CHAPTER FIVE
KANINA pa ako naghihintay kay Camilla. Maaga kasi akong gumising dahil sinabi nitong maaga siyang papasok pero wala pa rin siya.
“Anong oras na ba? Hindi ba’t nilinaw ko ng ayokong nale-late siya.” naiinis kong turan sa sarili ko. Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina. Binuksan ko ang ref sabay kuha ng beer. Binuksan ko’t inisang tunggaan lang.
I bite my lower lips and calmed myself. I’m North Polaris Anderson, 24 years old. The only son fo Jake and Alex Anderson. I have a twin brother but he died when he’s still a kid. We’re triples, Me, Aura and Jaime. But my brother killed by his kidnapper mother. Katherine bring Jaime with her in death.
FLASHBACK
NAPATIGIL ako sa pagkain ng cookies dahil sa pagtigil sandali ng pagtibok ng puso ko. Humawak ako sa d****b ko at binitawan ang cookies. Hindi ko alam kung bakit nalang parang gusto kong umiyak bigla.
Tatlong araw na mula ng mawala ang kakambal ko at ang kapatid ko. Hindi raw kilala nila mama kung sinong kumuha sa kanila pero yung babaeng dumating ay kilala daw nila. Nang umalis sila kanina ay kinuha ko yung picture ng lalaki at tinago ko. Paglaki ko ay hahanapin ko siya’t pagbabayarin sa pagkuha niya sa mga kapatid ko.
“Lola!” tawag ko sa mama ng mama ako na nakatalikod sa’kin. Nag-aalala siyang tumingin sa’kin.
“Anong nangyayari, Apo? Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ni Lola Alexa.
Tinuro ko ang d****b ko. “L-Lola… bigla pong na-hurt yung heart ko. N-Natatakot po ako b-baka may nangyaring masama kay Aura.” umiiyak kong turan.
Naawa ang tingin sa’kin ni Lola saka ako niyakap ng mahigpit. Hinalikan niya ako sa noo. “Sana’y walang nangyaring masama sa kanila, hijo. Huwag kang mag-alala, babalik sila Mama mo na kasama na ang mga kapatid mo. Huwag ka nang umiyak.” aniya habang pinupunasan ang mga luha ko.
“L-Lola… tawagan mo sila! Tawagan mo si Mama! Gusto kong maka-usap si Aura!” pagwawala kong ani. Ayokong may mangyaring masama sa mga kapatid ko. Lalo na kay Aura, hindi pwedeng mawala sa’kin ang kakambal ko. Hindi pwedeng mawala si Aura! Ayoko!
Huminga ng malalim si Lola sabay h***k sa noo ko. “Okay. Sshhh. Calm down, mi hijo. I will call them later but finish your food first.” Aniya.
Tumango ako sa kanya at pinapatuloy ang pagkain ko kahit wala na akong gana. Ayokong pati sa’kin ay mag-alala sila kaya pinipilit ko ang sarili ko. I want to see my sister. Aura.
Nandito kami ni Lola sa kwarto ko dahil pinapatulog na niya ako pero narinig naming bumukas ang pintuan sa ibaba kaya malibis akong tumayo sa kama at lumabas ng kwarto.
“Aris!” tawag sa’kin ni lola pero hindi ko pinansin. Tumakbo ako pababa ng hagdan.
Pagkababa ko ay nakita ko si Papa habang buhat-buhat ang kapatid kong si Aura.
“AURA!!” masaya kong sigaw ko sa kanya para makuha ang atensyon niya. Lumingon ito sa’kin at nginitian ako. Bumaba siya sa pagkaka-buhat ni Papa, patakbo siyang lumapit sa’kin.
Niyakap ko siya ng mahigpit habang umiiyak. “A-Aura! Akala ko ‘di ka na makaka-uwi sa’min! S-Sa susunod huwag ka nang mang-sasama sa hindi mo kakilala!”
“Sorry na, Aris. S-Sorry kasi umalis ako ng walang paalam! Promise! Hindi ko na uulitin!” gumanti naman ng yakap si Aura habang umiiyak.
Tumingin ako kila mama na umiyak rin. Humiwalay ako dito at patakbong lumapit kay Mama sabay yakap ng mahigpit.
