"MAGANDA ba ito?" Maarteng tanong ni Ellah kay Cristine habang pinapakita ang napiling damit.Kung nakakaduling lang ang pag-rolling eyes ay baka apat na ang paningin ni Cristine. Ganoon ang ginagawa niya sa tuwing nakatalikod ang bagong amo dahil sa pag-iinarte nito. Hindi na lang sampu ang napipili nito pero hindi naman binibili kahit sabihin niyang ok. Alam niya na nanadya ito na inisin siya upang mag-resign. Nabalaan na siya ni Cloud tungkol sa pag-ayaw nito na magkaroon ng personal assistant."Tayo nang umuwi, wala akong nagustohan." Nakasimangot na humarap si Ellah kay Cristine, ang totoo ay dito siya badtrip dahil wala manlang siyang naririnig na reklamo mula dito.Tanging ngiti lang ang isinagot ni Cristine at tahimik na sumunod kay Ellah. Habang naglalakad ay sinusuri niya ang likod nito. Kung lalaki lang siya ay tiyak na mapapasipol siya sa ganda ng hubog ng katawan ng huli. Maumbok ang pang-upo nito at parang ramp model kung maglakad bukod sa ganda ng mukha. Lahat ay napapa
"ANO ang ginagawa mo?" galit na sikmat ni Kailani kay Sasha nang mahimasmasan."Niyayakap ka?" hindi sigurado sa sagot na tugon ni Sasha at nagtataka kung bakit galit sa kanya ang kaibigan."Paano kung naiputok niya ang baril?" Umaalon ang dibdib ni Kailani dahil sa nadaramang galit."Edi baon sa katawan ko ang bala." Tabingi ang ngiti na sagot ni Sasha sa kaibigan. Ngayon niya naunawaan kung bakit nagagalit ito sa kanya."Don't you dare to do that again!" Binatukan ni Kailani ang kaibigan at mabilis na tumayo."Fine! Touch me if you dare, ganern?" nakangisi na biro ni Sasha sa kaibigan upang maibsan ang galit nito sa kanyang ginawa."Ok lang ba kayo?" Sabay na napalingon ang dalawa pagkarinig sa tinig ni Dexter. Nasa boses nito ang galit at labis na pag-aalala."Ready for another fight." Kumakamot sa batok na bulong ni Sasha. Hindi niya magawang salubongin ang matatalim at galit na tingin sa kaniya ng asawa. Hindi alam ng kanilang asawa ang pagsama nila sa operasyong ngayon. Sila la
"General!" Sumaludo si Magsino sa bagong dating ngunit hindi binura sa mga labi ang ngiting nang-iinsulto."Bakit sila ang naka posas sa halip na ang kriminal?" sita ni Max sa hepe ng pulisya habang nakatingin kina Dexter, Jeydon at Micko."Kasama po sila sa kinasuhan dahil sa gulong kanilang nilikha sa daan." Kinakabahan na sagot ng hepe, nilingong niya si Magsino upang humingi dito ng suporta at hindi mapag-initan ng heneral dahil ito ang may pakanan ng lahat."Pinatulog nila ang dalawang iyan kung kaya hindi na pinusasan." Salo ni Magsino sa iba pang katanongan ni Max."Kailan mo pa hindi ginagamit iyang utak mo, Chief Superintendent?" singhal ni Max sa lalaki.Matalim na titig ang ipinukol ni Magsino kay Jeydon nang umubo ito at bakas sa mukha nito ang pagpipigil na tumawa."Paano kung nagpapanggap lamang ang mga iyan na tulog at kumukuha ng tiyempo upang makatakas?" Tumaas na ang timbre ng boses ni Max habang tinuturo isa-isa ang mga pulis na naroon. Yumuko lahat ang mga ito at
MANAKA-NAKANG sinusulyapan ni Ellah ang aroganteng binata mula sa kinauupuan. Isang oras na siyang nakaupo sa kanyang pwesto sa loob mismo ng opisina ngunit ni hindi pa siya inuutusan ng lalaki. Ito ang unang araw na magkasama sila sa trabaho. Si Cristine ay nanatili sa labas kung saan dapat ay naroon din siya. Wala siyang magawa kundi ang manahimik. Sa hitsura ng binata ngayon ay mukha itong manuntok kapag may nang-isturbo dito."Stop staring and do your work." Walang kabuhay-buhay na sikmat ng lalaki sa kanya. Hindi siya nababahala na makita nito ang pagsimangot niya dahil nanatiling nakatutok ang mga mata nito sa hawak na papel.Ramdam ni Cloud na nakatingin pa rin sa kanya si Ellah. Napilitan siyang umangat ng mukha upang balaan ito sa pamamagitan ng tingin lamang. Hindi siya sanay na may kasama sa loob ng opisina, pero kailangan niyang gawin iyon upang makita ang bawat kilos ng dalaga."Pwede bang lumabas muna ako?" ngumiti siya sa binatang seryusong nakatingin sa kanya. "Ang bor
