Share

Chapter Four

Author: FallenAngel
last update Last Updated: 2021-06-13 20:58:02

            “HATING gabi na pala.” ani ko ng mapagtantong madilim na sa labas. Nandito ako sa may sala at nakatingin sa labas ng bintana. Nakikita ko mula dito ang mga nagtataasang mga building pati na rin ang mga sasakyan sa ibaba na animo’ y mga langgam.

            Tumingin ako sa wall clock at binasa ang oras. Siguro naman ay pwede na akong umuwi. Wala na ring lilinisin. Naglakad ako papunta sa pinto ng kwarto ni Sir North. Kumatok rin ako ng tatlong ulit. Simula ng umuwi kami kanina ay hindi niya na ako kinikibo, hindi rin lumabas ng kwarto ang binata kahit sinabi kong tapos na akong maglito. Ilang beses pa akong kumatok pero walang response.

            “Sir?” tawag ko pero waley! Tumikhim ako dahil parang may nagbabara sa lalamunan ko. “Magpapaalam lang po ako na aalis na. Gabi na po kasi at kaylangan ko ng umuwi. Salamat po.” sabi ko. pinakinggan ko ang pag-galaw mula sa loob ng kwarto. Lumayo ako ng marinig ang yabag na patungong pinto.

            Ngumiti ako sa kanya ng lumabas ito.

            “Ihahatid na kita.” Matigas at maikling sagot niya.

            Umiling ako. “Hindi na po, Sir. Alam kong napagod kayo kanina kaya magpahinga na lang po kayo. Ipagahahanda ko kayo ng pagkain para pwede na kayong kumain. Hindi pa rin kasi kayo nagl-lunch eh.” Nasa tono ng boses ko ang pag-aalala at kaunting pait. Tatalikod na sana ako pero hinawakan niya ako sa braso upang iharap sa kanya.

            Nagtatanong akong tumingin sa kanya pero imbis na sagutin, inilingan niya lang ako at binitawan ang braso ko.

            “May kaylangan ka po Sir?” tanong ko.

            “I-I want you to…. J-join me while eating.” Mahinang turan niya pero umabot pa rin sa pandinig ko. dumako ang mata ko sa tenga nitong namumula.

            Napangisi ako. Nagb-blush rin pala ang Boss kong nakakatakot? Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilin ang halakhak na gusto kong pakawalan.

            “Okay po, Sir. Pero ngayong gabi lang po ha.” pagkasabi ko no’n ay tumalikod na ako at nagtuloy sa kusina. Kumuha ako ng plato at naglagay ng kanina. Nilipat ko rin sa mangkok ang ulam na adobo. May sahog na kamote at patatas ang Chicken Adobo ko.

            “What did you cook?” he asked.

            Muntik na akong mapatalon dahil sa panggugulat niya. Lumingon ako sa kanya.

“Sir! Huwag ka namang manggugulat! Mahilig ako sa kape!” hinihingal kong sabi. Nakahawak ako sa d****b ko dahil nanakit yata. Nang makabawi sa pagkabigla ay lumapit ako sa mesa at ipinaghila ng upuan si Sir. Ibinaba ko na rin ang hawak ko sa mesa.

            Umupo ito sa upuang hinila ko. Ipinagsandok ko siya ng pagkain sa plato niya. Nakasunod lang ako ng tingin kay Sir habang sumsubo ito ng adobo. Napalunok ako. Sana’y maayos ang timpla ng Adobo kung hindi mapapahiya talaga ako.

            “Masarap.” Maikling komento nito.

            Lumawak ang ngiti ko. “Talaga?!” masayang tanong ko.

Tumango lang ito at nag-start ng kumain. Sinabayan pa nito ng kanin. Napuno ng galak ang d****b ko dahil do’n. Susubo na sana ako ng pagkain nang may kumatok sa pinto. Nagkatinginan kami ni Sir.

            “May bisita ka po?” tanong ko.

            Binaba nito ang hawak na kubyertos at nagpunas ng bibig. “None. How about you?” tanong niya.

            Umiling ako at tumayo. “Wala namang may alam na dito ako nagw-work eh.” Sagot ko saka ngumiti sa kanya. “Ako na po ang mag-bubukas ng pinto.” Kusang-loob ko.

            Lumakad ako paalis ng kusina at nagtungo sa pinto. Nang buksan ko ang pinto ay sinalubong ako nila Sir Gary at Sir Hardy na kasama si Sir Havoc.

