CHAPTER TWO
NAGPUPUNAS ako ng buhok ng maalala ko si Sir. North. Umupo ako sa higaan ko at tumigil sa ginagawa. Kakauwi ko lang galing trabaho. Three am nang madaling araw. Hindi na ako matutulog ngayong gabi. Madaming gagawin isama pa na kaylangang maaga pumasok mamaya dahil Eight am daw kami susunduin.
Lumabas ako ng kwarto ko, bumaba sa kusina. Tumigil ako sa harap ng salamin at wala sa sariling humawak sa noo ko.
“T-Totoo ba yung kanina?” Tanong ko sa sarili ko. Yung b-blue eyes niya… y-yung smile niya. ang gwapo! Napatigil ako sabay panlalaki ng mata. “Hoy Camilla! Ano bang iniisip mo?! Magtigil ka nga! Huwag kang maniwala sa mga lalaking ganun ang estado sa buhay! Kung yung mahihirap ay manloloko na at sira-ulo paano pa sila di ‘ba?! Huwag kang magmadali!” asik na sita ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.
Lumapit ako sa may set at umupo. Huminga ako ng malalim at sumandal sa sandalan.
‘Ay sus! Magsisinungaling ka pa? Gwapo naman talaga. Alam mo sa sarili mo na humanga ka rin sa kakisigan at kagwapuhan niya.’ ani ng dimonyong bahagi ng utak ko.
“Hindi okay! Oo, gwapo siya pero hindi lang naman siya ang gwapong kilala ko. M-madami pa jan sa kabila.” Pagtutulog ko sa sarili ko.
“Camilla?! Sino ba ‘yang kausap mo?” tanong ni Tita Guada na kalalabas lang sa sariling kwarto. Tumayo ako’t lumapit sa kanya. Inalalayan ko siya at naupo kami ng magkatabi.
“Ano—Wala lang po, Tita. N-Nagp-practice po ako.” pagpapalusot ko at inabot ko ang bag ko. kinuha ko ang two thousand na kinita ko kanina at inabot dito.
Tumingin si Tita sa hawak ko at ibinalik sa mukha ko. “Para sana iyan?” tanong niya.
Inabot ko ang kamay nito at inilagay sa mga palad niya ang pera. “Para po sa’yo ‘yan, Tita. Bumili po kayo ng mga kaylangan niyo. Yung mga gamot mo po nasa lamesa na, naibili ko na kayo. Uminom po kayo ha pagkatapos mong mag-almusal.” Ani ko sa kanya.
“P-Pero…”
“Sa’yo na po ‘yan, Tita.” Final kong sabi sa kanya.
“Paano ang pambayad sa tubig at kuryente? Ikaw din ang sasagot? May pera pa naman ako diyan, pwedeng pambayad. May utang pa tayo sa tindihan sa harap.” Nag-aalalang sabi niya.
Hinawakan ko ang kamay ni Tita at nginitian ito ng matamis. “Huwag ka na pong mag-alala tungkol don. Ako na po ang bahala. Ang dapat niyo pong gawin ay matulog na dahil medaling araw na po.” Ani ko.
Nag-tatanong na tumingin sa’kin si Tita. “Ikaw ba’y ‘di pa rin matutulog? Kakauwi mo lang galing trabaho di ‘ba? Malamang ay pagod ka rin. May klase ka pa mamaya.” Nag-aalalang tanong niya sa’kin.
Inilingan ko siya at tinuro ang notebook at mga libro na nagkalat sa lamesa. “Mauna na po kayo, may mga gagawin pa po ako. Maaga din po ang pasok ko kaya ‘di na ako matutulog.” Sabi ko.
Tumango naman ito. “O, siya… siya. Mauuna na ako sa’yo. Salamat dito ha.” sabi niya at inangat ang kamay na may hawak na pera. Tumango ako sa kanya at ngumiti. Pinanood ko si Tita na pumasok sa kwarto niya. Nang wala na si Tita ay tumingin ako sa gilid, may maliit kaming side table at nakapatong doon ang picture namin ng Tatay ko.
Kinuha ko ‘yon at tiningnan. Mapait akong ngumiti. Ito na yung huling picture na mayroon ako na kasama si Tatay, sa pagkakatandan ko ay seventh birthday ko nang kuhanan ito. Gusto kasi ni Tatay na magkaroon kami ng picture kaya nagpunta kami sa isang studio para magpakuha. Pumikit ako at kinagat an bottom lip ko.
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. mabilis kong pinahid ang luha ko at tumayo na. lumapit ako sa mesa. Umupo at kinuha ang isang notebook. Inipit ko doon ang picture namin ni Tatay. Tay, promise ko po sa’yo. Mapututpad ang hiling mong makapagtapos ako ng pag-aaral. Magiging proud rin po kayo sa’kin.
Sumisikat palang ang araw ng tumayo ako sa kina-uupuan ko. tinabi ko ang mga gamit ko at napalingon sa pinto ng may kumatok sa pintuan namin na akala mo’y sisirain ang pinto.
“Sadali nga!!” naiinis kong sigaw sa kung sinong kumakatok. Binitawan ko ang hawak kong notebook bago naglakad papuntang pinto. Inalis ko ang kawit na nagsisilbing isa sa mga lock nito at binuksan. “BAKIT BA?!” naiinis kong sigaw dito.
“Gud morneng, Camilla mah labs!” malakas na sabi ni Boyet at ngumisi pa.
Kinunutan ko siya ng noo at tinaasan ng kilay. “Anong ginagawa mo dito ha?! ke-aga-aga nambubulahaw ka!” galit kong tanong.
Ngumiti siya at itinaasan ang isang plastic. “Camilla Mah labs naman. Hindi ka ba natutuwa dahil dumalaw ang pinaka-pogi mong manliligaw? Para sa’yo nga pala…. Mainit-init na sopat galing sa puso ko.” aniya at humawak sa d****b.
Naduduwal na ako sa isip ko dahil sa sinasabi ng gagong `to. Anong pinakapoging manliligaw? Naduduwal na ako sa isip ko dahil sa sinasabi ng gagong `to. Anong pinakapoging manliligaw? Yak!!
