CHAPTER TEN
“HINDI ako bolero. Nagsasabi lang ako ng totoo, maganda ka talaga,” ani North. Napatigil ako sa pagbabalat at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Pinipigil kong mapatili. Bakit ba kasi kaylangan pa niyang sabihin ‘yon? Bakit kaylangan niyang iparamdam sa’kin ang ganito?
Tumingin ako sa kanya, “Pumasok ka na sa loob at wag ka dito. Hindi ako makakapagluto ng maayos niyan kung nandito ka,” pantataboy ko sa kanya. tinalikuran ko siya at hinugasan ang mga nahiwa kong gulay pagkatapos sinunod na hugasan ang baka.
Baka mabokya tayo dito!
Narinig ko ang pagbuntonghininga niya at ang yabag ng paa nito paalis. Doon lang ako nakahinga ng maluwag ng wala ng makitang North sa kusina. Nag-umpisa na ako sa pagluluto. Habang ginigisa ko ang bawang at sibuyas ay iniisip ko ang mga binitawang salita ni North. ‘Yung mga galawan niya, susko! Ginugulo niya ang isip ko! Ilang beses akong umiling para alisin ‘yon sa isip ko dahil baka mamaya ay masunog na ang niluluto ko dahil wala ako sa focus.
Nang matapos ako sa pagluluto ay nagsalin ako ng ulam sa isang bowl na malaki. Kumuha rin ako ng kanin at inilagay sa isang malaking plato. Sabay kong inilagay at inayos sa mesa ang mga pagkain. Inabot ko sa cabinet ang plato, kubyertos at baso. Naglagay ako sa kabisera kung saan nakaupo si North.
Nang makitang ayos na ay lumabas ako ng kusina at nakita si North na nasa sala, nakaupo sa couch habang nakabusangot ang mukha. Bakit kapag iba ang nakabusangot ang pangit nilang tingnan? Bakit kapag kay North, cute.
Lumapit ako sa kanya. “North, luto na ang pagkain. Tara na,” yaya ko.
Tumingin siya sa’kin at sumimangot pang lalo. Tumayo naman ito at nagtuloy sa kusina, nilampasan niya lang ako. Napailing ako dahil sa inasta ni North, napaka-moody talaga ng lalaking ‘yon. Lumapit ako sa may remote, kinuha ko ‘yon at pinatay ang TV. Nagpunta na ako sa kusina, naabutan ko na lang si North na nakaupo na sa kabisera.
Lumapit ako sa may ref at lumuha ng juice, pagkatapos ay sinalinan ko ang baso nito. Ibinaba ko ang juice sa lamesa.
Tumingin sa’kin si North na kinakaba ko.
“Bakit? Hindi ba masarap? May kulang ba?” sunod-sunod kong tanong.
Umiling siya sa’kin at nagpunas ng bibig. “Hindi, masarap siya. Kaya lang hindi ka ba sasabay sa’kin?” tanong niya habang nakatingin sa may kanan nitong pwesto na walang plato.
“Ah hindi na, North. Mauna ka na pagkatapos mo saka ako kakain,” ani ko.
Kumunot ang noo niya saka napailing. “Alam mo kaya nga kita pinatura dito para may kasabay din ako sapagkain. You see? Walang espirito ang kinakain ko dahil mag-isa lang din ako,” mahabang lintaniya niya.
Napakamot ako sa ulo bago lumapit sa isang cabinet, kumuha ako ng isa pang plato at kubyeros pati na rin ang baso, lumakad ako pabalik at umupo sa tabi nito.
Nakangiti siya ng umupo ako. Ibinaba ko ang plato ko at akmang kukuha ng sariling pagkain ng hawak ni North ang kamay ko.
“Let me,” aniya. Kinuha niya ang kanin at ipinaglagay ako sa plato ko.
“H-hindi mo naman na kaylangang gawin ‘yan,” nahihiyang wika ko habang nakayuko.
Ramdam ko ang tingin niya sa’kin habang nilalagyan ng ulam ang plato ko. “It’s okay. I want to do it.” Nang matapos no’n ay nginitian niya lang ako. “Okay, let’s start to eat.”
Sumunod ako sa kanya at kumain na din. Habang kumakain ay nag-umpisa itong magpatawa na para bang normal na sa ‘min ang ginagawa namin ngayon kahit unang beses naming kumain ng magkasabay.
“Do you want me to help you?”
Tumingin ako kay North na nakatayo sa likod ko. Nililigpit ko na kasi ang kinainan namin.