            “What are you doing here, babe?” gulat na tanong ni Sir Gray. Nilakihan ko ng bukas ang pinto. Pumasok silang tatlo.

            “Taga-linis po ako ni Sir North ng condo t’wing sabado.” Sinarado ko ang pinto. “Nasa kusina po si Sir North at kumakain, sabayan niyo na po.” paanyaya ko sa kanila.

            Namilog ang mata ni Sir Havoc dahil sa narinig na pagkain.

            “Wow! Talaga?!” tanong niya.

            “Opo, nagluto po akong Adobo.” Pinagmasdan ko ng maigi ang mukha nito saka napangiti. Siguro’y mas bata ng kaunti si Sir Havoc kesa kina Sir Gray at Hardy.

            Nagtungo na sa kusina sina Sir Gray at Hardy samantalang si Sir Havoc ay naiwan sa sala kasama ako. nakangiti siya sa’kin.

            “Ikaw ba si Camilla?” tanong niya. Tumango ako at kinuha ang kamay ko para sa shake hands. “It’s nice to meet you! I thought they’re just joking when they say there is a girl who doesn’t care and doesn’t want to flirt with them.” aniya.

            Napangiti ako. “Talaga? By the way, kumain na ba kayo? May pagkain sa kitchen—” hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng makarinig kami ng galit na sigaw galing sa kitchen. Patakbo kami papunta do’n.

            “Anong nangyayari dito?!” nag-aalala kong tanong habang tinitingnan silang tatlo. Si Sir North ay hawak ang mangkok ng ulam samantalang sina Sir Hardy at Gray ay may hawak na plato’t kubyertos pero pilit nilalayo ni Sir North ang ulam.

            “ANG DAMOT MO! Hindi ka naman magilig sa Adobo ‘di ba?!!! PAHINGI AKOOOO!” parang batang sigaw ni Sir Gray dito.

            “TSK! No! I don’t want to! Camilla cooked this for me! Only me!!” naiinis na sabi ni Sir North dito na pilit inilalayo ang ulam sa dalawa.

            Napakamot ako sa noo ko at lumapit sa kanila. Kinuha ko ang mangkok na hawak ni Sir North, inabot ko kina Sir Gray.

            “Ipagluluto na lang ulit kita, Sir North.” Pag-aalo ko dito dahil masama na ang tingin nito sa mga kasama. Nawala ang madilim na mukha nito at nakangising humarap sa’kin.

            “Really?” masayang tanong niya.

            Tumango ako at kinuha ang tinidor na hawak nito. “Opo. Kunin ko na baka mamaya may madisgrasya pa.” binaba ko sa lamesa an tinidor. “Saka, Sir, bigyan niyo na sila Sir. Mukhang mga hindi pa kumakain eh.” ani ko at tinuro pa sina Sir Havoc.

            “I don’t care! They have cook in there house, bakit hindi sila magpaluto! Bakit kasi kayo nandito? Late na!” naiinis pang sita ni Sir.

            Umupo si Sir Gray sa upuan ko kanina. “Ayoko nga! Mukhang mas masarap ang luto ni Camilla, OJT siya sa Company hindi dapat siya nandito.”

            Tumabi ng upo dito si Sir Hardy.

            “Then go hom! I will not share her to anyone! She’s mine and you!!” aniya at tinuro ako. “Do not cook for him! You’re just mine!” sigaw pa nito.

Ilang beses akong lumunok at bumilis ang kabog ng d****b ko. You’re just mine! Shet! Hala ‘teh?! Parang nagwawala yung mga paru-paru sa tiyan ko. nagwawala!

            “So possessive!” natatawang sabi ni Sir Gray at kinuha ang kamay ko. Nilingon ko siya. “Babe, you will cook for me right? I want to taste your Adobo but not your adobo with toyo ha.” aniya. Napatawa ako sa huling sinabi niya.

            Napatingin ako sa kamay na nag-alis ng pagkakahawak ng kamay ni Sir Gray sa’kin. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang si Sir North ‘yon.

            “She. Will. Not! Go home now and bring those two with you! You’re ruining my dinner date with Camilla!” pikong turan nito.

            Nanlaki ang mga mata ko. hanue daw?! D-Dinner date?! Seryoso ba siya?

            “Tsk! Dinner date? She said tagalinis mo siya dito kaya anong pinagsasabi mo?” pang-aalaska ni Sir Gray.

            Magsasalita pa sana si Sir North ng magsalita si Sir Havoc.

