WALA ng malay-tao si Lights nang balikan ni Kiko.. Binuksan niya ang maliit na bag at nakitang may gamot doon. Hindi niya alam kung para saan iyon pero alam niyang sinadya iyong ilagay ni Darwin doon upang madugtongan pa ang kanilang buhay. Pilit niyang ibinuka ang bibig ng kaibigan at isinubo dito ang gamot. Pinasan niya ito at kahit hirap na ay pilit na lumakad ng mabilis. May nadaanan silang maliit na batis, marahang ibinaba ang kaibigan at uminum siya ng tubig. Ibinaba na rin niya ang mukha ni Lights sa tubig at nagbabaka-sakali na magising ito...."Huhhhhh!" Hinahapo na napabalikwas ng bangon si Cloud mula sa kinahigaan. Pakiramdam niya ay kakaahon niya lang mula sa pagkalumos sa tubig."Napanaginipan mo na naman ba?" malungkot na tanong ni Micko kay Cloud na naka upo sa isang tabi."Makikita pa ba natin sila?" Sapo ng dalawang kamay ang nakayukong ulo na tanong ni Cloud."Sa tingin ko ay malapit na!" Lapat ang ngipin na tugon ni Micko. Bumalik sila ni Cloud noon sa lugar na pi
"MAGBANTAY ka sa labas at baka matunton nila kayo dito habang nililinis ko ang sugat niya." Utos ni Cristy sa kanya, ang kapatid ni Darwin, matapos nito malinis din ang kanyang sugat.Ipinagpasalamat ni Kiko na nurse ang babae kung kaya may alam sa gamutan. Ayon dito ay hindi ito kilala ng amo ni Darwin kung kaya bahagyang napanatag ang kanyang loob.Lumipas ang isang araw na panatag ang loob ni Kiko at bumubiti na rin ang kalagayan ni Lights. Nasalinan na rin ito ng dugo na binili pa sa red cross. Siya ang bumabalik na rin kahit papaano ang lakas dahil nakainum ng tamang gamot at naka-kain ng maayos. Tumagal pa sila ng isang linggo doon dahil pabalik-balik ang lagnat ni Lights sanhi ng impeksyon sa sugat nito."Kailangan na nating umalis sa lugar na ito. May nakapagsabi sa akin na may mga taong naghahanap sa dalawang binatilyo sa bayan." Imporma ni Cristy kay Kiko na nakabantay kay Lights."Saan tayo pupunta?" Kinakabahan na tanong ni Kiko dito. "Luluwas muna tayo sa Manila at doon
Mabilis na nakatayo muli ang lalaking napatumba ni Micko at muling sumugod sa babaeng ninja."Hindi mo ako tutulongan?" galit na singhal sa kanya ng babae sa mahinang tinig lamang nang mapaurong ito sa kanyang pwesto."Kailangan pa ba?" Kumakamot sa batok na balik tanong ni Micko dito. Hindi nito nakita ang ginawa niya kanina at ayaw niyang malaman ng babae ang kaniyang kakayahan.Hindi na muli nakapagsalita ang babae dahil mabilis na umarangkada ang kalaban palapit sa kinaruunan nila. Kahit walang armas na hawak ay tumalon si Micko at sinipa ang kamay ng isa na may hawak na espada. Nabitiwan niyon kung kaya naging patas na ang laban nila. Mabilis ang kalaban at mukhang mas maraming alam keysa sa kanya sa martial art kung kaya napupurohan siya ng suntok at sipa nito. Ang babae ay patuloy na nakipag espadahan sa isa."Aray!" daing niya nang malakas na tumama ang likod sa seradura ng kanyang kotse dahil sa sipa ng kalaban sa kanyang tiyan. "Gusto mo talaga ng patayan?" Bulyaw niya dito
"PAANONG nakatunog ang inyong target?" bulyaw ni Lucas sa tatlong tauhan na bigong umuwi mula sa kanilang misyon."Ang alam ko ay ang mag-asawa lamang ang naroon sa bahay na iyon at isang katulong. Pero biglang nagkaroon ng kasama, ang isa pa na ikinagulat ko ay may alam sa martial art ang babae." Nakayuko ang ulo na sagot ni Dark sa kanilang pinuno."Inutil!" Sinipa ni Lucas ang upuan, "ano na lang ang sasabihin ng ating kliyente? Na hindi mo kayang patumbahin ang pamilya na iyon dahil sa may alam ang babae sa pakipaglaban?" bulyaw nito kay Dark at nanlilisik ang mga matang isa-isang tiningnan ang dalawa pang naroon. "Boss, may isa pang lalaki na nagbabantay din sa labas at babaeng may takip rin ang mukha. Magaling din siya humawak ng esapada." Pagbabalita ng isa pa na bahagyang nangatal dahil sa takot sa nakikitang galit sa mukha ng kanilang pinuno.Marahas na napalingon si Lucas sa nagsalita. "Ulitin mo nga ang sinabi mo?" Nandidilat ang mga mata na singhal niya sa lalaki."May ba
