A Foundation Built From TrustNagising nang maaga si Baron kaya tumambay muna siya sa sala para manood ng telebisyon habang humihigop ng mainit na kape. Mas nagiging abala sila ngayon sa trabaho dahil maliban sa palapit na ang dinner auction ay panay rin ang bitbit sa kanya ng among si Alfred sa kung saan-saan. Siya, kasama si Neo, ang paborito nitong isama sa mga appointments, kaya marami-rami na rin siyang nalalaman sa mga businesses at transactions nito. Medyo may problema lang talaga siya kay Neo dahil may kayabangan ito at masyadong madaldal. Pero tinitiis niya na lang dahil matatapos rin naman ang pagtatrabaho niya sa security agency kapag nakuha na nila ang tiara.Habang abala siya sa panonood ng telebisyon ay biglang lumabas si Jackson mula sa kwarto nito. Bagong-ligo ito at pinapatuyo ang buhok sa harapan ng salamin. Tinapunan ni Baron ng tingin ang lalaki, na para bang pilit niyang inaalam kung ano ang balak nito at kung ano ang tumatakbo sa loob ng isipan nito.
Christmas EveNagtatalo ang inis at lungkot sa puso ni Christelle habang nasa tapat siya ng bahay nila. Suot ang isang itim na hoodie, jeans at sneakers, nakakubli sa dilim ang dalaga habang pinagmamasdan ang pamilya na nagdidiwang ng bisperas ng Pasko kahit wala siya.Nagkuyom ang mga kamay niya sa galit, habang nakikita ang ngiti sa mukha ng mga magulang at mga kapatid, pati na ng ilan pa nilang mga kamag-anak na naroon. Nang tumakas ang isang butil ng luha mula sa mga mata niya ay agad niya itong pinunasan gamit ang likod ng kaliwang kamay, bago huminga nang malalim at tahimik na pinagmasdan ang pamilya sa loob ng bahay nila."I guess they'll be fine without me..." bulong ni Christelle sa sarili habang pilit na pinipigilan ang pag-agos ng luha mula sa mga mata.Noong mga sandaling iyon, tinanggap na nang tuluyan ng dalaga na hindi na talaga siya hahanapin ng sariling pamilya dahil tila hindi naman siya kailangan ng mga ito. In just a few minutes, she came to term
The Black BookPapunta sana sa kusina si Baron para kumuha ng pagkain, nang bigla siyang makarinig ng tinig ng isang lalaking tumatawag sa kanya. Napatigil siya sa paglalakad, at napatingin sa direksyon ng pavilion kung saan naroon sina Victoria at Lucas na pinagmamasdan siya."Tinatawag niyo ba ako?"Tumango si Victoria. "Ikaw lang naman ang Baron dito sa bahay."Napakamot na lamang si Baron habang naglalakad palapit sa dalawa. "May kailangan ba kayo?"Lucas sat down on a metal stool, his eyes fixed on Baron's face. "Alam mo kung saan nakatira si Alfred, hindi ba?""Oo naman... Tsaka dinala niya na ako dun, pero hindi naman talaga ako nakapasok. Doon lang ako sa labas ng bahay kasi may naiwan siya noon sa kanila," tugon ni Baron, "Bakit mo naitanong?""I want you to secure a copy of his black book..." Ibinigay ni Lucas sa kanya ang isang special glasses na sa tingin niya ay galing na naman kay Christelle. "Once you find it, scan the pages with this special glass
A Job Within the JobHalos hindi malasahan ni Lucas ang kinakain niya dahil hindi niya mapigilang mapaisip. Panay ang sulyap niya kay Jackson na maya't maya ang tingin sa phone nito habang tinatapos ang pagkain sa sariling plato."Mukhang may lakad ka ata, Jackson..." ani Lucas sa kaibigan bago uminom mula sa tasa ng kape na hawak niya."Ah, si Jeina lang 'to. Meron kasing problema sa jewelry shop kaya kailangan kong pumunta doon," tugon sa kanya ni Jackson, "Gusto mo bang sumama sa 'kin? Para naman makita mo 'yung tiara na ginagawa ni Pietro."Tumango si Lucas habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa pinagdududahang kaibigan, "Sige. Sasama ako sa'yo mamaya..."Habang nag-uusap ang dalawa, bigla namang lumitaw si Eros na maaliwalas ang mukha at may isang makahulugang ngiti ang nakaguhit sa labi."O, Eros...'' bungad ni Lucas sa bagong-dating na lalaki, "Inumaga ka na naman..."Eros smirked and took a seat right beside Alessa's chair. "Syempre busy ako... Alam mo
