"MATA pa nga lang ang nakikita ko sa iyo ay ang pangit mo na, paano pa kaya kung buong mukha na?" mapang asar na ani ni Mae kay Kiko nang tuksohin siya nito na may gusto umano siya dito."May kasabihan nga na tulak ng bibig, kabig ng dibdib." Kumindat pa ang binatilyo sa dalagita. May tatlong taon na rin sila magkakasama at nakasanayan na niyang tuksohin ito para sa kanyang sarili."Baka nakalimutan mo na bibig lang ang mayroon tayo dito?" nang-uuyam na tugon ni Mae.Natigilan si Kiko, kapag ang dalagita ang kanyang kaharap ay pansamantala niyang nakakalimutan na abnormal ang kanilang buhay ngayon. Nakaingos na tinalikuran siya nito nang hindi na siya nakapagsalita. Hanggang ngayon ay kumikirot ang likod niya tuwing mabugbog iyon sa kagagawan din ng babae na hayagan ang pagpapakita ng disgusto sa kanya. Hindi niya alam kung bakit galit ito sa kanya gayong ginagawa naman niya ang lahat upang mapalapit dito. Umiiwas na rin siya kay Raiko dahil lalo lamang siya pinag-iinitan ng huli kap
NABAWASAN na rin ang tauhan na bantay sa paligid dahil nasugatan nila ang karamihan. Kasabay ng putok ng baril na hudyat na umpisa na ng second round na laban ay ang mahinang pagsabog din ng tangke sa kusina."Boss, may sunog!" sigaw ng isang tauhan nang makita ang apoy sa loob ng bahay."P*tang i*a, may nagbabalak na naman na tumakas! Akin na ang remote at patayin ang apoy!" Labasan ang litid ng ugat sa leeg na bulyaw ng kanilang pinuno sa mga tauhan."Hawak ni Darwin ang remote kanina, Boss!""Hanapim siya at paslangin!" bulyaw nito muli sa tauhan. Nagkagulo na ang kanyang mga bisita. Natakot na masunog kung kaya kanya-kanya na ng alis at labas ng building. Ang ilan sa tauhan ay abala na sa pag-apula ng apoy."Habulin ang mga bata at paslangin kung kinakailangan!" Galit na utos muli ng pinuno sa tauhan nang makita na mabilis ding lumabas ng trangkahan ang lima. Ang tatlo ay na agapan na mahuli at pansamantala nilang itinali sa mga puno."Bilis!" sigaw ni Darwin sa lima nang biglan
WALA ng malay-tao si Lights nang balikan ni Kiko.. Binuksan niya ang maliit na bag at nakitang may gamot doon. Hindi niya alam kung para saan iyon pero alam niyang sinadya iyong ilagay ni Darwin doon upang madugtongan pa ang kanilang buhay. Pilit niyang ibinuka ang bibig ng kaibigan at isinubo dito ang gamot. Pinasan niya ito at kahit hirap na ay pilit na lumakad ng mabilis. May nadaanan silang maliit na batis, marahang ibinaba ang kaibigan at uminum siya ng tubig. Ibinaba na rin niya ang mukha ni Lights sa tubig at nagbabaka-sakali na magising ito...."Huhhhhh!" Hinahapo na napabalikwas ng bangon si Cloud mula sa kinahigaan. Pakiramdam niya ay kakaahon niya lang mula sa pagkalumos sa tubig."Napanaginipan mo na naman ba?" malungkot na tanong ni Micko kay Cloud na naka upo sa isang tabi."Makikita pa ba natin sila?" Sapo ng dalawang kamay ang nakayukong ulo na tanong ni Cloud."Sa tingin ko ay malapit na!" Lapat ang ngipin na tugon ni Micko. Bumalik sila ni Cloud noon sa lugar na pi
"MAGBANTAY ka sa labas at baka matunton nila kayo dito habang nililinis ko ang sugat niya." Utos ni Cristy sa kanya, ang kapatid ni Darwin, matapos nito malinis din ang kanyang sugat.Ipinagpasalamat ni Kiko na nurse ang babae kung kaya may alam sa gamutan. Ayon dito ay hindi ito kilala ng amo ni Darwin kung kaya bahagyang napanatag ang kanyang loob.Lumipas ang isang araw na panatag ang loob ni Kiko at bumubiti na rin ang kalagayan ni Lights. Nasalinan na rin ito ng dugo na binili pa sa red cross. Siya ang bumabalik na rin kahit papaano ang lakas dahil nakainum ng tamang gamot at naka-kain ng maayos. Tumagal pa sila ng isang linggo doon dahil pabalik-balik ang lagnat ni Lights sanhi ng impeksyon sa sugat nito."Kailangan na nating umalis sa lugar na ito. May nakapagsabi sa akin na may mga taong naghahanap sa dalawang binatilyo sa bayan." Imporma ni Cristy kay Kiko na nakabantay kay Lights."Saan tayo pupunta?" Kinakabahan na tanong ni Kiko dito. "Luluwas muna tayo sa Manila at doon