“Hindi na. Kaya ko na, North. Magpahinga ka na maaga ka pa ‘yung pasok nati bukas,” ani ko at pinunsanan ang mesa.
Tumango siya. “Okay just call me when you need help.”
Sinagot ko siya ng ngiti at lumapit na ako sa lababo. Inumpisahan ko na ang paghuhugas ng plato, mabilis lang akong natapos dahil kakaunti lang naman ang mga ginamit namin. Lumabas ako ng kusinaat nagpunta sa sala. Inayos ko ang pagkakalagay ng mga throw pillow. Tumingin ako sa wall clock at nakitang nine pm na pala.
Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang bag ko. Pinatong ko ito sa ibabaw ng kama at binuksan. Inilabas ko ang mga damit ko at nagpunta sa harapan ng closet. Binuksan ko ito at inilagay sa loo bang mga damit ko. nag-iwan lang ako ng isusuot ko ngayong gabi at pagkatapos sinarado ko na ito. Pumasok ako sa banyo at napanganga dahil sa pagka-magara nito.
Ang shower ay nakapaloob sa isang wall glass, may bathtub rin sa gilid. Toilet na katabi ng lababo. Ang salamin ay mahab at nasa itaas siya ng lababo na mahaba rin. Lumapit ako dito at tiningnan ang mga hindi pa nabubuksang gamit pangbabae. Kumpleto miski ang mga napkins.
Napangiti ako at nagtuloy na sa shower. Binuksan ko ito at naligo. Unang beses kong nakagamit ng shower dahil de tabo lang naman kami, ang sabon ay mabango at halatang mamahalin. Binilisan ko ang pagligo dahil gusto ko ng matulog. Maaga pa akong gigising bukas para ipagluto ng pagkain ang boss ko.
Nang matapos ay lumabas akong nakatapos lang ng towel, lumapit ako sa may pinto at ni-lock ‘yon. Pagkatapos ay lumapit ako sa damit kong nasa ibabaw ng kama. Sinuot ko ang mga damit at pinatuyo sandali ang buhok ko. Nang masiyahan ako ay sinampay ko ang towel at humiga na sa kama sabay pinilit na matulog.
KINAUMAGAHAN ay maaga akong nagluto ng almusal. Ala-sais na at natapos ko na ang paglilinis pati na rin ang almusal ni North. Naglagay na rin ako ng baon nitong pagkain sa nakita kong baunan sa lalagyan. Nakalagay ‘to sa isang paper bag. Nagtimpla ako ng kape.
“You’re early,” puna ni North mula sa likod ko. Well, kami lang namang dalawa dito kaya alam kong siya na ‘yon. Unless may nakikita kayong hindi namin nakikita? Dora ka teh? Magtatanong kahit alam na ‘yung sagot.
Humarap ako sa kanya at nginitian siya. “Lunes kasi. Kumain ka na,” ani ko at ibinaba ang kape sa may tabi ng plato nito. Umupo ako sa may kanan niya at pinaglagay ko siya ng pagkain.
Nakatingin lang siya sa’kin hanggang sa matapos ako.
“Pwede ka ng mag-asawa,” aniya at humigot sa kape.
Naglagay naman ako ng pagkain ko sa plato. “Mag-aasawa ako kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral at kaya ko ng bumuhay ng mga anak,” sabi ko sa kanya at sumubo ng pagkain.
Gano’n rin ang ginawa nito. Kumain. “So, after graduation you will marry me?”
Nabilaukan naman ako sa tanong niya sa’kin. Inabutan niya ako ng tubig na mabilis kong kinuha at ininom. Gulat akong tumingin dito.
“A-alam mo North… napaka-palabiro mo, noh?” ani ko at nag-iwas ng tingin dito. Nagpunas ako ng bibig ko at tiningnan ang binata. “M-maliligo na ako. Matagal kasi akong maligo baka mamaya mahuli tayo,” pagdadahilan ko at mabilis na tumayo.
Tumakbo ako palabas ng kusina at nagpunta sa kwarto ko. Ini-lock ko ang pinto pagkatapos ay sumandal ako. Napahawak ako sa d****b ko.
Ang bilis ng tibok ng puso ko, ang mga alaga kong bulate sa tiyan mga nangingisay na akala mo inasinan. Hiningal ako ng hindi ko alam kung bakit. Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariiin.
