ko lang naman ‘yung training natin ako do’n eh. Babalik din ako dito, pero dadalaw-dalaw ako para matauhan ‘tong bahay.”

            “Okay. Kaylan ba ang alis mo?”

            “Sa linggo pero bukas may pupuntang mga tao dito para kunin ang mga gamit ko.”

            “Wow! Talaga? Yayamanin ang peg! May taga-sundo ng mga gamit!”

            “Ewan ko sa’yo, Arlene! Sumbong pa kita kay Damon na may crush ka sa kanya eh,” pananakot ko.

            Nginisihan lang niya ako saka kinikilig na nagsalita. “Bess! Sasamahan pa kita kay labidabs ko!”

            “Sige, marinig ka ng tatay mo,” pananakot ko.

            Sinimangutan niya ako. “Hmp! Sa susunod talag— pag nakita kami ni labidabs magp-propose na ako ng kasal sa kanya,” kinikilig niyang turan.

            Tumawa ako ng mahina dahil sa sinabi nia. “Itanong mo muna kung gusto ka niyang pakasalan,” nag-aasar kong sabi.

            Matamis niya akong nginitian. “Bess, sinong tatanggi sa’kin? Haler?! Ayaw ba niya sa Wattpader? Alagang C.C ‘toh! Inoxentes! CCbells!” aniya sa proud na tono. Nangangarap siyang tumingala. “Alam mo, bess… parang siya na talaga ‘yung Ymar ng buhay ko. Si Damon ang Ymar ng buhay kooo,” nangangarap niyang sabi.

            Ngumiwi ako. “Bess, kay Ymar lang ba? Ayaw mo ba kay Lysander? Hiking!” pag-sakay ko sa kalokohan niya.

Napatili sa kilig si Arlene, mukhang nai-imagine na naman niya ang mga fictional character na mahal na mahal niya. Addict na kasi sa w*****d si Lyn, hindi mo talaga maalis sa pagbabasa ‘yan.

            “Kyaahhh! Hiking?! Tas wheel chair kinabukasan!” tumawa pa siya ng malakas pagkasabi no’n.

            Tumayo ako. “Ewan ko sa’yo! Maliligo na muna ako bago magpahinga. Nanlalagkit na ako eh,” ani ko.

            Napatigil si Lyn saka umawang ang bibig at tinikom rin ‘to. Nagtatanong akong tumingin sa kanya.

            “Bessy! Hindi yata sa’kin ‘yang Lysander na ‘yan,” mahinang sabi niya.

            Kumunot ang noo ko. “Ha?”

            Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko. “Bess, knows mo naman na love kita ‘di ba? Tayo na ang best friend of besties, right? Kaya lang… kayo talaga ni Sir Aris ‘yon eh!” binitawan niya ako at maarteng tinaas ang kamay at kunwaring inalis ang korona sa ulo niya. “Sa’yo kasi… Boss x Secretary/Maid ang labas ninyo” inilagay niya ang kunwaring korona sa ulo ko.

“O y gooooood! Pinapasa ko na sa’yo ang korona!” inilagay pa niya ang kamay sa d****b at animo isang dating reynang nagpapasa ng korona at galak na galak siya.

Inirapan ko siya. “Susko, Arlene! Nilamon ka na ng kaka-w*****d mo!”

            “Bess hindi mo ba kasi napapansin? Parang may gusto sayo si Sir, sa tingin mo ba naman ay pupunta siya sa ganitong lugar dahil lang EA ka niya? bess, ilang taon na silang namimili ng OJT’s at sa pagkaka-alam ko ay ikaw pa lang ang pinuntahan niya. Nag-offer pa sa’yo ng madaming bagay!” pagdidiin niya.

            Napa-isip ako sa mga sinabi niya. Tama. Kakaiba ang mga kilos ni North pero ayoko lang bigyan ng kahulugan. Baka kasi mamaya mali ako. Assuming lang pala ako ganern, tapos masasaktan ako.

            Huminga ako ng malalim.

