CHAPTER 09
HUMINGA ako ng malalim bago tuluyang ini-lock ang pintuan ng bahay namin. Nakapagpaalam na ako kila Tatay Andres at Tatay Berto na muntikan pang mauwi sa iyakan.
Ini-lock ko ang pinto at humarap kila Arelene, ngumiti ako sa kanya kahit malungkot ang mukha nito.
“Huy… wag kang malungkot. Magkikita pa rin naman tayo sa office,” pagpapagaan ko sa loob ko sa kanya.
Ngumuso siya at inirapan ako. “Bakla ka! Mami-miss kita!” aniya at niyakap ako ng mahigpit. Gumanti ako ng yakap at bahagya pang natawa.
“Mami-miss ko din kayo dito. Ikaw ha. Wag ka ng lalabas mag-isa, wala pa naman ako dito,” bilin ko.
Naglayo kami. “Oo naman. Basta ikaw, wag mo agad isuko ang bataan ha. Pakasal muna kayo.”
Hinampas ko siya sa braso, “Ikaw talaga! Tss. Aalis na ako ha,” ani ko at muli siyang niyakap. “Wag mo na akong ihatid dahil mag-isa ka na lang na uuwi,” ani ko.
Tumango siya. Tumalikod na ako at lumakad paalis. ‘Yung ibang mga kapitbahay namin ay nagbubulong-bulungan tungkol sa’kin. Kanina lang ay may mga nakapag-kwento sa’kin na may nagkakalat daw na sasama na ako sa lalaki ko. Hindi ko na lang pinansin dahil wala rin namang silbi kung pipigilin ko. Iisisipin nila ang gusto nilang isipin, kapag nag-react defensive na, kung tatahimik ako mahina. Mindset nga naman ng mga tao.
Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa sakayan ng jeep. Isang bag lang ang dala ko dahil kakaunti lang naman ang mga gamit ko. Dinala ko na din ‘yung gamit ko pang-school. Ilang sandali pa at nasa sakayan na ako ng jeep. Nagbayad ako ng pamasahe at bumaba na saka sumakay sa jeep papunta sa may condo ni North.
Pagdating ko ay agad akong bumaba at tumakbo papasok. Nginitian ko ‘yung Guard na tinanguan naman ako. Lumapit ako sa may elevator at pumasok sa loob. Pinindot ko ang floor kung saan naroroon ang unit ni North. Nang bumukas ang elevator ay agad akong lumabas at nagpunta sa unit nito. Nasa harap na ako, kumatok ako ng tatlong beses. Ilang Segundo ang hinintay ko.
Bumukas ang pinto at lumabas do’n ang isang magandang babae.
Alanganin akong ngumiti. “H-hello po,” ani ko.
Ngumiti siya sa’kin at nagulat ako ng bigla na lang itong tumili.
“Hi! Omy?! Are you Ms. Adobo Girl?” tanong niya.
“Ha? S-sorry po, ma’am pero hindi ko po maintindihan ang sinasabi ninyo,” ani ko. Ilang beses akong kumurap. “Ako nga po pala si Camilla Salazar, ‘yung maid ni Sir North saka EA,” pagpapakilala ko sa kanya.
Tumango naman siya. “Well, I’m his mother. Alexandra Crystal Anderson,” aniya at inabot ang kamay niya sa’kin. Tiningnan ko ‘yon. Nagpunas ako ng kamay sa may pants ko at nakipagkamay sa kanya.
“Ma’am, Sorry po hindi ko kayo nakilala,” ani ko.
Ngumiti siya sa’kin. “No, okay lang ‘yon. Halika pasok ka na.” Niluwagan niya ang bukas ng pinto. Pumasok naman ako, ako na rin ang nagsarado ng pinto. Sumunod ako sa Ginang na nagpunta sa sala.
“Nasaan po si Sir?” tanong ko.
Umupo ito sa sofa bago tumingin sa’kin. “Umalis, inutusan ko silang magkapatid na namili ng grocery. Don’t worry, mayamaya lang ay nandito na sila,” aniya.
Napatango ako sa sinabi nito. Inilibot ko ang buong tingin ko sa lugar. Medyo madumi, baka mamaya ay maglinis na ako.
“Ilang taon ka na, Camilla? Tama ‘di ba?” tanong niya.