            “Masarap pala ang Adobo mo.” Nakangiting puna niya.

            Napatawa ako sa kanya dahil sa hitsura niya. Punong puno ng pagkain ang bibig niya at ‘di ko malaman kung patapos na siya or paumpisa palang.

            “What the fuck?! Why are you eating my Adobo?!” galit na sigaw ni Sir North, nagkatingnan pa ang dalawang kumakain na para bang walang pake sa nangyayari. Si Havoc ay sarap na sarap.

            “Sinadya mong mag-away kami ni Aris para ikaw ang makakain.” Seryoso at may bahid na tampong turan ni Sir Gray.

            Bored na tumingin dito si Sir Havoc. “Psh. Panay kasi kayo sigawan kaya hindi niyo ako napansin. Sayang ang init dahil lumalamig na.” sagot nito at tumingin sa’kin. “Masarap ang luto mo. I’m going to tell mom about you. sasabihin kong kuhanin ka nalang bilang isa sa mga chef sa bahay or hotel. You’ll cook only for me.” aniya saka kumain ulit.

            “FUCK! No way!” galit na sigaw ni Sir North at lumapit kay Sir Havoc. “GO HOMMMME HAVOOOC!”

            “Hehehe, a-ano… mauuna na ako ha.” biglang sabi ko at lumayo sa mga lalaki. “Uuwi na po ako. ipagluluto ko na lang kayo sa susunod na sabado. Alis na po ako.” paalam ko at mabilis na lumabas ng kusina, kinuha ko ang bag ko sa sala. Lalabas na sana ako ng pinto nang may humawak sa braso ko.

            Nilingon ko si Sir North ‘yon.

            “Dito ka na magtuloy bukas. I want you to cook for Me.” aniya.

            Kumunot ang noo ko habang nagsusuot ng bag. “Okay po. Agahan ko nalang po bukas.”

            Tumango siya at ngumiti sa’kin. “Good, now go home. As much as I wanted to take you home, I can’t leave those fuckers here.”

            “Okay po, bale ako pa rin po ba yung EA niyo or ililipat niyo na po ako as maid here?” tanong ko.

            “Of course yes, you’re still my EA but also my maid. You will cook for me. 24/7.” Competitive niyang ani.

            “Ha?” nakamaot ako sa ulo ko. “24/7? Ibig sabihin dito ako titira?” paninigurado ko.

            He nodded. “Yes, hindi ako madalas nakakakain ng breakfast dahil wala akong time. And I will give you thirty thousand a month.”

            Napa-isip ako. Thirty thousand? Malaking pera na rin ‘yon. Pwede ko ng maipagamot si Tita at makaalis sa lugar namin. Tumingin ako sa kanya.

            “Hanggang kaylan ako dito?” tanong ko.

            Sumilay ang ngisi sa labi niya. “Hanggang sa matapos ang OJT mo, four months, I think?”

            Napatango ako. “Okay po, magdadala ako bukas ng ilang mga damit ko.” tumango siya. “Mauna na po ako.” ani ko saka tumalikod. Lumabas ako ng unit nito at naglakad papuntang elevator. Sumakay ako do’n. pinindot ko ang down floor at hinintay bumukas ang pinto. Lumabas ako pagkatapos at lumapit sa guard.

            Tumingin sa’kin yung Guard. “Ano ‘yon?”

            “’Yung ID ko po sana, kukunin ko.” ani ko.

            Kumunot ang noo nito. “Ano bang pangalan mo?” tanong nito habang hinahanap ang ID ko.

            “Camilla Salazar po.” turan ko. Ilang sandali pa ay inabot na niya sa’kin yung ID ko. Ngumiti ako sa kanya. “Salamat po.” pagkasabi ko no’n ay lumakad na ako palabas sa gusali at nagtungo sa sakayan ng jeep.

            Sumakay ako at nagpahatid sa bahay namin

            Naglalakad ako sa eskinita pauwi samin ng makasalubong ko sila Boyet at Koko. Hinarangan nila ang daan ko. Tumingin ako sa kanila.

“Anong problema niyo?” naiins kong tanong sa kanila.

Ngumiti si Boyet sa’kin at akmang lalapit sakin ng umatras ako. “beybi naman. Ganyan agad ang itatanong mo sakin? Hindi mo ba ako namiss? Ilang araw na tayong hindi nagkikita” nagpapa-cute na sabi nito.