            “Bess, huwag mo kong bigyan ng ganiyang ideya ha. Baka mamaya ay naga-assume lang tayo. Salamat ulit sa tulong, bess pero magpahinga ka na rin. Alam kong napagod rin kayo. Paki-sabi na lang din kina Tatay na salamat, pati na rin kay Tita.” Hindi naman siguro halatang tinataboy ko na si Lyn sa sinabi ko.

            “Okay, bye!” aniya at niyakap ako. “Lock mo pinto mo, ha.” paalala niya.

            Tumango ako. “Ingat ka rin. Bilisan mo paglalakad ha.” tumalikod siya at umalis na.

            Sinundan ko ng tingin si Lyn hanggang sa makalayo siya. Nang wala na siya sa paningin ko ay sinarado ko ang pinto. Ni-lock ko ‘to at sinarado na rin ang mga bintana sabay lock. Napaupo ako sa set.

            Ang tahimik. Hindi ako sanay ng tahimik ang bahay. Pag kasi ganitong oras ay nasa kusina na si Tita nag-hahanda ng hapunan o di ka naman ay naka-upo dito sa set habang nakikinig ng radio.

            Tapos tatanungin niya kung kumain na ba ako. Kung napagod ba ako sa trabaho ko, kung kumusta ang araw ko. Then papagalitan na niya ako kasi magsusumbong ako kung gaano kahirap sa trabaho namin, sasabihin niyang kaya niya pero ayokong maniwala sa kanya.

Sinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng set saka tumingala. I feel so empty. Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Nandito na naman ‘yung sakit sa d****b ko. Libo-libo yatang karayom ang tumutusok do’n.

            Ilang beses akong huminga ng malalim at lumunok para huwag nang umiyak pero… wala eh. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng maramdamang nag-vibrate ‘to. Sinagot ko ang tawag.

            “Hello?”

            “Hi! This is North. I just want to inform you that I already got home safe.” Aniya.

            Bakit kaylangan mo pang sabihin sa’kin? Hindi naman ako nagtatanong. Please! Don’t give me fucking false hope. Gusto kong sabihin ang mga salitang ‘yon pero natauhan na lang ako ng magsalita ulit si North.

            “Hey? Are you still there?” he asked.

            Umayos ako ng upo, nagsalita ulit si North. Tumikhim ako. “Opo, andito pa ako. Buti naka-uwi ka ng ligtas,” matamlay kong ani.

            Narinig ko ang matalim nitong paghinga sa kabilang linya. “Are you busy? I will drop the call.” Malamig niyang sabi.

            “HA?! Wala akong ginagawa. Pagod lang siguro ako…” ani ko, ilang sandali pa ay nagsalita ulit ako. “I-Ikaw… anong ginagawa mo?” hindi ko alam pero… kaya akong pakalmahin ng boses niya.

            Parang nakikita ko ang pag-ngisi ni North sa kabilang linya.

            “Okay… I thought you’re busy. Well, I’m starting to undress and clean so I can go to bed. You?”

            Napahawak ako sa labi ko ng wala sa panahon. “Ahm… nandito sa sala… N-nagpapahinga. Maya-maya maliligo na ako tapos tulog.”

            “Hm… okay. Eat your dinner. I heard since your Aunt died you haven’t eat right,” nag-aalalang sabi niya.

            “Okay lang, sanay naman na akong ‘di kumakain ng hapunan.”

            “Tsk! You will get sick sa pinaggagawa mo, Camilla. Do you want die early?” galit na tanong niya.

            Humaba ang nguso ko. Bipolar ba ang isang ‘to? Kanina ay mabait, ngayon naman galit. Napairap ako sa hangin. Mga lalaki nga naman.

            “Hindi naman sa gano’n kaya lang ay wala akong gana. Sanay na rin naman ako eh,” pagdadahilan ko sa kanya.

            “You don’t have you get used to it. Tsk! I will send my staff there early as I can, I will send you breakfast.”