An Old Friend"...You are certainly qualified for the job. It's amazing that you applied just in time when we needed a replacement. Nagkasakit kasi iyong isang handler namin para sa darating na auction. It's really an amazing coincidence," ani Damien na panay ang sulyap kay Alessa na nakaupo sa harapan niya noong mga sandaling iyon.Alessa chuckled as a gracious smile appeared on her radiant face, "Thank you for the compliment, but I think you're being exaggerated, Sir.""I'm not being exaggerated, Miss Arguelles. You are overqualified, as a matter of fact. Maganda ang credentials mo, and you –" Natigilan ito nang makita ang isang pangalan sa references na nakalagay sa resume niya, "Wait... So you are –""I'm Victoria's cousin," komportableng tugon ni Alessa sa lalaki, habang isang makahulugang ngiti ang nasa mukha niya."Oh..." Bakas ang pagkamangha sa tinig ni Damien habang pinagmamasdan ang dalaga sa harap niya. Halatang nagdadalawang-isip ito at pilit siyang ki
D-1"Sigurado ka bang pwede nating gamitin 'to?" tanong ni Baron pagkatapos lumabas sa isang ambulansiya na kinuha nila mula sa ospital na pagmamay-ari ng pamilya ni Christelle. Agad nila itong dinala sa safe house, at ipinarada sa loob ng garahe na nasa tabi lang ng bahay.Lumabas na mula sa isa pang sasakyan na ginagamit nila sina Jackson at Christelle, at pinagmasdan ang nakuha nilang ambulansiya."Okay lang 'yan," ani Christelle, "Luma na rin naman 'yan kaya hindi na ginagamit ng ospital. Wala namang maghahanap diyan eh. Sayang kasi. Malaki naman ang espasyo sa loob kaya pwede kong paglagyan ng mga gagamitin kong computers pagdating ng dinner auction."Tumango-tango si Jackson at pinagmasdan ang nakuha nilang sasakyan. "Sabagay... Tama ka rin diyan. Malaki ang espasyo sa loob kaya pwede talagang paglagyan ng mga gamit mo," Pagkatapos ay nilapitan ito ng lalaki at sinubukang buksan ang pinto. "Kahit medyo luma na, mukhang maaasahan pa rin."Nagsalubong ang mga k
Confidence Does the TrickPinagmasdan ni Lucas ang repleksyon sa salamin matapos niyang maisuot ang kulay maroon na suit na gagamitin niya para sa gabing iyon ng dinner auction. Nakailalim sa suot niyang iyon ang isang puting long sleeves, at isang itim na tie na may disenyong maliliit na fleur-de-lys na kulay ginto.Huminga siya nang malalim at tinitigan nang direkta ang repleksyon ng sariling mga mata. Iyon na ang araw na pinakahihintay niya – ang araw na matagal niyang pinagplanuhan kasama ang anim niya pang mga kasama.Ilang oras mula sa sandaling iyon, mapapasakamay na nila ang Luna y Estrella tiara – ang bagay na babago sa buhay nilang lahat.He dyed his hair light brown for that day, and he brushed it back to emphasize his chiselled handsome face. He then fixed his suit once again, while looking at the mirror. He then wore his glasses, and expertly placed the earpiece in his ear. A small smirked crept its way on his lips, as he admired his own reflection.Na
The Moon and Stars"...3, 2, 1." Narinig ni Alessa ang pagnguya ni Christelle ng chips pagkatapos nitong magbilang, "Guys, it's 7:30. Time to move."Napatingin si Alessa sa suot na wristwatch. Eksaktong 7:30 na, kaya tumayo na ang auctioneer sa auction block para i-anunsyo ang pagsisimula ng dinner para sa gabing iyon.Agad na gumalaw ang mga bisita at pumwesto sa mga designated tables nila, habang siya naman ay sumunod sa auctioneer na si Wilhelm palabas ng function hall. Dumiretso sila sa isang espesyal na kwarto kung saan ay kasama nila ang ilang mga connoisseurs, consultants, at valuers na pawang nanggaling lahat sa Oldenburg.Habang abala ang mga ito sa pag-uusap-usap, doon na sinimulan ni Alessa ang pag-arte. Kinalabit niya ang isa pang handler, at nagkunwaring masakit ang tiyan."Camille..." ani ng babae sa kanya na tinawag siya sa pekeng pangalan na ibinigay niya, "Okay ka lang ba?""Medyo hindi eh," tugon niya dito, "Masakit ang tiyan ko... Diyahe nga eh,