“Boyet, gusto mong bumaha ng dugo dito, ha?!” maangas kong tanong saka namewang. “At anong manliligaw ang sinasabi mo?! May pa-Mah labs-Mah labs ka pang nalalaman! Wala akong sakit para pagdalhan mo ng sopas.”
Si Boyet kasi ay well… isipin niyo yung anyo ni Choco sa story ni Maxinejiji, ialis na natin na portrayer non ay si Lee Min Ho. Kasi ganun ang hitsura ni Boyet.
“Mah labs naman.” ani Boyet na para bang napahiya. Nagkamot ito ng batok.
Tiningnan ko siya ng masama. “Hoy! Ako’y hindi nakikipag-biruan sayo ha! Tumigil ka na kung ayaw mong ipa-gulpi kita sa mga tropa ng Tatay ko!” pagbabanta ko dito.
Hindi naman kasi ako nagbibiro. Talagang ipapa-gulpi ko siya sa Tropa ng Tatay ko.
Bumakas ang mukha nito ang takot at mabilis pa sa alas-kwatro na umalis. Ngumisi ako. tsk. Napaka-duwag talaga. Ang laki-laki ng katawan ta’s gano’n.
Sinarado ko na ang pinto at binalikan ang ginagawa ko kanina sa may lamesa.
“Sino ba ‘yong kaaway mo sa labas, Cam?” tanong ni Tita Guada habang binubuksan ang pinto. Nilingon ko siya.
“Si Boyet po, Tita. Nangungulit na naman po kasi. Manliligaw ko daw siya. Nako! Huwag na!” nandidiri kong sabi. Binuhat ko ang bag ko at binaba sa set.
“Ano naman ang sinabi mo’t napa-alis agad?” tanong nito.
Napangiti ako dahil sure akong alam naman na ni Tita kung ano ang ginawa ko pero gusto nitong kumpirmahin.
“Ang sabi ko kasi ay ipapabugbug ko siya sa tropa ni Tatay sa labas. Ayun, natakot.” Natatawag pagk-kwento ko dito.
Totoo naman kasi may mga tropa si Itay. Matatalik nitong kaybigan na naging father figure ko na rin. Sila ang nagturo sa’kin kung paano makipag-sapaka sa tuwing inaapo ako. Protektado rin kami dito sa loob. Nung unang beses akong i-bully nila Boyet at Koko noon ay lumaban ako. Kaya lang ay dalawang malalaking lalaki sila kaya hindi ko rin kinaya.
Kaya ayun, umuwi akong may bangas ang mukha at may mga pasa sa braso. Nakita nila at nagalit. Kaya pinag-igihan nila ang pagtuturo sa’kin, kalaunan ay nakaganti ako sa dalawang yon.
“Ikaw talagang bata ka! Huwag kang sasama sa gulo ng mga lalaki, Camilla. Babae ka pa rin. Malay mo kung anong mangyaring masama sayo ‘don na huwag naman sana.” Pagalit na bilin sa’kin ni Tita habang nag-aayos sa kusina.
Lumapit ako sa matanda at yumakap sa kanya. “Tita, huwag ka pong mag-alala dahil kaya ko naman ang sarili ko. Ano pa ang silbi ng mga tinuro sa’kin nila Tatay Berto at Andress kung di ko magagamit di ‘ba?” ani ko.
Si Tatay Berto ay ang tatay ni Arlene. Si Tatay Andres naman ay kapatid ni Tatay Berto, kina Arlene na nakatira ang matanda.
“Ewan ko sa’yong bat aka! Humiwalay ka na’t ako’y magsasaing. Maligo ka na, baka mahuli ka sa school.” Aniya saka inalis ang braso kong nakapalibot sa bewang niya.
Tumango ako at kinuha ang towel ko, sa banyo na ako nagtuloy at naligo na. Pagkatapos kong maligo ay nakahain na ang pagkain sa mesa. Mabilis akong naglakad papunta sa kwarto ko. Sinara ko ang mga bintana at sinuguradong walang kahit anong butas bago nag-bihis.
Ang suot ko ay isang maong pants at black t-shirt na medyo malaki sa’kin. Yung ibang mga damit ko ay puro luma na kaya kung hindi pa masyadong lumaya nabili namin sa tiyangge. Bumaba ako at nagsalamin. Naabutan kong nag-wawalis si Tita.
“Aalis ka na ba Camilla?” tanong nito.
“Opo, maaga po kasi kaming susunduin para mag-OJT. Kaya baka ‘di na rin po ako maka-uwi sa oras ha.” pagpapaalam ko dito. Ayoko naman kasing mag-alala siya sa’kin.
“Aba’y saan ba ang pagt-trabahuhan mo?” tanong niya.
Umupo ako at nagsuot ng sapatos. “Hindi ko pa po alam, ‘Ta eh. Basata ang sabi susunduin kami ngayon sa school. Maiiwan ang late kaya mauuna na ako.” sabi ko at mabilis ang kinlos na tinali ang buhok ko sabay hablot sa bag ko.
“Mag-aalas-siete pa lang naman ah.” Puna nito sa oras.
“`Yun nga po eh. Magc-commute ako, baka mamaya ay ma-traffic.” Nag-aalalang pagdadahilan ko. Lumapit ako sa kanya at nagmano. “Aalis na po ako.” pagpapaalam ko sabay labas ng bahay. Tumakbo ako papunta sa bahay nila Arlene. Sinasabi ko na kasi sa kanyang maaga kaming aalis dahil siya ang isasama ko sa OJT.
Nakangiti akong sinalubong ni Arlene. “Saan ka pupunta?! Tara na!” excited niyang sabi saka hinila ang kamay ko. nagtuloy kami sa labasan at pumara ng masasakyan.
“Susunduin lang po sana kita, Seniorita. Malay ko bang maaga ka pa sa akin.” Sarcastic kong sagot sa kanya.
Sumakay kami sa trike na huminto sa harap namin.
