A Dirty TradePagkauwi galing sa shooting ng isang tv series kung saan siya kinuha bilang extra, ibinagsak ni Eros ang pagod na katawan sa sofa. Alas singko na siya ng umaga nakauwi ng bahay matapos siyang ihatid ng manager niya. Sa labas pa kasi ng Maynila ang location ng shooting kaya inabot rin ng ilang oras ang biyahe.Ipinikit niya ang mga mata para sana umidlip, nang bigla niyang maramdaman na may biglang naupo sa tabi niya at yumakap sa katawan niya. Nang idilat niya ang mga mata, nasa tabi niya na ang nakababatang kapatid na si Apollo na sampung taong gulang pa lamang at ipinanganak na may autism."Good morning, Pol..." mahinang bati niya dito habang pinagmamasdan ang kapatid na mukhang inaantok pa.Humikab lamang si Pol bago siya nginitian, pero hindi ito bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Napangiti na lamang siya at hinaplos ang ulo ng kapatid para tuluyan itong makatulog sa ibabaw ng mga hita niya niya. Ilang minuto lamang ang inabot bago muling naging mah
The TroikaPangiti-ngiti si Lucas habang pinagmamasdan ang safe house na pinagamit sa kanila ni Victoria. Sa buong duration kasi ng pagpaplano at execution nila ay kailangan ng team ng isang lugar kung saan pwede silang magsama-sama na malayo sa ingay ng siyudad at hindi basta mahahanap ng kahit sino.Nasa labas man sila ng Maynila ay hindi naman sila ganoon kalayo para abutin ng ilang oras sa pagbiyahe. May mga kwarto rin ang safe house na iyon na gagamitin ng iba pang mga miyembro ng team kapag dumating na sila. Hindi man iyon kasinglaki ng mansion ni Victoria, magara pa ring maituturing ang bahay dahil sa mamahaling muwebles na ginamit para punuin iyon. Napapalibutan ng mga puno ang paligid, kaya sariwa ang hangin na malalanghap kapag lumabas ka ng bahay.Nakapwesto sina Lucas at Alessa sa pavilion sa bandang likod ng malaking bahay kung saan nakalatag sa isang mesa ang laptop, mga larawan ng hotel na gagamiting venue ng private auction, mga pangalan ng ilang pupu
MastermindMadilim pa ang langit nang magising si Lucas noong umagang iyon. Pagtingin niya sa orasan, labindalawang minuto pa lamang ang lumipas pagkatapos ng alas singko ng umaga. Bumangon siya mula sa higaan, at dumiretso sa kusina para uminom ng mainit na kape.Habang nagtitimpla, naagaw ang atensyon niya ng isang malaking container ng powdered milk. Talaga kasing kinumpleto ni Victoria ang supplies na gagamitin at kakailanganin nila sa bahay na iyon, kung kaya't sagana rin sila sa pagkain at kagamitan, pati na mabilis na internet connection.Pinagmasdan niya ang lalagyan, hanggang sa unti-unting nabakas ang lungkot sa mga mata niya. Tandang-tanda niya pa iyong isang beses na namili sila ng tatay niya sa isang grocery maraming taon na ang nakakaraan. May nakita siyang malaking pack ng powdered milk na may isang tumbler bilang freebie.Hinawakan niya ang laylayan ng kupas na t-shirt ng ama para kunin ang atensyon nito. "Papa, ito na lang na mas malaking pack ang b
Da Capo"In the following weeks," pagsisimula ni Lucas, "Paghahandaan natin ang pagnakaw sa target ng trabaho na 'to – ang Luna y Estrella tiara na dating pag-aari ni Infanta Isabella. The tiara was made during the late 18th century, but was stolen during the 1900s from the Spanish Royal Family..." Tinanguan niya si Christelle para ipakita sa screen ang larawan ng tiara, "It rarely resurfaced in the following decades, pero ngayon, nasa pag-aari ito ng isang mayamang pamilya mula sa Germany. Now this certain family owns the tiara illegally and want it disposed, so they are planning to sell it through a private auction that will be held on February 15, 2020."Pinagmasdang maigi ni Jackson ang diamond na centrepiece ng tiara. "Wow... Is this the Archduke Joseph Diamond?"Tumango si Lucas habang nakangisi. "Good eye, my friend... The biggest piece of diamond on the tiara – which is the Archduke Joseph diamond – costs 21 million U.S. dollars. Pero kung ang presyo na ng mi