“Mama… bakit ka po umiiyak? Andito na si Aura.” tanong ko, sandali akong natigilan dahil mag-isa lang si Aura na dumating. Lumingon ako sa pinto pero wala ng ibang pumapasok. Tumingin ako kay Mama. “Ma, nasaan po si Jaime? Hindi niyo po siya kasama?” inosenteng tanong ko sa kaniya na mas kina-iyak niya. humigpit ang yakap sa’kin ni Mama.
Nagtatanong akong tumingin kay Papa, nagbabakasakaling may maisasagot siya sa nangyayari pero wala. Umiiyak rin si Papa katulad ni Mama. Naguguluhan ako. Anong nangyayari? Bakit sila umiiyak?
Inilayo ako ni Mama sa katawan niya at hinawakan ang pisnge ko. Tiningnan niya ako sa mata.
“Baby ko… si Jaime… hindi na natin siya makakasama.” malumanay ngunit malungkot niyang sabi.
Kumunot ang noo ko. “Bakit po? Umuwi na po ba siya sa bahay nila? Hindi po ba natin siya pwedeng dalawin?” tanong ko.
Umiling siya saka tumingin kay Aura. “Baby, halika dito.” tawag niya kay Aura na tumalima naman. Tumabi sa’kin si Aura. Tiningan kami ni Mama ng mariin. “Babies… si Jaime kasi…” tumingin it okay Papa.
Binalik niya sa’min ang tingin niya. “N-Nasa heaven na kasi si J-Jaime… kasama na niya si Papa Jesus.” mahina ngunit puno ng sakit na sabi niya.
Umawang ang bibig ko. “B-Bakit… Mama? Nasaan po siya?!” malakas kong tanong at tumingin kay Papa pero nakayuko lang `to.
Mas lalong napa-iyak si Mama.
“Babies… Sorry! Hindi ko nailigtas ang kapatid ninyo. Sorry!” hagulgul ni mama habang yakap kami. “Hindi niyo pa maiintindihan sa ngayon pero paglaki niyo maiintindihan niyo rin.” umiiyak pa rin niyang turan.
Lumapit sa’min si Papa at niyakap kami.
END OF FLASHBACK
Tama si Mama, maiintindihan namin kapag malaki na kami. Noong mag-high school ako ay doon ko napagtanto ang lahat nang nangyari sa’min. Napag-alaman ko ring Triplets ala kami. Doon ko naintindihan kung bakit ganun ang tibok ng puso ko no’n. Hindi para kay Aura ang pagtigil no’n kundi kay Jaime.
Ang kumidnap sa mga kapatid ko ay si Raul Salazar, naipakulong nila Papa ang lalaking ‘yon at duon na rin naabutan ng kamatayan niya pero hindi pa sapat sa’kin ang bagay na ‘yon. Gusto ko pa siyang magdusa dahil sa ginawa niya sa kapatid ko. Hinding-hindi magiging sapat ang buhay niya kapalit ng buhay ng kapatid ko.
Si Katherin Hart na tinuring at minahal ng kakambal ko na simapa pa siya sa kamatayan. Oo, hindi nga’t hindi si Raul ang humila sa kapatid ko pero siya ang dahilan kung bakit nakuha si Jaime ng mga walanghiyang ‘yon. Kung hindi niya lang sana sinunod si Katherine, edi sana buhay ang kapatid ko. Buhay sana si Jaime at masaya kaming lahat.
Huminga ako ng malalim saka dumilat. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Aunt Jessie, I’m sure she know where Camilla is. I never asked for Camilla’s number. I thought I will never need it but I’m wrong.
“Hello, Aris. May kaylangan ka?” malambing na tanong ni Aunt Jessie sa kabilang linya.
Umupo ako sa sofa, “Yes po. I’m just going to ask if you have Camilla’s number. Or if you know where she is? She’s actually working for me as my maid.” ani ko.
“Ow?” gulat na anito.
Kumunot ang noo ko. “Why, Aunteie?”
“I thought she texted you first… but she say she can’t go to work for now.” anito.
“Why?” nagtataka kong tanong.
“Her Aunt died last night. First night ng burol ngayon sa kanila. And I already forwarded her number ha. ikaw na ang bahala.” malungkot na turan nito. Inilayo ko ang cellphone ko sa mukha ko dahil tumunog ang message alert tone nito.
“I received it already. Thank you, Aunt Jessie. Can you tell me where she lived? So I can go there.” Tumayo ako at may naiisip na magandang gagawin.