Inungusan ko siya. “Pwede ba, Boyet. Tigilan mo ako at pagod ako dahil sa trabaho ko. Tantanan mo na ako kung hindi, makakatikim talaga kayo sakin” ani ko at akmang dadaan ng hawaka ako sa braso ni Koko. Masama ko siyang tiningnan.

“Kinakausap ka pa ni Boyet, Camilla. Huwag kang bastos” seryosong sabi ni Koko.

Piniksi ko ang braso ko sa kanya at tinuro siya. “Wala akong pakialam! Sinabi kong pagod ako kaya tigilan niyo ko” ani ko at muling umalis pero humarang si Koko.

Naiinis akong humarap kay Boyet. “beybi wag kana kasing magsungit. Halikan mo na lang ako para naman mawala ang pagod mo” aniya.

     Ngumiwi ako sa sinabi niya. Paanong mawawala ang pagod ko? Baka mamatay na ako kung hahalikan ko siya.

“Gusto ko lang magpahinga ngayong gabi at gumising bukas. Hindi ko gusto ang magpahinga ng habang buhay kaya tigilan mo na ako” ani ko. Tinawanan naman siya ni Koko.

“Boyet, wala ka pala eh” anito at tumawa ulit. Galit akong tiningna ni Boyet at hinawakan ng mariin sa magkabilang braso.

“NAPAKA-ARTE MONG BABAE KA, MALANDI KA RIN NAMAN” anito at akmang akong hahalikan. Iniwas ko ang mukha ko at pilit na inaalis ang hawak nito.

“GAGO KA! Bitawan mo ko!” sigaw ko dito pero imbis na makinig ay sinandal niya ako sa pader at hinalikan sa leeg pero pilit kong iniiwas ang leeg ko at nilalayo. “HUWAG! GAGO KA!” sigaw ko.

Tumingin siya sakin at nginisihan ako. Mariin kong kinuyom ang kamao ko at inipon ang lakas ko at tinulak siya. Nagawa ko naman.

“Malandi ka!” sigaw niya at sinugod ako. Mabilis akong umiwas at kinuha ang kahoy na nakita ko sa gilid. Binaba ko ang bag ko at galit na tumingin sa kanya.

Sinenyasan ko siyang lumapit sakin. Ginawa naman niya pero bago niya ako mahablot ay hinampas ko na siya sa tiyan at sunod sa likod. Tumingin ako kay Koko na sumigaw at sumugod din sakin at hinampas ko siya sa hita na kina-aray niya.

“MAY AWAY! MAY AWAY!” sigaw ng kung sino ng hindi ko malaman. Tumingin ako sa paligid dahil nagkakabukasan na ng ilaw at madami nang nanunuod samin.

Tumayo ang dalawang ipokrito at nilabas ni Boyet ang isang maliit na patalim. Ngumiti ito na parang demonyo at sinugod ako pero agad kong hinampas ang braso nito. Sinunod ko ang hita at mukha nito. Napahiga na ito sa maduming daanan at nawalan ng malay. Tumingin ako kay Koko na nakatayo.

“P**a ka!” sigaw niya at sumugod na din.

Galit kong kinuyom ang kamao ko at sinapak. Gaya ng amo nito ay nawalan na din siya ng malay. Padabog kong hinagis sa katawan nito ang kahoy at galit na pinulot ang bag ko.

“YEHEY!!!” ani ng mga tao sa paligid.

Mga ipokrito! Kaninang kaylangan ng tulong ay hindi ninyo mga nagawang sumilip man lang sa bintana pero ng lumaban na ako ay akala niyo nanunuod kayo ng laban ni Pacquiao.

“GAGO NASAAN NA ANG MGA IYON?!” narinig kong sigaw ni Tatay berto at Tatay Andres. Nahawi ang mga tao at doon sila nagdaan. Lumapit sila sakin. “Anak, anong nangyari?” tanong ni Tatay Berto.

Tumingin ako kay Arlene na niyakap ako. “Bess, anyare?”

Tinuro ko ang dalawang lalaking walang malay. “Mga gago eh! Muntikan na akong pansamantalahan. Mga walang dala.” ani ko at pinunansan ang leeg ko. Tangina. Muntikan na ako don ah!

“Anong ginagawa sayo?!” ani Tatay Andres at kinuwelyuhan ang mga walang malay na lalaki. “P**A. DALHIN NIYO ANG MGA ITO. DOON SA MAY BODEGA!!!”

Huminga ako ng malalim at tiningnan si Tatay Berto. “Tay, mauuna na po ako” ani ko at lumakad na, sumunod sakin si Arlene. Mukhang naiwan doon si Tatay Berto at pupunta sa bodega.