            Umikot ang mga mata ko. “Ikaw nga hindi kumakain ng breakfast ‘di ba?”

            “I’m a different case.”

            “Saan banda ang different do’n?”

            “Tsk. I’ll end this call. Sleep now. I will call again tomorrow. Goodnight!” aniya saka nawala sa kabilang linya. Napailinga ako habang nakatingin sa screen ng cellphone ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pinigil ang kung anong gusto kong maramdaman.

            “Ano bang nangyayari sa’kin? Bakit ako ngumingiti ng mag-isa? Wala naman akong jowa!” naiinis kong sita sa sarili. Tumayo ako at pinatay ang ilaw sa sala. Pumanik ako sa kwarto ko. humiga ako sa kama at nakatitig lang sa bubong namin.

            Hinawakan ko ang didib ko. “Hoy, huwag ka namang mahulog sa kanya! Wag na wag! Hindi ka pwedeng mahulog sa kanya dahil hindi kayo bagay,” dagdag ko pa, pumikit ako.

            NAALIMPUNGATAN ako ng makarinig ng sunod-sunod na katok sa ibaba. Kumunot ang noo ko at tumingin sa bintana ng kwarto ko. Madilim pa. Sinong walangya ang mambubulahaw sa ganitong oras? Naiinis akong bumangon at lumabas ng kwarto. Bumaba ako at binuksan ang pinto. Pupungas-pungas akong napatingin kay Arlene.

            “Gago! Ang aga pa!” naiinis kong sabi sa kanya at iniwang bukas ang pinto. Lumakad ako papunta sa set at humiga do’n. Pumikit ako at balak bumalik sa pagtulog.

            “Gaga! Anong maaga pinagsasabi mo! Sabihin mo gabi na ulit!” ani Lyn.

            Tumingin ako sa kanya. “Gabi?” ‘di makapaniwalang tanong ko.

            Tumango siya. “Hala? Don’t tell me na tulog ka buong araw? Kanina pa may pabalik-balik na mga lalaki dito kanina, panay ang katok. Kakaloka ka!”

            Nagising naman ako dahil sa sinabi niya. Napa-upo ako. “Seryoso ka, Bess? Bakit hindi mo man lang ako ginising?! Diyos ko! Nakakahiya kay North!” nag-aalalang sabi ko.

            “Bess, halos gibain na namin ang pinto mo kanina pero wala. ‘Di ka man lang magising. Pinauwi ko na lang ang mga boylet jan dahil tulog mantika ka kako, hindi ka basta-basta magigising. Tinatawagan ka rin namin pero di ka sumasagot. Lobatt ka ba?” mahabang sabi niya.

            Napahawak ako sa noo ko. “Tanga! Ang tanga-tanga ko!” sinabunutan ko ang sarili at yumuko.

            “Matagal na, bess, ngayon mo lang na-realize?” pambabara niya sa’kin.

            Tiningnan ko siya ng masama at inirapan. Nagpatuloy si Lyn sa kusina. “Kumain ka na Bess. Alam kong tomjones ka na. Nasabi ko na rin kina Papa na alais ka.”

            Lumapit ako kay Lyn. “Anong sabi nila?” tanong ko at kinuha ang platong ibinibigay nito sa’kin. Nagbaba siya ng madaming paper bags sa mesa.

            “Ayun, sila Paps saka Tatay Andres nalulungkot. Si Mams naman, kung ano-ano lang sinasabi as usual.” Tamad na sabi niya.

            Naghila ako ng upuan at umupo do’n. Tumabi sa’kin si lyn.

            “Hindi ako nagluto niyan ha. Baka mapagkamalan mo na naman ako. Dala ‘yan nung mga black and men kanina kinuha ko lang kasi para sa’yo daw ‘yan.”

            Napatango ako at binuksan ang isang paper bag. Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita ko. Madaming pagkain. Halos lahat pang-mayaman for sure.

            “Yan ba ‘yung walang gusto, Bess? Tingnan mo nga. Papatabain ka ata sa dami,” puna ni Lyn.