“Na-tiyempuhan lang, Cam. Natulog ka ba? Bakit para kang inaantok?” tanong niya at tiningnan ako sa mata.
Nag-abot ako ng bente pesos sa kanya saka sumandal sa balikat nito.
“Hindi nga. Tinapos ko yung mga dapat tapusin sa school.” Inaatok kong sabi sabay higab.
Kinuha niya ang bente. “Bess, magkakasakit ka sa ginagawa mong ‘yan.” Pagalit niyang paalala.
Huminga ako ng malalim. “Bess, sanayan lang. Kaylangan ko ng pera para sa gamot ni Tita at mga bayarin namin. Gusto ko ngang ipa-check up si Tita kaya lang ay ayaw niya. Nag-iipon ako para bibiglain ko nalang siya’t di na makatutul.” Sabi ko at habang nakapikit.
“Wag kang matutulog kung hindi ihuhulog kita sa jeep!” pagbabanta niya na kinangiti ko. “Nasaan ba ang mask mo? Baka mamaya ay sipunin ka na naman.” Tanong niya.
“Nasa bag ko. Mamaya ko na isusuot.” Inaantok kong sagot sa kanya.
“Shala, kung kaylan walang usok saka ka magm-mask? Suotin mo na at baka mamaya kung ano pang masinghot mo!” naiinis nitong utos at kinuha ang bag ko sa’kin.
Napa-ayos ako ng upo at napakamot ako sa ulo ko. Humarap ako kay Lyn habang naghahanap ng mask sa bag ko. Nang may makita ay inabot niya sa’kin.
Padabog kong kinuha at sinuot.
“Happy?!” malamig kong tanong.
“OO naman!” aniya saka tumawa. Hindi ko na siya sinagot at pumikit nalang ulit. Mabilis kasi akong sipunin kapag ka nakaka-singhot ng kung ano-anong alikabok o usok kaya palagi akong may dalang mask para safe/
BUMABA kami sa tapat ng University. Pinakita namin ang ID namin at pumasok sa loob. Nakita naming madaming nakapila sa labas na mag-OOJT. Lumapit ako kay Damon Train. Ngumiti ito sa’kin.
“So…. Kumpleto na ba ang lahat?” tanong ni Ms. Aura habang naglilibot ng tingin.
“Yes, ma’am!” sabay-sabay naming sagot.
Tumango ito. “Okay. Kung sino yung na-pick namin kahapon na Eight ay mag-stay, ‘yung mga hindi na-pick they will ride sa bus na yun! Ayun oh!” sabi ni Ms. Aura at tinuro ang isang bus sa may likod. “Doon kayo mag-ride ha. The one who picked will ride with the Van!” sabi pa nito at pumalakpak.
Tumingin ako kay Lyn at tinanguan siya. Ngumiti ito at kumaway bago sumunod sa mga kasamahan. Susunod na rin sana ako sa mga kasama ko ng may huwag sa kamay ko na kinalingon ko. Nanlaki ang mga mata ko.
Si Sir. North ay humawak sa’kin. Hindi ako makapagsalita. Para akong nah-hypnotize ng mga mata nito.
“Why, North? Do we have a problema here?” ma’am Aura asked. Binitawan ako ni Sir sabay ngisi.
“Nothing. Sa’kin siya sasabay dahil siya na muna ang EA ko. Dalhin mo na sa destinasyon nila ang iba pang napili.” Sabi ni Sir. Napansin ko ang ilang bulong-bulungan dahil sa ginawa nitong paghila sa’kin mula sa parking lot kanina. Huminto kami sa tapat ng Ferrari nitong kotse.
“What’s your name again?” tanong niya. nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang kanya.
“C-Camilla po.” nanginginig kong sagot ko. “Camilla Salazar po.”
“Okay, Camilla. First of all, when I’m talking to you. You should be looking at me because what you’re doing right now is rude.” Mabilis akong nag-angat ng tingin at sinalubong ang tingin nito.
“Sorry, Sir.” mahinang turan ko.
Ngumiti siya. “Second, drop the sir and po. If I’m not mistaken, you’re twenty-seven while I’m twenty-four.”
Talaga? Mas bata pala si’ya sa’kin. Ang akala ko ay magkasing-edad lang kami.
“Okay po sir—err.” nakangiwi akong sumagot. “A-ano na pong itatawag ko sa’yo ngayon?” tanong ko.
“You can call me baby and I’ll call you mine.” aniya na kinalaki ng mata ko. Umawang ang labi ko at agad ring naningkit ang mga mata. Smooth lang?!
Binigyan ko siya ng ngiting aso. “I will just call you, North if you’re not allowing me to call you Sir.” ani ko.
Tumaas ang isang kilay nito habang tumatango sa sinabi ko. Si North na rin ang nagbukas ng pinto ng passenger seat.
“Hop in, Camilla.”
Bumilis ang tibok ng puso ko ng banggitin niya ang pangalan ko. Bakit ang sarap pakinggan kapag siya ang nagsasabi?
Magtigil ka Camilla! sita ko sa sarili at mabilis na sumakay sa sasakyan. Sinarado nito ang pinto bago umikot sa driver seat. Nang makapasok ito ay mabilis na pinaandar ang sasakyan pasibad sa lugar na ‘yon.
NORTH’S P.O.V.
NAPATINGIN ako sa katabi ko at umiling ng makitang nakatingin ito sa isang Restaurant na hinintuan namin. Inalis ko ang seat belt ko at tumikhim. Lumingon si Camilla sa’kin.
“North, anong gagawin natin dito?” tanong niya, lumingon itong muli sa bintana at tumingin sa labas.
“We will meet someone. And as my EA, you need this.” turan ko at kinuha ang notepad sa backseat kasama na ang isang ballpen. Inabot ko sa kanya.
Kinuha niya ‘yon at sinuri ang notepad.
“You will take notes there, Camilla.” sagot ko dahil mukhang magtatanong ito sa hitsura nito ngayon.
Bumaba ako ng kotse at umikot sa passenger seat, like what I did a while ago I opened the door for her. And when she about to say ‘Thank you’ I gave her my trademark smirk.