“Yes, sa may Tondo. I will send you her location.” Pagkasabi niya no’n ay binaba na niya ang tawag. ilang sandali pa ay na-receive ko na ang location nito. Lumabas ako ng kitchen at nagpunta sa kwarto ko. Nagpalit ako ng damit, kinuha ko ang leather jacket ko at sinuot. Nakamaong pants lang ako at black t-shirt.
Nang lumabas ako ng kwarto ay napatigil ako dahil nakatayo sa gitna ng sala si Veronica, kumunot ang noo ko.
“What are you doing here?” I ask her while looking at my phone.
She smile at me and run to hug me. “I miss you! Simula ng dumating si Camilla hindi mo na ako pinapapasok sa office mo. We lose our quality time.” Pagrereklamo niya habang nakayakap sa’kin.
Inalis ko ang braso niyang nakayakap sa’kin. Malamig ko siyang tiningnan. “You know I’m busy. I need her so please, babe, don’t act so possessive when she’s around.” Hinalikan ko ang likod ng kamay niya at nginitian siya.
Veronica is my childhood friend from Hagonoy, Bulacan. I promised her that I will marry her someday kaya ng makapag-college ako ay sumulpot na lang siya sa buhay ko and she’s telling me to marry her. Pinangakuan na nga gusto pang tuparin.
“Hmp! You’re always saying that! What if hindi mo siya makuha? What will you do?” mataray niyang tanong.
I smirked. “I will have her, Vero. So please, leave. I need to go somewhere.” ani ko. akma akong aalis ng yakapin niya ulit ako.
“Ayaaaaw! Let’s stay like this for a while. I really missed you, don’t you miss me?” mapang-akit niyang tanong sa’kin.
Damn! What a temptress, but I will not bite it.
“I need to go.” Matigas kong sabi. Binaklas ko ang pagkakayakap niya sa’kin. “Lock the door when you leave.” Malamig kong turan at lumabas na ng unit ko. Sasakay na dapat ako but in a second thought I look to the fire exit. I walk there and tried to open the door. It does. I smile. I walk in and run downs stairs.
NOW I’m here in a flower shop buying flowers for dead people for Camilla’s Aunt. I picked another white roses and give it to cashier.
“Sir, magugustuhan po ‘yan ng babaeng pagbibigyan niyo.” Kinikilig na sabi ng sales lady sa tabi ko.
“Yes, magugustuhan siguro `to ng patay na pagbibigyan ko.” malamig kong saad saka kanya. Umawang ang labi nito at hindi makapaniwalang tumingin sa’kin. Inabutan ko siya ng bayad saka umalis. Sumakay ako sa aking Ferrari at inilagay sa passenger seat ang bulaklak. Pinaandar ko na ang sasakyan papunta kina Camilla.
CAMILLA’S P.O.V.
“CAMILLA nakikiramay kami.” Malungkot na turan ng isa sa mga kapit bahay namin. Tumingin ako sa kanila at maliit na ngumti.
Lumapit sa’kin si Lyn at hinaplos ang likod ko. Humawak ako sa kabaong ni Tita.
“Cam, kain ka na muna? Matulog ka na din.” Nag-aalalang alok niya pero umiling lang ako.
“Mamaya na. Wala akong gana, ‘di rin naman ako makakatulog.” Matamlay kong sabi habang pinagmamasdan ang kabaong ni Tita. Ilang beses akong napalunok. ‘Yung ubo pala ni Tita ay nauwi na sa Tuberculosis o TB. Hindi niya sinabi sa’king may dugo na pa lang lumalabas kapag umuubo siya. “B-Baki kasi hinid man lang niya sinabing may sakit siya? K-Kaya ko namang tulungan siya, ang ipagamot siya kahit mabaon ako sa utang.” Pumiyok ang boses ko sa huling sinabi ko.
Niyakap ako ni Lyn. “Siguro’y ayaw ka na niyang mahirapan. Nakikita niya kasi kung paano ka magsumikap mga bata palang tayo.” Pagpapagaan niya sa loob ko.
Umiling ako sa kanya.
“Hindi rason ‘yon, Arlene. Hindi. Kasi kahit makuba pa ako sa pagtr-trabaho wala akong paki. Mas gugustuhin ko pang maghirap basta makasama lang siya.” Puno ng sakit kong sabi.
Hindi na niya ako sinagot at hinigpitan na lang ang yakap sa’kin.
Nagpaalam ako kay Miss J kanina, hindi ko kasi alam ang number ni Sir North kaya hindi ako direktang nakapagsabi dito. For sure ay mapapagalitan na naman ako nito. Ayaw na ayaw pa naman niyang nale-late ang mga tauhan niya.