            Kinuha ko ang iba at inabot kay Lyn. “Bess, i-uwi mo na ‘tong iba. Hindi ko rin mauubos ‘to sa dami.”

            Tumaas ang kilay niya. “Aber, bakit?

            “Wala akong gana.” Matamlay kong sabi saka malungkot na tiningnan ang pagkain.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Adora Miano
kawawa talaga Ang bida babae,,at ok narin kahit papano Kasi may befriend na tumolong,,,,Wala na Kasi tita na pumokaw,,NAKU Camilla,buti na yon nakatulog ka buong Araw,,
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Heartless Hunter    Chapter Nine

    CHAPTER 09 HUMINGA ako ng malalim bago tuluyang ini-lock ang pintuan ng bahay namin. Nakapagpaalam na ako kila Tatay Andres at Tatay Berto na muntikan pang mauwi sa iyakan. Ini-lock ko ang pinto at humarap kila Arelene, ngumiti ako sa kanya kahit malungkot ang mukha nito. “Huy… wag kang malungkot. Magkikita pa rin naman tayo sa office,” pagpapagaan ko sa loob ko sa kanya. Ngumuso siya at inirapan ako. “Bakla ka! Mami-miss kita!” aniya at niyakap ako ng mahigpit. Gumanti ako ng yakap at bahagya pang natawa. “Mami-miss ko din kayo dito. Ikaw ha. Wag ka ng lalabas mag-isa, wala pa naman ako dito,” bil

    Last Updated : 2021-07-10
  • The Heartless Hunter    Chapter Ten

    CHAPTER TEN “HINDI ako bolero. Nagsasabi lang ako ng totoo, maganda ka talaga,” ani North. Napatigil ako sa pagbabalat at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Pinipigil kong mapatili. Bakit ba kasi kaylangan pa niyang sabihin ‘yon? Bakit kaylangan niyang iparamdam sa’kin ang ganito? Tumingin ako sa kanya, “Pumasok ka na sa loob at wag ka dito. Hindi ako makakapagluto ng maayos niyan kung nandito ka,” pantataboy ko sa kanya. tinalikuran ko siya at hinugasan ang mga nahiwa kong gulay pagkatapos sinunod na hugasan ang baka. Baka mabokya tayo dito! Narinig ko ang pagbuntonghininga niya at ang yabag ng paa nito paalis. Doon lang ako nakahinga ng maluwag ng

    Last Updated : 2021-07-12
  • The Heartless Hunter    Chapter Eleven

    CHAPTER 11 NAPAIRAP ako ng makapasok ako sa loob ng office ni North. Kanina pa kasi nakaupo ‘yung babaeng ‘yon sa hita ng binata. Tss, anong silbi ng mga upuan ‘di ba? Ano na tawag sa kanila? Bwisit! Lumapit ako sa table nito at inabot ang report. Nagtataka itong tumingin sa’kin. “‘Yan daw po ‘yung report na kaylangan ng approval mo ngayong araw,” ani ko. Tumango siya, lumakad na ako palabas at umupo ulit sa tabi ni Ms. J. “Bakit nakasimangot ka na naman? Parang buong araw na ‘yan ah,” puna nito.&

    Last Updated : 2021-07-13
  • The Heartless Hunter    Chapter Twelve

    CHAPTER 12 ISANG buwan na simula ng manligaw sa’kin si North. Pagkatapos naming mag-dinner ng gabing ‘yon at hindi na niya ako tinigilan. Pinapatunayan niyang seryoso siya sa’kin. Nakangiti akong bumangon sa kama at inayos ang hinigaan ko. Five am pa lang pero kaylangan ko ng magluto ng almusal naming dalawa. Lumabas ako ng kwarto at nagtuloy sa kusina. Lumapit ako sa ref at kumuha ng mga ihahanda ko. Kinuha ko ang hotdog, tocino at ilog. May kaning natira kagabi kaya baka i-fried rice ko na lang para masarap ang kain ngayon. Naglakad ako sa may lababo at nilinis ang mga iluluto ko. Nang okay na ay lumapit ako sa may kalan, ipinatong do’n ang dalawang kawali. Pinainit ko muna ‘yung isa na may mantika at inilagay ko na sa isa ‘yung tocino at tubig. Hinuli kong iluto ang itlog dahil madali lang naman ‘yun.