Mabilis na nakatayo muli ang lalaking napatumba ni Micko at muling sumugod sa babaeng ninja."Hindi mo ako tutulongan?" galit na singhal sa kanya ng babae sa mahinang tinig lamang nang mapaurong ito sa kanyang pwesto."Kailangan pa ba?" Kumakamot sa batok na balik tanong ni Micko dito. Hindi nito nakita ang ginawa niya kanina at ayaw niyang malaman ng babae ang kaniyang kakayahan.Hindi na muli nakapagsalita ang babae dahil mabilis na umarangkada ang kalaban palapit sa kinaruunan nila. Kahit walang armas na hawak ay tumalon si Micko at sinipa ang kamay ng isa na may hawak na espada. Nabitiwan niyon kung kaya naging patas na ang laban nila. Mabilis ang kalaban at mukhang mas maraming alam keysa sa kanya sa martial art kung kaya napupurohan siya ng suntok at sipa nito. Ang babae ay patuloy na nakipag espadahan sa isa."Aray!" daing niya nang malakas na tumama ang likod sa seradura ng kanyang kotse dahil sa sipa ng kalaban sa kanyang tiyan. "Gusto mo talaga ng patayan?" Bulyaw niya dito
"PAANONG nakatunog ang inyong target?" bulyaw ni Lucas sa tatlong tauhan na bigong umuwi mula sa kanilang misyon."Ang alam ko ay ang mag-asawa lamang ang naroon sa bahay na iyon at isang katulong. Pero biglang nagkaroon ng kasama, ang isa pa na ikinagulat ko ay may alam sa martial art ang babae." Nakayuko ang ulo na sagot ni Dark sa kanilang pinuno."Inutil!" Sinipa ni Lucas ang upuan, "ano na lang ang sasabihin ng ating kliyente? Na hindi mo kayang patumbahin ang pamilya na iyon dahil sa may alam ang babae sa pakipaglaban?" bulyaw nito kay Dark at nanlilisik ang mga matang isa-isang tiningnan ang dalawa pang naroon. "Boss, may isa pang lalaki na nagbabantay din sa labas at babaeng may takip rin ang mukha. Magaling din siya humawak ng esapada." Pagbabalita ng isa pa na bahagyang nangatal dahil sa takot sa nakikitang galit sa mukha ng kanilang pinuno.Marahas na napalingon si Lucas sa nagsalita. "Ulitin mo nga ang sinabi mo?" Nandidilat ang mga mata na singhal niya sa lalaki."May ba
"Tama na ang tungkol sa manok na iyan." Saway ni Dexter sa mga naroon bago pa magkapikunan."Cris, umayos ka sa pagbabalita." Umastang titirisin ni Micko ang dalaga.Mabilis na nagtago si Cris sa likod ni Cloud kahit na mas madilim ang aura ng mukha nito. Alam niya kasi na ito ang katapat ni Micko kung sakali. Ngingiti na sana siya ngunit biglang tumayo si Cloud kaya muling nalantad ang cute niyang mukha sa lahat."Wala na po akong maibalita bukod sa mayroong babaeng dinadala sa kulungan." Mabilis na paliwanag ni Cris habang nakataas ang isang kamay na parang nanunumpa."Makakaalis ka na." Pagtataboy ni Dexter sa dalaga.Mabilis na kumapit si Cris sa braso ni Amalia at sabay silang lumabas ng opisina. Naiwan ang mga barako at hindi na sila kailangan doon.Aalis na rin ako at magmamatyag sa sa paligid ng kulungan." Paalam ni Micko sa mga naroon at tumayo.Hinayaan na ni Dexter na kumilos mag-isa ang kaibigan. Si Cloud ay seryuso na namang nakaharap sa laptop nito."DAHAN-DAHAN po!" Ala
"SUSUNDUIN mo na ba ang iyong mga anak, Hija?" tanong ng madre kay Mae nang mapagbuksan siya ng pintuan.May munting kunsensya siyang nadarama dahil maging sa mga ito ay nagsisinungaling siya. Ramdam niyang nanunubok ang mga tanong ng madre lalo na ang tinging ipinupukol sa kanya. Dalawang bata na ang nadala niya roon upang itago sa kanilang pinuno. Ayaw niya na matulad sa kanya ang mga ito na gawing assassin at mamatay tao. Noong una ay ayaw maniwala ng mga ito na anak niya ang unang bata na dinala niya roon. Pero nagdrama siya na sinasaktan siya ng kanyang asawa at ipinakita ang mga pasa sa braso at hita. Naawa ang mga ito kung kaya pumayag na pansamantalang kupkupin ng mga ito ang batang iniwan niya roon."Hindi pa po ako nakahanap ng tirahan para sa amin, Mother. Narito ako upang mag-iwan ng munting halaga para sa inyo at sa mga bata." Pinalungkot niya ang mukha habang inaabot ang pera na halagang ten thousand sa madre."Pagpalain ka ng Panginoon! Ipinagdadasal ka namin araw-araw
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l