A Beautiful CurseHawak ni Alessa ang isang tasa ng mainit na kape habang nanonood siya ng pang-umagang balita sa 75-inch MicroLED television na nakapwesto sa sala. Kasama niya si Christelle na nakasuot pa ng pajamas nito at may hawak na isang malaking bowl na puno ng cereal.Maya-maya ay lumabas si Baron mula sa kwarto nito na bagong-ligo at nakabihis. May sukbit itong backpack sa likod niya."Saan ka pupunta?" tanong dito ni Alessa."Pupunta kami ngayon nung ibang kasama sa private security team sa Senwell para i-check 'yung lugar. Tapos magka-conduct na rin daw ng maikling briefing para sa darating na dinner auction," tugon ni Baron na inaayos ang buhok sa harap ng salamin.Tumango-tango si Alessa, bago sinamahan si Baron palabas ng safe house. Habang paalis si Baron, dumating naman ang isang limousine kung saan lumabas si Victoria. Magtatanong sana si Alessa kung saan ang lakad nito, pero nang makita niya si Jackson na palabas na ng bahay ay napagtanto niyang m
Madness and MettleNang marating ni Lucas ang rooftop ng building kung saan siya pinapunta ng nagpadala ng mensahe ay isang ngisi ang gumuhit sa mukha niya.Bahagyang tumatawa pa ang lalaki habang nilalapitan ang kausap na kanina pa siya hinihintay doon."Chief Inspector Oscar Ramirez..." ani Lucas bago inakbayan ang lalaki, "Namiss mo siguro ako, 'no?"Agad na inalis ng pulis ang kamay niya. "Tigilan mo nga ako, Lucas."He chuckled at the policeman and shook his head. "Masama bang iparamdam ko sa'yo na namiss kita?"Pinaningkitan lamang siya ng chief inspector. "Alam kong may pinaplano ka, Lucas."Lucas immediately feigned innocence, and then tried to suppress his laughter. "Plano? Ano bang pinagsasasabi mo?""Hindi ko alam kung ano ang balak mo at dahilan para gawin 'to, pero alam kong may pinaplano ka," tugon sa kanya ni Oscar na bakas sa mukha ang pagiging sigurado sa sariling hinala."Ikaw ha..." pinaningkitan ni Lucas ang lalaking kaharap, "Creepy ka. Sin
A Crack on the SurfacePagbalik ni Lucas sa safe house kinagabihan, nakasabay niya si Baron sa may gate. Agad niya itong binati at inakbayan habang naglalakad sila papasok."Mukhang madami kayong ginagawa ah," ani Lucas sa kasama."Yung bossing kasi eh, mukhang paborito ako. Sinasama ako kung saan-saan. Pero okay na rin kasi nakukuha ko na ang tiwala niya," tugon ni Baron."Very good. Ituloy mo lang 'yan... Importanteng makuha mo ang tiwala niya at mabilib siya sa'yo nang husto. Magiging advantage mo 'yan."Pagpasok nila sa bahay, agad na sinalubong ni Christelle si Lucas. "Meron na akong impormasyon tungkol sa tiara...""Talaga?" tanong ni Lucas habang hinuhubad ang sapatos niya, "What about it?""Narinig kong may kausap si Damien Tresvalles tungkol doon. The tiara is going to arrive in the country earlier than expected. Darating kasabay nun 'yung buong pamilya na nagmamay-ari nun ngayon para mag-participate sa auction as consignors.""Mabuti na lang talaga at
Fortune Favors the BraveNakatambay si Eros sa isang restaurant at pinagmamasdan ang café na nakapwesto sa tapat habang umiinom ng iced tea mula sa hawak niyang baso. Isang babae na nasa katapat na establisimiyento ang sinusundan niya ng tingin, at nang tuluyan na itong tumayo mula sa kinauupuan sa loob ay tumayo na rin si Eros mula sa pwesto niya.Mabilis siyang lumabas ng restaurant at tumawid ng kalsada para pumasok sa katapat na café. Nang makita niya na ang babaeng target ay nagkunwari siyang nakatingin sa phone habang naglalakad. Diretso lang ang direksyon niya hanggang sa bumangga siya nang tuluyan sa babaeng kanina niya pa pinagmamasdan. Natapon ang dala nitong mainit na kape sa suot niyang puting wifebeater na nakailalim sa isang blue hooded jacket.Nagsisimula na sanang magmura ang babae, pero natigilan ito nang pagtamain ni Eros ang mga titig nila. The woman froze on her position as he gave her a soulful gaze, and he smiled as if he is hiding a secret. Nap
A Foundation Built From TrustNagising nang maaga si Baron kaya tumambay muna siya sa sala para manood ng telebisyon habang humihigop ng mainit na kape. Mas nagiging abala sila ngayon sa trabaho dahil maliban sa palapit na ang dinner auction ay panay rin ang bitbit sa kanya ng among si Alfred sa kung saan-saan. Siya, kasama si Neo, ang paborito nitong isama sa mga appointments, kaya marami-rami na rin siyang nalalaman sa mga businesses at transactions nito. Medyo may problema lang talaga siya kay Neo dahil may kayabangan ito at masyadong madaldal. Pero tinitiis niya na lang dahil matatapos rin naman ang pagtatrabaho niya sa security agency kapag nakuha na nila ang tiara.Habang abala siya sa panonood ng telebisyon ay biglang lumabas si Jackson mula sa kwarto nito. Bagong-ligo ito at pinapatuyo ang buhok sa harapan ng salamin. Tinapunan ni Baron ng tingin ang lalaki, na para bang pilit niyang inaalam kung ano ang balak nito at kung ano ang tumatakbo sa loob ng isipan nito.