She lower her gazed again. I chuckle a bit because of that. Damn, she’s cute while doing that, huh. Am I intimidating that’s why she always looking at the ground?
Pumasok kami sa A and A. inilibot ko ang tingin sa buong Resto dahil baka nandito na ang mga kasama ko. Ngumisi ako ng makita sila. Hinawakan ko sa wrist si Camilla at saka hinila.
“He’s now fucking here!” ani Gray.
“We should celebrate! Dammit bro, you really love making us wait!” ani Havoc. Napalingon samin sina Hardy at Veronica.
“Traffic.” Simpleng sagot ko at umupo sa tabi ni Veronica.
“And who’s this pretty chick you bring?” malokong tanong ni Hardy habang hinahagod ng tingin si Camilla. Umiling ako dahil akma pa akong magsasalita ng mabilis na nakalapit si Gray sa dalaga.
“I’m Gray, milady. What’s your name?” tanong nito at inakbayan pa si Camilla.
“I’m Camilla.” naiinis nitong inalis ang braso ni Gray sa kanyang balika. “And please, don’t touch me, little boy.” malamig nitong saad.
Palihim akong tumawa dahil napahiya si Gray kay Camilla. samantalang sina Havoc at Hardy ay panay ang tukso dito.
“Whooo! Little boy ka na pala ngayon, Gray.” nang-aasar na sabi ni Hardy. Lumapit it okay kamila. Sumandal ako sa upuan at pinanood sila.
“I’m yours and you’re mine. How about that baby?” he asked her.
Camilla frowned at him and raised a brow afterwards. “Conry. Gasgas na linya na.” walang ka-abog-abog nitong sagot na kinakatawa na naman nila.
Ngumisi lang ako. Tiningnan ko si Camilla at sinenyasang umupo sa katapat kong upan. Sumunod naman ang dalaga.
“She’s my Executive Assistant, Camilla Salazar. OJT from University.” Turan ko at tiningnan ang dalawang lalaking ngayon ay nakangisi kay Camilla. “Stop scaring her, fuckers!”
Tumango ang dalawa habang magka-akbay na nakatingin kay Camilla, wala ng ngising kasama.
“Bakit ba kayo naka-tayo diyan? Anong hinihintay niyo? Pasko?” masungit na sabi ni Veronica sabay irap kay Camilla. “How are you na ba? And why you dress up like that? It’s so jejemon. Eww. Yuck! You’re in a high class Resto! You look like a porr!” maarteng ani Veronica sabay tumingin ng nandidiri kay Camilla.
Tinaasan ni Camilla ng kilay si Veronica. “Twenty-seven, ma’am. Kaya po ganito ang suot ko ay komportable ako dito. Bakit, kaylangan po bang naka-traje-de-boda kapag papasok sa ganitong lugar?” sarcastic na tanong ni Camilla kay Veronica.
Feisty. Ngumisi ako at pumagitna na sa kanila. Kilala ko si Veronica ayaw na ayaw niyang naapakan ang pride niya. Kaya kung ayaw namin ng gulo ay dapat matigil na ito.
“That’s enough! She didn’t know that I will bring her here with me. sit down you jerks and start the meeting.” matigas kong sabi sa kanila. Hardy and Gray quickly sat on both sides of Camilla. Umiling nalang ako dahil mukhang wala silang balak tigilan si Camilla.
“Aris, are we not going to eat? I’m hungry na.” parang batang sabi ni Veronica. Mukha pang magma-maktol maya-maya/
“If you really wanted to eat. Go, no one’s stopping you. We have something to discuss here.” naiinis kong ani sa kanya.
Nag-pout si Veronica at humalukipkip sa gilid. I let a sigh. She hold my hand.
“Sorry. Don’t be mad, Aris. I will wait here until ma-finish niyo na yung pag-uusapan niyo.” ani Veronica na naging maamong tupa ang hitsura.
Tumikhim ako at pinanlakihan siya ng mata. Mabilis na binawi ang kamay at tumayo.
“I will go back later. I need to meet Tita Alex pa eh.” Tumalikod na ito at naglakad palayo sa amin.
Inabot ni Hardy ang isang folder, kinuha ko yun at binuklat.
“What happened here?” kunot noong tanong ko at nag-angat ng tingin sa kanila. “Why are sales so low in Singapore?” pabagsak kong ibinaba ang hawak at seryosong tumingin sa dalawa.
“We also don’t know, Aris. When we heard about that. Gray will go to Singapore next week to check. And I’m going to Cebu to—”
“To flirt, pf course.” Mabilis na dugtong ni Harvoc sa sinasabi ng kapatid. Masamang tumingin si Hardy kay Havoc.
“Psh! I’m not okay! Mom want me to visit her boutique there.” pagtangging sagot ni Hardy. Kinuyom ko ang kamao ko.
“Let’s start the meeting! Stop that!” pagalit kong utos sa kanila.
Mabilis silang nagtigil at nagbalik kami sa topic namin kanina. Si Camilla ay nagte-take down notes sa binigay kong notepad.
CAMILLA’S P.O.V.
HAPON na ng matapos ang metting na pinuntahan namin ni Sir North. Kaina ay napag-isip-isip ko na hindi tamang tawagin ko siya sa kanyang pangalang dahil Boss ko siya. Baka mamaya ay ma-misinterpret ng ibang tao, magalit pa sila sa’kin.
Pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil kanina pa ako naiirita sa mga kasama namin ngayon. Sumunod kasi yung mga ka-meeting ni Sir kanina na nagpakilala bilang Gray at Hardy. Nandito kami sa office ni Sir North, nakaupo lang ako sa may sofa dahil may secretary pala talaga ito na nasa labas at nagdadala ng mga papeles.
“Hindi ko akalaing mas matanda ka pala samin. Baby face ka kasi.” pang-limang beses nang turan ni Gray at inilapit ang muka sa’kin.
Lumayo ako dito at umusad. “Oo nga kaya pwede ho bang huwag kang masyadong lumapit, Sir Gray.” Naiinis kong sabi at muling umusad sa gilid ko sa kanan. Kaunting-kaunti nalang ay masusukol na ako dito.
