Share

Chapter Three

 

The Killer Fist

 

"Mabuti na lang at pumayag si Victoria na tulungan tayo..." ani Alessa habang pinagmamasdan ang interior ng kotseng gamit nila ni Lucas, "Pinagamit pa sa 'tin ang isa sa mga kotse niya. Ibang klase..."

Napangisi na lamang si Lucas habang nagmamaneho. "Ganyan talaga si Victoria... Kapag alam niyang may makukuha siya, all-out din ang pagtulong niya."

Habang patuloy sila sa pagbyahe, napansin ni Alessa na tila hindi sa apartment niya ang direksyon na tinatahak ni Lucas na siyang nagmamaneho ng kotse. "Hoy... Saan na naman tayo pupunta? 'Di ba ihahatid mo muna ako bago ka umuwi?"

"Kakain tayo."

Napangisi si Alessa dahil sa sinabi ng kasama. "Wow... Ngayon ko lang narinig 'yan sa'yo," she chuckled, "Libre mo?"

Tumango ang binata habang tumatawa. "Oo naman."

"As in?"

"Ayaw mo?"

"Syempre gusto."

Isang mahinang tawa ang itinugon ni Lucas, bago sila tuluyang dumiretso sa isang Italian restaurant. Agad silang kumuha ng table para sa dalawang tao, at umorder ng mga pagkain. Habang naghihintay, muli nilang pinag-usapan ang planong pagnanakaw sa Luna y Estrella tiara.

"Posibleng sa isang hotel gawin ang private auction kung saan ilalabas ang tiara..." ani Lucas na sapat lamang ang lakas ng boses para marinig ng kausap.

Tumango-tango si Alessa habang umiinom ng tubig. "Kung ganun pala, kakailanganin natin ng isang hacker na pwedeng mag-hack sa security system at magkaroon ng access sa camera matrix ng hotel na gagamiting venue."

"Do you know any hackers?"

"May kakilala ako. She's pretty young, but she badly wants to be a part of these kinds of shit..." tugon ni Alessa. "Pwede natin siyang puntahan bukas."

Lucas smiled, "That's excellent."

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang mga inorder nilang pagkain. As they started to enjoy their meal, nakarinig sila ng tunog ng nabasag na plato mula sa loob ng kusina ng restaurant. Maya-maya ay umalingawngaw na mula roon ang boses ng isang lalaki na tila galit at nanenermon.

Dahil katapat ng kusina ang pwesto nina Lucas at Alessa, panay ang tanaw ng dalawa sa mga nangyayari sa loob. Doon nakita nila ang isang babae na pinapagalitan ng head chef.

"Nakabasag siguro ng plato..." ani Alessa bago isinubo ang pasta na nasa tinidor niya.

Pero hindi sa babaeng pinapagalitan nakatuon ang pansin ni Lucas, kundi sa malaking lalaki na tinatanggal ang mga pira-pirasong bahagi ng plato na nasa sahig. Napansin ni Alessa na tila nakapako ang tingin ni Lucas sa cook na iyon, kaya agad niya itong sinita.

"Bakla ka ba?"

"Hindi ah," agad na sagot ni Lucas na magkasalubong na ang mga kilay, "Bakit mo nasabi?"

"Ang lagkit kasi ng tingin mo dun sa lalaking cook eh. Ganyan ba ang mga type mo?" Bakas sa tono ni Alessa ang pang-aasar.

"I'm not gay. Just give me one night and I can prove you wrong," Lucas replied as he smirked. "Tsaka papakasalan pa kita, kaya bakit ako magkakagusto sa lalaking 'yan?"

Umiling-iling na lamang ang dalaga. "Gago... Eh bakit ba kasi panay ang tingin mo sa kanya?"

"Dito kasi nagtatrabaho 'yung anak ng isa sa mga nakasama ko sa kulungan eh, at ang cook na 'yan ang anak na tinutukoy ko... Baron Soliman ang pangalan niya," tugon ni Lucas habang itinuturo ng mga mata niya ang lalaking nagtatapon ng mga nabasag na plato sa basurahan. "Nalaman ko kasi na namatay na pala 'yung tatay niya dalawang taon na ang nakakaraan. Isang taon ko lang nakasama sa kulungan ang tatay ni Baron kasi nung pumasok ako, malapit na siyang makalabas. Mabuting tao ang tatay niya, at malaki ang respeto ko sa kanya."

Pagkatapos nilang kumain at kunin ang bill ay tuluyan na silang lumabas ng restaurant na iyon. Pero sa halip na dumiretso sa kotse ay biglang nag-iba ng direksyon si Lucas at naglakad sa maliit na eskinita sa gilid ng restaurant. Agad namang sumunod sa kanya si Alessa na hindi maintindihan kung bakit doon ang tinatahak na daan ng kasama.