Christmas EveNagtatalo ang inis at lungkot sa puso ni Christelle habang nasa tapat siya ng bahay nila. Suot ang isang itim na hoodie, jeans at sneakers, nakakubli sa dilim ang dalaga habang pinagmamasdan ang pamilya na nagdidiwang ng bisperas ng Pasko kahit wala siya.Nagkuyom ang mga kamay niya sa galit, habang nakikita ang ngiti sa mukha ng mga magulang at mga kapatid, pati na ng ilan pa nilang mga kamag-anak na naroon. Nang tumakas ang isang butil ng luha mula sa mga mata niya ay agad niya itong pinunasan gamit ang likod ng kaliwang kamay, bago huminga nang malalim at tahimik na pinagmasdan ang pamilya sa loob ng bahay nila."I guess they'll be fine without me..." bulong ni Christelle sa sarili habang pilit na pinipigilan ang pag-agos ng luha mula sa mga mata.Noong mga sandaling iyon, tinanggap na nang tuluyan ng dalaga na hindi na talaga siya hahanapin ng sariling pamilya dahil tila hindi naman siya kailangan ng mga ito. In just a few minutes, she came to term
The Black BookPapunta sana sa kusina si Baron para kumuha ng pagkain, nang bigla siyang makarinig ng tinig ng isang lalaking tumatawag sa kanya. Napatigil siya sa paglalakad, at napatingin sa direksyon ng pavilion kung saan naroon sina Victoria at Lucas na pinagmamasdan siya."Tinatawag niyo ba ako?"Tumango si Victoria. "Ikaw lang naman ang Baron dito sa bahay."Napakamot na lamang si Baron habang naglalakad palapit sa dalawa. "May kailangan ba kayo?"Lucas sat down on a metal stool, his eyes fixed on Baron's face. "Alam mo kung saan nakatira si Alfred, hindi ba?""Oo naman... Tsaka dinala niya na ako dun, pero hindi naman talaga ako nakapasok. Doon lang ako sa labas ng bahay kasi may naiwan siya noon sa kanila," tugon ni Baron, "Bakit mo naitanong?""I want you to secure a copy of his black book..." Ibinigay ni Lucas sa kanya ang isang special glasses na sa tingin niya ay galing na naman kay Christelle. "Once you find it, scan the pages with this special glass
A Job Within the JobHalos hindi malasahan ni Lucas ang kinakain niya dahil hindi niya mapigilang mapaisip. Panay ang sulyap niya kay Jackson na maya't maya ang tingin sa phone nito habang tinatapos ang pagkain sa sariling plato."Mukhang may lakad ka ata, Jackson..." ani Lucas sa kaibigan bago uminom mula sa tasa ng kape na hawak niya."Ah, si Jeina lang 'to. Meron kasing problema sa jewelry shop kaya kailangan kong pumunta doon," tugon sa kanya ni Jackson, "Gusto mo bang sumama sa 'kin? Para naman makita mo 'yung tiara na ginagawa ni Pietro."Tumango si Lucas habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa pinagdududahang kaibigan, "Sige. Sasama ako sa'yo mamaya..."Habang nag-uusap ang dalawa, bigla namang lumitaw si Eros na maaliwalas ang mukha at may isang makahulugang ngiti ang nakaguhit sa labi."O, Eros...'' bungad ni Lucas sa bagong-dating na lalaki, "Inumaga ka na naman..."Eros smirked and took a seat right beside Alessa's chair. "Syempre busy ako... Alam mo
About the AuthorAyra Borjal is a writer from Catanduanes, a lovely island in Bicol Region. She is the author of the heist-thriller, The Confidence Trick. She is into mysteries, thrillers, science fiction and fantasy, and prefers to write with those genres as well. Writing helps her express her individuality and style, and she believes she is still a work in progress.
