"...Si Montealto pala ang nanalong presidente," ani ng isa sa mga preso na may hawak na diyaryo na ipinahiram sa kanya ng isa sa mga pulis, "Hindi nanalo 'yung manok ko... Talo na naman ako sa pustahan..."Ngumisi lamang ang isa pang preso na nakaupo sa sahig at nakasandal ang likod sa pader. Wala itong suot na pang-itaas, at abala sa pag-ahit ng buhok niya sa kili-kili gamit ang isang maliit na labaha. "Sus... Kahit sino naman ang manalo diyan, hindi naman uunlad ang mga buhay natin. Yayaman lang lalo ang mga mayaman, at maghihirap lang lalo ang mga mahihirap na katulad natin. Hindi ba, Lucas?"Tumango si Lucas habang inaayos ang sintas ng sapatos niya. Bagong-ligo ito at nakasuot ng isang asul na polo na kupas na ang kulay sa ibabaw ng isang manipis at lumang t-shirt. Inayos niya rin ang pagkakakuskos ng maong na pantalon niya na medyo masikip na dahil hapit na ito sa binti niya."Ganun ang buhay eh..." tugon ni Lucas, "Kaya nga ako nakulong eh. Dahil mahirap lang ako. Kay
Diamonds Are Forever"Hindi ka na ba babalik dito next week, Teacher?"Tinugunan ni Alessa ng isang ngiti ang pitong taong gulang na half-Chinese na batang lalaki na katabi niyang nakaupo sa sofa. Pinagmamasdan siya ng bata habang inaayos niya ang mga aklat at ang laptop na pag-aari sa loob ng bag."Hindi na eh. Sabi ko kasi sa Mommy mo, sobrang galing mo na..." ani Alessa habang pinipisil ang pisngi ng bata bago tinali ang buhok na abot hanggang balikat gamit ang scrunchie na suot niya sa kamay, "Kapag magaling ka na sa lessons, hindi mo na kailangan si Teacher."Malungkot ang ekspresyon sa mukha ng bata habang nakatingin ito sa matataba nitong mga daliri. "Pero hindi pa ako magaling... Gusto pa kitang makita ulit, Teacher.""Huwag kang mag-alala, Timothy... Pwede pa naman tayong magkita eh. Pwede naman kitang bisitahin sa school mo, o kaya dito sa bahay ninyo..." Habang nagsasalita si Alessa ay isang malakas na busina ang narinig nila mula sa labas ng bahay, "Muk
Beauty Has A Price"Maliban sa Archduke Joseph diamond, the other diamonds surrounding it are really amazing. May matryoshka diamonds din pala 'to... It's really pricey, but is still a really beautiful piece nonetheless..." ani Alessa habang pinagmamasdan sa laptop ang larawan ng Luna y Estrella tiara habang kumakain ng pizza. Komportable siyang nakaupo sa sofa habang abala naman sa pagsusulat sa isang white board si Lucas."A lot of beautiful things come with a price... Even those that came from dirty money," he replied with a smirk as he scribbled some more."So nanakawin natin 'to sa isang auction? Saan ba 'yun gaganapin?" tanong ng dalaga.Umikot si Lucas sa kinauupuang metal stool para harapin si Alessa na nakapwesto sa likuran niya. "Wala pang ina-announce na lugar, pero darating din tayo sa specifics para mas mapaghandaan natin 'to. And don't get so worked up, okay? We'll succeed. I'm very certain.""We're going to succeed because I'm helping you. Pero para
The Killer Fist"Mabuti na lang at pumayag si Victoria na tulungan tayo..." ani Alessa habang pinagmamasdan ang interior ng kotseng gamit nila ni Lucas, "Pinagamit pa sa 'tin ang isa sa mga kotse niya. Ibang klase..."Napangisi na lamang si Lucas habang nagmamaneho. "Ganyan talaga si Victoria... Kapag alam niyang may makukuha siya, all-out din ang pagtulong niya."Habang patuloy sila sa pagbyahe, napansin ni Alessa na tila hindi sa apartment niya ang direksyon na tinatahak ni Lucas na siyang nagmamaneho ng kotse. "Hoy... Saan na naman tayo pupunta? 'Di ba ihahatid mo muna ako bago ka umuwi?""Kakain tayo."Napangisi si Alessa dahil sa sinabi ng kasama. "Wow... Ngayon ko lang narinig 'yan sa'yo," she chuckled, "Libre mo?"Tumango ang binata habang tumatawa. "Oo naman.""As in?""Ayaw mo?""Syempre gusto."Isang mahinang tawa ang itinugon ni Lucas, bago sila tuluyang dumiretso sa isang Italian restaurant. Agad silang kumuha ng table para sa dalawang tao, at umor
