Share

Book 7: Chapter 5-Pakiusap

"ANO ang ginagawa mo?" galit na sikmat ni Kailani kay Sasha nang mahimasmasan.

"Niyayakap ka?" hindi sigurado sa sagot na tugon ni Sasha at nagtataka kung bakit galit sa kanya ang kaibigan.

"Paano kung naiputok niya ang baril?" Umaalon ang dibdib ni Kailani dahil sa nadaramang galit.

"Edi baon sa katawan ko ang bala." Tabingi ang ngiti na sagot ni Sasha sa kaibigan. Ngayon niya naunawaan kung bakit nagagalit ito sa kanya.

"Don't you dare to do that again!" Binatukan ni Kailani ang kaibigan at mabilis na tumayo.

"Fine! Touch me if you dare, ganern?" nakangisi na biro ni Sasha sa kaibigan upang maibsan ang galit nito sa kanyang ginawa.

"Ok lang ba kayo?"

Sabay na napalingon ang dalawa pagkarinig sa tinig ni Dexter. Nasa boses nito ang galit at labis na pag-aalala.

"Ready for another fight." Kumakamot sa batok na bulong ni Sasha. Hindi niya magawang salubongin ang matatalim at galit na tingin sa kaniya ng asawa. Hindi alam ng kanilang asawa ang pagsama nila sa operasyong ngayon. Sila la
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status