Pero hindi nagtagal ay napagtanto rin ni Alessa ang pakay ng binatang kasama niya. Dinala kasi sila ng eskinita na iyon sa likod ng restaurant, kung saan naabutan nila si Baron na nasa likod at nagtatapon ng mga itim na trash bags sa isang malaking recycle bin na gawa sa bakal.

Nasa 6'0 o higit pa ang height ni Baron. Kitang-kita ang tikas at lakas ng katawan nito kahit nakatayo lamang ang binata. Nakakatakot tingnan ang mga muscles nito, lalo na ang mga braso na lalong nabibigyang-pansin dahil may kasikipan ang puting uniporme na suot niya. Pero kahit pa maskulado ito ay hindi intimidating ang itsura ng mukha nito. Lucas was a little taken aback because of the man's mild facial features. Chinito ito at may pagkamoreno, at parang hindi makabasag-pinggan kapag gumagalaw. Kung hindi lang talaga malaki ang katawan nito ay walang masisindak sa presensiya niya.

"Ikaw si Baron Soliman, hindi ba?" tanong sa kanya ni Lucas.

"Ako nga... Sino kayo?" tanong nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanya at kay Alessa.

"Ako nga pala si Lucas Rivera. Nakasama ko noon sa kulungan ang tatay mo, pero nauna siyang nakalabas sa akin. Kakalaya ko lang nitong nakaraan kaya ngayon ko lang nalaman na namatay na pala siya... " ani Lucas sa mas malaking lalaki.

"Na-stroke si Tatay kaya siya namatay. Nasobrahan kasi sa inom eh," tugon ni Baron habang patuloy ang paglalagay niya ng mga trash bags.

"Baron, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I know that your family is struggling financially. Nakwento na iyon sa akin ng tatay mo noong magkasama pa kami sa kulungan. Kailangan mo ng tulong, at kailangan rin namin ang tulong mo..." Unti-unting lumapit si Lucas sa mas malaking lalaki, "You know what I mean, right? We can be of help to each other, Baron. It's a big job, and if we succeed, it's going to be a win-win situation."

Natigilan si Baron sa pagtatapon ng basura. "Pasensya na, pero hindi ko ginagawa ang mga bagay na ginagawa ng tatay ko," tugon nito nang hindi man lang tinitingnan ang kausap.

Bahagyang tumango si Lucas habang nakangiti, as he completely understood Baron's point. Naikwento kasi sa kanya ng namayapang ama nito na hindi gusto ni Baron ang pagsali ng ama sa mga ilegal na gawain.

"I'm sorry about that, and I completely understand you. Pero... Kung sakaling magbago ang isip mo," inilabas ni Lucas mula sa wallet niya ang isang calling card at iniabot ito sa mas malaking lalaki. Hindi ito kinuha ni Baron, kaya ipinasok na lang ito ni Lucas sa loob ng bulsa ng pantalon ng cook. "That's my calling card. Alam kong ayaw mong maging katulad ng tatay mo... Kriminal siya, oo... Pero sana maintindihan mo rin na hindi naman siya masamang tao. Kinailangan niyang gawin ang mga bagay na 'yun para mabuhay kayo. At lahat ng kasalanan niya... Pinagbayaran niya 'yun sa kulungan sa loob ng maraming taon. Hindi ko naman sinasabing hindi masama at ilegal ang mga ginagawa namin... Pero minsan, wala talaga tayong choice." Lucas then heaved a deep breath, before tapping Baron's shoulder.

Pagtalikod nina Lucas at Alessa, itinigil ni Baron ang ginagawa niya at sinundan sila nito ng tingin hanggang sa tuluyan na silang makaalis doon.

 

***

 

Mula sa restaurant, tumambay muna sina Alessa at Lucas sa isang park dala ang ilang lata ng beer at packs ng chips. Pumwesto sila sa isang bench, at doon ininom ang mga binili nilang alak.

"Saan mo ba gagamitin si Baron?"Alessa asked out of curiosity.

"Did you see his build, Alessa? He's massive and is definitely strong. Isang suntok niya lang, tutumba ang kahit sino." Napaupo nang maayos si Lucas habang binubuksan ang isang bagong lata ng beer, "Hindi mo ba alam na boksingero siya dati?"

"Si Baron? Boksingero?"

Tumango si Lucas. "Oo. He was rising star in that sport, pero tumigil siya nung nagkaroon ng kumplikasyon at tuluyang namatay 'yung huling nakalaban niya. Nabalita nga 'yun eh."

