Share

Book 6: Finale

LALONG bumalon ang luha sa mga mata ni Lina nang tumango ang kaniyang pinsan. Kung panaginip man ang lahat ng ito ay naihiling niyang sana ay hindi na siya magising pa. Gusto niyang makasama ang anak kahit sa panaginip lang.

Mabilis na nilapitan ni Micko ang dalaga at siya na ang umalalay dito palapit sa kanilang ina.

"Anak?"

"Mama!"

Pagkapanabay na bigkas ng dalawa habang hawak ng mahigpit ang kamay ng bawat isa.

"Oh my, God! Ang anak ko! Ibinalik ka na niya sa akin, Anak!" Nanginginig ang mga kamay ni Lani habang mahigpit na hawak ang palad ng dalaga. Mahina pa rin siya pero hindi niya ininda ang kirot sa kaniyang sugat.

"Mama!" ang tanging nabibigkas ni Angel habang umiiyak. Niyakap nito ng marahan ang ginang sa takot na masaktan niya ito.

"Salamat sa Diyos at natagpuan na rin kita, Anak!"

Maging si Micko ay naluha at hindi umalis sa tabi ng dalawa. Masaya siya para sa kinikilalang ina at para sa babaeng mahal niya. Pagtingin niya kay Cloud ay blangko ang expression sa mukha nito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Maricris Laureta Garnace
woooow thank u author.........
goodnovel comment avatar
Vermie M. Perez
ah c cloud ang tatapos kay lucas
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status