Share

Chapter One

 

Diamonds Are Forever

 

"Hindi ka na ba babalik dito next week, Teacher?"

Tinugunan ni Alessa ng isang ngiti ang pitong taong gulang na half-Chinese na batang lalaki na katabi niyang nakaupo sa sofa. Pinagmamasdan siya ng bata habang inaayos niya ang mga aklat at ang laptop na pag-aari sa loob ng bag.

"Hindi na eh. Sabi ko kasi sa Mommy mo, sobrang galing mo na..." ani Alessa habang pinipisil ang pisngi ng bata bago tinali ang buhok na abot hanggang balikat gamit ang scrunchie na suot niya sa kamay, "Kapag magaling ka na sa lessons, hindi mo na kailangan si Teacher."

Malungkot ang ekspresyon sa mukha ng bata habang nakatingin ito sa matataba nitong mga daliri. "Pero hindi pa ako magaling... Gusto pa kitang makita ulit, Teacher."

"Huwag kang mag-alala, Timothy... Pwede pa naman tayong magkita eh. Pwede naman kitang bisitahin sa school mo, o kaya dito sa bahay ninyo..." Habang nagsasalita si Alessa ay isang malakas na busina ang narinig nila mula sa labas ng bahay, "Mukhang andito na ang parents mo..."

Masiglang nagtatakbo ang bata palabas ng bahay, habang nakasunod naman si Alessa habang dala ang bag niya. Napansin niyang nagtatalo ang mag-asawa na papalabas pa lamang sa kotse nila.

"Sisantehin mo 'yang bagong katulong na hinire mo, Jerome..." ani ng babae, "Sigurado talaga ako na 'yan ang kumukuha ng mga alahas ko eh."

Napakamot na lamang ang lalaki habang kinukuha ang ilang mga groceries mula sa trunk ng kotse. "Ano ba naman 'yan, Suzette... Hindi ba nga chineck mo na sa mga gamit niya? Wala naman doon ang mga alahas mo. For sure, na-misplace mo lang 'yun. Tsaka bagong-salta pa lang 'yun sa 'tin... Walang kaalam-alam 'yun kung nasaan ang mga alahas mo..."

"Ah, basta..." ani ng babae habang padabog na naglalakad palapit sa bahay nila, "Sa susunod nga, magpalagay ka na ng CCTV sa loob ng bahay natin... Para naman makasigurado tayo..."

Natigil lang ang mag-asawa sa pagtatalo nang makita ng mga ito si Alessa at ang anak nila na naghihintay sa kanila sa may pintuan ng bahay.

Agad na gumuhit ang isang ngiti sa mukha ng babae na tuwang-tuwa nang makita ang dalaga at ang anak. "Hi baby... How's your day?" tanong nito sa anak habang pinapaliguan ng mga maliliit na halik ang bilugan nitong mukha. Tapos ay nginitian nito si Alessa. "Naku, pasensya na kung natagalan kami ha?"

"Wala po 'yun, Ms. Suzette," aniya sa babae, "Isa pa, sinamantala ko na rin 'yung pagkakataon na makasama 'tong si Timothy. Mamimiss ko po ang anak ninyo, pati na kayo."

Bakas ang lungkot sa mukha ng babae bago nito hinawakan ang kamay ni Alessa. "Salamat ha? Natulungan mo talaga ang anak ko na tumaas ang grades niya..." Kumuha ito ng isang envelope mula sa mamahalin niyang bag at inilagay ito sa palad ng dalaga. "Ito na 'yung bayad ko sa'yo. Meron ding pasobra 'yan. Take it as a token of my appreciation para sa nagawa mo sa baby ko."

"Naku, salamat po dito," nakangiting tugon niya sa babae. "Salamat rin po sa pagkuha ninyo sa akin bilang private tutor ni Timothy. Mabait po siyang bata, kaya nakakaaliw po siyang turuan."

"Naku, natutuwa rin 'yang anak ko sa'yo. Mabuti na lang talaga, nirekomenda ka sa amin ni Jackson..." biglang singit ng lalaki na karga na si Timothy, "Laging ikinukwento sa amin ng batang 'to ang mga ginagawa ninyo. Hindi daw siya nabobore kapag tinuturuan mo siya... By the way, gusto mo bang dito na lang mag-dinner? Magpapahanda kami."