“Bess, saan ka galing?” tanong nito. Nilingon ko siya.

“Galing ako sa condo ni Sir. North, bali naglinis ako doon” ani ko.

Nanlaki ang mga mata nito. “Talaga?! Wow ah! Akala ko kung anong raket na yun lang pala. Magkano ibabayad sayo?” tanong niya.

“Noong una ay twenty thousand daw kada buwan pero ngayon ay nagong thirty thousand na dahil gusto niyang maging all around maid ako sa bahay niya. Doon na din daw ako titira”

Napatili ito sa sinabi ko. Tumigil kami sa harap ng bahay namin. “OMY!!! Talaga? Ibabahay kana niya?”

“Anong ibabahay?! Sira! Hindi. Maid nga diba? Maid. Katulong. Muchacha. Kasambahay. Yaya. Atsay!”

Pinahaba naman nito ang nguso niya. “Eto naman….gigil agad? Pwede namang smile ka lang habang nagpapaliwanag hindi ba?” anito.

Inirapan ko siya at tumingin sa bahay namin. Kumunot ang noo ko. “Nagputulan ba ng kuryente?” tanong ko dito.

“Ha? Hindi. May kuryente kami sa bahay. Bakit nga pala ganyan ang suot mo? Nasaan ang mga damit mo?”

Biglang binundol ng kaba ang d****b ko. Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay ay binuksan ang ilaw. Ganun nalang ang panghihina ko ng makita ko si Tita na nakabulagta sa lapag.

“TITA!” sigaw ko at mabilis akong lumapit sa kanya. Binuhat ko ang ulo nito at inuna sa binti ko. Niyugyug ko ang balikat niya. “Tita! Tita! Wala namang ganyanan! Gusmising kana!!!” ani ko dito pero walang sagot. Tumingin ako kay Arlene na nakatayo sa may pinto. “T-Tumawag ka ng tulong!” ani ko.

Nag uumpisa ng tumulo ang mga luha ko sa mata. “Tita!” tawag ko dito at pilit ko siyang ginigising. “Wag niyo naman akong iwan! Kayo nalang ang meron ako!!!” ani ko at niyakap siya ng mahigpit. Malamig na ang katawan nito na mas lalong nakapagpaiyak sakin. Humahagulgul lang ako hanggang sa  dumating si Arlene.

“Camilla,” anito at niyakap ako. “Bitawan mo na si Tita Guada, may pupunta ng ambulance dito” anito. Pero umiling lang ako

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Adora Miano
NAKU paano na pagwala nah,, Camilla magpakatatag ka,,baka tulog lang syA,
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Heartless Hunter    Chapter Five

    CHAPTER FIVE KANINA pa ako naghihintay kay Camilla. Maaga kasi akong gumising dahil sinabi nitong maaga siyang papasok pero wala pa rin siya. “Anong oras na ba? Hindi ba’t nilinaw ko ng ayokong nale-late siya.” naiinis kong turan sa sarili ko. Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina. Binuksan ko ang ref sabay kuha ng beer. Binuksan ko’t inisang tunggaan lang. I bite my lower lips and calmed myself. I’m North Polaris Anderson, 24 years old. The only son fo Jake and Alex Anderson. I have a twin brother but he died when he’s still a kid. We’re triples, Me, Aura and Jaime. But my brother killed by his kidnapper mother. Katherine bring Jaime with her in death. FLASHBACK &nbs

    Last Updated : 2021-06-14
  • The Heartless Hunter    Chapter Six

    CHAPTER SIX IKAAPAT NA araw ng burol ni Tita pero hindi na nagparamdam si Sir North. Nadisyama ako sa kadahilanang hindi ko alam. Siguro dahil lang sa napakapango siya at akala ko ay tutuparin niya. “Kanina pa ako salita ng salita pero wala naman pala sa sarili yung kausap ko.” sarcastic na ani Arlene. Ngumiwi akong tumingin dito. “Pasensya na.” Hinaplos ko ang salamin ng kabaong ni Tita at mapait na ngumiti. “Ano ulit yung sinasabi mo?” tanong ko at lumingon kay Lyn. “Hays, Cam. Magpauloy ka lang sa pagiging lutang mo’t iisipin ko na talagang nami-miss mo si Sir.” she said dryly. Inirapan ko siya.