"Tama na ang tungkol sa manok na iyan." Saway ni Dexter sa mga naroon bago pa magkapikunan."Cris, umayos ka sa pagbabalita." Umastang titirisin ni Micko ang dalaga.Mabilis na nagtago si Cris sa likod ni Cloud kahit na mas madilim ang aura ng mukha nito. Alam niya kasi na ito ang katapat ni Micko kung sakali. Ngingiti na sana siya ngunit biglang tumayo si Cloud kaya muling nalantad ang cute niyang mukha sa lahat."Wala na po akong maibalita bukod sa mayroong babaeng dinadala sa kulungan." Mabilis na paliwanag ni Cris habang nakataas ang isang kamay na parang nanunumpa."Makakaalis ka na." Pagtataboy ni Dexter sa dalaga.Mabilis na kumapit si Cris sa braso ni Amalia at sabay silang lumabas ng opisina. Naiwan ang mga barako at hindi na sila kailangan doon.Aalis na rin ako at magmamatyag sa sa paligid ng kulungan." Paalam ni Micko sa mga naroon at tumayo.Hinayaan na ni Dexter na kumilos mag-isa ang kaibigan. Si Cloud ay seryuso na namang nakaharap sa laptop nito."DAHAN-DAHAN po!" Ala
"SUSUNDUIN mo na ba ang iyong mga anak, Hija?" tanong ng madre kay Mae nang mapagbuksan siya ng pintuan.May munting kunsensya siyang nadarama dahil maging sa mga ito ay nagsisinungaling siya. Ramdam niyang nanunubok ang mga tanong ng madre lalo na ang tinging ipinupukol sa kanya. Dalawang bata na ang nadala niya roon upang itago sa kanilang pinuno. Ayaw niya na matulad sa kanya ang mga ito na gawing assassin at mamatay tao. Noong una ay ayaw maniwala ng mga ito na anak niya ang unang bata na dinala niya roon. Pero nagdrama siya na sinasaktan siya ng kanyang asawa at ipinakita ang mga pasa sa braso at hita. Naawa ang mga ito kung kaya pumayag na pansamantalang kupkupin ng mga ito ang batang iniwan niya roon."Hindi pa po ako nakahanap ng tirahan para sa amin, Mother. Narito ako upang mag-iwan ng munting halaga para sa inyo at sa mga bata." Pinalungkot niya ang mukha habang inaabot ang pera na halagang ten thousand sa madre."Pagpalain ka ng Panginoon! Ipinagdadasal ka namin araw-araw
MULING ini-off ni Angel Mae ang cellphone matapos mabasa ang reply ng lalaki. Gusto nitong ipagamit sa kaniya ang perang laman ng walet nito para sa anak nila Kailani. Hindi niya naisip iyon kanina, baka sakaling tanggapin iyon ng madre dahil galing sa mabuting kamay ang pera. Ayaw man niyang aminin pero natuwa siya dahil walang pag-aalinlangan na nagtiwala at naniwala sa kaniya ang lalaki. Ni hindi nito kinuwestyon ang pagdukot niya sa bata. Kung ibang tao ito ay tiyak na nakatikim na siya ng nakakatakot na banta at maraming katanongan kung nasaan ang bata. Biglang naalala ni Mae ang unang batang dinala sa isang kumbento. Ni hindi niya naisip na tawagan o kontakin ang pamilya nito. Iba ang sitwasyon ng batang nauna at sa bata ngayon. Ang una ay sadyang pinadudukot upang gawing bihag katulad niya. At ang anak nila Kailani ay wala sa plano ng pinuno nila na kunin ito.....KOMPLETO ang eagles member sa kaarawan ng kinikilalang ina ni Micko na si Lina. Sila lamang ang bisita at hapon n
"PINAPATAWAG ka ni Boss," pagbigay imporma ni Dark kay Mae habang hinaharangan ang daraanan ng dalaga."May problema ba?" Matapang na sagot ni Mae sa kaharap. Normal na kasuutan lamang ang kanyang suot ngayon at hindi rin niya dala ang kanyang espada."Gusto ka lamang niyang makausap kung kaya pinasusundo ka niya." Mahinahon na sagot ni Dark sabay lahad ng kamay sa harap ng dalaga paturo sa sasakyang motor."Mauna na kayo at susunod na lamang ako.""Bilin ni Boss na kailangang sabay tayong umuwi." Napapiksi si Mae ng hawakan ng mahigpit ni Dark ang kanyang kamay at sapilitan na isinasama."Ayaw niyang sumama kung kaya huwag mo pilitin, Pare!" Sita ni Micko sa lalaking nakatalikod sa kanya at hawak ang babaeng nakilala niya agad ang mukha.Lihim na napamura si Mae sa sarili nang makilala kung sino ang nagpapakabayani ngayon para sa kanya. Ni hindi siya kinabahan kanina sa presensya ni Dark at ng isa pang nakabuntot sa kanya. Pero ngayon ay kinabahan siya hindi para sa kanyang kaligtas