Bumalik ang tingin ko sa Ginang, “Opo, ahm… twenty-seven na po ako.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Twenty-seven?” hindi makapaniwalang tanong niya sa’kin.
“Opo. Nahinto po kasi ako ng pag-aaral kaya po nahuli ako,” ani ko.
Tumango siya. “Mas matanda ka pala sa mga anak ko. Pero hindi bale, okay lang ‘yon. Umupo ka, baka mamaya mangalay ka diyan.” Ngumiti siya sa’kin.
Tumango ako sa kanya at umupo sa isahang sofa. Nilibot ko ang tingin ko sa sala, naiilang ako kay Mrs. Anderson, ramdam na ramdam ko ang tingin niya sa’kin. Tumikhim ito kaya napatingin ako sa kanya.
“May boyfriend ka na ba, Camilla?” tanong niya bigla.
“Nako, wala pa po. hindi pa po pumapasok sa isip ko ‘yan Mrs. Anderson,” ani ko.
Nanlaki ang mga mata niya sa tuwa at ngumiti sa’kin. “Mabuti naman, hija… ‘yung anak ko ba gwapo?” biglang tanong niya.
Umakyat lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa tanong ni Mrs. Anderson, “Ano po…. opo. Ang gaganda naman po kasi ng genes ninyo ng asawa niyo,” ani ko.
“Hija, wag mo sanang masamain ha. Pero may gusto ka ba sa anak ko?” tanong niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Nako! Wala po, ma’am!” tanggi ko.
Magsasakita pa sana siya ng marinig naming nagbukas ang pinto. Tumingin kami sa gawi ng pinto at hinintay na makapasok kung sino mang dumating. Nanlaki ang mga mata ni North ng makita akong kasama ang Mama niya. Mabilis itong lumapit sa’kin.
“Kanina ka pa? Why didn’t you call me na nandito ka na pala,” aniya at binaba ang mga paper bags sa mesa. Tumayo ako.
“Nako, Sir. Sumuko na po kasi ‘yung cellphone ko. Ipapagawa ko pa, saka kadarating ko palang din naman.”
Huminga ito ng malalim at tumingin sa liko kung nasaan ang babaeng blonde. Mukhang siya ‘yung kakambal ni Sir, ngumiti ako sa kanya. Ngumiti din naman ito at tumango. Lumapit siya sa kapatid niya at kinuha ang mga binabang paper bag.
“Hi, I’m Aura, his twin sister. Nice to meet you sister-in-law,” aniya at tumalikod na.
Manula ang pisnge ko adahil sa tinawag niya sa’kin. Sister-in-law? Kelan pa?
“Ma, hindi po ba kayo uuwi? Papa might be looking for you,” ani Sir at kinuha ang bag ko. “I will show you your room,” dagdag pa niya. Tumalikod siya at nauna. Humarap ako kay Mrs. Anderson at tumango bago sumunod sa Boss ko.
Pumasok kami sa kwarto kung saan siya kumuha ng mga damit na ipinahiram sa’kin noong nakaraan. Lumapit ako sa kanya.
“Wala ng gamit sa closet so you can use it, and malinis na din ‘yung banyo and may mga gamit na do’ng pwedeng gamitin,” aniya’t hinarap ako. Tumingin siya sa mga mata ko. “Bakit hindi ka sumasagot kahapon sa mga tawag ko? Miski ang mga tauhan ko ay hindi mo daw pinagbuksan ng pinto. Pupunta na sana ako but I have an important meeting with someone.”
Bahagya akong ngumiti sa kanya. “Ano kasi—nasobra ako sa tulog kahapon. Gabi na rin ako nagising kaya naman hindi ko sila napagbuksan, pero kinuha ko ‘yung mga pinadala mong pagkain. Salamat nga pala do’n.” Nakangiting turan ko.
He smiled at me at hinawakan ang pisnge ko. Malamlam ang mata niya ng tingnan niya ako. “I’m afraid that something bad happened to you yesterday. Don’t do that again, hmm?”
Napalunok naman ako at tiningnan lang siya sa mata. ‘Yung mga asul niyang mata! Gano’n ba talaga ‘yon? Nakakalunod. Nakaka-hypnotize.
