Share

Chapter Two

 

Beauty Has A Price

 

"Maliban sa Archduke Joseph diamond, the other diamonds surrounding it are really amazing. May matryoshka diamonds din pala 'to... It's really pricey, but is still a really beautiful piece nonetheless..." ani Alessa habang pinagmamasdan sa laptop ang larawan ng Luna y Estrella tiara habang kumakain ng pizza. Komportable siyang nakaupo sa sofa habang abala naman sa pagsusulat sa isang white board si Lucas.

"A lot of beautiful things come with a price... Even those that came from dirty money," he replied with a smirk as he scribbled some more.

"So nanakawin natin 'to sa isang auction? Saan ba 'yun gaganapin?" tanong ng dalaga.

Umikot si Lucas sa kinauupuang metal stool para harapin si Alessa na nakapwesto sa likuran niya. "Wala pang ina-announce na lugar, pero darating din tayo sa specifics para mas mapaghandaan natin 'to. And don't get so worked up, okay? We'll succeed. I'm very certain."

"We're going to succeed because I'm helping you. Pero para makuha talaga natin 'yan, we will need a team. We need to find more people to help us –"

"Alam ko, alam ko..." saad ni Lucas, "I already have some people in mind. In no time, we will be able to build the team we need..."

"Hindi mo na naman ako pinatapos sa pagsasalita. Hindi lang naman isang team ang kailangan mo, Lucas. Kailangan rin natin ng pera. Wala tayong pera na gagamitin panggastos para sa mga plano mo. At sa tingin mo, meron akong ibibigay sa'yo?"

Kalmadong umiling-iling si Lucas. "Hindi naman ikaw ang gagastos eh, kaya mag-relax ka lang."

"At sino ang gagastos, aber? Ikaw? Ayos ha. Meron bang ginto dun sa pinagkulungan sa'yo at parang sobrang confident ka ata?"

Bahagyang tumawa si Lucas, bago tumayo sa metal stool na kinauupuan niya. "Tumayo ka diyan at magbihis ka. May pupuntahan tayo."

Tinaasan siya ng kilay ni Alessa. "Saan naman tayo pupunta?"

Lucas faced her with a smirk on his face. "Hindi naman maglalakad ang pera papunta sa atin, kaya tayo ang lalapit sa kanya."

 

***

 

"Anong sinabi mo? Naunahan kayo ng mga tauhan ni Esteves sa buyer na 'yun?" Halata ang magkahalong galit at gigil sa tinig ni Victoria habang kausap sa phone na hawak niya ang isa sa mga tauhan niya. Napailing na lamang siya habang hinihilot ng mga daliri ang sentido dahil sa sobrang inis. "Pinapainit talaga ng gagong lalaking 'yan ang ulo ko... Ilang beses pa ba niyang aagawin ang mga buyer natin? At kayo, kung pwede lang, gawin ninyo nang maayos ang trabaho ninyo para hindi kayo nauunahan nang ganito. Kapag nangyari pa 'to ulit at si Esteves na naman ang dahilan, meron na talaga kayong kalalagyan sa akin..."

Victoria had a pissed look on her face as she listened to the person speaking on the other line, before finally screaming at him and hanging up. Pagkatapos noon ay huminga muna siya nang malalim, bago kinuha ang isa pang phone na hawak ng katulong na naghihintay sa tabi niya. Ngumiti muna siya, bago tuluyang kinausap ang isa pang ka-transaksyon sa isa pang tawag na kanina pa naghihintay sa kanya. Her whole mood made a complete shift in just a matter of seconds.

"I'm really sorry to keep you waiting, Mr. Broussard. It's really good to hear from you again... I'm glad you liked the jewelry set. I was afraid you might not buy them – Your wife liked them? Wow, that's good..." Then she chuckled, "Of course, of course. Everything to keep the wife happy... Oh yes, I already received the money – Of course it's a good deal, Monsieur. You have always been one of my most loyal customers, so I even lowered the price for you..." Napangiti si Victoria habang pinapakinggan ang sinasabi ng kausap. "C'est mon plaisir, mon ami... The shipment will arrive tomorrow, and I can assure you that the jewels will definitely be to your liking."

Habang nakikipag-usap si Victoria sa phone, napansin niya ang naghihintay niyang tauhan sa may entrance ng lanai kung saan siya naroon. Tinanguan niya ito para lumapit sa kanya, and asked him what the matter is once she was done with the phone call.

"Meron pong naghahanap sa inyo, Ms. Victoria," ani ng tauhan niya.

"Sino daw?" she asked as she sipped from her cup of tea.

"Lucas Rivera po ang pangalan niya. May kasama siyang babae, Alessa Marquez ang pangalan. Itinawag po kaagad sa amin ng guardhouse kasi kayo daw po mismo ang gusto nilang makausap."

Natawa na lamang si Victoria habang umiiling-iling. "Let them in. I'll talk to them."

Hindi makapaniwala ang lalaki sa naging tugon ng amo niya. "Sigurado po kayo?"