Napatingin ako kay Sir Hardy na tumawa ng malakas. May mga saltik ba sa ulo ang mga lalaking ‘to?! Tangina, di kaya sila napapakain sa kanila?!
“Bro, she didn’t like you so back off. She likes me. Hindi pa ba halata?” tanong nito at inabot sa’kin ang isang beer na tinanggihan ko kaya ibinigay kay Sir Gray.
“Hindi kita gusto Sir Hardy. Wala akong gusto ni-isa sa inyo kaya kung pwede tigilan niyo na ako dahil napipikon na ako sa inyo. Baka mamaya’y makalimutan kong mga boss ko kayo.” Pagbabanta ko sa kanila.
Mabilis namang nagtaas ng kamay si Sir Gray pero si Sir Hardy ay pinisil ang ilong ko na mabilis ko namang tinabig.
He smiled at me. “You know what? I like you. Ngayon lang ako naka-encounter ng babaeng tinanggihan kami ni Gray.”
Tinaasan ko siya ng kilay. “Ibahin niyo ako sa mga babaeng yon, Sir. Hindi ako kagaya nila.” Matigas kong saad.
“Ibang-iba ka nga. Ibang-iba.” ani Sir Gray na kinalingon ko. Nagtataka ako dahil kakaiba ang pinupukol niyang tingin sa’kin. Tanginang yan! Anong problema nila at ganiyan siya tumingin? Pasapak nga kahit dalawa lang!
“Are you a lesbian?” biglang tanong ni Sir Gray.
Hindi makapaniwalang tumingin ako dito. Nang mag-sink-in sa’kin ang sinabi niya ay napatawa ako ng malakas. Humawak ako sa tiyan ko dahil sumasakit na sa kakatawa. Nagkanda-iyak na rin ako.
“Mukha ba akong tomboy?” humahagikgik kong tanong dito.
Nagkatinginan sila Sir Hardy at Sir Gray bago sabay na tumango.
“Yes. Walang babaeng tumatanggi sa aming dalawa. Unless hindi straight.” Ani to.
Napatigil ako sa pagtawa at nginisihan silang dalawa. “Wow ah! Ang hangin niyo naman! Hindi ba pwedeng wala lang sa isip ko ang jowa-jowa at may iba akong gusto.” Napatingin ako kay Sir North na nakatingin rin sa’kin.
Kunot ang noo ko habang nagtataka dahil madilim ang hitsura nito at kuyom na kuyom ang kamao.
“Do you like him?” mahinang tanong ni Sir Hardy. Tumingin ako sa kanya.
“Ha?” tanong ko sabay iling na wala sa sarili. “I mean, I’m focus in my study, Sirs. Having a boyfriend is just a headache and a heartache.” Sagot ko na tinawanan nilang dalawa.
“But stil, saming mga lalaki niyo lang malalasap ang tunay na sarap.” Ani Sir Gray at dinilaan pa ang lower lip niya.
“Yuck!” nandiditing sabi ko at tumayo. Humarap ako kay Sir North.
“What?” malamig niyang tanong.
“Ahm… itatanong ko lang po sana kung may i-uutos pa kayo. Sa labas na lang po sana ako—” hindi pa ako natatapos sa pagsasalita ay naunahan na niya ako.
“No. You sit there. Gray and Hardy will leave already.” madiing turan ni Sir at saka humarap sa mga lalaki. “Leave. Her. Alone!” madiing sabi nito. Halos hindi bumukas ang bibig niya habang sinasabi ang mga katagang yon.
Nagtaas ng dalawang kamay ang dalawang lalaki saka lumayo sa’kin.
“Okay, we’re leaving. Do your work here.” Nakangisinging sabi ni Sir Hardy at tinapunan ako ng kakaibang tingin. Magkasunod na lumabas ng silid ag dalawa. Naiwan kami ni Sir North dito sa office.
Bumalik ako sa may sofa at muling naupo. Pinanood ko lang si Sir North sa ginagawa niya. Minsan ay ako ang kumukuha ng mga dinadala ng Secretary nito. Ganito lang ba ang gagawin ko sa araw-araw na OJT ko? Kung oo’y baka hilingin ko nalang na half day nalang ako dahil sayang ang buong araw na pwede akong kumita ng pera.
May secretary naman kasi siya sa labas kaya bakit niya pa ako ginawang EA. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.
“Ehem!”
Napalingon ako kay Sir North ng tumikhim ito.
“You need something, Sir?” tanong ko at lumapit dito. Sumandal ‘to sa swivel chair niya saka tiningnan ako.
“What I told you to call me?” tanong niya.
Napakamot ako sa batok ko saka nagbaba ng tingin. “Kasi naman po, Sir. Hindi naman po yata pwede na sa pangalan ko lang kayo tawagin eh Boss ko po kayo.” Pagdadahilan ko sa kanya.
Napatingin ako dito ng katukin nito ang table.
He smiled at me. When our eyes meet, I feel like hypnotizing again by his blue eyes. I’m captivated by his stares. Napaka-ganda ng mga mata niya pero madaming sikretong nagtatago sa likod non.
“Okay, if that’s what you want but please, drop the po. You’re older than me, right?” aniya.
Tumango ako. “Yes, Sir.”
“Okay. You’re going with me.” nakangiting turan niya at kinuha ang coat. Naglakad ito palabas at sumunod ako. Pasimple akong tumingin sa relos ko. Six pm na. ibig sabihin ay tapos na ang office hours.
“Sir, saan tayo pupunta? Tapos na yung office hours.” nagtatakang tanong ko. Tiningnan nito ang relong pambisig at tumingin sa’kin.
“Oo nga. Sorry, I forgot about the time. Do you want me to bring you home? It’s late and baka mahirapan kang humanap ng masasakyan.” pagsu-suggest niya.
Umiling ako. “Hindi na po, Sir. Kaya ko naman na. Baka mamaya ay makaabala lang din ako sa inyo.” I politely said and look out in the window. Actually at maaga pa ito sa’kin dahil ang uwi ko noon ay malalim na ang gabi. Ngayon palang nag-uumpisa ang araw ko.