“S-sorry talaga, Sir,” ani ko.
Kumunot ang noo niya. “Sir? I thought you’ll start calling me by my name.”
Kinamot ko ang ulo ko at medyo lumayo dito para makawala sa pagkakahawak niya sa pisnge ko. “Nakakahiya kas—”
“Tsk! Bakit ka mahihiya?! I want you to call me in my name! Not sir! Not boss!” mariin niyang sabi sa’kin.
Napatango ako dahil basang basa sa mukha niya ang inis. “Oo na, Aris,” ani ko.
Umiling siya. “I don’t like Aris,” aniya.
Kumunot ang noo ko, “Pangalan niyo mo ‘yon, ‘di ba? Lahat ng tao sa paligid mo Ari sang tawag sa’yo,” ani ko.
“You’re different. Call me North. I want you to call me North,” bossy niyang sabi.
“Ako naman po ang tatawag sa inyo, bakit kaylangan North pa? Baka sabihin nila masyado akong feeling close at ‘yun pa ang pantatawag ko sa’yo. Aris na lang?” pamimilit ko.
“Nope, I want it North. I don’t know why but it always sounds sweet when it come from you. I don’t usually like calling me in my first name but…. You’re different. I want you calling me North, can you, baby?” tanong niya.
Hindi ko na namalayang magkalapit na naman ang mga mukha naming dalawa. Napalunok na naman ako. Manunuyo ata ang laway ko nito dahil sa pagtawag niya sa’kin ng ‘baby’.
“O-Okay… North. A-ano… labas na tayo, baka mamaya kung ano ng isipin nila,” mahin kong sabi habang naka-iwas ng tingin dito.
Ramdam na ramdam ko ang pagtitig niya sa mukha ko bago lumayo. “Okay, you can rest here first. Ako na lang ang mag-aasikaso kila Mama,” aniya at lumabas na ng kwarto.
Nakahinga ako ng maluwag ng wala na si North sa loob ng kwarto ko. Pabagsak akong humiga sa kama at pumikit. “Nako! Nako! Nako! Camilla, lagot kang bata ka! Huwag kang papadala! Wag! Ikaw lang ang masasaktan, sige ka. Hindi ka bagay sa kanya,” ani ko sa sarili ko.
Dumilat ako at huminga ng malalim. “Arghhh!” ginulo ko ang buhok ko at muling pumikit ng mariin. Hindi ko alam na nadadala na pala ako ng antok.
NAPANGITI ako ng makalabas ako ng kwartong uukupahan ni Camilla. Natigilan lang ako ng makitang nakatingin sa’kin si Mama, tumaas ang kilay ko.
“What?” natatawang tanong ko sa kanya ng makalapit ako. Inakbayan ko siya papuntang kusina.
“Bakit ang tagal mo sa loob? Anong ginawa niyo do’n?” tanong nito na may halong pang-aasar.
Binitawan ko siya ng nasa kusina na kami. Lumapit ako sa may ref at kumuha ng malamig na tubig. Tumingin ako sa kanya.
“Wala. We just talk,” sagot ko at nagsalin ng tubig sa baso.
“Weh? Totoo ba?” tanong naman ni Aura na tumabi kay Mama, napailing ako sa kanilang dalawa. Mukhang pagtutulungan nila ako.
“I won't force you if you don't want to believe, but can you leave? I need to finish something. I cant accommodate the two of you besides Camilla is resting.”
Malisyosang lumapit sa’kin ang kakambal ko. “Need to finish something? Ano ‘yon? Can we know?”
Pinitik ko siya sa noo na kinainis niya. “Tsk! Ano ka? Gray the second?” tanong ko at humarap kay Mama, “Ma, I need to finish something. Dadalhin pa kasi to sa Singapore kaya medyo rush siya,” ani ko.
Nakaka-unawang tumango siya sat nilapitan ako. Hinalikan niya ako sa pisnge.
“I understand, son. Wag kang magpaka-pagod ka. Bring her to our house when you have time. I like talking with her.” Tumalikod na si Mama paalis ng kusina. Binalingan ko si Aura na masama ang tingin sa’kin.
“Don’t do anything stupid, Aris, ha!” banta niya.
I smirked at her. “I won’t promise anything. Now go!” pagtataboy ko sa kanya.
