IBA talaga ang tama ng halik sa kaniya kapag ang dalaga ang kahalikan. "I love you!" anas ni Micko sa pagitan ng halikan nila ni Mae. Nadadala siya sa bugso ng damdamin para sa dalaga. Naging mapusok at mapaghanap ang halik na iginawad niya dito habang kabig sa batok ang dalaga."Ehem!" Malakas na tikhim ni Cloud mula sa headset ang siyang nagpabalik sa katinuan ng isip ni Micko. Kamuntik na siyang makalimot na nasa misyon sila at malagay sa panganib ang buhay ng isa sa kanila kapag nasira ang plano."Sorry," ani ni Micko at dahan-dahang pinakawalan ang batok ng dalaga. Pero para sa mga kasama ang paghingi niya ng apology.Maging sina Cris at Amalia ay rinig ni Micko na kinikilig dahil narinig din ang pagkumpisal niya ng pag-ibig kay Mae. Nakasimangot na pinandilatan ni Mae ng mga mata si Micko. Alam niyang tulad niya ay may nakakarinig din mula sa kampo nito sa mga pinag-uusapan nila."Focus," seryusong paalala ni Cloud sa kaibigan.Naudlot ang pagsuot ni Dexter ng headset nang t
"ANO ang nangyayari diyan?" galit na tanong ni Lucas sa tauhan nang biglang dumilim ang buong building ng isang hotel. Hindi pa iyon ang oras kaya nagtaka siya."Boss, na stock kami dito sa loob ng elevator." Sagot ng isa sa tauhan."Patalim ang gamitin ninyo sa pagkakataon na ito at patayin ang lahat ng gustong humarang at hanapin sina Raiko!" nangangalit ang bagang ni Lucas dahil sa galit. Nanigas si Mae sa kinatayuan pagkarinig sa utos ni Lucas. Mukhang nakatunog na ito at hindi niya alam kung sino ang sumabotahe sa kuryente."Micko, kailangan niyo nang lumabas bago pa makaalis ang limang lalaki sa loob ng elevator." utos ni Kailani na siyang nag-off sa sa power ng kuryente.. Ano mang oras ay kusang babalik ang power dahil automatic na papalit ang generator nang naturang hotel.Iyon na lamang ang naisip nila ni Sasha upang mapigilan ang madugong labanan at maitakas ang kanilang subject. Nag-panic ang ilan sa staff at natakot ngunit nanatili sa pinagtataguan."Copy!" tugon ni Micko
"General Max," mabilis na sumalubong ang isa sa nakakataas na opisyal kay Max at sumaludo. "Ano po ang ginagawa ninyo dito?" "Ako ang dapat magtanong niyan sa iyo, bakit narito ka kasama ng ilang taohan mo?" balik tanong dito ni Max."May nagbigay nang imporma sa nakakataas sa akin na may illegal instruction na nagaganap dito ngayon. At mukhang tama ang hinala dahil may natagpuang tao na walang malay sa loob at may sumabotahe pa sa kuryente kanina." Kumpiyansadong wika ng lalaki habang nakangisi.Nakangisi rin na sumagot si Max sa lalaki. "Matalino ang may hawak sa iyo, pakisabi sa kanya na nalalapit na ang paghaharap namin.""Makakarating, General." Ngumiti ito ng nakakaloko bago tumalikod kasunod ang mga lalaking armado na nakitang umaaligid sa paligid kanina. Hindi maaring pumasok sina Max at mag-imbistiga rin dahil nauna na ang team na kanyang katunggali sa katungkulan. Si James, Jeydon at Dexter ang humarap sa mga ito upang makalabas sina Micko, Cloud at Angel nang hindi mapan
NAPAILING na lamang si Micko nang inirapan siya ng dalaga. Muling bumalik sa kaniyang isipan ang alaala nila noong teenager pa sila. Ganitong-ganito ito, kung nakakamatay lang ang irap nito ay baka noon pa siya patay. Pero ito ang nakakamatay na feeling heaven lalo na ngayong malinaw na sa kaniya ang dahilan ng pagkakaganoon ng dalaga."Hey!" Maagap na humarang si Micko sa daraanan ng dalaga. "Not now, My Angel! Hindi ako makakapayag na talikuran mo ang aking puso sa pagkakataong ito."Tumaas ang kilay ng dalaga at lumaban ng titig sa kaharap. "Parte rin ba iyan ng kasabihan na tulak ng bibig, kabig ng dibdib?" Nang-iinsultong tanong niya sa binata dahil hindi siya naniniwala na siya ang tinitibok ng puso nito."Yes!" matatag na sagot ni Micko habang hindi hinihiwalay ang tingin sa mata ng dalaga. Sinapo niya ang baba nito nang tangkang iiwas na naman ng tingin sa kanya. "Lahat ng lumalabas sa bibig ko ukol sa tunay kong damdamin sa iyo ay kabig iyan sa aking dibdib." Nakaturo ang is