Lumingon ako sa pinto dahil pakiramdam ko ay may nakatitig sa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Sir North na nakatayo sa may pinto habang may hawak na mga bulaklak.
Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman ang bahay namin?
Pumasok ito at ngumiti ng maliit sa’kin.
“Hi, I asked Aunt Jessie and she told me na namatayan ka daw. Condolences.” Pahayag niya’t inabot sa’kin ang bulaklak. Kinuha ko ‘yon at ibinigay kay Lyn, alam na niya ang gagawin do’n.
Lumapit kami sa kabaong ni Tita.
“Thank you po, Sir. Sorry kung ilang araw akong hindi makakapasok.” Matamlay kong sabi habang nakatingin sa kabaong ni Tita. Napakaganda niya. Para lang siyang natutulog. Wala ng hirap na dinadala.
“Anong naging sakit niya?” tanong nito.
“TB Sir. Naging malala daw po. Hindi nagsabi sa’kin si Tita kaya hindi namin naagapan.” Malungkot kong sabi saka pinunasan ang tumutulong luha ko.
Hinaplos niya ang likod ko at inakbayan ako. Inaalo niya ako. “I’m really sorry to hear that, Camilla.”
Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak sa d****b niya. Napakagaan ng pakiramdam ko ngayong nakakulong ako sa bisig ni North.
“Sir, magkape muna ho kayo.” Ani Arlene sa likod.
Pinunasan ko ang luha ko at humiwalay sa binata. Tiningnan namin si Lyn may dalang kape ngunit may kakaiba ring mga tingin sa’min. Kinuha ko ang hawak niyang tray na may kape. Inabot ko kay Sir North para kumuha siya ng isa na ginawa naman nito.
“Sir, siya nga po pala si Arlene Lopez. Kaybigan ko.” pagpapakilala ko kay Lyn na nakangiti dito.
“Good day po Sir. Isa po ako sa mga OJT sa Marketing Department ng company ninyo.” Aniya at naglahad ng kamay. Nakipag-shake hands naman si Sir North.
“Hi, it’s nice to meet you.”
Tumingin sa’ki si Lyn na pasimple pa akong kinindatan. “Mauuna na po ako.” anito kay Sir, humarap ulit siya sa’kin. “Cam, babalikan na lang kita mamaya. Pupunta dito sila Tatay kapalit ko.” aniya, tumango ako sa kanya.
“Salamat.” Ani ko at tinanguan niya lang.
Umupo ako sa tabi ng kabaong ni Tita at tumabi sa’kin si Sir.
“Pagpasensyahan niyo na po yung bahay namin, Sir.” ani ko sa kanya.
Nilibot niya ang tingin sa buong paligid at tumingin sa’kin.
“Okay lang naman ang bahay n’yo kaya huwag kang mag-alala.” aniya.
Mahabang katahimikan ang namayani sa’min bago ito nagsalita.
“Ikaw alang mag-isa dito after ng libing?” tanong niya.
Tumango ako. “Opo. Mag-isa na lang ako dito.” Malungkot kong sabi at pinigilan ang luhang gustong bumagsak mula sa mata ko.
“You accept my offer, pwede ka sa bahay hanggang makapagtapos ka. Mukhang delikado sa lugar na `to lalo na’t nag-iisa ka.” turan niya habang humihigop ng kape.
“Siguro po hanggang sa matapos lang ang training namin ay sa inyo pa rin ako magt-trabaho pero uuwian ko pa rin po `tong bahay namin. Hindi ko naman po kasi basta-basta maiiwan `tong bahay.” Pagdadahilan ko.
Totoo namang ‘di ko maiiwan `tong bahay. Ito na lang ang nagsisilbing alalaa sa’kin nina Tatay at Tita. Ayokong mapunta `to sa wala.
“Why?” naguguluhan niyang tanong.
“Ito na lang kasi ang natitirang alaala sa’kin ni Tatay at Tita. Ayokong biglang iwan `to na para bang wala lang. Siguro’y mga ilang taon din muna bago ko pakawalan. Sayang ang lupa namin.” Mahina kong turan habang nakatingin dito.
Napansin ko ang paggdilim ng mata nito ng banggitin ko ang salitang ‘Tatay’.
“Where is your father?” he asked expressionless.
Mas lalong bumigat ang d****b ko dahil sa tanong niya. Ngayon ko nar-realize na wala na si Tatay at wala na rin si Tita. Wala ng natitira sa’kin.