Black SheepNakangisi si Christelle habang nakaharap sa laptop niya at naglilikot ang mga daliri niya sa keyboard. Nasa screen na kaharap niya ang isang camera matrix na nagawa niyang i-hack, kaya maganda na naman ang mood niya. Chineck niya ang mga lugar na sakop ng mga camera habang iginagalaw niya ang ulo kasabay ng tugtog na naririnig niya mula sa suot na headphones.Nasa kalagitnaan siya ng ginagawa niyang iyon nang bigla na lamang pumasok sa kwarto niya ang ina. Mabuti na lamang at nakaharap siya sa pintuan habang nakaupo sa kama kaya agad niyang sinara ang laptop na nakapatong sa mga hita niya at tinanggal ang headphones na suot sa ulo.Her mom released a disappointed sigh. "Christelle, bakit hindi ka pa nakabihis? It's your grandmother's birthday party tonight. Tumayo ka na diyan at mag-ayos ka na. Then, go to my room so I can put make up on you and fix your hair."Palabas na sana ang ina nang biglang sumagot ang dalaga. "I'm not going."Natigilan ang babae
A Dirty TradePagkauwi galing sa shooting ng isang tv series kung saan siya kinuha bilang extra, ibinagsak ni Eros ang pagod na katawan sa sofa. Alas singko na siya ng umaga nakauwi ng bahay matapos siyang ihatid ng manager niya. Sa labas pa kasi ng Maynila ang location ng shooting kaya inabot rin ng ilang oras ang biyahe.Ipinikit niya ang mga mata para sana umidlip, nang bigla niyang maramdaman na may biglang naupo sa tabi niya at yumakap sa katawan niya. Nang idilat niya ang mga mata, nasa tabi niya na ang nakababatang kapatid na si Apollo na sampung taong gulang pa lamang at ipinanganak na may autism."Good morning, Pol..." mahinang bati niya dito habang pinagmamasdan ang kapatid na mukhang inaantok pa.Humikab lamang si Pol bago siya nginitian, pero hindi ito bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Napangiti na lamang siya at hinaplos ang ulo ng kapatid para tuluyan itong makatulog sa ibabaw ng mga hita niya niya. Ilang minuto lamang ang inabot bago muling naging mah
The TroikaPangiti-ngiti si Lucas habang pinagmamasdan ang safe house na pinagamit sa kanila ni Victoria. Sa buong duration kasi ng pagpaplano at execution nila ay kailangan ng team ng isang lugar kung saan pwede silang magsama-sama na malayo sa ingay ng siyudad at hindi basta mahahanap ng kahit sino.Nasa labas man sila ng Maynila ay hindi naman sila ganoon kalayo para abutin ng ilang oras sa pagbiyahe. May mga kwarto rin ang safe house na iyon na gagamitin ng iba pang mga miyembro ng team kapag dumating na sila. Hindi man iyon kasinglaki ng mansion ni Victoria, magara pa ring maituturing ang bahay dahil sa mamahaling muwebles na ginamit para punuin iyon. Napapalibutan ng mga puno ang paligid, kaya sariwa ang hangin na malalanghap kapag lumabas ka ng bahay.Nakapwesto sina Lucas at Alessa sa pavilion sa bandang likod ng malaking bahay kung saan nakalatag sa isang mesa ang laptop, mga larawan ng hotel na gagamiting venue ng private auction, mga pangalan ng ilang pupu
MastermindMadilim pa ang langit nang magising si Lucas noong umagang iyon. Pagtingin niya sa orasan, labindalawang minuto pa lamang ang lumipas pagkatapos ng alas singko ng umaga. Bumangon siya mula sa higaan, at dumiretso sa kusina para uminom ng mainit na kape.Habang nagtitimpla, naagaw ang atensyon niya ng isang malaking container ng powdered milk. Talaga kasing kinumpleto ni Victoria ang supplies na gagamitin at kakailanganin nila sa bahay na iyon, kung kaya't sagana rin sila sa pagkain at kagamitan, pati na mabilis na internet connection.Pinagmasdan niya ang lalagyan, hanggang sa unti-unting nabakas ang lungkot sa mga mata niya. Tandang-tanda niya pa iyong isang beses na namili sila ng tatay niya sa isang grocery maraming taon na ang nakakaraan. May nakita siyang malaking pack ng powdered milk na may isang tumbler bilang freebie.Hinawakan niya ang laylayan ng kupas na t-shirt ng ama para kunin ang atensyon nito. "Papa, ito na lang na mas malaking pack ang b
About the AuthorAyra Borjal is a writer from Catanduanes, a lovely island in Bicol Region. She is the author of the heist-thriller, The Confidence Trick. She is into mysteries, thrillers, science fiction and fantasy, and prefers to write with those genres as well. Writing helps her express her individuality and style, and she believes she is still a work in progress.