“Anong bang pinagsasabi niya?! Alam ba niya ang sinasabi niya?! Diyos ko naman! Lord, help me!” ani ko, napaupo ako sa lapag at sinandal ang ulo ko sa pinto. Ilang minuto din akong nasa ganoong posisyon ng mapagpasyahan kong tumayo at maligo na.
Nakaligo na ako. nakaupo ako sa kama. Tumingin ako s aorasan at nakitang seven thirty na ng umaga. Lumabas ako ng kwarto at nagtuloy sa kusina.
Sumilip muna ako sa loob kung nando’n pa si North, nang makitang wala na ay pumasok na ako. nakaligpit na ang mga nagamit na plato kanina at nasa lababo na rin. Lumapit ako at hinugasan ang mga ‘yon. Nang matapos ay nagpunta ako ng kamay. Lumabas ako ng kusina at nagpunta sa kwarto ko. kinuha ko ang bag ko at lumabas ulit.
Nakita ko si North na nasa sala at mukhang hinihintay ako. Tumingin siya sa’kin.
“Let’s go,” anito.
Kumunot ang noo ko. “Saan?” tanong ko. Naalala ko ang baon ni North kaya naman nagpunta ako sa kusina. Kinuha ko ang baon ni North at bumalik na rin sa sala.
“Sa office. Sa’kin ka sasabay dahil sa iisang lugar lang rin naman tayo pupunta,” aniya.
“Ano?! Hindi ba nakakahiya sa’yo?”
Lumapit siya sa’kin at hinawakan ang kamay ko. “No, so let’s go,” aniya.
Nagpatiaanod naman ako sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa kamay kong hawak-hawak niya. Tumingin ako sa likod niya. Wag naman sana! Pigilan hanggang kaya! Baka pag-nahulog walang sumalo sa’yo.
Pumasok kami sa loob ng elevator, hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko kaya naman ako na ang kusang bumabawi, hahawakan sana ulit ni North ang kamay ko ng bumugas ang pinto ng elevator, pumasok sa loo bang mga tao. Sobrang dikit na naming dalawa. Wala ng space ang mga katawan namin. Naamoy ko na rin ang panlalaki niyang pabango. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa ulo ko.
Muntik na dapat akong masubsub sa katabi ko sa kanan ng biglang may umurong galing sa harapan. Mabuti na lang ay nahawakan ako ni North sa bewang ko. Napalunok ako. Siya ang unang lalaking nakahawak sa’kin s abewang ko. Kahit noong nasa high school at ngayong nasa kolehiyo ay walang nagtangka.
Tumingin ako sa kanya. Nagtama ang mga mata naming dalawa. Ang mga mata niyang nakaka-hypnotize. Napakalapit ng mga mukha namin. Aakalain mong naghahalikan kami, naamoy ko na ang mabango nitong hininga. Akmang maglalapat ang mg alibi namin ng biglang tumigil ang elevator, naglabasan ang mga tao. Naitulak ko siya ng mahina at tumikhim ako.
Kaming dalawa na lang ang tao dito sa lob. Tiningnan ko siya at yumuko ako. Nauna akong lumabas at naramdaman ko ang pagsunod sa’kin ni North. Lumingon ako ng hawakan nito ang braso ko pagkatapos at hinila ako papunta sa may parking area. Huminto kami sa harap ng Ferrari nito.
Ang binata ang nagbukas ng pinto para sa’kin. Pumasok naman ako at sinarado na nito. Sumunod itong umikot at pumasok sa driver’s seat. Wala pang limang minuto at pinaandar na nito ang kotse.
Tumingin ako sa labas ng bintana at doon itinuon ang atensyon sa buong byahe. Kung hindi nagbukas ang elevator kanina ay malamang na nakuha na niya ang first kiss ko. Siguradong maaring may makakita sa ‘min kanina kahit isang tao at nakakahiya ‘yon! Sobra!
Nang malapit na kami sa A.V. Corp ay humarap ako kay North.
“Bababa na ako,” ani ko sa kanya.
Tumingin siya sa’kin at kinunutan ako ng noo. “What do you mean, bababa ka na?”
“Dito na lang po ako bababa. Baka kasi mamaya ay mapag-tsismisan tayo,” nag-aalalang turan ko.
“Tss. So? Ano namang masama? I’m single and you’re single right, there’s no wrong with this,” aniya at tumigil sa may gilid ng kalsada sa mismong tapat ng building.
“Masama kasi boss kiya at empleyado mo ako,” pagdidiin ko sa kanya.
“So? Ano namang masama do’n? Pareho naman tayong tao.”