"Yuri, you know very well that I hate repeating myself, right?" An uninviting smile was pasted on the woman's face.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ng lalaki, at agad na kinuha ang radyo mula sa bulsa niya para sabihan ang mga guard sa may gate na papasukin na ang dalawa.

"Pinapasok na po namin sila, Ms. Victoria."

"Very good," tugon ng babae habang tumatango-tango, "Sabihan mo rin si Eschel na magpahanda ng pagkain at mga inumin. We should show some hospitality to our very special guests, right?"

"Opo, Ms. Victoria," ani ng tauhan, bago nito tuluyang iniwan ang among babae sa lanai para gawin ang mga iniuutos nito.

"I wonder what he's up to again..." Victoria smirked, before sipping some more from her cup.

 

***

 

"Victoria Gonzaga?" manghang saad ni Alessa habang naglalakad sila sa mahabang pathway papunta sa entrance ng mansyon na nalilinyahan ng mga rose bushes. "Siya yung tinatawag na Black Widow, hindi ba?"

"She is," tugon ni Lucas habang patuloy silang naglalakad.

"Sa kanya tayo hihingi ng tulong?"

"We are."

Pinaningkitan siya ni Alessa. "Huwag mo akong binibwisit ng dalawang salita mong mga sagot sa 'kin ha. Iiwan kita dito."

Nginisian lamang siya ni Lucas. "You can't."

Alessa just rolled her eyes and hissed. "Para kang ewan..." She murmured, "Pero sabihin mo nga, totoo bang pinatay niya 'yung mga dati niyang asawa? 'Yun kasi ang tsismis eh."

Natawa si Lucas sa sinabi ng kasama. "Importante pa ba 'yun? Whether she killed them or not, she already earned her reputation. All her husbands died, making her the Black Widow."

Napahinga nang malalim si Alessa at bigla itong tumigil sa paglalakad. "Magkalinawan nga tayo, Lucas."

Lucas rolled his eyes as he stopped walking and looked back at her. "What?"

"Ipangako mo sa 'kin na hindi tayo mananakit ng tao. Wala tayong sasaktan o papatayin. I'm only a thief, not a murderer."

Pinagtawanan siya ng binata. "What's the difference? Murderer or a thief... you're still a criminal."

Naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Alessa dahil sa isinagot ng binata. "I am not going to kill for money, Lucas. Hindi ako ganun kadesperada."

Napangiti na lamang si Lucas at inakbayan siya. "Mag-relax ka nga. Binibiro lang naman kita. Syempre hindi naman ako papatay ng tao, 'no. Hindi 'yun kaya ng konsensya ko."

Tinanggal ni Alessa ang kamay ng binata sa balikat niya. "Nililinaw ko lang, Lucas. Kapag nanakit ka ng tao, iiwan kita sa ere... Gaya ng ginawa mo sa akin noon. Pero ang pinagkaiba natin, hindi ako makukulong. Not like you."

Napabuga ng hangin sa Lucas habang nakangisi. "Mas mainit ka pa sa init ng araw sa tanghaling tapat, Alessa. Harsh."

Alessa just rolled her eyes as she proceeded walking towards the enormous mansion while Lucas followed along. Nang makarating sila sa maikli ngunit malawak na staircase papunta sa entrance ng mansyon na iyon, sinalubong sila ng ilang mga katulong na iginiya silang dalawa papunta sa napakalaking receiving area ng bahay.

Magmula sa kisame hanggang sa sahig ay punong-puno ng mamahaling gamit ang bahay na iyon. Pero maliban sa mga muwebles, ang totoong nakaagaw ng atensyon nila ay ang napakalaking portrait ni Victoria na nakasabit sa pader. It was so big it is impossible not to notice it. Hindi maikakailang maganda si Victoria, lalo na't isa itong beauty queen bago napunta sa kung nasaan man siya ngayon. Anyone will definitely be drawn and smitten by her charisma and dangerously good looks.

"Somebody seems to love herself so much..." natatawang saad ni Lucas habang pinagmamasdan ang portrait ng babaeng may-ari ng mansyon.

"Kung ganyan ako kaganda, bakit hindi, 'di ba?" ani Alessa nang makuha rin ng portrait ang atensyon niya. "Kaya nga siya naging beauty queen eh, dahil ibang klase ang ganda niya... Buti pa siya."

Napatingin sa kanya ang kasamang binata na tinaasan siya ng kilay. "Maganda ka naman ah."

Alessa shrugged. "Not as pretty as her though."

"You're prettier than her," Lucas insisted, as he inspected a jade ornament placed on the wooden table in front of them.

Magsasalita na sanang muli si Alessa nang biglang pumasok si Victoria na nanggaling pa lang sa lanai ng mansyon na iyon. Ibinalik ni Lucas ang jade ornament sa orihinal nitong pwesto bago sinalubong ng isang sinserong ngiti ang may-ari ng malaking mansyon na pinuntahan nila.

"Lucas... Long time no see... So tama pala talaga ang narinig kong tsismis na nakalaya ka na. Congratulations..." ani Victoria habang tinatapik ang balikat ng binata. Then she transferred her gaze on the lady, "And you must be Alessa..."