    Last Updated : 2021-07-15
  • The Heartless Hunter    Chapter Thirteen

    CHAPTER 13 “MY real name is North Polaris Anderson, twenty-four years old, June 13 is my birthday. I have twin sister and she’s Aura,” ani ko sa kanya. Nakahiga pa rin kami dito sa kama, magkaharap sa isa’t isa. Ngumiti siya sa’kin. “Camilla Salazar, twenty-seven years old. May 16 at mag-isa na lang sa buhay,” pagpapakilala niya sa sarili niya. Nginitian ko siya at hinaplos ang kanyang mukha. “Ano pang gusto mong malaman? Hmm?” “Mag-kwento ka tungkol sa sarili mo. Anong mga hilig mo, gano’n,” anito. Tumango ako. “Okay… noong mga bata pa kami ay nakatira kami sa Hagonoy. Magkahiwalay

    Last Updated : 2021-07-17
  • The Heartless Hunter    Chapter fourteen

    CHAPTER 14 MABILIS akong lumapit sa pinto ng may nag-doorbell. Kumunot ang noo ko ng mabungaran ang taong nasa labas. Ngumiti ako sa kanya. Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto saka ito pumasok sa loob. “Ano pong kaylangan ninyo?” tanong ko kay Havoc ng nasa sala na kami. He smiled at me and show me a dress his holding. Inabot niya sa’kin kaya kinuha ko naman. “Para saan ‘to?” nagtatakang tanong ko habang sinusuri ang damit. “They told me you’re going to join us later, Kuya Gray said give that to you so you will have something to wear,” he said while sitting in a sofa. “Parang sure na sure kayong kasama ako ha,” ani ko. “Gusto ko ba ng maiinom?” “Ano po ba ang niluto mo? May adobo?” nakangiting tanong niya. Napataw

    Last Updated : 2021-08-03
  • The Heartless Hunter    Chapter fifteen

    CHAPTER FIFTEEN KANINA ko pa sinisipat ang sarili ko haban suot ang damit na dinala ni Havoc dito. Tama nga si North, sobrang revealing ng damit na ‘to. Isa siyang tube dress, hanggang gitna ng hita ang haba. Lumingon ako kay Aura. “You look great, Camilla!” she said while looking at me. Maliit akong ngumiti sa kanya. “Thank you. A-ano nga pala ang isusuot mo?” tanong ko. Umupo ako sa may kama. Tumabi naman siya sa’kin. “Well, did you know where my brother lagay my things?” tanong niya habang nililibot ang tingin sa buong kwarto. Sa kanya nga pala ang kwartong ‘to kaya paano ko nagawang kalimutan ‘yon? “Hindi ko sure. Baka nasa itaas. Hindi pa kasi ako nakakapunta sa second floor,” sagot ko sa kanya. Tumango siya. “Okay. I w

    Last Updated : 2021-08-04
  • The Heartless Hunter    Chapter Sixteen

    CHAPTER 16 NANG mag-alarm ang phone ko ay agad akong bumangon kahit inaantok pa. Tinali ko ang buhok ko bago naglakad papasok ng banyo. Naghilamos ako at nag-mumug. Nang matapos ay nagpunas ako ng mukha bago naglakad palabas ng kwarto. Naabutan ko sa sala si North, tulog na tulog pa rin hanggang ngayon. Napailing ako. Lasing na lasing kagabi. Tumuloy ako sa kusina at hinarap ang ref. Kumuha ako ng pwedeng masabawan dahil sure na may hang-over si North pag-gising niya. Nagpasya akong mag-sinigang na baboy na lang ngayong almusal. Medyo matagal matulo kaya mabuting nagising ako ng maaga. Pagkalipas ng mahabang oras, tingin ko ay luto na ang sinigang. Inalis k