“North, hindi mo ba naiintindihan? Hindi nila pwedeng makitang magkasama tayo! Ano na lang ang sasabihin nila? Na nilalandi kita kaya ako nakasama sa OJT? Na nilalandi ko ang boss ko?!” mariin kong sabi sa kanya.
“Hindi mo ako nilalandi!” mariin niya ding sigaw sa’kin.
Huminga ako ng malalim at tiningnan siya. “Sir, sorry po pero bababa na ako. Mamaya ay hindi po ako sasabay sa inyo pag-uwi. Salamat po,” ani ko at binuksan ang pinto. Lumabas ako at tumawid sa may kalsada.
Hindi ko akalaing magkakaroon ng away sa pagitan naming dalawa. Nang makapasok ako sa loob ng building ay pinagtitinginan ako pero hindi ko sila pinansin. Pumunta ako sa fire exit at do’n dumaan. Habang papanik ay kinakalma ko na ang sarili ko.
Ngayon ko lang napagtanto ang ginawa ko. Jusmiyo! Sinigawan ko ang Boss ko! Ano ba namang katangahan ‘yan?! Susko!
Nang nasa fifth floor na ako ay lumabas ako ng fire exit at pumunta sa tapat ng elevator, lahat sila ay nakatigin sa’kin dahil ngayon lang ako nagpunta sa floor na ‘to. Hinintay kong bumukas ang elevator ay ng mangyari ay agad akong pumasok. Pinindot ko ang top floor at naghintay. Bumukas ang pinto at lumabas ako, nilakad ko ang office ni Sir North.
Nasa harap na ako ng pinto pero bago ako pumasok ay huminga muna ako ng malalim at ngumiti. Pinihit ko ang seruda ng pinto at pumasok. Naabutan ko sa loob si North, naka-upo sa upuan nito na parang hari. May binabasa ‘tong kung ano. Hindi niya ako binigyan ng pansin habang nandito ako sa loob.
Tatawagin lang niya ako kung may iuutos na siya. Tumingin ako sa labas ng bintanan. Tirik na tirik na ang araw sa labas.
Tiningnan ko ulit si North at hindi pa rin ako pinapansin. Napaka-upo ako sa may sofa at pinapanood lang siya. Mabigat sa pakiramdam! Bakit ba ganito?! Nakakainis! Ambigat sa pakiramdam ng hindi niya ako pinapansin at kinikibot! Wala naman akong ginawang masama ah. Sinabi ko lang naman ‘yung totoo na hinidi kami pwedeng makitang magkasama. Paano na lang kung masira ang pangalan niya dahil sa’kin?
Lalapitan ko sana siya ng bumukas ang pinto at pumasok mula do’n si Veronica. Parang hindi ako nakita dahil tuloy-tuloy itong lumapit kay North at umupo sa lap ng binata. Tumaas ang kilay ko. At anong akala mo sa’kin? Multo?!
Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila. Seryosong tumingin sa’kin si North kaya tinapatan ko ng kaseryosohan din ang titig niya.
“Sa labas lang po ako, Sir. Tawagin niyo na lang ako if may pag-uutos pa kayo,” ani ko. Hindi ko na hinintay ang pagsang-ayon niya, mabilis akong tumalikod at naglakad palabas. Lumapit ako sa table ni Miss Jess, nginitian niya ako ng makita akong papalapit.
Bahagya akong ngumiti sa kanya. “Hi, Ms. J,” bati ko.
Tumigil siya sa ginagawa at tumingin sa’kin. “o, bakit nandito ka sa labas? Hindi ba’t sinabi ni Aris na hindi ka aalis sa loob?” tanong niya.
“Nasa loob po kasi ‘yung girlfriend ni Sir North. Nakakahiya naman kung nasa loob ako habang sila ay naglalampungan. Third wheel ang peg gaya ni Dimitri,” nakakalokong sabi ko dito. Tumawa si Miss Jessie.
“Alam mo, ikaw talagang bata ka… nakakatuwa ka. Osige, dahil mukhang wala ka pa namang gagawin ay baka pwedeng ikaw na lang ang magdala nit okay Hard sa ibabang floor natin? Sabihin mo kaylangan ng approval niya ulit bago ko ibigay kay Aris,” aniya at inabot sa’kin ang isang folder.