Inirapan niya ako at tumalikod na paalis. Umupo naman ako sa may upuan, ibinaba ko ang baso ng tubig. Tumingin ako sa may pinto ng kusina at napagpasyahang magtungko sa sala. Umupo ako sa couch at binuhay ang TV gamit ang remote control.
TUMINGIN ako sa may bintana para lang makita ang madilim na kalangitan. Pinatay ko ang TV at tumayo. Kumatok ako sa kwarto ni Camilla pero walang sumasagot. Binuksan ko ang pintuan at sumilip. Nakita ko siyang nakahiga sa kama habang malalim ang tulog. Pumasok ako sa loob at lumapit sa kanya. Tumayo ako sa gilid ng kama niya at pinagmasdan siya.
Totoo, napaka-ganda niyang babae. May katawan na hinahangad ng iba. Mahaba ang pilik mata, matangos ang ilong, may mapupulang labi na kahit hindi gamitan ng kahit anong kolorete. Mayroon rin siyang hugis pusong mukha. Hinaplos ko ang pisnge niya. Kusa akong tumigil ng mapansin kong gumigising na ito. Tumayo ako ng maayos at medyo lumayo.
Napabalikwas siya ng bangon ng makita akong nasa loob ng kwarto. “A, North, kanina ka pa diyan?” tanong niya.
Umiling ako. “Hindi naman, gigising lang sana kita kasi madilim na,” ani ko.
Napatango siya at tumayo. “Anong gusto mong ulamin, North?” tanong niya.
What I said earlier is true. For the first time, I wanted to be called by my first name. It's just as good to hear when she mentions it.
“Ikaw na ang bahala, I don’t have any specific food in my mind right now,” ani ko. Tumalikod na ako at lumakad palabas. Sumunod naman ito sa’kin. Nasa kusina kami at pinapanood ko lang siya habang nagbubuklat sa loob ng ref ko.
Sumandal ako sa lamesa at nag-cross arm. Humarap siya sa’kin at ipinakita ang baka.
“Gusto mo ba mag-nilaga tayo ngayong gabi? Para mainitan ang sikmura mo?” aniya.
Tumango ako. ngumiti siya at inilabas ‘yon. Lumapit ito sa lababo at binabad sa tubig ang karne, lumapit ulit siya sa ref at kinuha pa ang mga gulay.
Tumabi ako sa kanya nang naghihiwa na siya.
“I want to help you,” ani ko.
Tumingin siya sa’kin. “Hindi na, North. Sa loob ka na lang at hintayin mong tawagin kita,” utos niya.
Umiling ako. “Papanuorin na lang kita,” sabi ko at pinatong ang baba ko sa kamay ko.
“Nakakailang,” mahina niyang sabi sabay yuko.
Ngumisi ako. “Bakit ka naman maiilang? Maganda ka naman talaga kaya madaming tumitingin sa’yo,” ani ko.
Sinalubong niya ang mga tingin ko. “Hindi naman ako maganda, wag kang bolero,” medyo may bahid na inis na sabi niya. Nag-umpisa na ulit siyang mag-hiwa.
“Hindi ako bolero, nagsasabi ako ng totoo. Maganda ka talaga,” turan ko.