    Last Updated : 2021-06-16
  • The Heartless Hunter    Chapter Seven

    CHAPTER SEVEN KAHIHINTO ko lang ng sasakyan sa harap ng bahay ng parents ko. Tiningnan ko si Aura na bitbit ang mga pinamili namin sa Mall. Ang iba sa mga binili namin ay para sa kanya, she buy it using my money but I don’t mind. “MAMA!” malakas na tawag ni Aura kay Mama ng makapasok kami sa loob ng bahay. Umupo ako sa sofa at nagtanggal ng coat, niluwagan ko rin ang necktie ko at ibinukas ang botones ko hanggang tatlo. A moment later we heard Mama's voice. It came out of the kitchen and smiling at Aura, I stood up and hugged her. “Polaris,” tawag niya sa buong pangalan ko at gumanti ng yakap. Hinalikan ko siya sa noo at nginitian. &n

    Last Updated : 2021-06-19
  • The Heartless Hunter    Chapter Eight

    CHAPTER EIGHT MATIIM akong nakatingin sa kabaong ni Tita habang ibinababa ito sa lupa. Tapos na ang pagmimisa sa kanya at aalis na siya. Hindi ako makahinga dahil sa pag-iyak. Sobrang sakit dahil madami pa kaming pangarap. Gusto ko siyang makasama hanggang sa maabot ko lahat-lahat. Yakap-yakap ko ng mahigpit ang picture ni Tita, nakangiti siya sa larawan niya. Kinunan ito nung Pasko at sobrang saya namin nito dahil marami kaming naipon kaya may handa. Si Arlene ay katabi ko at umiiyak rin. Kinuyom ko ng madiin ang kamao ko para huwag mag-break down sa harap ng maraming tao. Hindi pwede at ayoko. Hindi ako pwedeng maging mahina. Napatingin ako sa kamay na nakahawak sa’kin ngayon. Nag-taas ako ng tingin para makita kung sinong pangahas na ‘yon at

    Last Updated : 2021-06-24
  • The Heartless Hunter    Chapter Nine

    CHAPTER 09 HUMINGA ako ng malalim bago tuluyang ini-lock ang pintuan ng bahay namin. Nakapagpaalam na ako kila Tatay Andres at Tatay Berto na muntikan pang mauwi sa iyakan. Ini-lock ko ang pinto at humarap kila Arelene, ngumiti ako sa kanya kahit malungkot ang mukha nito. “Huy… wag kang malungkot. Magkikita pa rin naman tayo sa office,” pagpapagaan ko sa loob ko sa kanya. Ngumuso siya at inirapan ako. “Bakla ka! Mami-miss kita!” aniya at niyakap ako ng mahigpit. Gumanti ako ng yakap at bahagya pang natawa. “Mami-miss ko din kayo dito. Ikaw ha. Wag ka ng lalabas mag-isa, wala pa naman ako dito,” bil

    Last Updated : 2021-07-10
  • The Heartless Hunter    Chapter Ten

    CHAPTER TEN “HINDI ako bolero. Nagsasabi lang ako ng totoo, maganda ka talaga,” ani North. Napatigil ako sa pagbabalat at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Pinipigil kong mapatili. Bakit ba kasi kaylangan pa niyang sabihin ‘yon? Bakit kaylangan niyang iparamdam sa’kin ang ganito? Tumingin ako sa kanya, “Pumasok ka na sa loob at wag ka dito. Hindi ako makakapagluto ng maayos niyan kung nandito ka,” pantataboy ko sa kanya. tinalikuran ko siya at hinugasan ang mga nahiwa kong gulay pagkatapos sinunod na hugasan ang baka. Baka mabokya tayo dito! Narinig ko ang pagbuntonghininga niya at ang yabag ng paa nito paalis. Doon lang ako nakahinga ng maluwag ng

    Last Updated : 2021-07-12
  • The Heartless Hunter    Chapter Eleven

    CHAPTER 11 NAPAIRAP ako ng makapasok ako sa loob ng office ni North. Kanina pa kasi nakaupo ‘yung babaeng ‘yon sa hita ng binata. Tss, anong silbi ng mga upuan ‘di ba? Ano na tawag sa kanila? Bwisit! Lumapit ako sa table nito at inabot ang report. Nagtataka itong tumingin sa’kin. “‘Yan daw po ‘yung report na kaylangan ng approval mo ngayong araw,” ani ko. Tumango siya, lumakad na ako palabas at umupo ulit sa tabi ni Ms. J. “Bakit nakasimangot ka na naman? Parang buong araw na ‘yan ah,” puna nito.&