Kinuha ko naman ‘yon. “Sa ibabang floor po natin?” tumango siya. “Okay po,” ani ko at tinalikuran na siya. Aglakad ako papunta sa elevator at pumasok sa loob. Pinindot ko ‘yung sumunod na na floor sa’min at hinintay bumukas. Lumabas ako at lumapit sa may table sa labas.
“Nandiyan ba si Sir Hardy?” tanong ko sa secretary nito.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago binalik sa mukha ang tingin ko. “Oo. Anong kaylangan mo sa kanya?” mataray nitong tanong.
Pinakita ko sa kanya ang hawak kong folder na sa tingin ko’y mga reports. “Pinapadala ‘to kay Sir Hardy, sabi ni Miss Jessie ay kaylangan na daw ng approval niya bago ibigay kay Sir North,” ani ko.
Tumango siya sa’kin. Nginitian ko siya ng matamis at lumakad papunta sa pinto ng office ni Sir Hardy, tatlong beses akong kumatok bago binuksan ang pinto. Nakatingin ito sa’kin ng sumilip ako do’n.
Ngumiti ito ng malaki. “Hi there, babe!” aniya.
Pumasok ako sa loob, sinarado ko ang pinto. Lumakad ako papunta sa kanya. “Good morning, Sir. Pinapadala nga pala ni Miss. J, need daw ng approval mo bago ipakita kay Sir North,” ani ko at ibinaba sa lamesa ang reports niya.
Tiningnan niya ‘yon bago ibinalik ang tingin sa’kin. “Okay, babe. Padala ko na lang mamaya. By the way? Did you eat already? Gusto mo sabay tayong kumain mamaya?” maloko niyang tanong.
Umiling ako sa kanya. “Hindi na po, Sir. Wala naman po akong balak kumain ng lunch.”
“Why? Ayaw ka bang payagan ni Aris? I will talk to him para payagan ka,” aniya na may pagtatakang mababasa sa mukha.
Umiling ako. “Hindi na, Sir. Aalis na po ako baka mamaya ay may iuutos pa sa’kin,” paalma ko at tumalikod na para lang humarap ulit ng tawagin niya ako.
“Can I get your number? So I can call you every time,” aniya sabay tayo.
Nahihiya akong ngumiti sa kanya at yumuko. “Wala po akong phone, Sir, nasira na po kasi ‘yung luma ko at wala pa akong ipon para bumili ng bago,” mahabang sabi ko.
“Gano’n ba?” tanong niya. Tumango ako ditpo.
“Sige po, Sir. Mauuna na ako.” Lumabas ako palabas ng office nito at pumasok ulit sa elevator, nakarating na ako sa floor namin. Tinabihan ko ng upo si Miss. Jessie.
“Ms. J, gusto mo po tulungan ko na kayo sa ginagawa niyo?” alok ko sa kanya.
Tumingin siya sa’kin at umiling habang nakangiti. “Hindi na, Camilla. Umupo ka na lang diyan at magpahinga. Baka utusan ka rin ni Aris mayamaya,” aniya.
Tumango ako at umupo na lang.
“Ms. J, pwede po ba akong magtanong?”
“Oo naman, ano bang itatanong mo?” aniya.
Tiningnan ko muna si Ms. Jessie na busy-ng busy sa ginagawa niya. hindi naman siguro niya mamasamain ‘yung tanong ko ‘di ba?
“Girlfriend po ba ni Sir ‘yung babaeng nasa loob?”
Nilingon niya ako. “Hmm… bakit mo naman natanong?”
Umiwas ako ng tingin sa kanya. “Ahm… gusto ko lang po malaman kasi madalas magpunta ‘yung babaeng ‘yon dito.” Ani ko.
“Well ang alam ko ay oo, pero hindi ko sigurado. Wala naman kasing nak-kwento si Bryan sa’kin about do’n,” aniya.
Napatango ako sa sagot nito. Hindi na ulit ako nagtanong dahil baka mamaya ay mag-isip pa siya g iba. Napapikit ako ng mariin ng maalala ang sinabi ko kanina.
North, hindi mo ba naiintindiha? Hindi nila pwedeng makitang magkasama tayo! Ano na lang ang sasabihin nila? Na nilalandi kita kaya ako nakasama sa OJT? Na nilalandi ko ang boss ko?!
Jusko Camilla!