    Last Updated : 2021-08-07

Latest chapter

  • The Heartless Hunter    Author's Note

    Yey! After a long 6 months of editing! Natapos ko na rin ang THH! thank you so much for reading my story! i hope nasiyahan kayo sa pagbabasa. nawa'y 'di kayo nainip, HAHHAHA. 'yun lang gusto ko lang mag-thank you kasi 'di ako makapaniwalang may nagbabasa neto dito sa GN kasi 'di naman 'din ako gaanong kilala na manunulat at sumubok lang talaga ako. So ayorn, thank you sa mga nagbabasa kahit mga silent readers kayo ay love ko kayo! sa nagbibigay ng gems! thank you so much! advance Merry Christmas and happy new year! Huwga kayong mag-alala kasi may idadagdag pa akong special chapter dito na ngayon ko pa lang ilalabas. 'di pa sa ngayon kasi busy sa school and tinapos ko lang talaga 'tong THH. Keep safe everyone! take care!

  • The Heartless Hunter    Epilogue (Part Two)

    EPILOGUE (PART 2) KANINA pa ako kinakabahan. What if malaman ni Camilla ang lahat? What if iwanan niya ko at ‘di na magpakita ulit sa’kin? Umiling ako! Fuck! No! No! Jesus! Calm yourself, fucker. Darating siya. Darating. Masama kong tinitingnan ang mga pinsan kong kanina pa ako tinatawanan, inaasar nila ako. “Nandiyan na ang bride!!” sigaw ng tao sa may pinto. Napa-ayos ako ng tayo. Biglang nabuhay ang katawan at loob ko. Ang saradong pinto ay unti-unting bumukas kasabay ng pagtugtog ng kantang ‘A Thousand Years’, napatigil sa may pinto si Camilla.

  • The Heartless Hunter    Epilogue (Part One)

    EPILOGUE NAGISING ako dahil sa iyak ng isang sanggol. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko dahil sa ingay na ‘yon. Kaninong anak ba ‘yon at pinapabayan na lang na umiiyak? Tumambad sa’kin ang kisame. Hindi pamilyar sa’kin ang lugar kung nasaan ako. Tatayo sana ako ng hindi ko maigalaw ang katawan ko, namamanhid nung una pero kalaunan ay nagawa ko ring makagalaw. Napatingin ako sa crib kung saan nanggagaling ang ingay. Tumingin ako sa gilid dahil nakadagan sa’kin ang kung sino. Natigilan ako ng makitang si Camilla ‘yon. Ang mahal kong si Camilla. Hinaplos ko ang pisnge niya at hinalikan ng marahan sa labi. Marahan kong ina

  • The Heartless Hunter    Chapter 69

    CHAPTER 69ONE YEAR AND A HALF LATER NAKANGITI ako habang buhat-buhat si Evie o Evangeline South Anderson, six months old bouncy baby girl. “Evie, siya si Tatay. Alam mo bang mahal na mahal niya ako? At alam kong mahal na mahal ka din niya sa kung nasaan man siya nandoon,” ani ko habang nakatingin sa lapid nito. Yes, malungkot pa din ako dahil sa mga nalaman ko. Hindi ko man lang naiparamdam sa kanya na mahal ko siya. Mas higit pa sa inaakala niya. Tumingin ako kay Evie, sana ay naabuta

  • The Heartless Hunter    Chapter 68

    CHAPTER 68 NAPATINGIN ako kay North ng biglang pumasok ‘to sa bahay, ang takot ko ay medyo nabawasan dahil nandito na siya. Nag-aalalang tumingin sa’kin ang lalaki bago masamang tiningnan ang dalawang nangho-hostage sa’kin. “SINO KAYO?!” sigaw nito. Humarap sina Koko at Boyet kay North. Akmang hahakbang siya ng magkatinginan ang dalawang lalaki saka ako pagalit na kinuha ni Boyet at tinutukan ng kutsilyo sa leeg. “Sige! Lumapit ka! Papatayin ko si Camilla!” sigaw ni Boyet, samantalang si Koko ay nakatutok ang patalim kay North.&

