"Ahhhh... Ashton!" Hiyaw ni Yvonne nang magpaputok ng baril si Philip. Tinaman sa balikat ang binata at nabitiwan nito ang hawak na baril."Gago! Purohan mo!" bulyaw ni Meynard kay Philip."Kung ikaw kaya ang purohan ko?" Galit na baling nito sa kaibigan. Kanina pa siya naririndi sa tawa nito na parang baliw.Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Meynard nang sa kaniya na nakatutok ang hawak na baril ng kaibigan. Alam niyang napipikon na ito sa kaniya kaya itinaas niya ang isang kamay na hindi nakahawak sa dalaga.Kahit sugatan ay hindi iyon ininda ni Ashton. Mabilis niyang dinambahan ang lalaki na hindi na nakatingin sa kanya ngayon. "Laban, pare, sige paduguin mo pa ang sugat niya!" pangche-cheer ni Meynard sa kaibigan. Tuwang-tuwa siya sa nakikitang laban ng dalawa.Ang matandang doctor ay pagapang na umalis sa kinasadlakan at nilapitan ang anak sa kabilang kama. Nag-iingay ang aparato na nakakabit sa katawan nito hudyat na nawawala ang pintig ng puso. Para na rin itong nababaliw at
Nakahinga ng maluwag si Yvonne nang dineklara ng doctor na ligtas na ang binata sa tiyak na kamatayan. Nasalinan na rin ito ng dugo. Bahagya pa siya nakaramdam ng hiya nang ipakilala siya ni Amelia sa mga kasamahan ng mga ito. Wala siyang tulak kabigin sa mga lalaking eagles. Napatitig si Yvonne kay Cloud, kung wala lang si Ashton ay tiyak na dito siya ma-fall dahil hindi lang kaguwapohan ang taglay nito. Taglay din ang kakisigan at kaibang pagkatao na hindi maarok. Nakilala rin niya ang pamilya ni Ashton at nalaman niya na hindi nga lang ordinaryong mamayan ang naturang doctor. Isa rin itong tagapagmana nang isang kilalang doctor sa pilipinas na may sarili ring hospital."All eyes ka lang dapat kay, Dotor Montiz, Miss." Birong totoo ni Amelia kay Yvonne nang mapansin ang titig nito kay Cloud.Iginala muna ni Yvonne ang tingin sa paligid bago pinandilatan ng mata si Amelia. Kahit papaano ay naging close na niya ito at nabawasan ang pagkailang na nadarama dahil hindi siya iniiwan nito
"Kuya!" Patakbong lumapit si Zahara sa kapatid at mahigpit na yumakap."Arghhh! Ang sugat ko!" daing ni Ashton nang masagi nito ang sugat niya sa braso."Opps, sorry, Kuya!" Malapad ang pagkangiti na ani Zahara sa kapatid. Lingid sa kaalaman ng pamilya niya, nagkakilala na sila ng kapatid dahil hindi siya tumigil hangga't hindi ito nakilala.Nagulat pa ang ama nila na magkakilala na silang dalawang magkapatid. "Maging ang anak mong babae ay hindi rin namana ang ugali m,." tonong nang-aasar na ani ni Ashton sa ama. Gusto niya lang makita nito ang panahon na sinayang kung hindi lang ito naging duwag. Pero nagtataka siya kung saan galing ang pagkapareho nila ng ugali ng kapatid. Ang ugaling hindi basta susuko at hindi titigil hangga't hindi naabot ang nais makamit sa buhay. Makulit din siya lalo na kapag gusto niya ang isang taong kausap."Masaya ako at hindi niyo namana ang kaduwagan ko. Salamat at nagkakilala na kayo at nagkasundo." Naluluha na amindo si Jessie sa paratang sa kaniya n
MULING umani ng award at papuri ang ahensya ng Eagle's Wings Secret Agency nang malutas ang kaso sa pangunguna ni Ashton Montis. Umiiyak ang pamilya ni Irish at nagpasalamat sa kanila dahil nabigyan na rin ng hustisya ang pagkamatay nito. Ikinulong si Meynard sa mental hospital bago ito ililipat sa piitan dahil nabaliw sa paggamit ng bawal na gamot. Si Philip ay patay na at abswelto si Ashton sa kasong pagpatay dito bilang self defense. Ang matandang doctor ay inako ang kasong pagpatay sa mga pasyente para sa anak. Ang huling biktima ng mga ito ay hindi na naagapan at pumanaw na rin nang araw na iyon dahil nagdurugo ang ulo na umabot sa utak."Mabuti naman at naabutan pa kitang buhay." Pabirong bati ni Jeydon sa kaibigan. Hindi nila natapos ang dalawang buwang bakasyon at second honeymoon na rin dahil sa masamang balita na nakarating sa kanya. Hindi pa nakahuma si Ashton sa biglaang sulpot ng kaniyang best friend nang ang asawa naman nito ang sumugod sa kaniya."Ashton, Babe!" Patak