CHAPTER 11 NAPAIRAP ako ng makapasok ako sa loob ng office ni North. Kanina pa kasi nakaupo ‘yung babaeng ‘yon sa hita ng binata. Tss, anong silbi ng mga upuan ‘di ba? Ano na tawag sa kanila? Bwisit! Lumapit ako sa table nito at inabot ang report. Nagtataka itong tumingin sa’kin. “‘Yan daw po ‘yung report na kaylangan ng approval mo ngayong araw,” ani ko. Tumango siya, lumakad na ako palabas at umupo ulit sa tabi ni Ms. J. “Bakit nakasimangot ka na naman? Parang buong araw na ‘yan ah,” puna nito.&
CHAPTER 12 ISANG buwan na simula ng manligaw sa’kin si North. Pagkatapos naming mag-dinner ng gabing ‘yon at hindi na niya ako tinigilan. Pinapatunayan niyang seryoso siya sa’kin. Nakangiti akong bumangon sa kama at inayos ang hinigaan ko. Five am pa lang pero kaylangan ko ng magluto ng almusal naming dalawa. Lumabas ako ng kwarto at nagtuloy sa kusina. Lumapit ako sa ref at kumuha ng mga ihahanda ko. Kinuha ko ang hotdog, tocino at ilog. May kaning natira kagabi kaya baka i-fried rice ko na lang para masarap ang kain ngayon. Naglakad ako sa may lababo at nilinis ang mga iluluto ko. Nang okay na ay lumapit ako sa may kalan, ipinatong do’n ang dalawang kawali. Pinainit ko muna ‘yung isa na may mantika at inilagay ko na sa isa ‘yung tocino at tubig. Hinuli kong iluto ang itlog dahil madali lang naman ‘yun.
CHAPTER 13 “MY real name is North Polaris Anderson, twenty-four years old, June 13 is my birthday. I have twin sister and she’s Aura,” ani ko sa kanya. Nakahiga pa rin kami dito sa kama, magkaharap sa isa’t isa. Ngumiti siya sa’kin. “Camilla Salazar, twenty-seven years old. May 16 at mag-isa na lang sa buhay,” pagpapakilala niya sa sarili niya. Nginitian ko siya at hinaplos ang kanyang mukha. “Ano pang gusto mong malaman? Hmm?” “Mag-kwento ka tungkol sa sarili mo. Anong mga hilig mo, gano’n,” anito. Tumango ako. “Okay… noong mga bata pa kami ay nakatira kami sa Hagonoy. Magkahiwalay
CHAPTER 14 MABILIS akong lumapit sa pinto ng may nag-doorbell. Kumunot ang noo ko ng mabungaran ang taong nasa labas. Ngumiti ako sa kanya. Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto saka ito pumasok sa loob. “Ano pong kaylangan ninyo?” tanong ko kay Havoc ng nasa sala na kami. He smiled at me and show me a dress his holding. Inabot niya sa’kin kaya kinuha ko naman. “Para saan ‘to?” nagtatakang tanong ko habang sinusuri ang damit. “They told me you’re going to join us later, Kuya Gray said give that to you so you will have something to wear,” he said while sitting in a sofa. “Parang sure na sure kayong kasama ako ha,” ani ko. “Gusto ko ba ng maiinom?” “Ano po ba ang niluto mo? May adobo?” nakangiting tanong niya. Napataw
CHAPTER FIFTEEN KANINA ko pa sinisipat ang sarili ko haban suot ang damit na dinala ni Havoc dito. Tama nga si North, sobrang revealing ng damit na ‘to. Isa siyang tube dress, hanggang gitna ng hita ang haba. Lumingon ako kay Aura. “You look great, Camilla!” she said while looking at me. Maliit akong ngumiti sa kanya. “Thank you. A-ano nga pala ang isusuot mo?” tanong ko. Umupo ako sa may kama. Tumabi naman siya sa’kin. “Well, did you know where my brother lagay my things?” tanong niya habang nililibot ang tingin sa buong kwarto. Sa kanya nga pala ang kwartong ‘to kaya paano ko nagawang kalimutan ‘yon? “Hindi ko sure. Baka nasa itaas. Hindi pa kasi ako nakakapunta sa second floor,” sagot ko sa kanya. Tumango siya. “Okay. I w