"Huwag na po, Sir," magalang na tumanggi si Alessa, "May lakad po kasi kami ngayon ng nanay ko eh. Thank you po sa pag-imbita sa akin na mag-dinner kasama kayo pero nakapangako na po kasi ako... Pasensya na po."

Tumango ang babae. "Ganun ba? Naku, unahin mo na 'yang nanay mo. Family first, ika nga. Pero basta ha, bibisita ka dito."

"Opo, Ms. Suzette. Basta po hindi ako busy, bibisita ako dito sa inyo..."

Pagkatapos magpaalam sa pamilya ng batang tinuturuan niya, kalmadong lumabas ng bahay na iyon si Alessa. Naglakad na lamang siya palabas ng subdivision, bago kumuha ng isang taxi at doon na sumakay para makauwi na.

Habang nasa loob ng sasakyan, tinanggal niya ang suot na wig, pati na ang net na nagtatago sa mahaba at malago niyang buhok. Agad niya ring pinunasan ng wet wipes ang make-up sa mukha niya, at tinanggal ang contact lenses na nasa mga mata niya. Agad niya iyong isiniksik sa isang bukas na zipper sa likod ng hand bag na dala niya.

Sunod niyang binuksan ang pinakamalaking zipper ng hand bag. Kinuha niya ang isang makapal libro at binuksan ito. A rectangular space is carved on the thick pages of the book, turning it into a makeshift container. Laman ng malalim na espasyong iyon ang ilang mga singsing, hikaw, gintong kwintas at pulseras na ninakaw niya mula sa bahay na pinanggalingan.

Napangisi na lamang siya habang umiiling-iling bago sinara ang libro at ibinalik ito sa loob ng bag niya. Pagkatapos ay komportable siyang naupo sa loob ng taxi habang nakatanaw sa labas ng bintana.

"That was easy..." she murmured to herself.

 

***

 

Pagdating ni Alessa sa nirerentahang apartment, napansin niyang nabuksan na ang padlock ng pinto, at nakalikot na ang door knob nito. Maliban kasi sa lock ng door knob, nilagyan niya rin ng padlock ang pinto sa bandang taas ng pinto ng tinitirhan niya.

Realizing that somebody broke in, she immediately became alert. Inilabas niya ang Swiss knife mula sa dala niyang bag at inihanda ito kung sakali mang kailanganin niya.

Nang buksan niya ang pinto ng apartment, napansin niya ang madilim na pigura ng isang lalaki na nakatayo sa may bintana. Malayo ang switch ng ilaw sa pintuan, kaya balak niya na sanang sugurin ang lalaki. Pero nang gagawin niya na iyon ay natigilan siya nang mapansing tila pamilyar sa kanya ang taong pumasok sa tinitirhan niya nang walang paalam.

"Lucas... Ikaw ba 'yan?" Alessa walked towards the switch and turned the lights on, and finally smirked and crossed her arms when she finally confirmed Lucas is the one who broke inside her apartment.

"Long time no see... I wasn't expecting your visit, old friend," kalmadong bati ni Alessa sa binata.

Inilapat ni Lucas ang mga kamay sa dibdib niya at umarteng parang na-touch siya sa sinabi ng dalaga. "Aw, makikilala mo pa rin pala ako pagkatapos ng limang taon?"

"How can I forget your face, you fucking spawn of evil?" Alessa's smirk was a mix of annoyance and amusement.

"Wow... Harsh. That's nice. You're still feisty. I like that."

"Thank you," Alessa replied as she removed her high heels and slipped her tired feet into some slippers. "So, kumusta naman ang experience mo sa kulungan? Life-changing ba?"

"Okay naman. Hindi maayos ang pagkain pero okay ang mga kasama kahit medyo masikip ang selda. Dapat na talagang pagtuunan ng gobyerno ang mga kulungan natin eh. Hindi naman porke mga kriminal ang nandun, hindi na sila mga tao. Pero all in all, it was a good experience. Para nga akong nag-sabbatical eh."

The woman hissed. "Putanginang sabbatical 'yan..."