"NAPATAWAG ka? tanong ni Micko mula sa kabilang linya pagkasagot sa tawag ni Wigo."Pare, may napansin akong tao sa labas na tila nagmamatyag!" pabulong na wika ni Wigo upang hindi marining ng ina ng kaibigan. Iniiwasan niya na mataranta ang ginang at gumawa ng ingay."Darn! Mag-ingat kayo, papunta na kami riyan!" pilit nagpakahinahon na sagot ni Micko ngunit nasa mukha ang labis na pag-aalala.Hindi na sumagot pa si Wigo. Siy na ang unang nagbaba ng tawagan at muling nagmatyag sa paligid."Cloud!" malakas na tawag ni Micko sa kaibigan na ikinalingon ng lahat. "Sa sasakyan mo, bilis!""Sasama ako!" alerto na rin si Angel na nasa bukana ng silid ni Raiko."Sumunod na lang kayo, mabilis kaming makarating sa bahay gamit ang motor ni Cloud!" Pasigaw na sagot ni Micko habang patakbo na tinatahak ang kinaparkingan ng sasakyan nila. Kasunod niya si Cloud na tumakbo na rin at hindi na nagtanong pa.Mabilis na sumunod si James na naka motor rin at angkas si Angel Mae."Bibili na rin ako ng mot
LALONG bumalon ang luha sa mga mata ni Lina nang tumango ang kaniyang pinsan. Kung panaginip man ang lahat ng ito ay naihiling niyang sana ay hindi na siya magising pa. Gusto niyang makasama ang anak kahit sa panaginip lang.Mabilis na nilapitan ni Micko ang dalaga at siya na ang umalalay dito palapit sa kanilang ina."Anak?""Mama!"Pagkapanabay na bigkas ng dalawa habang hawak ng mahigpit ang kamay ng bawat isa."Oh my, God! Ang anak ko! Ibinalik ka na niya sa akin, Anak!" Nanginginig ang mga kamay ni Lani habang mahigpit na hawak ang palad ng dalaga. Mahina pa rin siya pero hindi niya ininda ang kirot sa kaniyang sugat."Mama!" ang tanging nabibigkas ni Angel habang umiiyak. Niyakap nito ng marahan ang ginang sa takot na masaktan niya ito."Salamat sa Diyos at natagpuan na rin kita, Anak!" Maging si Micko ay naluha at hindi umalis sa tabi ng dalawa. Masaya siya para sa kinikilalang ina at para sa babaeng mahal niya. Pagtingin niya kay Cloud ay blangko ang expression sa mukha nito
"WHO are you?" Napasimangot si Ellah sa kabruskohang tanong ng lalaking nasa kanyang harapan ngayon. Alam niyang masungit ito. Pero hindi niya inaasahan na maging sa isang katulad niya ay ganoon din kagaspang ang ugaling ipakita nito sa kanya. Mabilis niyang binura ang hindi maipintang aura sa mukha at ngumiti nang mapansin na nangunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya."Alam kong kilala mo ako," hindi na niya hinintay na anyayahan siya nitong umupo. Inikis ang legs nang makaupo sa harap ng binata. Isang katamtamang laki na table ang nasa pagitan nila kung kaya hindi siya nito nasisilipan. "Do I still have to book an appointment to your secretary?""You come here and act like a nasty girl?" "An arrogant jerk, indeed!" nagngingit-ngit ang kalooban na bulong ni Ellah sa sarili. Gusto niyang batohin ito ng suot niyang high heels sandal pero nagpipitgil siya. Sa halip na murahin ito ay ngumiti siya ng ubod tamis sa lalaki. "Guwapo sana—" dugtong pa niya dahil sa inis."What did yo
"WALA KA talagang silbi sa buhay ko!" Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Conrad sa pisngi ng dalagang anak. Mainit ang ulo niya dahil sa balitang hatid nito pagkauwi.Sapo ang namumulang pisngi, matapang na hinarap ni Ellah ang ama. Lingid sa kaalaman ng lahat lalo na ng kanyang abuelo, sinasaktan siya ng ama kapag ito ay nagagalit sa kanya. Hindi niya lubos maisip kung bakit ito nagagalit sa kanya. Naging rebelde siya dahil dito. Kahit ano ang gawin niya bilang anak nito ay puro mali niya lang ang nakikita nito sa kanya. "Bakit ba ako ang sinisisi mo sa nangyayari sa kabuhayan natin ngayon?" Lakas loob na sinagot ang ama. Kung noon ay umiiyak lamang siya, ngayon ay hindi na siya makakapayag lalo na at nawawala ang kanyang butuhing abuelo."Kung hindi ka ba naman tanga! Bakit hinayaan mo ang abuelo mo na sa lalaking iyon ipamahala ang mana mo?" Labasan ang litid ng ugat sa leeg ng ginoo habang dinuduro ng daliri ang anak."Paano ko malalaman, nawawala si Lolo." Pabulong na sago