"Ahh..." ani Alessa nang tuluyan nang maalala ang tinutukoy ng binata, "Natatandaan ko na. Siya 'yung tinawag na Killer Fist, hindi ba?"

"Yes..." Lucas replied as he smiled. "The nickname fits him, right? His punches can kill... Literally."

"Pero Lucas, nangako ka sa 'kin na hindi tayo papatay ng tao. Kung 'yun ang purpose mo ng pagkuha sa kanya, iiwan kita."

"Tumutupad naman ako sa pangako ko eh. Hindi naman tayo papatay ng tao, but we can always use him on other tasks... Like, lifting things, or somebody who can act as a bodyguard. We need somebody who's physically strong, Alessa. At siya ang pinakamaiging kunin natin."

Tumango-tango ang dalaga, na naiintindihan na ang gustong ipahiwatig ni Lucas. "Pero malinaw naman ang naging usapan ninyo kanina. Ayaw niyang sumama sa atin."

"Ayaw rin naman ng tatay niya na gumawa ng mga ganitong bagay. Napilitan lang siya dahil wala siyang choice. Kailangan niya noon ng pera para ipagamot ang isa sa mga kapatid ni Baron na nagkaroon ng leukemia at nangangailangan ng chemotherapy." Lucas drank some more from his beer can, "Papayag si Baron na sumama sa 'tin dahil kailangan niyang buhayin ang pamilya niya. Nag-aaral ang lahat ng mga kapatid niya, baon na baon sila sa utang, at meron ring sakit ang nanay niya na nangangailangan ng maintenance na gamot at operasyon. He needs money way badly than we do."

Alessa rolls her eyes as she throws an empty can towards Lucas. "You are an asshole, Lucas."

"Bakit na naman?"

"His family is his soft spot... And with what you said, you seem to be using his weakness against him. That's mean."

Napahinga nang malalim si Lucas bago tumanaw sa malayo habang umiinom ng beer. "Alam ko 'yun, Alessa. Alam kong ginagamit ko ang pamilya niya para mapilitan siyang gumawa ng mali... But this world will never favor the poor and the weak. I'd rather be the one to use his weakness against him... than to let the world turn him into a monster."

Hindi na nakasagot pa si Alessa, at binigyan na lamang ng malalim na tingin si Lucas bago napakibit-balikat. Itinuon niya na lamang ang atensyon sa pag-ubos sa laman ng lata ng beer na hawak niya, habang pinapanood ang mga dumadaang sasakyan sa kalsada.

 

***

 

Pagdating ni Baron sa maliit nilang bahay, agad siyang sinalubong ng tatlo sa lima niyang mga nakababatang kapatid. Dala niya noon ang pasalubong na pagkain at ilang mga groceries na binili niya gamit ang sweldo.

"Kuya, 'yung pasalubong ko?" tanong ng bunso nila na labing-isang taong gulang at nasa elementarya pa lamang.

Napangiti na lamang si Baron habang inilalapag sa mesa ang binili niyang fried chicken at donuts para sa mga nakababata niyang kapatid. "O 'yan, binili ko para sa inyo... Huwag kayong mag-aagawan, ha? Tsaka tirhan niyo rin si Nanay. Mga matatakaw pa naman kayo..."

Agad na naglabas ng isang malaking plato ang isa sa mga kapatid ni Baron, at pinagtulong-tulungan naman ng dalawa niya pang mas batang kapatid ang paghahati-hati sa mga pagkain. Napangiti na lamang siya, at naupo sa sofa para hubarin ang sapatos niya. Sakto namang dumating ang dalawa niyang pang nakababatang kapatid na pareho nang nasa kolehiyo.

"Ginabi ata kayo..." ani Baron sa kapatid na babae na graduating na sa Nursing, at sa kapatid niyang lalaki na second year na sa kursong Civil Engineering.

"Malapit na ang exams, Kuya... Kaya tinatapos namin 'yung ibang dapat ipasa, tsaka nagrereview na rin kami," tugon ng kapatid niyang lalaki.

"Kuya, kailangan na pala naming magbayad ng tuition kasi malapit na ang exams eh," ani ng kapatid niyang babae.

Tumango na lamang si Baron, na biglang nag-iba ang timpla ng mukha nang maalala ang tuition ng mga kapatid. "Sige, gagawan ko 'yan ng paraan. Basta ha, gagalingan ninyong dalawa... Hindi ako nakatapos, kaya gusto ko na kayo ang tumupad ng pangarap na 'yun para sa akin. Kaya nga gagawin ko ang lahat para maka-graduate kayo."