Isang maaliwalas na ekspresyon ang makikita sa mukha ni Lucas habang pinapanood sa lumang telebisyon ang balita tungkol sa pagkakadawit ni Anthony Ortega sa nangyaring pagkawala ng Luna y Estrella tiara. Nakalkal na rin ang kaso na nangyari limang taon na ang nakakalipas, kaya paniguradong magkakaroon ulit ng imbestigasyon tungkol sa bank heist na nangyari noon.Habang nakaupo sa lumang sofa ng bahay nila, biglang tumunog ang phone niya. Nakatanggap siya ng isang mensahe mula kay Oscar, at hindi niya mapigilang mapangisi sa nabasa."Sa susunod na may gawin ka pa, huhulihin na talaga kita. Pero sa ngayon, quits na tayo."Umiling-iling na lamang si Lucas habang tumatawa, bago napaliyad sa medyo maalikabok na sofa. Dahil sa pagkakaupo niya kaya tumama ang mga mata niya sa family picture na naka-frame at nakasabit sa pader ng sala ng luma nilang bahay. Bumalik siya doon para simulang alisin ang mga natirang gamit ng pamilya niya upang makalipat na si Eros at ang kapatid nitong s
Domino Effect"Jeina, bakit hindi ninyo ako tinirhan ng tocino?" reklamo ni Jackson sa kapatid na babae na inaayos ang buhok sa harap ng salamin. Naghahanda na ito para pumasok sa jewelry shop na pag-aari nila.Inirapan lamang siya ng kapatid. "Hindi ko naman kasalanan kung late ka nagising eh. Alam mo namang malakas kumain si Jeron, 'di ba?""Hindi talaga kayo nakakatulong sa buhay ng tao... Ano ba 'yan si Jeron," ang tinutukoy niya ay ang bunsong kapatid, "May bulate ba 'yan? Matagal bago mabusog..."Umiling-iling na lamang si Jackson habang kinakamot ang ulo matapos maupo sa harap ng hapag-kainan. Humikab muna siya, bago nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato niya.Isusubo niya na sana niya ang kanin at maliit na piraso ng hotdog sa kutsara niya nang biglang bumagsak sa tabi ng plato niya ang isang diyaryo.Nakanganga pa rin siya habang pinipihit ang ulo papunta sa taong naglagay ng diyaryong iyon, just to see Lucas looking at him.Naibaba ni Jackson ang kut
Lesser EvilNakatingin si Baron sa balanse ng bank account niya sa phone na hawak niya noong mga sandaling iyon. Hindi pa rin siya makapaniwala na halos kalahating bilyon na ang laman noon, at parang sasabog ang ulo niya habang iniisip kung paano gagamitin ang sobra-sobrang pera na meron siya.Pagkalipas kasi ng halos dalawang linggo, nagawa nang maibenta nina Lucas at Jackson ang tiara. Bago pa man kasi nila makuha ang Luna y Estrella tiara ay abala na ang dalawa – lalo na si Jackson – sa paghahanap ng buyers. Napagdesisyunan nilang pagpira-pirasuhin ang tiara at gawin itong iba't-ibang alahas para mas madali nilang maibenta. Madali na iyong na-dispose sa black market at sa jewelry shop na pag-aari ni Jackson.Dahil doon kaya nakuha na nilang pito ang kani-kanilang mga parte sa ninakaw nilang Luna y Estrella tiara. Umabot iyon ng kalahating bilyong piso matapos nilang i-convert ang milyon-milyong dolyar na nakuha nila.Pero kahit pa tapos na ang trabaho ay patuloy
Aftermath"It's worth the wait, right?" nakangising saad ni Alessa kay Lucas habang pinagmamasdan nilang lahat ang Luna y Estrella tiara na nakalagay sa isang glass case sa loob ng function room.Nakapalibot silang pito sa malaking lalagyan habang pinapaulanan ng titig at papuri ang tiara na gawa sa ginto at tadtad ng mga diyamante. Agaw-pansin ang pinakamalaking piraso ng bato sa gitna – ang Archduke Joseph Diamond na siyang pinagmamalaking bahagi ng piece na iyon."Kaya naman pala gusto niyong nakawin 'to..." ani Baron na bakas ang pagkamangha sa mga mata, "Sino ba naman ang hindi matetempt, 'di ba?"Tumango-tango si Victoria habang nakapatong ang kamay sa balikat ng malaking lalaki. "I'm not into diamonds, but this one is really, really beautiful...""So, paano niyo 'to maibebenta?" tanong ni Eros kay Lucas na nakatayo sa tabi niya. "Nagawa na nating nakawin, 'di ba? Oras na siguro para magkaroon tayo ng paghahati-hatian.""Madali na lang nating maibebenta 'to.