    Last Updated : 2021-07-13
  • The Heartless Hunter    Chapter Twelve

    CHAPTER 12 ISANG buwan na simula ng manligaw sa’kin si North. Pagkatapos naming mag-dinner ng gabing ‘yon at hindi na niya ako tinigilan. Pinapatunayan niyang seryoso siya sa’kin. Nakangiti akong bumangon sa kama at inayos ang hinigaan ko. Five am pa lang pero kaylangan ko ng magluto ng almusal naming dalawa. Lumabas ako ng kwarto at nagtuloy sa kusina. Lumapit ako sa ref at kumuha ng mga ihahanda ko. Kinuha ko ang hotdog, tocino at ilog. May kaning natira kagabi kaya baka i-fried rice ko na lang para masarap ang kain ngayon. Naglakad ako sa may lababo at nilinis ang mga iluluto ko. Nang okay na ay lumapit ako sa may kalan, ipinatong do’n ang dalawang kawali. Pinainit ko muna ‘yung isa na may mantika at inilagay ko na sa isa ‘yung tocino at tubig. Hinuli kong iluto ang itlog dahil madali lang naman ‘yun.

    Last Updated : 2021-07-15

Latest chapter

  • The Heartless Hunter    Author's Note

    Yey! After a long 6 months of editing! Natapos ko na rin ang THH! thank you so much for reading my story! i hope nasiyahan kayo sa pagbabasa. nawa'y 'di kayo nainip, HAHHAHA. 'yun lang gusto ko lang mag-thank you kasi 'di ako makapaniwalang may nagbabasa neto dito sa GN kasi 'di naman 'din ako gaanong kilala na manunulat at sumubok lang talaga ako. So ayorn, thank you sa mga nagbabasa kahit mga silent readers kayo ay love ko kayo! sa nagbibigay ng gems! thank you so much! advance Merry Christmas and happy new year! Huwga kayong mag-alala kasi may idadagdag pa akong special chapter dito na ngayon ko pa lang ilalabas. 'di pa sa ngayon kasi busy sa school and tinapos ko lang talaga 'tong THH. Keep safe everyone! take care!

  • The Heartless Hunter    Epilogue (Part Two)

    EPILOGUE (PART 2) KANINA pa ako kinakabahan. What if malaman ni Camilla ang lahat? What if iwanan niya ko at ‘di na magpakita ulit sa’kin? Umiling ako! Fuck! No! No! Jesus! Calm yourself, fucker. Darating siya. Darating. Masama kong tinitingnan ang mga pinsan kong kanina pa ako tinatawanan, inaasar nila ako. “Nandiyan na ang bride!!” sigaw ng tao sa may pinto. Napa-ayos ako ng tayo. Biglang nabuhay ang katawan at loob ko. Ang saradong pinto ay unti-unting bumukas kasabay ng pagtugtog ng kantang ‘A Thousand Years’, napatigil sa may pinto si Camilla.

  • The Heartless Hunter    Epilogue (Part One)

    EPILOGUE NAGISING ako dahil sa iyak ng isang sanggol. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko dahil sa ingay na ‘yon. Kaninong anak ba ‘yon at pinapabayan na lang na umiiyak? Tumambad sa’kin ang kisame. Hindi pamilyar sa’kin ang lugar kung nasaan ako. Tatayo sana ako ng hindi ko maigalaw ang katawan ko, namamanhid nung una pero kalaunan ay nagawa ko ring makagalaw. Napatingin ako sa crib kung saan nanggagaling ang ingay. Tumingin ako sa gilid dahil nakadagan sa’kin ang kung sino. Natigilan ako ng makitang si Camilla ‘yon. Ang mahal kong si Camilla. Hinaplos ko ang pisnge niya at hinalikan ng marahan sa labi. Marahan kong ina

  • The Heartless Hunter    Chapter 69

    CHAPTER 69ONE YEAR AND A HALF LATER NAKANGITI ako habang buhat-buhat si Evie o Evangeline South Anderson, six months old bouncy baby girl. “Evie, siya si Tatay. Alam mo bang mahal na mahal niya ako? At alam kong mahal na mahal ka din niya sa kung nasaan man siya nandoon,” ani ko habang nakatingin sa lapid nito. Yes, malungkot pa din ako dahil sa mga nalaman ko. Hindi ko man lang naiparamdam sa kanya na mahal ko siya. Mas higit pa sa inaakala niya. Tumingin ako kay Evie, sana ay naabuta