“No. I insist. We can also eat outside before I bring you home.” Alok pa niya, yumuko ako at nag-isip. Ilang sandali pa’y nag-angat na ako ng tingin at muling sa kanya.
“Thank you sa offer mo, Sir pero hindi na po talaga.” Nahihiyang pagtanggi ko.
Nakangiti siyang tumango. “Okay, but please, allow me to bring you home.”
“Sir, hindi pa po kasi ako uuwi. May trabaho pa ako.” pagsasabi ko sa kanya ng totoo.
Kumunot ang noo niya. “What kind of work? Grave night shift ka pa.”
“Madami po akong trabaho, Sir. Minsan po ay waitress sa fast food, minsan po sa stand ng burger. Mga ganuong bagay po. Basta po kikita ako ng pera.” Proud kong turan.
Nakaka-proud kaya ang mga trabaho. Malinis at walang kagaguhan. At least nakakatulong din ako sa Tita ko.
He look amaze for what I said.
“You’re a working student?”
“Yes po. Easy lang naman po ang trabaho kaya keri na.” ani ko, binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. “Sige na po. Mauuna na ako. Saan po ba ako de-derecho bukas at anong oras?” tanong ko.
“Eight am, sharp. Dito ka na dumerecho.” Sabi niya at naglakad pabalik sa office niya.
Tumango nalang ako at saka nagtuloy sa elevator. Sumakay ako at pinindot ang first floor. Lumabas ako ng bumukas ‘yon. Naglakad ako palabas ng building at nginitain ang guard. Naghanap ako ng masasakyan. Nang walang makita ay kinuha ko ang phone ko sa bag at tinawagan si Lyn.
“Heloo, bess. Nasaan ka na?” pambungad na tanong niya ng sagutin ang tawag ko.
“Nasa harap pa ng A.V. Corp. ikaw nasaan ka na?” tanong ko, nag-umpisa na kong maglakad palayo sa lugar na yon.
“Anong ginagawa mo diyan?! Kanina pa tapos ang office hours ah!” nag-aalalang tanong niya.
Napa-irap ako sa hangina. “Malamang kakatapos lang ng shift ko kay Sir North. Saang department ka ba inilagay? Para naman mabisita kita o sabay na tayong umuwi.” tanong ko.
“Gurl!!! Marketing Department! And take note, kasama ko si fafa Damon!!” kilig na kilig na sabi niya.
Napatawa ako ng mahina. “Hoy Lyn, wala pang isang araw kayong magkakilala ni Damon, fafa na agad ang tawag mo. Magtigil ka nga. Bukas ay sabay tayong mag-lunch kapag pinayagan ako ni Sir North.” Paanyaya ko saka umakyat sa overpass.
“Elem me, Bess. Pereng se demen ne keshe yeng ferever ke.” pabebeng sabi niya.
Nagsalubong ang kilay ko. “LYN! Magtigil ka nga’t walang forever hano! Mga sakit lang sa ulo yang mga lalaking yan.” Naiinis kong sabi.
“Ay sus! Gumaganiyan kasi hindi pa naranasang magka-jowa.” Pang-aasar niya sa’kin.
Umirap ako. “Ibababa ko na. pakisabi nalang kay Tita kapag napadaan ka’y mamaya pa ako makakauwi. Late na. Huwag na kamo akong antayin, hindi ko kasi siya matawagan eh.” Pabor ko sa kanya.
“Okay. Pupuntahan ko na si Tita.” natatawang sagot niya at binaba na ang tawag. Ibinalik ko sa bag ko ang cellphone at bumaba na sa hagdan. Pumara ako ng jeep at sumakay.
Ngayon ay sa Angel’s Burger ako magtr-trabaho. Malapit lang sa may Tondo. Nang makarating ako ay bumaba agad ako. nakita ko si Leona-ng nag-aayos na. Kinawayan niya ako ng mapansing padating na ako.
Lumapit ako at umupo sa labas.
“Maaga pa ah. Hindi ba’t pasok mo eh, mamaya pang eight?” tanong niya habang naglilinis ng counter.
Yumukyuk ako at pumikit. “OJT na kasi kami ngayon, kaya maaga ako. Minsan ay baka ma-late pa ako ha.” pagsasabi ko dito.
“Ahh… buti naman kaya mong pagsabayin yang pag-aaral mo at pagtr-trabaho. Sinubukan ko noon ‘yan, hanggang two years course nga lang. Madami pa kasi akong pinag-aaral sa Probinsya.” Nag-anagt ako ng tingin. “Kaylangan eh. Nakapangako ako sa Tatay ko bago siya mamatay. Pangarap niya sa’kin `to. Gusto niyang magkaroon ako ng magandang kinabukasan.” Medyo emosyonal kong sabi dahil sa pagkakaalala ko sa Tatay ko. Tumango ito habang nakangiti. “Congrats ha! Kaya mo yan. Malamapit ka nang makapagtapos ‘di ba?” tanong niya. Tinanguan ko siya at tumayo. Pumasok ako sa loob n gaming maliit na pwesto. “Oo, apat na buwan na lang.