CHAPTER TEN “HINDI ako bolero. Nagsasabi lang ako ng totoo, maganda ka talaga,” ani North. Napatigil ako sa pagbabalat at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Pinipigil kong mapatili. Bakit ba kasi kaylangan pa niyang sabihin ‘yon? Bakit kaylangan niyang iparamdam sa’kin ang ganito? Tumingin ako sa kanya, “Pumasok ka na sa loob at wag ka dito. Hindi ako makakapagluto ng maayos niyan kung nandito ka,” pantataboy ko sa kanya. tinalikuran ko siya at hinugasan ang mga nahiwa kong gulay pagkatapos sinunod na hugasan ang baka. Baka mabokya tayo dito! Narinig ko ang pagbuntonghininga niya at ang yabag ng paa nito paalis. Doon lang ako nakahinga ng maluwag ng
CHAPTER 11 NAPAIRAP ako ng makapasok ako sa loob ng office ni North. Kanina pa kasi nakaupo ‘yung babaeng ‘yon sa hita ng binata. Tss, anong silbi ng mga upuan ‘di ba? Ano na tawag sa kanila? Bwisit! Lumapit ako sa table nito at inabot ang report. Nagtataka itong tumingin sa’kin. “‘Yan daw po ‘yung report na kaylangan ng approval mo ngayong araw,” ani ko. Tumango siya, lumakad na ako palabas at umupo ulit sa tabi ni Ms. J. “Bakit nakasimangot ka na naman? Parang buong araw na ‘yan ah,” puna nito.&
CHAPTER 12 ISANG buwan na simula ng manligaw sa’kin si North. Pagkatapos naming mag-dinner ng gabing ‘yon at hindi na niya ako tinigilan. Pinapatunayan niyang seryoso siya sa’kin. Nakangiti akong bumangon sa kama at inayos ang hinigaan ko. Five am pa lang pero kaylangan ko ng magluto ng almusal naming dalawa. Lumabas ako ng kwarto at nagtuloy sa kusina. Lumapit ako sa ref at kumuha ng mga ihahanda ko. Kinuha ko ang hotdog, tocino at ilog. May kaning natira kagabi kaya baka i-fried rice ko na lang para masarap ang kain ngayon. Naglakad ako sa may lababo at nilinis ang mga iluluto ko. Nang okay na ay lumapit ako sa may kalan, ipinatong do’n ang dalawang kawali. Pinainit ko muna ‘yung isa na may mantika at inilagay ko na sa isa ‘yung tocino at tubig. Hinuli kong iluto ang itlog dahil madali lang naman ‘yun.
CHAPTER 13 “MY real name is North Polaris Anderson, twenty-four years old, June 13 is my birthday. I have twin sister and she’s Aura,” ani ko sa kanya. Nakahiga pa rin kami dito sa kama, magkaharap sa isa’t isa. Ngumiti siya sa’kin. “Camilla Salazar, twenty-seven years old. May 16 at mag-isa na lang sa buhay,” pagpapakilala niya sa sarili niya. Nginitian ko siya at hinaplos ang kanyang mukha. “Ano pang gusto mong malaman? Hmm?” “Mag-kwento ka tungkol sa sarili mo. Anong mga hilig mo, gano’n,” anito. Tumango ako. “Okay… noong mga bata pa kami ay nakatira kami sa Hagonoy. Magkahiwalay
CHAPTER 14 MABILIS akong lumapit sa pinto ng may nag-doorbell. Kumunot ang noo ko ng mabungaran ang taong nasa labas. Ngumiti ako sa kanya. Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto saka ito pumasok sa loob. “Ano pong kaylangan ninyo?” tanong ko kay Havoc ng nasa sala na kami. He smiled at me and show me a dress his holding. Inabot niya sa’kin kaya kinuha ko naman. “Para saan ‘to?” nagtatakang tanong ko habang sinusuri ang damit. “They told me you’re going to join us later, Kuya Gray said give that to you so you will have something to wear,” he said while sitting in a sofa. “Parang sure na sure kayong kasama ako ha,” ani ko. “Gusto ko ba ng maiinom?” “Ano po ba ang niluto mo? May adobo?” nakangiting tanong niya. Napataw