"Huwag ka ngang magmumura."

Tinaasan siya ng kilay ni Alessa. "Bawal bang magmura ang mga babae?"

"Hindi naman. Kaya lang masyado kang maganda para magmura." Hinubad ni Lucas ang suot na jacket at halos mahiga na ito sa malambot na sofa sa apartment ng dalaga. "Ikaw ha, nakakatampo ka... Bakit hindi mo man lang ako binisita dun?"

"At bakit kita bibisitahin?" Pagak na tumawa si Alessa, "You betrayed me, motherfucker. Sa kagustuhan mong kumita ng mas malaki, iniwan mo kami ni Jackson sa ere at sumama ka kina Ortega."

Alessa knew he hated it so much when he is being hit by his own faults and errors.

Lucas rolled his eyes in response. "Oo nga. Pero nakulong na ako... Karma ko na 'yun."

Isang sarkastikong ngiti ang nasa mukha ni Alessa habang tumatango-tango ito. "Good for you, then."

Napabuntong-hininga na lamang si Lucas habang pinagmamasdan ang dalaga. "Five years already passed and you haven't changed a bit... Ang tigas mo pa rin."

Napailing na lamang si Alessa bago itinapon ang dala niyang bag sa sofa. "Ano ba talaga ang kailangan mo, Lucas?"

"Ikaw... Kailangan kita, Alessa..." he said with dreamy-looking eyes. It was obvious that he was acting, and Alessa is definitely not buying any of it.

Binigyan lamang siya ng malamig na tingin ng dalaga, bago ito napangisi. "Diretsuhin mo na ako."

Napangiti si Lucas, bago tuluyang nahiga sa sofa. "It's a job."

"Hindi ko na ginagawa 'yun, Lucas. Kaya kung pwede lang, umalis ka na."

"Oh, hindi na ba?" He then takes out a piece of jewelry from his pocket and plays with it, twirling the necklace on his fingers. "Nakita ko 'to sa loob ng kwarto mo. Nice piece. Saan mo 'to nakuha?"

Nag-iba ang ekpresyon ng mukha ni Alessa, at tuluyang nabura ang ngisi sa mukha ng dalaga. "Bitawan mo 'yan -"

"You definitely didn't buy this... Hindi ka naman mahilig magsuot ng alahas eh," Lucas then sat up and sighed as he smiled slyly. "Private tutor ka sa mga mayayamang pamilya, hindi ba? So tell me, kaninong bahay mo ba 'to nakuha?"

Alessa finally sighed in defeat, grabbed a chair, and sat adjacent to Lucas. "Why do you need my help?"

Lucas chuckled, before getting a phone from his backpocket. Hinanap niya ang isang larawan sa gallery, bago ito ipinakita kay Alessa.

"It's the Luna y Estrella Tiara, made for an infanta from the Spanish royal family during the late 18th century. It was stolen in the 1900s, at tuluyang nawala sa kamay ng royal family ng Spain. It resurfaced rarely in the following decades, hanggang sa mapunta ito sa kamay ng isang mayamang pamilya mula sa Germany. Currently, this family owns the tiara illegally, and is planning to sell it through a private auction that will be held three months from now."

"What's so special about this tiara at gustong-gusto mo 'tong makuha?" ani ng dalaga bago ibinalik ang phone kay Lucas.

"Aside from the finest cascade of diamonds all over it, as well as being embedded on gold, it includes something even more special - the 76-carat Archduke Joseph diamond."

The mere mention of 'diamond' seemed to pique Alessa's interest. "What about it?"

"Just the diamond itself costs 21 million... U.S. dollars, of course. Pero kung 'yung buong tiara na ang pag-uusapan, aabot ang presyo nito hanggang 50-60 million dollars. Gusto mo bang i-convert ko pa 'yun sa Philippine peso?" Lucas asked as he wiggled his eyebrows playfully.

Saglit na nag-isip si Alessa, bago tumayo mula sa kinauupuan at dumiretso sa refrigerator para kumuha ng isang baso ng malamig na tubig.

"Ayoko. Hindi ako tutulong sa'yo," mariing saad ng dalaga habang binibigyan ng isang seryosong tingin ang lalaking nakaupo sa sofa niya.