“HATING gabi na pala.” ani ko ng mapagtantong madilim na sa labas. Nandito ako sa may sala at nakatingin sa labas ng bintana. Nakikita ko mula dito ang mga nagtataasang mga building pati na rin ang mga sasakyan sa ibaba na animo’ y mga langgam. Tumingin ako sa wall clock at binasa ang oras. Siguro naman ay pwede na akong umuwi. Wala na ring lilinisin. Naglakad ako papunta sa pinto ng kwarto ni Sir North. Kumatok rin ako ng tatlong ulit. Simula ng umuwi kami kanina ay hindi niya na ako kinikibo, hindi rin lumabas ng kwarto ang binata kahit sinabi kong tapos na akong maglito. Ilang beses pa akong kumatok pero walang response. “Sir?” tawag ko pero waley! Tumikhim ako dahil parang may nagbabara sa lalamunan ko. “Magpapaalam lang po ako na aalis na. Gabi na po
CHAPTER FIVE KANINA pa ako naghihintay kay Camilla. Maaga kasi akong gumising dahil sinabi nitong maaga siyang papasok pero wala pa rin siya. “Anong oras na ba? Hindi ba’t nilinaw ko ng ayokong nale-late siya.” naiinis kong turan sa sarili ko. Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina. Binuksan ko ang ref sabay kuha ng beer. Binuksan ko’t inisang tunggaan lang. I bite my lower lips and calmed myself. I’m North Polaris Anderson, 24 years old. The only son fo Jake and Alex Anderson. I have a twin brother but he died when he’s still a kid. We’re triples, Me, Aura and Jaime. But my brother killed by his kidnapper mother. Katherine bring Jaime with her in death. FLASHBACK &nbs
CHAPTER SIX IKAAPAT NA araw ng burol ni Tita pero hindi na nagparamdam si Sir North. Nadisyama ako sa kadahilanang hindi ko alam. Siguro dahil lang sa napakapango siya at akala ko ay tutuparin niya. “Kanina pa ako salita ng salita pero wala naman pala sa sarili yung kausap ko.” sarcastic na ani Arlene. Ngumiwi akong tumingin dito. “Pasensya na.” Hinaplos ko ang salamin ng kabaong ni Tita at mapait na ngumiti. “Ano ulit yung sinasabi mo?” tanong ko at lumingon kay Lyn. “Hays, Cam. Magpauloy ka lang sa pagiging lutang mo’t iisipin ko na talagang nami-miss mo si Sir.” she said dryly. Inirapan ko siya.
CHAPTER SEVEN KAHIHINTO ko lang ng sasakyan sa harap ng bahay ng parents ko. Tiningnan ko si Aura na bitbit ang mga pinamili namin sa Mall. Ang iba sa mga binili namin ay para sa kanya, she buy it using my money but I don’t mind. “MAMA!” malakas na tawag ni Aura kay Mama ng makapasok kami sa loob ng bahay. Umupo ako sa sofa at nagtanggal ng coat, niluwagan ko rin ang necktie ko at ibinukas ang botones ko hanggang tatlo. A moment later we heard Mama's voice. It came out of the kitchen and smiling at Aura, I stood up and hugged her. “Polaris,” tawag niya sa buong pangalan ko at gumanti ng yakap. Hinalikan ko siya sa noo at nginitian. &n
CHAPTER EIGHT MATIIM akong nakatingin sa kabaong ni Tita habang ibinababa ito sa lupa. Tapos na ang pagmimisa sa kanya at aalis na siya. Hindi ako makahinga dahil sa pag-iyak. Sobrang sakit dahil madami pa kaming pangarap. Gusto ko siyang makasama hanggang sa maabot ko lahat-lahat. Yakap-yakap ko ng mahigpit ang picture ni Tita, nakangiti siya sa larawan niya. Kinunan ito nung Pasko at sobrang saya namin nito dahil marami kaming naipon kaya may handa. Si Arlene ay katabi ko at umiiyak rin. Kinuyom ko ng madiin ang kamao ko para huwag mag-break down sa harap ng maraming tao. Hindi pwede at ayoko. Hindi ako pwedeng maging mahina. Napatingin ako sa kamay na nakahawak sa’kin ngayon. Nag-taas ako ng tingin para makita kung sinong pangahas na ‘yon at
CHAPTER 09 HUMINGA ako ng malalim bago tuluyang ini-lock ang pintuan ng bahay namin. Nakapagpaalam na ako kila Tatay Andres at Tatay Berto na muntikan pang mauwi sa iyakan. Ini-lock ko ang pinto at humarap kila Arelene, ngumiti ako sa kanya kahit malungkot ang mukha nito. “Huy… wag kang malungkot. Magkikita pa rin naman tayo sa office,” pagpapagaan ko sa loob ko sa kanya. Ngumuso siya at inirapan ako. “Bakla ka! Mami-miss kita!” aniya at niyakap ako ng mahigpit. Gumanti ako ng yakap at bahagya pang natawa. “Mami-miss ko din kayo dito. Ikaw ha. Wag ka ng lalabas mag-isa, wala pa naman ako dito,” bil
CHAPTER TEN “HINDI ako bolero. Nagsasabi lang ako ng totoo, maganda ka talaga,” ani North. Napatigil ako sa pagbabalat at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Pinipigil kong mapatili. Bakit ba kasi kaylangan pa niyang sabihin ‘yon? Bakit kaylangan niyang iparamdam sa’kin ang ganito? Tumingin ako sa kanya, “Pumasok ka na sa loob at wag ka dito. Hindi ako makakapagluto ng maayos niyan kung nandito ka,” pantataboy ko sa kanya. tinalikuran ko siya at hinugasan ang mga nahiwa kong gulay pagkatapos sinunod na hugasan ang baka. Baka mabokya tayo dito! Narinig ko ang pagbuntonghininga niya at ang yabag ng paa nito paalis. Doon lang ako nakahinga ng maluwag ng
Yey! After a long 6 months of editing! Natapos ko na rin ang THH! thank you so much for reading my story! i hope nasiyahan kayo sa pagbabasa. nawa'y 'di kayo nainip, HAHHAHA. 'yun lang gusto ko lang mag-thank you kasi 'di ako makapaniwalang may nagbabasa neto dito sa GN kasi 'di naman 'din ako gaanong kilala na manunulat at sumubok lang talaga ako. So ayorn, thank you sa mga nagbabasa kahit mga silent readers kayo ay love ko kayo! sa nagbibigay ng gems! thank you so much! advance Merry Christmas and happy new year! Huwga kayong mag-alala kasi may idadagdag pa akong special chapter dito na ngayon ko pa lang ilalabas. 'di pa sa ngayon kasi busy sa school and tinapos ko lang talaga 'tong THH. Keep safe everyone! take care!