CHAPTER FIFTEEN KANINA ko pa sinisipat ang sarili ko haban suot ang damit na dinala ni Havoc dito. Tama nga si North, sobrang revealing ng damit na ‘to. Isa siyang tube dress, hanggang gitna ng hita ang haba. Lumingon ako kay Aura. “You look great, Camilla!” she said while looking at me. Maliit akong ngumiti sa kanya. “Thank you. A-ano nga pala ang isusuot mo?” tanong ko. Umupo ako sa may kama. Tumabi naman siya sa’kin. “Well, did you know where my brother lagay my things?” tanong niya habang nililibot ang tingin sa buong kwarto. Sa kanya nga pala ang kwartong ‘to kaya paano ko nagawang kalimutan ‘yon? “Hindi ko sure. Baka nasa itaas. Hindi pa kasi ako nakakapunta sa second floor,” sagot ko sa kanya. Tumango siya. “Okay. I w
CHAPTER 16 NANG mag-alarm ang phone ko ay agad akong bumangon kahit inaantok pa. Tinali ko ang buhok ko bago naglakad papasok ng banyo. Naghilamos ako at nag-mumug. Nang matapos ay nagpunas ako ng mukha bago naglakad palabas ng kwarto. Naabutan ko sa sala si North, tulog na tulog pa rin hanggang ngayon. Napailing ako. Lasing na lasing kagabi. Tumuloy ako sa kusina at hinarap ang ref. Kumuha ako ng pwedeng masabawan dahil sure na may hang-over si North pag-gising niya. Nagpasya akong mag-sinigang na baboy na lang ngayong almusal. Medyo matagal matulo kaya mabuting nagising ako ng maaga. Pagkalipas ng mahabang oras, tingin ko ay luto na ang sinigang. Inalis k
CHAPTER 17 NAPANGITI ako ng mabungaran si North na nakatunghay sa’kin. Humarap ako sa kanya. “Good morning, love,” bati niya at akma akong hahalikan ng takpan ko ang bibig ko. Kumunot ang noo niya. “Why?” “Hindi pa ako nakakapag-toothbruhs o kaya naman mumug,” nahihiyang sagot ko sa kanya habang nakatakip pa rin ang kamay sa bibig ko. Umiling siya saka ngumisi, “Same to me, my love, so why you cover your mouth? Let me give you a good morning kiss,” mapanghikayat niyang ani. Hinawakan niya ang kamay ko at inalis sa pagkakatakip sa aking
Yey! After a long 6 months of editing! Natapos ko na rin ang THH! thank you so much for reading my story! i hope nasiyahan kayo sa pagbabasa. nawa'y 'di kayo nainip, HAHHAHA. 'yun lang gusto ko lang mag-thank you kasi 'di ako makapaniwalang may nagbabasa neto dito sa GN kasi 'di naman 'din ako gaanong kilala na manunulat at sumubok lang talaga ako. So ayorn, thank you sa mga nagbabasa kahit mga silent readers kayo ay love ko kayo! sa nagbibigay ng gems! thank you so much! advance Merry Christmas and happy new year! Huwga kayong mag-alala kasi may idadagdag pa akong special chapter dito na ngayon ko pa lang ilalabas. 'di pa sa ngayon kasi busy sa school and tinapos ko lang talaga 'tong THH. Keep safe everyone! take care!
EPILOGUE (PART 2) KANINA pa ako kinakabahan. What if malaman ni Camilla ang lahat? What if iwanan niya ko at ‘di na magpakita ulit sa’kin? Umiling ako! Fuck! No! No! Jesus! Calm yourself, fucker. Darating siya. Darating. Masama kong tinitingnan ang mga pinsan kong kanina pa ako tinatawanan, inaasar nila ako. “Nandiyan na ang bride!!” sigaw ng tao sa may pinto. Napa-ayos ako ng tayo. Biglang nabuhay ang katawan at loob ko. Ang saradong pinto ay unti-unting bumukas kasabay ng pagtugtog ng kantang ‘A Thousand Years’, napatigil sa may pinto si Camilla.
EPILOGUE NAGISING ako dahil sa iyak ng isang sanggol. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko dahil sa ingay na ‘yon. Kaninong anak ba ‘yon at pinapabayan na lang na umiiyak? Tumambad sa’kin ang kisame. Hindi pamilyar sa’kin ang lugar kung nasaan ako. Tatayo sana ako ng hindi ko maigalaw ang katawan ko, namamanhid nung una pero kalaunan ay nagawa ko ring makagalaw. Napatingin ako sa crib kung saan nanggagaling ang ingay. Tumingin ako sa gilid dahil nakadagan sa’kin ang kung sino. Natigilan ako ng makitang si Camilla ‘yon. Ang mahal kong si Camilla. Hinaplos ko ang pisnge niya at hinalikan ng marahan sa labi. Marahan kong ina