“Wala na din.” ani ko, kumunot ang noo ko dahil sa nakita ko sa mata niya. Galit?
“Sorry.” Labas sa ilong na aniya.
Tipid akong ngumiti bilang sagot. Tahimik na kaming dalawa pagkatapos no’n. Walang nagsalita sa’ming dalawa. Tumayo ito at tiningnan ako.
“I will go now. I’ll be back tomorrow.”
Tumayo na rin ako. “Okay po, Sir pero kung hindi naman po kaya okay lang din. Alam ko kung gaano kayo ka-busy.”
Umiling siya. “No. I’m going back here. I’m just not sure what time is.” Paninigurado niya. Tinanguan ko na lang para matapos na ang usapan.
“Salamat Sir North.”
Ngumiti siya sa’kin. “Can you call me by my name? Please? Masyadong nakakatanda ang Sir.” He pleaded.
“North? Pwede bang iyon na lang ang itawag ko sayo kapag tayong dalawa lang?” di siguradong tanong ko.
Umakto ito na nag-iisip. “North… hmm... you’re the first one who called me North. They’re calling me Aris.” aniya.
Tumango ako. “Edi Aris na din po para hindi maiba.”
Umiling siya. “No! I prefer you call me North. It sounds sweet and so angelic when you pronounce my name.” malambing niyang turan sa’kin.
Tumango ako at tinago ang pamumula ng pisnge ko. Ngayon mo pa talagang naisipang lumandi Camilla?
Lumapit siya sa’kin at hinalikan ako sa pisnge na kinatigas ng katawan ko. Tumibok ng malakas ang puso ko at halos umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko.
“I’ll go ahead.” Bulong niya sa tenga ko na kinatayo ng mga balahibo ko do’n.
“EHEM!”
Napaglayo kaming dalawa dahil sa tikhim na ‘yon. Tumingin kami sa kung saang nanggaling ‘yon at nakita si Arlene na naka-cross arm habang malisyosang nakatingin sa’min. Tinanguan lang ito ni Sir saka umalis na. Naiwan akong mag-isa.
“Ano ‘yon ha??” tanong niya sa’min.
Lumabi ako. “Anong ibig mong sabihin?” inosente kong tanong dito.
“May gusto ka ba kay Sir?” biglang tanong niya na kinagulat ko.
“HA?! W-wala ah.” Pagtanggi ko saka tumingin sa kabaong ni Tita. Umiwas ako ng tingin do’n at napunta sa may bintana. Nando’n sina Boyet at Koko. May galit sa mga mata nila dahil nabugbug ko na sila nabugbug pa nila Tatay Berto at Tatay Andres.
Sinundan ni Lyn ang tingin ko. Sumimangot ito.
“Anong ginagawa niyo diyan? Susumbong ko kayo sa mga Tatay ko!” galit na pagbabanta ni Arlene. Hinawakan ko siya sa braso upang patigilin. Tiningnan ako ni Lyn saka tinanguan. Alam niyang ayoko ng gulo lalo na ngayong burol ng Tita ko.
Umalis naman agad sina Boyet at Koko sa may bintana. Malay ko ba kung makikiramay sila di ba.
Si Lyn ay nagtungo sa kusina para samanhan si Tita na nagluluto, ako ay tumabi ng up okay Tatay Berto. Ang maliit naming kusina ay natatakpan ng kurtina. Katulong nila si Tatay Andres, hindi katulad ni Arlene at dalawang Tatay. Ang asawa nito ay hindi ko kasundo.
Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo niya sa’ki. Kaya nga hindi ako makapunta minsa sa bahay nila Arlene dahil dito eh.
“Anak, nakatulog ka na ba?” tanong ni Tatay Andres na umupo sa katapat kong upuan. Umiling ako sa kanya.
CHAPTER SIX IKAAPAT NA araw ng burol ni Tita pero hindi na nagparamdam si Sir North. Nadisyama ako sa kadahilanang hindi ko alam. Siguro dahil lang sa napakapango siya at akala ko ay tutuparin niya. “Kanina pa ako salita ng salita pero wala naman pala sa sarili yung kausap ko.” sarcastic na ani Arlene. Ngumiwi akong tumingin dito. “Pasensya na.” Hinaplos ko ang salamin ng kabaong ni Tita at mapait na ngumiti. “Ano ulit yung sinasabi mo?” tanong ko at lumingon kay Lyn. “Hays, Cam. Magpauloy ka lang sa pagiging lutang mo’t iisipin ko na talagang nami-miss mo si Sir.” she said dryly. Inirapan ko siya.