  • The Heartless Hunter    Chapter 68

    CHAPTER 68 NAPATINGIN ako kay North ng biglang pumasok ‘to sa bahay, ang takot ko ay medyo nabawasan dahil nandito na siya. Nag-aalalang tumingin sa’kin ang lalaki bago masamang tiningnan ang dalawang nangho-hostage sa’kin. “SINO KAYO?!” sigaw nito. Humarap sina Koko at Boyet kay North. Akmang hahakbang siya ng magkatinginan ang dalawang lalaki saka ako pagalit na kinuha ni Boyet at tinutukan ng kutsilyo sa leeg. “Sige! Lumapit ka! Papatayin ko si Camilla!” sigaw ni Boyet, samantalang si Koko ay nakatutok ang patalim kay North.&

  • The Heartless Hunter    Chapter 67

    CHAPTER 67 PINAGSISIPA ko ang gulong ng kotse ko nang nasa labasan na ako. Hindi ko na dapat pinatulan ang init ng ulo ni Camilla. Dapat ay naging pasensyoso ako sa kanya. “FUCK!!!” gigil kong mura at padabog na binuksan ang pintuan ang driver seat. Sumakay ako sa loob at binuhay ang makina. Pinaandar ko ‘yon paalis at dinala sa Bar. Hindi ko alam kung bakit gano’n na lang si Camilla ng umuwi siya. Namumugto ang mga mata niya at halatang-halata na umiiya ito, gusto kong malaman kung bakit! Anong nangyari? Saan siya nagpunta at nagkagano’n na siya. Nang makarating ako sa bar ay pinarada ko sa parking lot ang kotse ko. Wala akong pake

  • The Heartless Hunter    Chapter 66

    CHAPTER 66 GABI na ng umuwi ako. Nagulat pa nga yata ‘yung mga babaeng nasa loob ng banyo ng lumabas ako sa isang cubicle do’n. ang akala siguro nila ay sira ang huli kaya naka-lock. Namumugto ang mga mata ko kakaiyak, pati na rin ang ilong ko ay namumula. Tumingin ako sa bahay namin. Ilang hakbang na lang ang layo ko pero tumigil pa din ako. Bukas ang ilaw. Hindi pa umaalis si North. Handa na ba akong harapin siya? Inalis ko ang mga ‘yon sa isipan ko at nag-umpisang lumakad pauwi. Pumasok ako sa loob ng bahay namin at nakita ko si North sa kusina. Nakataliko ito sa’kin, mukhang malakas naman na ‘to dahil nakakatayo na. Pumasok ako sa lo

  • The Heartless Hunter    Chapter 65

    CHAPTER 65 KINABUKASAN naako nagising. Maganda ang sikat ng araw at hindi mo aakalaing umulan ng malakas kagabi. Bumangon ako at inayos ang higaan ko. Umalis na kaya si North? Sigurado akong sa naranasan nito kagabi ay uuwi na ‘yon sa kanila. Hindi siya sana’y sa ganitong buhay. Pagkabukas ko ng pintuan ay kaagad kumunot ang noo ko ng makita si North na nanginginig sa lamig. Dinalawang hakbang ko ang pagitan naming dalawa. Umupo ako sa gilid nito at sinalat ang leeg niya na mabilis ko ring binawi. Sobrang init nito at animo ginaw na ginaw. Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang wallet ko. Lumabas na din ako para bumili sa tindahan. Pag-uwi ko ay may dala na akong noodles at tatlong paracetamol.&n

  • The Heartless Hunter    Chapter 64

    CHAPTER 64 NAPANGITI ako nang ako na ang susunod na mag-iigib ng tubig sa may poso. Nang magising ako kaninang umaga ay napag-alaman ko sa mga kapit-bahay ni Camilla na nawalan daw ng tubig ang buong barangay. Maaga pa kaya nanghirap ako ng timba para mapag-igib si Camilla. Mabilis akong lumapit sa poso. Itinapat ko ang walang lamang timba sa may dulo kung saan lalabas ang tubig saka nag-umpisang mag-igib. Natapos ko ang dalawang timba kaya lumapit ako sa may balde. Binuhat ko ‘to gamit ang magkabilang kamay ko at naglakad pabalik sa bahay ni Camilla. Maganda rin palang exercise ‘to para sa araw-araw kung sakali. Hindi ko na kaylangang magpunta sa gym. Nang nasa t

DMCA.com Protection Status