Muling napabuntonghininga si Cloud bago sinulyapan si Ellah. Alam niyang nakikiramdam lang din ito sa kaniya. Tinawag niya ito pagkalipas ng ilang minuto at pinaupo sa kaniyang harapan.Walang salitang sumunod si Ellah sa utos ng binata. "Gusto kong bisitahin ang ari-arian ng iyong Lolo sa Davao.""Kailangan pa ba?" kinakabahang tanong ni Ellah. "I mean, narito ang mother company at ang nasa Davao ay ang malawak na bukid at bahay lamang." Paliwanag niya dito nang dumilim na naman ang aura ng anyo nito. Kinakabahan siya na magharap ang kanyang ama at ang binata. Mayor sa kanilang bayan ang ama at galit sa binata ito. "Kailangan kong makita ang sakop na aking pinamamahalaan, maliit na bagay man ito o malaki. Kailangan mo akong samahan at e-tour sa lugar ninyo." May pinalidada na turan ni Cloud kung kaya wala ng nagawa si Ellah...."ANG AKALA mo ba ay malulutas na ang kaso ngayong hawak mo na ako?" nang-uuyam na tanong ni Lucas kay Cloud nang makaharap siya nito."Nagbago na ang aking
"NASA loob ang daddy mo." Kahit pabulong ay dinig ni Cloud ang sinabi ng ginang na siyang sumalubong sa kanila pagkababa ng kotse. Kararating lang nila at tanging driver ang sumundo sa kanila mula airport. Bakas ang pagkabalisa sa mukha ni Ellah na ipinagtaka niya. Napatitig siya sa ginang, kung hindi siya magkamali ay ito ang ina ni Raiko."Ahm, tita," tumikhim muna si Ellah bago nagpatuloy. "Siya nga po pala si Attorney Cloud Mist, acting C.E.O ng ating kompanya." Pakilala niya sa binata sa kaniyang tiyahin."Goodmorning," inabot ni Cloud ang kamay sa ginang upang makipagkamay. Madaling araw sila umalis sa Manila kaya maaga pa silang nakarating sa tirahan ng mga ito. "Ikinagagalak ko pong makilala kayo."Nauna nang pumasok si Ellah sa loob ng mini mansyon na bahay. Naiwan siya kasama ang ginang at nasa mukha rin nito na tila nababahala. "Kumusta ang beyahe ninyo?"Lalong kinabahan si Ellah sa pinapakitang ugali ng ama sa kanya ngayon. Malumanay ang tinig nito at nasa mukha ang kas
"WHERE do you think you're going at this time?"Daig pa ni Ellah ang natuklaw ng ahas at natulos na sa kinatayoan pagkarinig sa baritono at malamig na tinig ni Cloud. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib danil ang lakas ng kabog niyon."And look at your outfit."Napalabi si Ellah sa narinig, sa tanang buhay niya ay walang pumupuna sa kanyang kasuutan. Dahan-dahan niya itong nilingon at inirapan. Kahit madilim sa kinaroonan ng binata, alam niyang salubong ang mga kilay nito ngayon habang nakatingin sa kanya."Ellah, what are you waiting for?" Eritado ang tinig na tawag ni Eliza sa kaibigan. Hindi ng mga ito napansin na may malaking tao sa likuran ng huli."Let's go?" Nakangiting nilapitan ni Ward si Ellah upang alalayan ito sa paglalakad."San—""Bumalik ka na sa loob ng bahay!"Sinabayan siya ni Cloud sa pagsasalita kung kaya naputol ang iba pang sasabihin kay Ward. Bakas din sa mukha ni Ward ang pagkagitla nang makita ang seryusong mukha ng tao na nasa kanyang likuran."Ahm, siya si A
SUNOD-SUNOD ang paglunok ni Ellah sa sariling laway nang muling madama ang init na nagmula sa palad ni Cloud. Lalo lamang gumapang ang kakaibang kilabot sa bawat himaymay ng kanyang katawan nang mapatitig siya mga mata nito. Kilabot, hindi dahil sa takot na naaaninag niya sa mga mata nito na tila gutom na lobo kung makatitig sa kanya. Sa halip ay excitement ang nadaramang umusbong sa kanyang malanding diwa sa kaalamang natatakam sa kanya ang binata. Wala siyang pakialam kung dahil sa galit, ang mahalaga ay nakukuha niya ng buo ang atensyon ng binata."Scared?" Lalong lumapad ang pagkangisi ni Cloud nang madama ang pagbilis ng pintig ng puso ni Ellah. Dama niya iyon nang pasadahan niya ng kanyang daliri ang punong dibdib nito. "Of course not!" Tuwid ang dila na sagot nito sa binata at iniliyad pa ang dibdib sa harap nito. Siya naman ngayon ang napangiti ng matamis nang makita ang paggalaw ng adams apple ng binata. Nang maramdaman ang pagluwag ng pagkahapit ng isang kamay nito sa kanya