Madaling araw na nang makadaong ang barko sa terminal ng Batangas kung kaya isinama muna siya ng binata sa condominium nito. Pumayag siya dahil naroon umano ang ina nito at makasama niya sa silid. Ang silid na ginagamit ng ina nito ay ang dating silid ni Jeydon."Hindi ba nakakahiya kung istorbohin natin ang tulog ng iyong ina?" may pag-alinlangan na aniya."Huwag ka nang mahiya kay mama, "saway niya sa dalaga habang hawak ang kamay nitong naglalakad papunta sa silid ng ina.Natigil sa ere ang kamay ni Ashton at hindi naituloy ang pagkatok sa pintuan nang maulinigang may nag-uusap sa loob. Idinikit pa niya ang tainga sa pinto upang klarong marinig."Jessie!"Napakurap ang binata at biglang inilayo ang tainga sa pintuan nang marinig ang pagtawag ng ina sa panglan ng kaniyang ama at may kasama pang ungol."Bakit?" pabulong na tanong ni Yvonne mula sa likuran ng binata."Sa silid ko na lang ikaw matulog, Labs." Kumakamot sa batok na turan nito."Hindi pwede, baka makita ako ng mama mo ro
"HUMANAY sa tatlong linya!" sigaw ng lalaking naka itim sa sampung kabataan na naka suot din ng itim. Anim na lalaking labindalawang taon ang edad at apat na kababaihan na kaedaran lang din ng iba pa.Mula sa isang hanay ay pilit na kino-control ni Kiko ang takot na namamahay sa musmos niyang damdamin. Dalawang buwan na rin mula nang mapadpad siya sa lugar na iyon kasama ng ilan pa. Hindi niya makilala ang ilan sa kasamahan, tulad niya ay may takip din ang mga mukha at tanging mata at bibig ang makikita. Kailangan nilang sumunod sa pinagagawa ng mga taong dumukot sa kanila upang hindi na muli makatikim ng parusa. Hindi niya alam kung saang lugar sila naroon ngayon. Napapalibutan ng puno at mataas na bakod ang paligid ng malaking bahay."Hawakang mabuti ang espada!" sigaw muli ng lalaki na siyang ikinapitlag ni Kiko at ng katabi niya na nakilala sa pangalang Lights."Sa grupong ito, walang dapat kayong kilalaning kaibigan! Ituring ninyo na kaaway ang bawat isa!"Napatingin si Kiko sa k
NAHATI sa dalawang grupo ang kabataan kinabukasan. Ngayon susubukan ang lakas at liksi nila sa pakipag tunggali sa kalaban. Sa kasamaang palad ay napunta sa kabilang grupo si Raiko at Mae kung kaya makakalaban nila ni Lights ang mga ito. Hawak nila ng mahigpit ang stick na kawayan na nagsisilbing armas nila. Kailangan nilang magsanay humawak niyon umano at isiping espada ang hawak na nakakamatay. Agad na pumorma si Kiko bilang paghahanda sa pag-atake ni Raiko. Bawat galaw ng isang paa nitong pumaikot ay kaniyang minamatyagan. Masasabi niyang magaling na ang babae dahil matagal na rin itong nagsasanay. Ang advantage niya lang ay isa siyang lalaki. Ayaw niyang manakit ng babae pero wala siyang magagawa kundi gawin ang labag sa kaniyang kalooban."Argh!" Daing ni Kiko nang tamaan siya ni Raiko sa binti. "Lumaban ka at huwag maawa sa akin!" Galit na bulyaw nito sa kanya dahil puro iwas lang ang ginagawa niya upang hindi ito masaktan.Umiling siya na ikinagalit lalo ng babae. "Gago! Mama
"BAKIT narito ka sa labas?" nagtataka na tanong ni Dexter kay Micko nang makita ito roon bago pa man makarating sa kanyang opisina."Natutulog pa si Cloud, alam mo naman na kaunting ingay lang ay nagigising iyon.""Ginawa niyo ng hotel itong opisina ah." Biro ni Dexter sa kanyang kaibigan. Dumiritso na muna siya sa conference room kasunod si Micko."Nakakapagod din bumeyahe pauwi, isa pa ay wala namang dapat uuwian o naghihintay sa bahay katulad ninyo nila James." Pahintamad itong umupo sa isang upuan.Matiim na tinitigan ni Dexter ang kaibigan bago binuksan ang sariling laptop. "Sigurado ka ba na iisang tao ang gumagawa nitong kaso sa ngayon at noon?" tanong niya kay Micko habang binabasa ang report na nasa files."Malakas ang kutob ko na muli na naman silang kumikilos para sa illegal na gawain nila. Alam ko na buhay siya at ang ilan sa kasama nito noon." Kumpiyansadong tugon ni Micko sa kaibigan."Kailan mo simulan ang pagturo sa ating Jr Eagles tungkol sa paghawak ng espada?""Ngay