CHAPTER SEVEN KAHIHINTO ko lang ng sasakyan sa harap ng bahay ng parents ko. Tiningnan ko si Aura na bitbit ang mga pinamili namin sa Mall. Ang iba sa mga binili namin ay para sa kanya, she buy it using my money but I don’t mind. “MAMA!” malakas na tawag ni Aura kay Mama ng makapasok kami sa loob ng bahay. Umupo ako sa sofa at nagtanggal ng coat, niluwagan ko rin ang necktie ko at ibinukas ang botones ko hanggang tatlo. A moment later we heard Mama's voice. It came out of the kitchen and smiling at Aura, I stood up and hugged her. “Polaris,” tawag niya sa buong pangalan ko at gumanti ng yakap. Hinalikan ko siya sa noo at nginitian. &n
CHAPTER EIGHT MATIIM akong nakatingin sa kabaong ni Tita habang ibinababa ito sa lupa. Tapos na ang pagmimisa sa kanya at aalis na siya. Hindi ako makahinga dahil sa pag-iyak. Sobrang sakit dahil madami pa kaming pangarap. Gusto ko siyang makasama hanggang sa maabot ko lahat-lahat. Yakap-yakap ko ng mahigpit ang picture ni Tita, nakangiti siya sa larawan niya. Kinunan ito nung Pasko at sobrang saya namin nito dahil marami kaming naipon kaya may handa. Si Arlene ay katabi ko at umiiyak rin. Kinuyom ko ng madiin ang kamao ko para huwag mag-break down sa harap ng maraming tao. Hindi pwede at ayoko. Hindi ako pwedeng maging mahina. Napatingin ako sa kamay na nakahawak sa’kin ngayon. Nag-taas ako ng tingin para makita kung sinong pangahas na ‘yon at
CHAPTER 09 HUMINGA ako ng malalim bago tuluyang ini-lock ang pintuan ng bahay namin. Nakapagpaalam na ako kila Tatay Andres at Tatay Berto na muntikan pang mauwi sa iyakan. Ini-lock ko ang pinto at humarap kila Arelene, ngumiti ako sa kanya kahit malungkot ang mukha nito. “Huy… wag kang malungkot. Magkikita pa rin naman tayo sa office,” pagpapagaan ko sa loob ko sa kanya. Ngumuso siya at inirapan ako. “Bakla ka! Mami-miss kita!” aniya at niyakap ako ng mahigpit. Gumanti ako ng yakap at bahagya pang natawa. “Mami-miss ko din kayo dito. Ikaw ha. Wag ka ng lalabas mag-isa, wala pa naman ako dito,” bil
CHAPTER TEN “HINDI ako bolero. Nagsasabi lang ako ng totoo, maganda ka talaga,” ani North. Napatigil ako sa pagbabalat at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Pinipigil kong mapatili. Bakit ba kasi kaylangan pa niyang sabihin ‘yon? Bakit kaylangan niyang iparamdam sa’kin ang ganito? Tumingin ako sa kanya, “Pumasok ka na sa loob at wag ka dito. Hindi ako makakapagluto ng maayos niyan kung nandito ka,” pantataboy ko sa kanya. tinalikuran ko siya at hinugasan ang mga nahiwa kong gulay pagkatapos sinunod na hugasan ang baka. Baka mabokya tayo dito! Narinig ko ang pagbuntonghininga niya at ang yabag ng paa nito paalis. Doon lang ako nakahinga ng maluwag ng
CHAPTER 11 NAPAIRAP ako ng makapasok ako sa loob ng office ni North. Kanina pa kasi nakaupo ‘yung babaeng ‘yon sa hita ng binata. Tss, anong silbi ng mga upuan ‘di ba? Ano na tawag sa kanila? Bwisit! Lumapit ako sa table nito at inabot ang report. Nagtataka itong tumingin sa’kin. “‘Yan daw po ‘yung report na kaylangan ng approval mo ngayong araw,” ani ko. Tumango siya, lumakad na ako palabas at umupo ulit sa tabi ni Ms. J. “Bakit nakasimangot ka na naman? Parang buong araw na ‘yan ah,” puna nito.&
CHAPTER 12 ISANG buwan na simula ng manligaw sa’kin si North. Pagkatapos naming mag-dinner ng gabing ‘yon at hindi na niya ako tinigilan. Pinapatunayan niyang seryoso siya sa’kin. Nakangiti akong bumangon sa kama at inayos ang hinigaan ko. Five am pa lang pero kaylangan ko ng magluto ng almusal naming dalawa. Lumabas ako ng kwarto at nagtuloy sa kusina. Lumapit ako sa ref at kumuha ng mga ihahanda ko. Kinuha ko ang hotdog, tocino at ilog. May kaning natira kagabi kaya baka i-fried rice ko na lang para masarap ang kain ngayon. Naglakad ako sa may lababo at nilinis ang mga iluluto ko. Nang okay na ay lumapit ako sa may kalan, ipinatong do’n ang dalawang kawali. Pinainit ko muna ‘yung isa na may mantika at inilagay ko na sa isa ‘yung tocino at tubig. Hinuli kong iluto ang itlog dahil madali lang naman ‘yun.
