"PINAPATAWAG ka ni Boss," pagbigay imporma ni Dark kay Mae habang hinaharangan ang daraanan ng dalaga."May problema ba?" Matapang na sagot ni Mae sa kaharap. Normal na kasuutan lamang ang kanyang suot ngayon at hindi rin niya dala ang kanyang espada."Gusto ka lamang niyang makausap kung kaya pinasusundo ka niya." Mahinahon na sagot ni Dark sabay lahad ng kamay sa harap ng dalaga paturo sa sasakyang motor."Mauna na kayo at susunod na lamang ako.""Bilin ni Boss na kailangang sabay tayong umuwi." Napapiksi si Mae ng hawakan ng mahigpit ni Dark ang kanyang kamay at sapilitan na isinasama."Ayaw niyang sumama kung kaya huwag mo pilitin, Pare!" Sita ni Micko sa lalaking nakatalikod sa kanya at hawak ang babaeng nakilala niya agad ang mukha.Lihim na napamura si Mae sa sarili nang makilala kung sino ang nagpapakabayani ngayon para sa kanya. Ni hindi siya kinabahan kanina sa presensya ni Dark at ng isa pang nakabuntot sa kanya. Pero ngayon ay kinabahan siya hindi para sa kanyang kaligtas
KINABUKASAN ay naalimpungatan pa si Micko nang magising at hindi pamilyar ang silid na kinaroonan."Argh! Daing nito habang sapo ang noo nang makaramdam ng kirot sa sintido."Mabuti naman at gising ka na, tumawag si Yazed."Hilot ang sintido habang sinusundan ng tingin si Cloud na palabas ng pintuan. "Wala man lang bang kape?"Nilingon ni Cloud ang kaibigan, "malaki ka na para ipagtimpla ko pa ng nais mong inumin.""Napaka gentleman mo talaga!" sarkastikong reklamo ni Micko."Ano ka, chix?" Nakangisi na wika ni Cloud at alam niya kung ano ang ibig sabihin ng 'chix'. Lalong lumawak ang ngiting nakapaskil sa labi nang iniyakap ng kaibigan ang dalawang braso sa dibdib nito. Umaakto ito na tila minulistyahan niya habang ito ay natutulog."Naks, ipagtimpla mo na ako ng kape dahil napangiti kita ngayon." Pambubuska ni Micko sa kaibigan na madamot ngumiti."Dapat sa iyo ay laging lasing at nang lagi ka ring seryoso." Palatak na ani Cloud dito at bumalik sa pormal ang aura ng mukha."Ano ang
NAPANGITI si Micko habang nakatingin sa screen monitor. Pinapanuod niya ang ganap mula sa surveillance camera na naka connect sa bahay ni Angel. Iyon ang kanyang pinunta doon kanina, palihim na inilagay ang mini camera sa isang sulok sa sala. Naroon lang siya naka park malapit sa subdivision upang madali niyang masundan ang dalaga kung aalis ito ng bahay. Alam niyang tapos na ang mga ito mananghalian, ang kaniyang ina ay nakauwi na kasabay nila Amalia."Perfect!" Naibulalas niya nang dumaan sa harap ng camera ang dalaga at maiksing short lang ang suot. Napalis din agad ang ngiti sa kanyang labi nang mapansin ang mahabang piklat sa hita ng dalaga. Alam niyang pilat iyon noong araw na nagkahiwa-hiwalay silang apat."Tutuparin ko ang aming pangako na aalisin namin kayo sa impyernong lugar!" Kuyom ang kamao na bulong niya sa kawalan habang hindi hinihiwalay ang tingin sa dalaga na nakaupo na ngayon sa sofa. Nakita niya itong humiga at mukhang walang balak na umalis. Nang magsawa sa pagti
PAKIRAMDAM ni Micko ay bigla siyang nauhaw nang malasahan ang mala cherry na labi ng dalaga at maamoy ang mabangong hininga na nagmumula sa hininga ng kahalikan. Marami na siyang nahalikan at naangkin ngunit hindi niya naramdaman kung ano ang nadarama ngayon kay Angel. Nang maramdamang walang pagtutol mula sa dalaga, maingat niyang kinabig ang batok nto upang palalimin pa ang halik na iginagawad dito. Hindi niya inaasahan na marunong itong humalik kung kaya ganoon na lang ang gulat niya nang gumanti ito ng halik sa kanya."Nagulat ka ba dahil marunong akong humalik?" Mapakla ang ngiting sumilay sa labi ni Ange. Nasa tinig niya ang galit at pananabik sa kaharap. Ngayon niya nakumpirma kung bakit ganoon na lang ang tibok ng kanyang puso sa tuwing kaharap ito. Kanina habang kahalikan ito ay pasimple niyang kinapa ang dibdib ng binata kung saan nakalagay ang marka bago sila nagkahiwalay noon."Saan at paano mo ito natutunan?" Nasa tinig din ng binata ang galit. Isipin pa lang niya na pin