"So anong gusto mo? Habambuhay ka na lang na mangungupit sa mga bahay kung saan ka nagtatrabaho?"

"Iba 'yun, Lucas. Mas malaking trabaho 'tong hinihingi mo. At sa tingin mo, ganoon kadaling magnakaw ng isang tiara sa isang private auction?"

"Alam ko. Kaya nga kinukuha ko ang serbisyo mo, hindi ba? More heads are better than one, Alessa. Malaking pera ang naghihintay sa'yo kapag nakuha natin 'to," Lucas coaxed her calmly.

"Kahit na," she sounded really firm, "Ayoko pa rin."

Tumango-tango si Lucas, at inayos ang pag-upo. "Hindi lang pera ang makukuha mo dito, Alessa."

"What's in it for me then?" she asked nonchalantly before sipping some more water from her glass.

Tumayo si Lucas mula sa pagkakaupo at naglakad palapit sa dalaga hanggang sa tuluyan na silang magkaharap. He then moved his face closer to her ears, and whispered something that made Alessa's expression change.

Nang lumayo na si Lucas mula kay Alessa, kitang-kita niya sa mga mata ng dalaga ang galit. He smirked, before taking some stray strands of her hair and placing it behind her ear.

"Alam kong hindi mo kakagatin ang offer ko kung pera lang ang makukuha mo," bulong ni Lucas, "So I thought that I should give you something you really want..."

Humigpit ang hawak ni Alessa sa baso, bago nagtama ang mga mata nila ni Lucas. "Paano natin nanakawin ang tiara na 'yun?"

Lucas smiled, before slipping his hands into his pockets and rocked his body back and forth like a kid.

"I have a plan," he replied, before winking teasingly.

 

***

 

Sinindihan ni Alessa ang dalawang puting kandila na inilagay niya sa tapat ng isang puntod at inayos ang bulaklak na dala bago tuluyang naupo sa damuhan. Binuksan niya ang isang pack ng mamon at inilagay ang isa sa ibabaw ng puntod, bago sinimulang kainin ang isa pang piraso na hawak niya.

"Humihingi ng tulong sa akin si Lucas, Alex... It's a big job, you know," she grinned, before her eyes drifted on the peaceful view of the cemetery. "Alam kong magagalit ka kapag nalaman mong gagawa na naman ako ng ganito kabigat na trabaho... Pero, gusto kong gawin eh. This job isn't just about money, Alex..."

Alessa traced the letters on the ivory placed on the grave. Nakalibing sa puntod na iyon ang nakababatang kapatid ni Alessa na si Alexander, na namatay apat na taon na ang nakakaraan matapos maaksidente ang bus na sinasakyan nito habang papunta sa isang field trip kasama ang mga kaklase niya. Labimpitong taong gulang lamang noon si Alex, na kabilang sa apatnapu't limang estudyanteng namatay noong araw na iyon.

Maagang namulat si Alessa sa mundo ng pagnanakaw dahil na rin sa pagiging ulila nila. Matapos mamatay ang mga magulang nila, dinala sila ng mga malalayong kamag-anak sa isang ampunan. Sa takot na baka mapaghiwalay silang dalawa ng kapatid, tumakas sila at namuhay sa lansangan. Doon na natuto si Alessa na magnakaw para lang may makain silang magkapatid.

Alessa's skills were immediately noticed by some well-known con-artists, so they immediately took her under their wing, helped her and her brother, as well as involving her in a variety of con jobs. Doon niya na rin nakilala si Lucas, na naging kasama niya rin sa ibang mga pagkakataon.

Sa ganoong paraan sila nabuhay na magkapatid, pero iniwas niya na masali si Alex sa ganoong trabaho para hindi ito mapahamak.

But in the end, fate still took her only family away from her.

Napahinga na lamang nang malalim si Alessa, bago muling ibinaling ang tingin sa puntod ng nakababatang kapatid.

"Palagi mong sinasabi sa 'kin noon... Hindi pera o materyal na bagay ang makakapagpasaya sa tao... But if money can't buy happiness, how does one live?"

Her question was met with the sound of the gentle breeze and the noises of leaves swaying and hitting each other.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status