CHAPTER 13 “MY real name is North Polaris Anderson, twenty-four years old, June 13 is my birthday. I have twin sister and she’s Aura,” ani ko sa kanya. Nakahiga pa rin kami dito sa kama, magkaharap sa isa’t isa. Ngumiti siya sa’kin. “Camilla Salazar, twenty-seven years old. May 16 at mag-isa na lang sa buhay,” pagpapakilala niya sa sarili niya. Nginitian ko siya at hinaplos ang kanyang mukha. “Ano pang gusto mong malaman? Hmm?” “Mag-kwento ka tungkol sa sarili mo. Anong mga hilig mo, gano’n,” anito. Tumango ako. “Okay… noong mga bata pa kami ay nakatira kami sa Hagonoy. Magkahiwalay
Yey! After a long 6 months of editing! Natapos ko na rin ang THH! thank you so much for reading my story! i hope nasiyahan kayo sa pagbabasa. nawa'y 'di kayo nainip, HAHHAHA. 'yun lang gusto ko lang mag-thank you kasi 'di ako makapaniwalang may nagbabasa neto dito sa GN kasi 'di naman 'din ako gaanong kilala na manunulat at sumubok lang talaga ako. So ayorn, thank you sa mga nagbabasa kahit mga silent readers kayo ay love ko kayo! sa nagbibigay ng gems! thank you so much! advance Merry Christmas and happy new year! Huwga kayong mag-alala kasi may idadagdag pa akong special chapter dito na ngayon ko pa lang ilalabas. 'di pa sa ngayon kasi busy sa school and tinapos ko lang talaga 'tong THH. Keep safe everyone! take care!
EPILOGUE (PART 2) KANINA pa ako kinakabahan. What if malaman ni Camilla ang lahat? What if iwanan niya ko at ‘di na magpakita ulit sa’kin? Umiling ako! Fuck! No! No! Jesus! Calm yourself, fucker. Darating siya. Darating. Masama kong tinitingnan ang mga pinsan kong kanina pa ako tinatawanan, inaasar nila ako. “Nandiyan na ang bride!!” sigaw ng tao sa may pinto. Napa-ayos ako ng tayo. Biglang nabuhay ang katawan at loob ko. Ang saradong pinto ay unti-unting bumukas kasabay ng pagtugtog ng kantang ‘A Thousand Years’, napatigil sa may pinto si Camilla.
