Share

Book 7: Chapter 2-Pananakit

"WALA KA talagang silbi sa buhay ko!" Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Conrad sa pisngi ng dalagang anak. Mainit ang ulo niya dahil sa balitang hatid nito pagkauwi.

Sapo ang namumulang pisngi, matapang na hinarap ni Ellah ang ama. Lingid sa kaalaman ng lahat lalo na ng kanyang abuelo, sinasaktan siya ng ama kapag ito ay nagagalit sa kanya. Hindi niya lubos maisip kung bakit ito nagagalit sa kanya. Naging rebelde siya dahil dito. Kahit ano ang gawin niya bilang anak nito ay puro mali niya lang ang nakikita nito sa kanya.

"Bakit ba ako ang sinisisi mo sa nangyayari sa kabuhayan natin ngayon?" Lakas loob na sinagot ang ama. Kung noon ay umiiyak lamang siya, ngayon ay hindi na siya makakapayag lalo na at nawawala ang kanyang butuhing abuelo.

"Kung hindi ka ba naman tanga! Bakit hinayaan mo ang abuelo mo na sa lalaking iyon ipamahala ang mana mo?" Labasan ang litid ng ugat sa leeg ng ginoo habang dinuduro ng daliri ang anak.

"Paano ko malalaman, nawawala si Lolo." Pabulong na sago
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status