The Moon and Stars"...3, 2, 1." Narinig ni Alessa ang pagnguya ni Christelle ng chips pagkatapos nitong magbilang, "Guys, it's 7:30. Time to move."Napatingin si Alessa sa suot na wristwatch. Eksaktong 7:30 na, kaya tumayo na ang auctioneer sa auction block para i-anunsyo ang pagsisimula ng dinner para sa gabing iyon.Agad na gumalaw ang mga bisita at pumwesto sa mga designated tables nila, habang siya naman ay sumunod sa auctioneer na si Wilhelm palabas ng function hall. Dumiretso sila sa isang espesyal na kwarto kung saan ay kasama nila ang ilang mga connoisseurs, consultants, at valuers na pawang nanggaling lahat sa Oldenburg.Habang abala ang mga ito sa pag-uusap-usap, doon na sinimulan ni Alessa ang pag-arte. Kinalabit niya ang isa pang handler, at nagkunwaring masakit ang tiyan."Camille..." ani ng babae sa kanya na tinawag siya sa pekeng pangalan na ibinigay niya, "Okay ka lang ba?""Medyo hindi eh," tugon niya dito, "Masakit ang tiyan ko... Diyahe nga eh,
Confidence Does the TrickPinagmasdan ni Lucas ang repleksyon sa salamin matapos niyang maisuot ang kulay maroon na suit na gagamitin niya para sa gabing iyon ng dinner auction. Nakailalim sa suot niyang iyon ang isang puting long sleeves, at isang itim na tie na may disenyong maliliit na fleur-de-lys na kulay ginto.Huminga siya nang malalim at tinitigan nang direkta ang repleksyon ng sariling mga mata. Iyon na ang araw na pinakahihintay niya – ang araw na matagal niyang pinagplanuhan kasama ang anim niya pang mga kasama.Ilang oras mula sa sandaling iyon, mapapasakamay na nila ang Luna y Estrella tiara – ang bagay na babago sa buhay nilang lahat.He dyed his hair light brown for that day, and he brushed it back to emphasize his chiselled handsome face. He then fixed his suit once again, while looking at the mirror. He then wore his glasses, and expertly placed the earpiece in his ear. A small smirked crept its way on his lips, as he admired his own reflection.Na
D-1"Sigurado ka bang pwede nating gamitin 'to?" tanong ni Baron pagkatapos lumabas sa isang ambulansiya na kinuha nila mula sa ospital na pagmamay-ari ng pamilya ni Christelle. Agad nila itong dinala sa safe house, at ipinarada sa loob ng garahe na nasa tabi lang ng bahay.Lumabas na mula sa isa pang sasakyan na ginagamit nila sina Jackson at Christelle, at pinagmasdan ang nakuha nilang ambulansiya."Okay lang 'yan," ani Christelle, "Luma na rin naman 'yan kaya hindi na ginagamit ng ospital. Wala namang maghahanap diyan eh. Sayang kasi. Malaki naman ang espasyo sa loob kaya pwede kong paglagyan ng mga gagamitin kong computers pagdating ng dinner auction."Tumango-tango si Jackson at pinagmasdan ang nakuha nilang sasakyan. "Sabagay... Tama ka rin diyan. Malaki ang espasyo sa loob kaya pwede talagang paglagyan ng mga gamit mo," Pagkatapos ay nilapitan ito ng lalaki at sinubukang buksan ang pinto. "Kahit medyo luma na, mukhang maaasahan pa rin."Nagsalubong ang mga k
An Old Friend"...You are certainly qualified for the job. It's amazing that you applied just in time when we needed a replacement. Nagkasakit kasi iyong isang handler namin para sa darating na auction. It's really an amazing coincidence," ani Damien na panay ang sulyap kay Alessa na nakaupo sa harapan niya noong mga sandaling iyon.Alessa chuckled as a gracious smile appeared on her radiant face, "Thank you for the compliment, but I think you're being exaggerated, Sir.""I'm not being exaggerated, Miss Arguelles. You are overqualified, as a matter of fact. Maganda ang credentials mo, and you –" Natigilan ito nang makita ang isang pangalan sa references na nakalagay sa resume niya, "Wait... So you are –""I'm Victoria's cousin," komportableng tugon ni Alessa sa lalaki, habang isang makahulugang ngiti ang nasa mukha niya."Oh..." Bakas ang pagkamangha sa tinig ni Damien habang pinagmamasdan ang dalaga sa harap niya. Halatang nagdadalawang-isip ito at pilit siyang ki