EPILOGUE NAGISING ako dahil sa iyak ng isang sanggol. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko dahil sa ingay na ‘yon. Kaninong anak ba ‘yon at pinapabayan na lang na umiiyak? Tumambad sa’kin ang kisame. Hindi pamilyar sa’kin ang lugar kung nasaan ako. Tatayo sana ako ng hindi ko maigalaw ang katawan ko, namamanhid nung una pero kalaunan ay nagawa ko ring makagalaw. Napatingin ako sa crib kung saan nanggagaling ang ingay. Tumingin ako sa gilid dahil nakadagan sa’kin ang kung sino. Natigilan ako ng makitang si Camilla ‘yon. Ang mahal kong si Camilla. Hinaplos ko ang pisnge niya at hinalikan ng marahan sa labi. Marahan kong ina
CHAPTER 69ONE YEAR AND A HALF LATER NAKANGITI ako habang buhat-buhat si Evie o Evangeline South Anderson, six months old bouncy baby girl. “Evie, siya si Tatay. Alam mo bang mahal na mahal niya ako? At alam kong mahal na mahal ka din niya sa kung nasaan man siya nandoon,” ani ko habang nakatingin sa lapid nito. Yes, malungkot pa din ako dahil sa mga nalaman ko. Hindi ko man lang naiparamdam sa kanya na mahal ko siya. Mas higit pa sa inaakala niya. Tumingin ako kay Evie, sana ay naabuta
CHAPTER 68 NAPATINGIN ako kay North ng biglang pumasok ‘to sa bahay, ang takot ko ay medyo nabawasan dahil nandito na siya. Nag-aalalang tumingin sa’kin ang lalaki bago masamang tiningnan ang dalawang nangho-hostage sa’kin. “SINO KAYO?!” sigaw nito. Humarap sina Koko at Boyet kay North. Akmang hahakbang siya ng magkatinginan ang dalawang lalaki saka ako pagalit na kinuha ni Boyet at tinutukan ng kutsilyo sa leeg. “Sige! Lumapit ka! Papatayin ko si Camilla!” sigaw ni Boyet, samantalang si Koko ay nakatutok ang patalim kay North.&
CHAPTER 67 PINAGSISIPA ko ang gulong ng kotse ko nang nasa labasan na ako. Hindi ko na dapat pinatulan ang init ng ulo ni Camilla. Dapat ay naging pasensyoso ako sa kanya. “FUCK!!!” gigil kong mura at padabog na binuksan ang pintuan ang driver seat. Sumakay ako sa loob at binuhay ang makina. Pinaandar ko ‘yon paalis at dinala sa Bar. Hindi ko alam kung bakit gano’n na lang si Camilla ng umuwi siya. Namumugto ang mga mata niya at halatang-halata na umiiya ito, gusto kong malaman kung bakit! Anong nangyari? Saan siya nagpunta at nagkagano’n na siya. Nang makarating ako sa bar ay pinarada ko sa parking lot ang kotse ko. Wala akong pake
CHAPTER 66 GABI na ng umuwi ako. Nagulat pa nga yata ‘yung mga babaeng nasa loob ng banyo ng lumabas ako sa isang cubicle do’n. ang akala siguro nila ay sira ang huli kaya naka-lock. Namumugto ang mga mata ko kakaiyak, pati na rin ang ilong ko ay namumula. Tumingin ako sa bahay namin. Ilang hakbang na lang ang layo ko pero tumigil pa din ako. Bukas ang ilaw. Hindi pa umaalis si North. Handa na ba akong harapin siya? Inalis ko ang mga ‘yon sa isipan ko at nag-umpisang lumakad pauwi. Pumasok ako sa loob ng bahay namin at nakita ko si North sa kusina. Nakataliko ito sa’kin, mukhang malakas naman na ‘to dahil nakakatayo na. Pumasok ako sa lo
CHAPTER 65 KINABUKASAN naako nagising. Maganda ang sikat ng araw at hindi mo aakalaing umulan ng malakas kagabi. Bumangon ako at inayos ang higaan ko. Umalis na kaya si North? Sigurado akong sa naranasan nito kagabi ay uuwi na ‘yon sa kanila. Hindi siya sana’y sa ganitong buhay. Pagkabukas ko ng pintuan ay kaagad kumunot ang noo ko ng makita si North na nanginginig sa lamig. Dinalawang hakbang ko ang pagitan naming dalawa. Umupo ako sa gilid nito at sinalat ang leeg niya na mabilis ko ring binawi. Sobrang init nito at animo ginaw na ginaw. Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang wallet ko. Lumabas na din ako para bumili sa tindahan. Pag-uwi ko ay may dala na akong noodles at tatlong paracetamol.&n
CHAPTER 64 NAPANGITI ako nang ako na ang susunod na mag-iigib ng tubig sa may poso. Nang magising ako kaninang umaga ay napag-alaman ko sa mga kapit-bahay ni Camilla na nawalan daw ng tubig ang buong barangay. Maaga pa kaya nanghirap ako ng timba para mapag-igib si Camilla. Mabilis akong lumapit sa poso. Itinapat ko ang walang lamang timba sa may dulo kung saan lalabas ang tubig saka nag-umpisang mag-igib. Natapos ko ang dalawang timba kaya lumapit ako sa may balde. Binuhat ko ‘to gamit ang magkabilang kamay ko at naglakad pabalik sa bahay ni Camilla. Maganda rin palang exercise ‘to para sa araw-araw kung sakali. Hindi ko na kaylangang magpunta sa gym. Nang nasa t