  • The Heartless Hunter    Chapter 67

    CHAPTER 67 PINAGSISIPA ko ang gulong ng kotse ko nang nasa labasan na ako. Hindi ko na dapat pinatulan ang init ng ulo ni Camilla. Dapat ay naging pasensyoso ako sa kanya. “FUCK!!!” gigil kong mura at padabog na binuksan ang pintuan ang driver seat. Sumakay ako sa loob at binuhay ang makina. Pinaandar ko ‘yon paalis at dinala sa Bar. Hindi ko alam kung bakit gano’n na lang si Camilla ng umuwi siya. Namumugto ang mga mata niya at halatang-halata na umiiya ito, gusto kong malaman kung bakit! Anong nangyari? Saan siya nagpunta at nagkagano’n na siya. Nang makarating ako sa bar ay pinarada ko sa parking lot ang kotse ko. Wala akong pake

  • The Heartless Hunter    Chapter 66

    CHAPTER 66 GABI na ng umuwi ako. Nagulat pa nga yata ‘yung mga babaeng nasa loob ng banyo ng lumabas ako sa isang cubicle do’n. ang akala siguro nila ay sira ang huli kaya naka-lock. Namumugto ang mga mata ko kakaiyak, pati na rin ang ilong ko ay namumula. Tumingin ako sa bahay namin. Ilang hakbang na lang ang layo ko pero tumigil pa din ako. Bukas ang ilaw. Hindi pa umaalis si North. Handa na ba akong harapin siya? Inalis ko ang mga ‘yon sa isipan ko at nag-umpisang lumakad pauwi. Pumasok ako sa loob ng bahay namin at nakita ko si North sa kusina. Nakataliko ito sa’kin, mukhang malakas naman na ‘to dahil nakakatayo na. Pumasok ako sa lo

  • The Heartless Hunter    Chapter 65

    CHAPTER 65 KINABUKASAN naako nagising. Maganda ang sikat ng araw at hindi mo aakalaing umulan ng malakas kagabi. Bumangon ako at inayos ang higaan ko. Umalis na kaya si North? Sigurado akong sa naranasan nito kagabi ay uuwi na ‘yon sa kanila. Hindi siya sana’y sa ganitong buhay. Pagkabukas ko ng pintuan ay kaagad kumunot ang noo ko ng makita si North na nanginginig sa lamig. Dinalawang hakbang ko ang pagitan naming dalawa. Umupo ako sa gilid nito at sinalat ang leeg niya na mabilis ko ring binawi. Sobrang init nito at animo ginaw na ginaw. Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang wallet ko. Lumabas na din ako para bumili sa tindahan. Pag-uwi ko ay may dala na akong noodles at tatlong paracetamol.&n

  • The Heartless Hunter    Chapter 64

    CHAPTER 64 NAPANGITI ako nang ako na ang susunod na mag-iigib ng tubig sa may poso. Nang magising ako kaninang umaga ay napag-alaman ko sa mga kapit-bahay ni Camilla na nawalan daw ng tubig ang buong barangay. Maaga pa kaya nanghirap ako ng timba para mapag-igib si Camilla. Mabilis akong lumapit sa poso. Itinapat ko ang walang lamang timba sa may dulo kung saan lalabas ang tubig saka nag-umpisang mag-igib. Natapos ko ang dalawang timba kaya lumapit ako sa may balde. Binuhat ko ‘to gamit ang magkabilang kamay ko at naglakad pabalik sa bahay ni Camilla. Maganda rin palang exercise ‘to para sa araw-araw kung sakali. Hindi ko na kaylangang magpunta sa gym. Nang nasa t

DMCA.com Protection Status