EPILOGUE (PART 2) KANINA pa ako kinakabahan. What if malaman ni Camilla ang lahat? What if iwanan niya ko at ‘di na magpakita ulit sa’kin? Umiling ako! Fuck! No! No! Jesus! Calm yourself, fucker. Darating siya. Darating. Masama kong tinitingnan ang mga pinsan kong kanina pa ako tinatawanan, inaasar nila ako. “Nandiyan na ang bride!!” sigaw ng tao sa may pinto. Napa-ayos ako ng tayo. Biglang nabuhay ang katawan at loob ko. Ang saradong pinto ay unti-unting bumukas kasabay ng pagtugtog ng kantang ‘A Thousand Years’, napatigil sa may pinto si Camilla.
EPILOGUE NAGISING ako dahil sa iyak ng isang sanggol. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko dahil sa ingay na ‘yon. Kaninong anak ba ‘yon at pinapabayan na lang na umiiyak? Tumambad sa’kin ang kisame. Hindi pamilyar sa’kin ang lugar kung nasaan ako. Tatayo sana ako ng hindi ko maigalaw ang katawan ko, namamanhid nung una pero kalaunan ay nagawa ko ring makagalaw. Napatingin ako sa crib kung saan nanggagaling ang ingay. Tumingin ako sa gilid dahil nakadagan sa’kin ang kung sino. Natigilan ako ng makitang si Camilla ‘yon. Ang mahal kong si Camilla. Hinaplos ko ang pisnge niya at hinalikan ng marahan sa labi. Marahan kong ina
CHAPTER 69ONE YEAR AND A HALF LATER NAKANGITI ako habang buhat-buhat si Evie o Evangeline South Anderson, six months old bouncy baby girl. “Evie, siya si Tatay. Alam mo bang mahal na mahal niya ako? At alam kong mahal na mahal ka din niya sa kung nasaan man siya nandoon,” ani ko habang nakatingin sa lapid nito. Yes, malungkot pa din ako dahil sa mga nalaman ko. Hindi ko man lang naiparamdam sa kanya na mahal ko siya. Mas higit pa sa inaakala niya. Tumingin ako kay Evie, sana ay naabuta
CHAPTER 68 NAPATINGIN ako kay North ng biglang pumasok ‘to sa bahay, ang takot ko ay medyo nabawasan dahil nandito na siya. Nag-aalalang tumingin sa’kin ang lalaki bago masamang tiningnan ang dalawang nangho-hostage sa’kin. “SINO KAYO?!” sigaw nito. Humarap sina Koko at Boyet kay North. Akmang hahakbang siya ng magkatinginan ang dalawang lalaki saka ako pagalit na kinuha ni Boyet at tinutukan ng kutsilyo sa leeg. “Sige! Lumapit ka! Papatayin ko si Camilla!” sigaw ni Boyet, samantalang si Koko ay nakatutok ang patalim kay North.&
CHAPTER 67 PINAGSISIPA ko ang gulong ng kotse ko nang nasa labasan na ako. Hindi ko na dapat pinatulan ang init ng ulo ni Camilla. Dapat ay naging pasensyoso ako sa kanya. “FUCK!!!” gigil kong mura at padabog na binuksan ang pintuan ang driver seat. Sumakay ako sa loob at binuhay ang makina. Pinaandar ko ‘yon paalis at dinala sa Bar. Hindi ko alam kung bakit gano’n na lang si Camilla ng umuwi siya. Namumugto ang mga mata niya at halatang-halata na umiiya ito, gusto kong malaman kung bakit! Anong nangyari? Saan siya nagpunta at nagkagano’n na siya. Nang makarating ako sa bar ay pinarada ko sa parking lot ang kotse ko. Wala akong pake
CHAPTER 66 GABI na ng umuwi ako. Nagulat pa nga yata ‘yung mga babaeng nasa loob ng banyo ng lumabas ako sa isang cubicle do’n. ang akala siguro nila ay sira ang huli kaya naka-lock. Namumugto ang mga mata ko kakaiyak, pati na rin ang ilong ko ay namumula. Tumingin ako sa bahay namin. Ilang hakbang na lang ang layo ko pero tumigil pa din ako. Bukas ang ilaw. Hindi pa umaalis si North. Handa na ba akong harapin siya? Inalis ko ang mga ‘yon sa isipan ko at nag-umpisang lumakad pauwi. Pumasok ako sa loob ng bahay namin at nakita ko si North sa kusina. Nakataliko ito sa’kin, mukhang malakas naman na ‘to dahil nakakatayo na. Pumasok ako sa lo
CHAPTER 65 KINABUKASAN naako nagising. Maganda ang sikat ng araw at hindi mo aakalaing umulan ng malakas kagabi. Bumangon ako at inayos ang higaan ko. Umalis na kaya si North? Sigurado akong sa naranasan nito kagabi ay uuwi na ‘yon sa kanila. Hindi siya sana’y sa ganitong buhay. Pagkabukas ko ng pintuan ay kaagad kumunot ang noo ko ng makita si North na nanginginig sa lamig. Dinalawang hakbang ko ang pagitan naming dalawa. Umupo ako sa gilid nito at sinalat ang leeg niya na mabilis ko ring binawi. Sobrang init nito at animo ginaw na ginaw. Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang wallet ko. Lumabas na din ako para bumili sa tindahan. Pag-uwi ko ay may dala na akong noodles at tatlong paracetamol.&n
CHAPTER 64 NAPANGITI ako nang ako na ang susunod na mag-iigib ng tubig sa may poso. Nang magising ako kaninang umaga ay napag-alaman ko sa mga kapit-bahay ni Camilla na nawalan daw ng tubig ang buong barangay. Maaga pa kaya nanghirap ako ng timba para mapag-igib si Camilla. Mabilis akong lumapit sa poso. Itinapat ko ang walang lamang timba sa may dulo kung saan lalabas ang tubig saka nag-umpisang mag-igib. Natapos ko ang dalawang timba kaya lumapit ako sa may balde. Binuhat ko ‘to gamit ang magkabilang kamay ko at naglakad pabalik sa bahay ni Camilla. Maganda rin palang exercise ‘to para sa araw-araw kung sakali. Hindi ko na kaylangang magpunta sa gym. Nang nasa t