PAKIRAMDAM ni Micko ay bigla siyang nauhaw nang malasahan ang mala cherry na labi ng dalaga at maamoy ang mabangong hininga na nagmumula sa hininga ng kahalikan. Marami na siyang nahalikan at naangkin ngunit hindi niya naramdaman kung ano ang nadarama ngayon kay Angel. Nang maramdamang walang pagtutol mula sa dalaga, maingat niyang kinabig ang batok nto upang palalimin pa ang halik na iginagawad dito. Hindi niya inaasahan na marunong itong humalik kung kaya ganoon na lang ang gulat niya nang gumanti ito ng halik sa kanya."Nagulat ka ba dahil marunong akong humalik?" Mapakla ang ngiting sumilay sa labi ni Ange. Nasa tinig niya ang galit at pananabik sa kaharap. Ngayon niya nakumpirma kung bakit ganoon na lang ang tibok ng kanyang puso sa tuwing kaharap ito. Kanina habang kahalikan ito ay pasimple niyang kinapa ang dibdib ng binata kung saan nakalagay ang marka bago sila nagkahiwalay noon."Saan at paano mo ito natutunan?" Nasa tinig din ng binata ang galit. Isipin pa lang niya na pin
NANG gabing ding iyon ay tinawagan ni Micko si Cloud upang pormal na ipakilala si Angel, bilang si Mae na kasamahan nila noon."Anong oras daw siya darating?" Naiinip na tanong muli ni Angel sa binata."Tsss! Pang ilang tanong mo na iyan? Alam mo na ang mukha niya kaya huwag-excited na makita siyang muli!" Hindi na napigilan nito na magsungit sa dalaga dahil nakakaramdam siya ng panibugho. Ni hindi niya nakitaam ito ng saya nang ipakilala niya ang sarili dito kanina. Pero pagdating sa pinsan niyang hilaw ay masaya ito at nagagalak pa na makita agad ang huli."Bakit ba ang sungit mo?" nakasimangot na ani Angel sa kaharap. Kanina pa siya naiilang sa paraan ng titig nito sa kanya. Pilit na lamang niyang ibinaling ang isip sa paghaharap nila muli ni Lights."Ipaalala ko lang sa iyo na bawal ka ng tumingin sa iba."Napaawang ang bibig ng dalaga habang nakatingin kay Micko. "At sino ka para pagbawalan ako?" Sikmat niya sa binata na akala mo ay isang Greek God na nakatayo sa kanyang harapan
"Pangako na wala nang makapanakit pa sa iyo mula ngayon. Pagkatapos ng misyong ito ay ibibigay ko sa iyo ang lahat upang tabunan ang masamang nakaraan na dinanas mo." Bulong ni Micko sa tainga ng dalaga at dahan-dahang gumapang ang bahagyang nakabuka na labi sa leeg nito. Sinamyo ang halimuyak ng amoy nito at dinampian ng magaan na halik ang bawat madaanan ng kaniyang labi."Kiko!" tanging namutawi sa labi ng dalaga at biglang na blangko ang kaniyang isipan. Sa halip na itulak ang ulo nitong nasa kaniyang leeg ay naipilig pa niya ang sariling ulo bilang pagpaubaya.Nahigit ni Mae ang sariling hininga at bumilis ang pintig ng kaniyang puso nang maramdaman ang pagdiin ng halik ng binata sa kaniyang leeg. Para itong lobong gutom at sabik na matikman ang kaniyang laman. Kusang tumaas ang kaniyang dalawang kamay mula sa balikat ng binata papunta sa batok nito. Ang isang kamay ay napasabunot sa maiksi nitong buhok nang tumaas pa ang halik nito sa kaniyang panga. Hindi na rin niya maitago an
"Kailangan maghanda ang lahat bukas at huwag ihiwalay ang headset sa katawan upang hindi mawala ang communication sa bawat isa." Anunsyo ni Micko matapos na maklaro ang plano ni Lucas sa pagpaslang sa kanya bukas.Kasama na ni Mae si Dark pagbalik sa tinutuluyang bahay dahil diskumpyado si Lucas na hindi niya magawa ang pinagagawa nito sa kanya. Naawa siya sa kasama dahil naging isip bata ito minsan dala marahil ng malakas na pagka umpog ng ulo nito noon at ang tinururok pa na gamot dito ni Lucas."Tawagan mo na." Utos ni Dark sa kanya na tila naiinip. Si Micko ang tinutukoy nito upang e-set ang date sa hotel. Ni-loud speaker pa niya ang cellphone upang marinig nito."Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon dahil pinagbigyan mo rin ang paanyaya kong date sa iyo!" Masiglang sagot ni Micko mula sa kabilang linya matapos sabihin ni Angel ang nais."Pero gusto ko ay sa hotel, "pinalambot ni Mae ang tinig at nasa boses niya ang tila nahihiya sa kanyang mungkahi."Walang problema, kahit