Lucas grinned. "Look, Victoria... Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa –"

"Nagbago na pala ang laro mo, Lucas. Straight to the point ka na ngayon. Gusto ko pa namang marinig ang mga pambobola mo," Victoria said in a sarcastic tone.

Natawa na lamang si Lucas sa sinabi ng babae, "Iyon ba ang gusto mong marinig?"

Tumango ito. "Oo. I prepared some food and drinks for the both of you. Come with me..."

Agad namang sumunod sina Lucas at Alessa kay Victoria, na dinala sila sa garden kung saan nakapwesto ang isang round table na napapalibutan ng tatlong upuan. Sa mesang iyon nakalagay ang ilang cakes, sweets, at mga inumin.

The three of them sat around the table, positioning Victoria in the middle of Lucas and Alessa's seats. Sinamantala ni Lucas ang magaang atmosphere para ipasok ang totoo niyang pakay.

"Kailangan ko ng tulong mo, Victoria..." ani Lucas matapos humigop ng kape mula sa tasa niya.

"Para saan?"

"For a big job," tugon ni Lucas, "And you're going to get a really good cut from this one."

Nilanghap muna ni Victoria ang mabangong amoy ng mainit na tsaa sa tasang hawak niya. "I don't think I can help you, Lucas... I'm really sorry."

Nagsalubong ang mga kilay ng binata habang nakangisi. "Dahil ba sa nangyari sa akin kaya ganyan ang desisyon mo? Why don't you hear me out first? Don't you trust me anymore, Victoria?"

"Do not be mistaken, Lucas..." she replied as she chuckled. "I absolutely trust you. Alam kong mapagkakatiwalaan ka. Alam ko rin na matalino ka. I mean, everybody knows that. But your record has been tarnished, my dear. You've been in jail for five years. Are you sure you will succeed this time?"

Lucas let out a soft but forced chuckle. "Gaya nga ng sinabi mo, nasadlak ako sa kulungan ng limang taon. It was my fault. Do you think I'd want to go back there again?"

Sasagot na sana si Victoria, but she was cut off when they heard a chuckle. It was from Alessa who was feasting on a decadent piece of chocolate cake on her plate.

"It's really refreshing to listen to you admitting that joining Ortega's team was a mistake," Alessa said with a smug look on her face, "Pero tandang-tanda ko pa nung nagyayabang ka sa akin na sobrang laki ng makukuha mo kapag nagtagumpay kayo sa plano ninyo..."

Kinagat ni Lucas ang pang-ibabang labi niya, na para bang nagpipigil siya ng inis dahil sa sinabi ng dalaga. Pakiramdam niya ay pinagtutulungan na siyang asarin ng dalawang babae.

Lucas gave Alessa a serious look. "You know why mistakes exist? For us to learn from them... At iyon ang nangyari sa 'kin. Ang punto ko, Victoria..." ani ng binata nang ituon niya ang tingin sa kaibigang negosyante, "I made a mistake and I paid for it with five years of my life... And now, I am not here to play. This time, no mistakes will happen, at mangyayari ang lahat ng naaayon sa plano."

Humigop si Victoria mula sa tasa. "What's the loot?"

Kinuha ni Alessa ang tablet at ipinakita ang larawan sa babae. "The Luna y Estrella tiara owned by Infanta Isabella from the Spanish royal family during the 18th century... It's a great piece, kaya ako nakumbinsi."

Tumango-tango si Victoria habang pinagmamasdan ang larawan ng tiara sa tablet. "Mataas ang carat nito..." she said, pertaining to the biggest diamond on the center of the head piece.

"76 carats of the Archduke Joseph diamond..." tugon ng dalaga sa kanya, "...worth 21 million dollars."

A sly smile appeared on Victoria's face. "You're drawing me in. But, what's in it for me?" Ibinaling niya ang tingin kay Lucas matapos ibalik kay Alessa ang gadget. "Kilala mo ako, Lucas. I already have money, so why would I need to be a part of this? You need to give me some more motivation to actually help you."

"Well, if you help me... you can have more money," tugon ni Lucas habang nakangiti, "Too much is never enough, right?"

"Pero kailangan niyo lang ako para sa pera ko. Sa standpoint ko, parang lugi naman ata ako."

"No... You're not just about the money, Victoria. I'll need you for the team itself. Marami kang koneksyon, marami kang kakilala. The tiara will be sold at a private auction, which will require a private invite for someone to participate. And for someone as relevant, powerful, and wealthy like you, getting an invite for this certain event is as easy as ABC."

Umiling-iling si Victoria habang tumatawa. "You're using me, Lucas. It's obvious."

"We can use each other. You can use me for something else too –"

"Quit stalling, Lucas," she finally cut him off, "If you want to seal this deal with me, diretsuhin mo na ako kung ano ba talaga ang makukuha ko."

Lucas' cheery disposition changed, and an ominous smirk slowly appeared on his face. "Competition is good for business, but not all the time, especially if they're messing with your turf. If you help me on this big job... We might be able to take down some competition of yours."

Victoria sighed comfortably, then leaned her back on the cushioned seat and smiled at the two of them.

A sly smile slowly formed on Victoria's face. "Now we're talking..."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status