CHAPTER 69ONE YEAR AND A HALF LATER NAKANGITI ako habang buhat-buhat si Evie o Evangeline South Anderson, six months old bouncy baby girl. “Evie, siya si Tatay. Alam mo bang mahal na mahal niya ako? At alam kong mahal na mahal ka din niya sa kung nasaan man siya nandoon,” ani ko habang nakatingin sa lapid nito. Yes, malungkot pa din ako dahil sa mga nalaman ko. Hindi ko man lang naiparamdam sa kanya na mahal ko siya. Mas higit pa sa inaakala niya. Tumingin ako kay Evie, sana ay naabuta
CHAPTER 68 NAPATINGIN ako kay North ng biglang pumasok ‘to sa bahay, ang takot ko ay medyo nabawasan dahil nandito na siya. Nag-aalalang tumingin sa’kin ang lalaki bago masamang tiningnan ang dalawang nangho-hostage sa’kin. “SINO KAYO?!” sigaw nito. Humarap sina Koko at Boyet kay North. Akmang hahakbang siya ng magkatinginan ang dalawang lalaki saka ako pagalit na kinuha ni Boyet at tinutukan ng kutsilyo sa leeg. “Sige! Lumapit ka! Papatayin ko si Camilla!” sigaw ni Boyet, samantalang si Koko ay nakatutok ang patalim kay North.&
CHAPTER 67 PINAGSISIPA ko ang gulong ng kotse ko nang nasa labasan na ako. Hindi ko na dapat pinatulan ang init ng ulo ni Camilla. Dapat ay naging pasensyoso ako sa kanya. “FUCK!!!” gigil kong mura at padabog na binuksan ang pintuan ang driver seat. Sumakay ako sa loob at binuhay ang makina. Pinaandar ko ‘yon paalis at dinala sa Bar. Hindi ko alam kung bakit gano’n na lang si Camilla ng umuwi siya. Namumugto ang mga mata niya at halatang-halata na umiiya ito, gusto kong malaman kung bakit! Anong nangyari? Saan siya nagpunta at nagkagano’n na siya. Nang makarating ako sa bar ay pinarada ko sa parking lot ang kotse ko. Wala akong pake
CHAPTER 66 GABI na ng umuwi ako. Nagulat pa nga yata ‘yung mga babaeng nasa loob ng banyo ng lumabas ako sa isang cubicle do’n. ang akala siguro nila ay sira ang huli kaya naka-lock. Namumugto ang mga mata ko kakaiyak, pati na rin ang ilong ko ay namumula. Tumingin ako sa bahay namin. Ilang hakbang na lang ang layo ko pero tumigil pa din ako. Bukas ang ilaw. Hindi pa umaalis si North. Handa na ba akong harapin siya? Inalis ko ang mga ‘yon sa isipan ko at nag-umpisang lumakad pauwi. Pumasok ako sa loob ng bahay namin at nakita ko si North sa kusina. Nakataliko ito sa’kin, mukhang malakas naman na ‘to dahil nakakatayo na. Pumasok ako sa lo
CHAPTER 65 KINABUKASAN naako nagising. Maganda ang sikat ng araw at hindi mo aakalaing umulan ng malakas kagabi. Bumangon ako at inayos ang higaan ko. Umalis na kaya si North? Sigurado akong sa naranasan nito kagabi ay uuwi na ‘yon sa kanila. Hindi siya sana’y sa ganitong buhay. Pagkabukas ko ng pintuan ay kaagad kumunot ang noo ko ng makita si North na nanginginig sa lamig. Dinalawang hakbang ko ang pagitan naming dalawa. Umupo ako sa gilid nito at sinalat ang leeg niya na mabilis ko ring binawi. Sobrang init nito at animo ginaw na ginaw. Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang wallet ko. Lumabas na din ako para bumili sa tindahan. Pag-uwi ko ay may dala na akong noodles at tatlong paracetamol.&n
CHAPTER 64 NAPANGITI ako nang ako na ang susunod na mag-iigib ng tubig sa may poso. Nang magising ako kaninang umaga ay napag-alaman ko sa mga kapit-bahay ni Camilla na nawalan daw ng tubig ang buong barangay. Maaga pa kaya nanghirap ako ng timba para mapag-igib si Camilla. Mabilis akong lumapit sa poso. Itinapat ko ang walang lamang timba sa may dulo kung saan lalabas ang tubig saka nag-umpisang mag-igib. Natapos ko ang dalawang timba kaya lumapit ako sa may balde. Binuhat ko ‘to gamit ang magkabilang kamay ko at naglakad pabalik sa bahay ni Camilla. Maganda rin palang exercise ‘to para sa araw-araw kung sakali. Hindi ko na kaylangang magpunta sa gym. Nang nasa t