An Armor of WordsIginala ni Baron ang tingin sa lobby kung saan sila naroon ni Victoria. May couches sa unang palapag ng building na iyon para sa mga kliyente at bisita, kaya doon muna sila pumwesto ng kasama."Madali kong makukumbinsi si Alfred na ipasok ka sa security team na ipapadala para sa auction na 'yun. Magdadagdag sila ng security detail pagdating ng event, kaya kukuha siya ng iba pang mga tao para dumoble ang seguridad sa area," saad ni Victoria habang nginingitian siya nito, "Kayang-kaya mo 'to, Baron. Just don't blow up your cover."Tumango si Baron at pilit na ngumiti. "Huwag kang mag-alala. Nag-iingat rin naman ako.""You look weird... Kinakabahan ka ba?" tanong ng babae sa kanya.Baron knew that Victoria already saw right through him, so he has no choice but to admit it. "Medyo lang naman... Unang beses ko kasi 'to...""Unang beses mong gumawa ng krimen?" Victoria replied as she smirked, then she chuckled when the burly man looked taken aback. "Ma
The Problem ChildPumwesto si Christelle sa isang café na nasa harap ng Senwell Hotel and Casino. Naupo siya sa isang mesa na pang-isang tao lang at lumayo sa mga customers na nasa loob noong hapon na iyon. Umorder siya ng pagkain at inumin bago niya binuksan ang laptop at nagsimulang gawin ang trabaho niya para sa araw na iyon.Una niyang hinack ang wifi ng Senwell Hotel and Casino at doon ikinonekta ang laptop na ginagamit niya. Ididispose niya rin kasi ang laptop na iyon pagkatapos, at kung ititrace man ang I.P. address na pinanggalingan ng hacker ay paniguradong babalik sa mismong hotel ang paghahanap kung sakali.Pagkatapos noon ay binuksan niya ang website ng Senwell, at tiningnan ang FAQ section ng site na matatagpuan sa ibabang bahagi ng webpage na iyon. Habang binubuksan niya iyon, pumasok ang isang pamilya sa loob ng café para kumain. May dalawang bata na mukhang nasa junior high pa lamang at kasama nito ang mga magulang nila. Naupo ang pamilya sa isang mes
A Beautiful CurseHawak ni Alessa ang isang tasa ng mainit na kape habang nanonood siya ng pang-umagang balita sa 75-inch MicroLED television na nakapwesto sa sala. Kasama niya si Christelle na nakasuot pa ng pajamas nito at may hawak na isang malaking bowl na puno ng cereal.Maya-maya ay lumabas si Baron mula sa kwarto nito na bagong-ligo at nakabihis. May sukbit itong backpack sa likod niya."Saan ka pupunta?" tanong dito ni Alessa."Pupunta kami ngayon nung ibang kasama sa private security team sa Senwell para i-check 'yung lugar. Tapos magka-conduct na rin daw ng maikling briefing para sa darating na dinner auction," tugon ni Baron na inaayos ang buhok sa harap ng salamin.Tumango-tango si Alessa, bago sinamahan si Baron palabas ng safe house. Habang paalis si Baron, dumating naman ang isang limousine kung saan lumabas si Victoria. Magtatanong sana si Alessa kung saan ang lakad nito, pero nang makita niya si Jackson na palabas na ng bahay ay napagtanto niyang m
Madness and MettleNang marating ni Lucas ang rooftop ng building kung saan siya pinapunta ng nagpadala ng mensahe ay isang ngisi ang gumuhit sa mukha niya.Bahagyang tumatawa pa ang lalaki habang nilalapitan ang kausap na kanina pa siya hinihintay doon."Chief Inspector Oscar Ramirez..." ani Lucas bago inakbayan ang lalaki, "Namiss mo siguro ako, 'no?"Agad na inalis ng pulis ang kamay niya. "Tigilan mo nga ako, Lucas."He chuckled at the policeman and shook his head. "Masama bang iparamdam ko sa'yo na namiss kita?"Pinaningkitan lamang siya ng chief inspector. "Alam kong may pinaplano ka, Lucas."Lucas immediately feigned innocence, and then tried to suppress his laughter. "Plano? Ano bang pinagsasasabi mo?""Hindi ko alam kung ano ang balak mo at dahilan para gawin 'to, pero alam kong may pinaplano ka," tugon sa kanya ni Oscar na bakas sa mukha ang pagiging sigurado sa sariling hinala."Ikaw ha..." pinaningkitan ni Lucas ang lalaking kaharap, "Creepy ka. Sin