CHAPTER 16 NANG mag-alarm ang phone ko ay agad akong bumangon kahit inaantok pa. Tinali ko ang buhok ko bago naglakad papasok ng banyo. Naghilamos ako at nag-mumug. Nang matapos ay nagpunas ako ng mukha bago naglakad palabas ng kwarto. Naabutan ko sa sala si North, tulog na tulog pa rin hanggang ngayon. Napailing ako. Lasing na lasing kagabi. Tumuloy ako sa kusina at hinarap ang ref. Kumuha ako ng pwedeng masabawan dahil sure na may hang-over si North pag-gising niya. Nagpasya akong mag-sinigang na baboy na lang ngayong almusal. Medyo matagal matulo kaya mabuting nagising ako ng maaga. Pagkalipas ng mahabang oras, tingin ko ay luto na ang sinigang. Inalis k
CHAPTER 17 NAPANGITI ako ng mabungaran si North na nakatunghay sa’kin. Humarap ako sa kanya. “Good morning, love,” bati niya at akma akong hahalikan ng takpan ko ang bibig ko. Kumunot ang noo niya. “Why?” “Hindi pa ako nakakapag-toothbruhs o kaya naman mumug,” nahihiyang sagot ko sa kanya habang nakatakip pa rin ang kamay sa bibig ko. Umiling siya saka ngumisi, “Same to me, my love, so why you cover your mouth? Let me give you a good morning kiss,” mapanghikayat niyang ani. Hinawakan niya ang kamay ko at inalis sa pagkakatakip sa aking
CHAPTER 18 KANINA pa nagpapabalik-balik ng tingin sila TatayAndres at Tatay Berto kay Aris. Kanina pa kami nandito sa bahay namin ni Tita, naglinis lang ng kaunti dahil dito magdarasal mamaya. Tiningnan ko sila at para bang may bubugbugin ang mga asta. Tumikhim ako saka tumayo. “Tay, siya po si North Polaris. Boyfriend ko po,” pagpapakilala ko dito. Tumayo naman si Aris at naglahad ng kamay sa dalawang lalaki pero tiningnan lang nila ito. Nahihiyang ngumiti ako para kay North. Hinawakan ko ang isang braso nito. “Sigurado ka bang mahal mo si Camilla? Baka naman lok
Yey! After a long 6 months of editing! Natapos ko na rin ang THH! thank you so much for reading my story! i hope nasiyahan kayo sa pagbabasa. nawa'y 'di kayo nainip, HAHHAHA. 'yun lang gusto ko lang mag-thank you kasi 'di ako makapaniwalang may nagbabasa neto dito sa GN kasi 'di naman 'din ako gaanong kilala na manunulat at sumubok lang talaga ako. So ayorn, thank you sa mga nagbabasa kahit mga silent readers kayo ay love ko kayo! sa nagbibigay ng gems! thank you so much! advance Merry Christmas and happy new year! Huwga kayong mag-alala kasi may idadagdag pa akong special chapter dito na ngayon ko pa lang ilalabas. 'di pa sa ngayon kasi busy sa school and tinapos ko lang talaga 'tong THH. Keep safe everyone! take care!
EPILOGUE (PART 2) KANINA pa ako kinakabahan. What if malaman ni Camilla ang lahat? What if iwanan niya ko at ‘di na magpakita ulit sa’kin? Umiling ako! Fuck! No! No! Jesus! Calm yourself, fucker. Darating siya. Darating. Masama kong tinitingnan ang mga pinsan kong kanina pa ako tinatawanan, inaasar nila ako. “Nandiyan na ang bride!!” sigaw ng tao sa may pinto. Napa-ayos ako ng tayo. Biglang nabuhay ang katawan at loob ko. Ang saradong pinto ay unti-unting bumukas kasabay ng pagtugtog ng kantang ‘A Thousand Years’, napatigil sa may pinto si Camilla.