NANG gabing ding iyon ay tinawagan ni Micko si Cloud upang pormal na ipakilala si Angel, bilang si Mae na kasamahan nila noon."Anong oras daw siya darating?" Naiinip na tanong muli ni Angel sa binata."Tsss! Pang ilang tanong mo na iyan? Alam mo na ang mukha niya kaya huwag-excited na makita siyang muli!" Hindi na napigilan nito na magsungit sa dalaga dahil nakakaramdam siya ng panibugho. Ni hindi niya nakitaam ito ng saya nang ipakilala niya ang sarili dito kanina. Pero pagdating sa pinsan niyang hilaw ay masaya ito at nagagalak pa na makita agad ang huli."Bakit ba ang sungit mo?" nakasimangot na ani Angel sa kaharap. Kanina pa siya naiilang sa paraan ng titig nito sa kanya. Pilit na lamang niyang ibinaling ang isip sa paghaharap nila muli ni Lights."Ipaalala ko lang sa iyo na bawal ka ng tumingin sa iba."Napaawang ang bibig ng dalaga habang nakatingin kay Micko. "At sino ka para pagbawalan ako?" Sikmat niya sa binata na akala mo ay isang Greek God na nakatayo sa kanyang harapan
"Pangako na wala nang makapanakit pa sa iyo mula ngayon. Pagkatapos ng misyong ito ay ibibigay ko sa iyo ang lahat upang tabunan ang masamang nakaraan na dinanas mo." Bulong ni Micko sa tainga ng dalaga at dahan-dahang gumapang ang bahagyang nakabuka na labi sa leeg nito. Sinamyo ang halimuyak ng amoy nito at dinampian ng magaan na halik ang bawat madaanan ng kaniyang labi."Kiko!" tanging namutawi sa labi ng dalaga at biglang na blangko ang kaniyang isipan. Sa halip na itulak ang ulo nitong nasa kaniyang leeg ay naipilig pa niya ang sariling ulo bilang pagpaubaya.Nahigit ni Mae ang sariling hininga at bumilis ang pintig ng kaniyang puso nang maramdaman ang pagdiin ng halik ng binata sa kaniyang leeg. Para itong lobong gutom at sabik na matikman ang kaniyang laman. Kusang tumaas ang kaniyang dalawang kamay mula sa balikat ng binata papunta sa batok nito. Ang isang kamay ay napasabunot sa maiksi nitong buhok nang tumaas pa ang halik nito sa kaniyang panga. Hindi na rin niya maitago an
"Kailangan maghanda ang lahat bukas at huwag ihiwalay ang headset sa katawan upang hindi mawala ang communication sa bawat isa." Anunsyo ni Micko matapos na maklaro ang plano ni Lucas sa pagpaslang sa kanya bukas.Kasama na ni Mae si Dark pagbalik sa tinutuluyang bahay dahil diskumpyado si Lucas na hindi niya magawa ang pinagagawa nito sa kanya. Naawa siya sa kasama dahil naging isip bata ito minsan dala marahil ng malakas na pagka umpog ng ulo nito noon at ang tinururok pa na gamot dito ni Lucas."Tawagan mo na." Utos ni Dark sa kanya na tila naiinip. Si Micko ang tinutukoy nito upang e-set ang date sa hotel. Ni-loud speaker pa niya ang cellphone upang marinig nito."Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon dahil pinagbigyan mo rin ang paanyaya kong date sa iyo!" Masiglang sagot ni Micko mula sa kabilang linya matapos sabihin ni Angel ang nais."Pero gusto ko ay sa hotel, "pinalambot ni Mae ang tinig at nasa boses niya ang tila nahihiya sa kanyang mungkahi."Walang problema, kahit
IBA talaga ang tama ng halik sa kaniya kapag ang dalaga ang kahalikan. "I love you!" anas ni Micko sa pagitan ng halikan nila ni Mae. Nadadala siya sa bugso ng damdamin para sa dalaga. Naging mapusok at mapaghanap ang halik na iginawad niya dito habang kabig sa batok ang dalaga."Ehem!" Malakas na tikhim ni Cloud mula sa headset ang siyang nagpabalik sa katinuan ng isip ni Micko. Kamuntik na siyang makalimot na nasa misyon sila at malagay sa panganib ang buhay ng isa sa kanila kapag nasira ang plano."Sorry," ani ni Micko at dahan-dahang pinakawalan ang batok ng dalaga. Pero para sa mga kasama ang paghingi niya ng apology.Maging sina Cris at Amalia ay rinig ni Micko na kinikilig dahil narinig din ang pagkumpisal niya ng pag-ibig kay Mae. Nakasimangot na pinandilatan ni Mae ng mga mata si Micko. Alam niyang tulad niya ay may nakakarinig din mula sa kampo nito sa mga pinag-uusapan nila."Focus," seryusong paalala ni Cloud sa kaibigan.Naudlot ang pagsuot ni Dexter ng headset nang t