IBA talaga ang tama ng halik sa kaniya kapag ang dalaga ang kahalikan. "I love you!" anas ni Micko sa pagitan ng halikan nila ni Mae. Nadadala siya sa bugso ng damdamin para sa dalaga. Naging mapusok at mapaghanap ang halik na iginawad niya dito habang kabig sa batok ang dalaga."Ehem!" Malakas na tikhim ni Cloud mula sa headset ang siyang nagpabalik sa katinuan ng isip ni Micko. Kamuntik na siyang makalimot na nasa misyon sila at malagay sa panganib ang buhay ng isa sa kanila kapag nasira ang plano."Sorry," ani ni Micko at dahan-dahang pinakawalan ang batok ng dalaga. Pero para sa mga kasama ang paghingi niya ng apology.Maging sina Cris at Amalia ay rinig ni Micko na kinikilig dahil narinig din ang pagkumpisal niya ng pag-ibig kay Mae. Nakasimangot na pinandilatan ni Mae ng mga mata si Micko. Alam niyang tulad niya ay may nakakarinig din mula sa kampo nito sa mga pinag-uusapan nila."Focus," seryusong paalala ni Cloud sa kaibigan.Naudlot ang pagsuot ni Dexter ng headset nang t
"ANO ang nangyayari diyan?" galit na tanong ni Lucas sa tauhan nang biglang dumilim ang buong building ng isang hotel. Hindi pa iyon ang oras kaya nagtaka siya."Boss, na stock kami dito sa loob ng elevator." Sagot ng isa sa tauhan."Patalim ang gamitin ninyo sa pagkakataon na ito at patayin ang lahat ng gustong humarang at hanapin sina Raiko!" nangangalit ang bagang ni Lucas dahil sa galit. Nanigas si Mae sa kinatayuan pagkarinig sa utos ni Lucas. Mukhang nakatunog na ito at hindi niya alam kung sino ang sumabotahe sa kuryente."Micko, kailangan niyo nang lumabas bago pa makaalis ang limang lalaki sa loob ng elevator." utos ni Kailani na siyang nag-off sa sa power ng kuryente.. Ano mang oras ay kusang babalik ang power dahil automatic na papalit ang generator nang naturang hotel.Iyon na lamang ang naisip nila ni Sasha upang mapigilan ang madugong labanan at maitakas ang kanilang subject. Nag-panic ang ilan sa staff at natakot ngunit nanatili sa pinagtataguan."Copy!" tugon ni Micko
"General Max," mabilis na sumalubong ang isa sa nakakataas na opisyal kay Max at sumaludo. "Ano po ang ginagawa ninyo dito?" "Ako ang dapat magtanong niyan sa iyo, bakit narito ka kasama ng ilang taohan mo?" balik tanong dito ni Max."May nagbigay nang imporma sa nakakataas sa akin na may illegal instruction na nagaganap dito ngayon. At mukhang tama ang hinala dahil may natagpuang tao na walang malay sa loob at may sumabotahe pa sa kuryente kanina." Kumpiyansadong wika ng lalaki habang nakangisi.Nakangisi rin na sumagot si Max sa lalaki. "Matalino ang may hawak sa iyo, pakisabi sa kanya na nalalapit na ang paghaharap namin.""Makakarating, General." Ngumiti ito ng nakakaloko bago tumalikod kasunod ang mga lalaking armado na nakitang umaaligid sa paligid kanina. Hindi maaring pumasok sina Max at mag-imbistiga rin dahil nauna na ang team na kanyang katunggali sa katungkulan. Si James, Jeydon at Dexter ang humarap sa mga ito upang makalabas sina Micko, Cloud at Angel nang hindi mapan
NAPAILING na lamang si Micko nang inirapan siya ng dalaga. Muling bumalik sa kaniyang isipan ang alaala nila noong teenager pa sila. Ganitong-ganito ito, kung nakakamatay lang ang irap nito ay baka noon pa siya patay. Pero ito ang nakakamatay na feeling heaven lalo na ngayong malinaw na sa kaniya ang dahilan ng pagkakaganoon ng dalaga."Hey!" Maagap na humarang si Micko sa daraanan ng dalaga. "Not now, My Angel! Hindi ako makakapayag na talikuran mo ang aking puso sa pagkakataong ito."Tumaas ang kilay ng dalaga at lumaban ng titig sa kaharap. "Parte rin ba iyan ng kasabihan na tulak ng bibig, kabig ng dibdib?" Nang-iinsultong tanong niya sa binata dahil hindi siya naniniwala na siya ang tinitibok ng puso nito."Yes!" matatag na sagot ni Micko habang hindi hinihiwalay ang tingin sa mata ng dalaga. Sinapo niya ang baba nito nang tangkang iiwas na naman ng tingin sa kanya. "Lahat ng lumalabas sa bibig ko ukol sa tunay kong damdamin sa iyo ay kabig iyan sa aking dibdib." Nakaturo ang is
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l