Isang maaliwalas na ekspresyon ang makikita sa mukha ni Lucas habang pinapanood sa lumang telebisyon ang balita tungkol sa pagkakadawit ni Anthony Ortega sa nangyaring pagkawala ng Luna y Estrella tiara. Nakalkal na rin ang kaso na nangyari limang taon na ang nakakalipas, kaya paniguradong magkakaroon ulit ng imbestigasyon tungkol sa bank heist na nangyari noon.Habang nakaupo sa lumang sofa ng bahay nila, biglang tumunog ang phone niya. Nakatanggap siya ng isang mensahe mula kay Oscar, at hindi niya mapigilang mapangisi sa nabasa."Sa susunod na may gawin ka pa, huhulihin na talaga kita. Pero sa ngayon, quits na tayo."Umiling-iling na lamang si Lucas habang tumatawa, bago napaliyad sa medyo maalikabok na sofa. Dahil sa pagkakaupo niya kaya tumama ang mga mata niya sa family picture na naka-frame at nakasabit sa pader ng sala ng luma nilang bahay. Bumalik siya doon para simulang alisin ang mga natirang gamit ng pamilya niya upang makalipat na si Eros at ang kapatid nitong s
Domino Effect"Jeina, bakit hindi ninyo ako tinirhan ng tocino?" reklamo ni Jackson sa kapatid na babae na inaayos ang buhok sa harap ng salamin. Naghahanda na ito para pumasok sa jewelry shop na pag-aari nila.Inirapan lamang siya ng kapatid. "Hindi ko naman kasalanan kung late ka nagising eh. Alam mo namang malakas kumain si Jeron, 'di ba?""Hindi talaga kayo nakakatulong sa buhay ng tao... Ano ba 'yan si Jeron," ang tinutukoy niya ay ang bunsong kapatid, "May bulate ba 'yan? Matagal bago mabusog..."Umiling-iling na lamang si Jackson habang kinakamot ang ulo matapos maupo sa harap ng hapag-kainan. Humikab muna siya, bago nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato niya.Isusubo niya na sana niya ang kanin at maliit na piraso ng hotdog sa kutsara niya nang biglang bumagsak sa tabi ng plato niya ang isang diyaryo.Nakanganga pa rin siya habang pinipihit ang ulo papunta sa taong naglagay ng diyaryong iyon, just to see Lucas looking at him.Naibaba ni Jackson ang kut
Lesser EvilNakatingin si Baron sa balanse ng bank account niya sa phone na hawak niya noong mga sandaling iyon. Hindi pa rin siya makapaniwala na halos kalahating bilyon na ang laman noon, at parang sasabog ang ulo niya habang iniisip kung paano gagamitin ang sobra-sobrang pera na meron siya.Pagkalipas kasi ng halos dalawang linggo, nagawa nang maibenta nina Lucas at Jackson ang tiara. Bago pa man kasi nila makuha ang Luna y Estrella tiara ay abala na ang dalawa – lalo na si Jackson – sa paghahanap ng buyers. Napagdesisyunan nilang pagpira-pirasuhin ang tiara at gawin itong iba't-ibang alahas para mas madali nilang maibenta. Madali na iyong na-dispose sa black market at sa jewelry shop na pag-aari ni Jackson.Dahil doon kaya nakuha na nilang pito ang kani-kanilang mga parte sa ninakaw nilang Luna y Estrella tiara. Umabot iyon ng kalahating bilyong piso matapos nilang i-convert ang milyon-milyong dolyar na nakuha nila.Pero kahit pa tapos na ang trabaho ay patuloy
Aftermath"It's worth the wait, right?" nakangising saad ni Alessa kay Lucas habang pinagmamasdan nilang lahat ang Luna y Estrella tiara na nakalagay sa isang glass case sa loob ng function room.Nakapalibot silang pito sa malaking lalagyan habang pinapaulanan ng titig at papuri ang tiara na gawa sa ginto at tadtad ng mga diyamante. Agaw-pansin ang pinakamalaking piraso ng bato sa gitna – ang Archduke Joseph Diamond na siyang pinagmamalaking bahagi ng piece na iyon."Kaya naman pala gusto niyong nakawin 'to..." ani Baron na bakas ang pagkamangha sa mga mata, "Sino ba naman ang hindi matetempt, 'di ba?"Tumango-tango si Victoria habang nakapatong ang kamay sa balikat ng malaking lalaki. "I'm not into diamonds, but this one is really, really beautiful...""So, paano niyo 'to maibebenta?" tanong ni Eros kay Lucas na nakatayo sa tabi niya. "Nagawa na nating nakawin, 'di ba? Oras na siguro para magkaroon tayo ng paghahati-hatian.""Madali na lang nating maibebenta 'to.