EPILOGUE NAGISING ako dahil sa iyak ng isang sanggol. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko dahil sa ingay na ‘yon. Kaninong anak ba ‘yon at pinapabayan na lang na umiiyak? Tumambad sa’kin ang kisame. Hindi pamilyar sa’kin ang lugar kung nasaan ako. Tatayo sana ako ng hindi ko maigalaw ang katawan ko, namamanhid nung una pero kalaunan ay nagawa ko ring makagalaw. Napatingin ako sa crib kung saan nanggagaling ang ingay. Tumingin ako sa gilid dahil nakadagan sa’kin ang kung sino. Natigilan ako ng makitang si Camilla ‘yon. Ang mahal kong si Camilla. Hinaplos ko ang pisnge niya at hinalikan ng marahan sa labi. Marahan kong ina
CHAPTER 69ONE YEAR AND A HALF LATER NAKANGITI ako habang buhat-buhat si Evie o Evangeline South Anderson, six months old bouncy baby girl. “Evie, siya si Tatay. Alam mo bang mahal na mahal niya ako? At alam kong mahal na mahal ka din niya sa kung nasaan man siya nandoon,” ani ko habang nakatingin sa lapid nito. Yes, malungkot pa din ako dahil sa mga nalaman ko. Hindi ko man lang naiparamdam sa kanya na mahal ko siya. Mas higit pa sa inaakala niya. Tumingin ako kay Evie, sana ay naabuta
CHAPTER 68 NAPATINGIN ako kay North ng biglang pumasok ‘to sa bahay, ang takot ko ay medyo nabawasan dahil nandito na siya. Nag-aalalang tumingin sa’kin ang lalaki bago masamang tiningnan ang dalawang nangho-hostage sa’kin. “SINO KAYO?!” sigaw nito. Humarap sina Koko at Boyet kay North. Akmang hahakbang siya ng magkatinginan ang dalawang lalaki saka ako pagalit na kinuha ni Boyet at tinutukan ng kutsilyo sa leeg. “Sige! Lumapit ka! Papatayin ko si Camilla!” sigaw ni Boyet, samantalang si Koko ay nakatutok ang patalim kay North.&
CHAPTER 67 PINAGSISIPA ko ang gulong ng kotse ko nang nasa labasan na ako. Hindi ko na dapat pinatulan ang init ng ulo ni Camilla. Dapat ay naging pasensyoso ako sa kanya. “FUCK!!!” gigil kong mura at padabog na binuksan ang pintuan ang driver seat. Sumakay ako sa loob at binuhay ang makina. Pinaandar ko ‘yon paalis at dinala sa Bar. Hindi ko alam kung bakit gano’n na lang si Camilla ng umuwi siya. Namumugto ang mga mata niya at halatang-halata na umiiya ito, gusto kong malaman kung bakit! Anong nangyari? Saan siya nagpunta at nagkagano’n na siya. Nang makarating ako sa bar ay pinarada ko sa parking lot ang kotse ko. Wala akong pake
CHAPTER 66 GABI na ng umuwi ako. Nagulat pa nga yata ‘yung mga babaeng nasa loob ng banyo ng lumabas ako sa isang cubicle do’n. ang akala siguro nila ay sira ang huli kaya naka-lock. Namumugto ang mga mata ko kakaiyak, pati na rin ang ilong ko ay namumula. Tumingin ako sa bahay namin. Ilang hakbang na lang ang layo ko pero tumigil pa din ako. Bukas ang ilaw. Hindi pa umaalis si North. Handa na ba akong harapin siya? Inalis ko ang mga ‘yon sa isipan ko at nag-umpisang lumakad pauwi. Pumasok ako sa loob ng bahay namin at nakita ko si North sa kusina. Nakataliko ito sa’kin, mukhang malakas naman na ‘to dahil nakakatayo na. Pumasok ako sa lo
CHAPTER 65 KINABUKASAN naako nagising. Maganda ang sikat ng araw at hindi mo aakalaing umulan ng malakas kagabi. Bumangon ako at inayos ang higaan ko. Umalis na kaya si North? Sigurado akong sa naranasan nito kagabi ay uuwi na ‘yon sa kanila. Hindi siya sana’y sa ganitong buhay. Pagkabukas ko ng pintuan ay kaagad kumunot ang noo ko ng makita si North na nanginginig sa lamig. Dinalawang hakbang ko ang pagitan naming dalawa. Umupo ako sa gilid nito at sinalat ang leeg niya na mabilis ko ring binawi. Sobrang init nito at animo ginaw na ginaw. Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang wallet ko. Lumabas na din ako para bumili sa tindahan. Pag-uwi ko ay may dala na akong noodles at tatlong paracetamol.&n
CHAPTER 64 NAPANGITI ako nang ako na ang susunod na mag-iigib ng tubig sa may poso. Nang magising ako kaninang umaga ay napag-alaman ko sa mga kapit-bahay ni Camilla na nawalan daw ng tubig ang buong barangay. Maaga pa kaya nanghirap ako ng timba para mapag-igib si Camilla. Mabilis akong lumapit sa poso. Itinapat ko ang walang lamang timba sa may dulo kung saan lalabas ang tubig saka nag-umpisang mag-igib. Natapos ko ang dalawang timba kaya lumapit ako sa may balde. Binuhat ko ‘to gamit ang magkabilang kamay ko at naglakad pabalik sa bahay ni Camilla. Maganda rin palang exercise ‘to para sa araw-araw kung sakali. Hindi ko na kaylangang magpunta sa gym. Nang nasa t