Agad siyang niyakap ng nakababatang kapatid na babae. "Kuya naman... Ang drama mo. Malapit na akong grumaduate. Running for magna cum laude nga ako eh... Konti na lang at may makakatulong ka na."

Pinagtawanan niya na lamang ang kapatid, at pinaupo na ito para sabayang kumain ang iba pa nilang mga kapatid. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang nanay nila na kakauwi pa lamang galing sa trabaho nito sa isang karinderya.

Agad na nilapitan ni Baron ang ina at tinulungan ito sa mga dala nitong gamit. Bakas ang pagod sa mukha ng butihin niyang nanay na maya't maya ang pag-ubo at paghilot sa sentido niya.

"Andito ka na pala, Baron..." Napaupo ang ina sa sofa at napahinga nang malalim. "Nakakapagod kanina sa karinderya. Andaming customer... Lahat kasi ng mga nagtatrabaho doon sa bagong-tayong pabrika, sa amin na kumakain."

Kumuha si Baron ng isang basong tubig at ibinigay ito sa ina. "Nay, huwag niyo namang masyadong pinapagod ang sarili ninyo. Umiinom ba kayo ng gamot ninyo? Dapat hindi kayo magmintis dun sa maintenance ninyo sa high blood. Sabihin mo kaagad sa akin kapag naubos na, para makabili ako."

Hinawakan ng ina ang kamay niya. "Anak, huwag ka nang masyadong mag-alala..."

"Paanong hindi ako mag-aalala eh matigas ang ulo ninyo..." Pagkatapos ay kinuha ni Baron ang isang nakatuping envelope mula sa backpocket niya. "Sahod ko po pala, 'Nay. Diyan niyo na kunin 'yung pambayad sa kuryente at tubig. Ako na rin ang bahala sa tuition nina Red at Bea."

"Pero anak –"

"Huwag kayong mag-alala. Hiniwalay ko na diyan 'yung ipon ko tsaka 'yung panggastos ko sa araw-araw. Itago niyo na 'yan," nakangiting tugon ni Baron sa ina.

Napabuntong-hininga na lamang ang babae, na bakas ang lungkot sa maputlang mukha nito. "Pasensya ka na anak, ha? Hindi namin kayo nabigyan ng magandang buhay... Dahil sa sitwasyon natin kaya tuloy hindi ka nakapagtapos ng kolehiyo... Ni hindi ka nga makabuo ng sarili mong pamilya dahil kami ang inuuna mo."

"Bakit ko kailangang bumuo ng sariling pamilya, eh andyan naman kayo?" natatawang tugon ni Baron sa ina.

"Gusto ko rin na maging masaya ka, Baron..."

Hinawakan ng binata ang kamay ng ina. "Huwag kayong mag-alala, 'Nay. Gagraduate na si Bea, magkakaroon na kayo ng nurse. Ilang taon na lang, magiging engineer na rin si Red. Kapag tumutulong na sila dito, pwede na akong magpahinga, 'di ba? Hindi naman ata pwedeng habambuhay akong ganito..." pagbibiro ni Baron habang pinaparinggan ang dalawang kapatid na nasa kolehiyo na.

Agad naman na umangal ang dalawa niyang kapatid, kaya nagtawanan na lamang silang lahat. Pagkatapos noon ay pinaupo niya na rin ang ina para sabayang kumain ang mga kapatid niya.

Napabuntong-hininga na lamang si Baron habang pinagmamasdan ang pamilya na masayang pinagsasaluhan ang dala niyang pasalubong. Masaya at payapa ang pamilya nila, pero hindi pa rin maiiwasan ang mga problema, lalo na sa pinansiyal na aspeto.

Hindi madali para kay Baron na buhayin nang mag-isa ang pamilya lalo na't namayapa na ang kanyang ama. Mas naging mahirap pa ngayon dahil dalawa na ang kapatid niyang nasa kolehiyo, at sa susunod na taon ay papasok na rin sa unibersidad ang ikaapat niyang kapatid. Gusto niya ring ipagamot ang ina na nangangailangan ng operasyon sa baga nito. Kailangan niya ring bayaran ang mga utang nila na bunga ng pagpapa-ospital at pagpapalibing sa tatay niya, pati na ang patung-patong na interes na kakabit nito.

Saglit na lumabas ng bahay si Baron, at kinuha ang calling card na inilagay ni Lucas sa loob ng bulsa niya. Napahinga siya nang malalim at nag-isip, bago tuluyang kinuha ang phone mula sa backpocket ng pantalon at tinawagan ang numerong nakasulat sa piraso ng papel na iyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status