The Moon and Stars"...3, 2, 1." Narinig ni Alessa ang pagnguya ni Christelle ng chips pagkatapos nitong magbilang, "Guys, it's 7:30. Time to move."Napatingin si Alessa sa suot na wristwatch. Eksaktong 7:30 na, kaya tumayo na ang auctioneer sa auction block para i-anunsyo ang pagsisimula ng dinner para sa gabing iyon.Agad na gumalaw ang mga bisita at pumwesto sa mga designated tables nila, habang siya naman ay sumunod sa auctioneer na si Wilhelm palabas ng function hall. Dumiretso sila sa isang espesyal na kwarto kung saan ay kasama nila ang ilang mga connoisseurs, consultants, at valuers na pawang nanggaling lahat sa Oldenburg.Habang abala ang mga ito sa pag-uusap-usap, doon na sinimulan ni Alessa ang pag-arte. Kinalabit niya ang isa pang handler, at nagkunwaring masakit ang tiyan."Camille..." ani ng babae sa kanya na tinawag siya sa pekeng pangalan na ibinigay niya, "Okay ka lang ba?""Medyo hindi eh," tugon niya dito, "Masakit ang tiyan ko... Diyahe nga eh,
Confidence Does the TrickPinagmasdan ni Lucas ang repleksyon sa salamin matapos niyang maisuot ang kulay maroon na suit na gagamitin niya para sa gabing iyon ng dinner auction. Nakailalim sa suot niyang iyon ang isang puting long sleeves, at isang itim na tie na may disenyong maliliit na fleur-de-lys na kulay ginto.Huminga siya nang malalim at tinitigan nang direkta ang repleksyon ng sariling mga mata. Iyon na ang araw na pinakahihintay niya – ang araw na matagal niyang pinagplanuhan kasama ang anim niya pang mga kasama.Ilang oras mula sa sandaling iyon, mapapasakamay na nila ang Luna y Estrella tiara – ang bagay na babago sa buhay nilang lahat.He dyed his hair light brown for that day, and he brushed it back to emphasize his chiselled handsome face. He then fixed his suit once again, while looking at the mirror. He then wore his glasses, and expertly placed the earpiece in his ear. A small smirked crept its way on his lips, as he admired his own reflection.Na
D-1"Sigurado ka bang pwede nating gamitin 'to?" tanong ni Baron pagkatapos lumabas sa isang ambulansiya na kinuha nila mula sa ospital na pagmamay-ari ng pamilya ni Christelle. Agad nila itong dinala sa safe house, at ipinarada sa loob ng garahe na nasa tabi lang ng bahay.Lumabas na mula sa isa pang sasakyan na ginagamit nila sina Jackson at Christelle, at pinagmasdan ang nakuha nilang ambulansiya."Okay lang 'yan," ani Christelle, "Luma na rin naman 'yan kaya hindi na ginagamit ng ospital. Wala namang maghahanap diyan eh. Sayang kasi. Malaki naman ang espasyo sa loob kaya pwede kong paglagyan ng mga gagamitin kong computers pagdating ng dinner auction."Tumango-tango si Jackson at pinagmasdan ang nakuha nilang sasakyan. "Sabagay... Tama ka rin diyan. Malaki ang espasyo sa loob kaya pwede talagang paglagyan ng mga gamit mo," Pagkatapos ay nilapitan ito ng lalaki at sinubukang buksan ang pinto. "Kahit medyo luma na, mukhang maaasahan pa rin."Nagsalubong ang mga k
An Old Friend"...You are certainly qualified for the job. It's amazing that you applied just in time when we needed a replacement. Nagkasakit kasi iyong isang handler namin para sa darating na auction. It's really an amazing coincidence," ani Damien na panay ang sulyap kay Alessa na nakaupo sa harapan niya noong mga sandaling iyon.Alessa chuckled as a gracious smile appeared on her radiant face, "Thank you for the compliment, but I think you're being exaggerated, Sir.""I'm not being exaggerated, Miss Arguelles. You are overqualified, as a matter of fact. Maganda ang credentials mo, and you –" Natigilan ito nang makita ang isang pangalan sa references na nakalagay sa resume niya, "Wait... So you are –""I'm Victoria's cousin," komportableng tugon ni Alessa sa lalaki, habang isang makahulugang ngiti ang nasa mukha niya."Oh..." Bakas ang pagkamangha sa tinig ni Damien habang pinagmamasdan ang dalaga sa harap niya. Halatang nagdadalawang-isip ito at pilit siyang ki