Share

Book 5: Chapter 16-Tagisan ng lakas

"Ahhhh... Ashton!" Hiyaw ni Yvonne nang magpaputok ng baril si Philip. Tinaman sa balikat ang binata at nabitiwan nito ang hawak na baril.

"Gago! Purohan mo!" bulyaw ni Meynard kay Philip.

"Kung ikaw kaya ang purohan ko?" Galit na baling nito sa kaibigan. Kanina pa siya naririndi sa tawa nito na parang baliw.

Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Meynard nang sa kaniya na nakatutok ang hawak na baril ng kaibigan. Alam niyang napipikon na ito sa kaniya kaya itinaas niya ang isang kamay na hindi nakahawak sa dalaga.

Kahit sugatan ay hindi iyon ininda ni Ashton. Mabilis niyang dinambahan ang lalaki na hindi na nakatingin sa kanya ngayon.

"Laban, pare, sige paduguin mo pa ang sugat niya!" pangche-cheer ni Meynard sa kaibigan. Tuwang-tuwa siya sa nakikitang laban ng dalawa.

Ang matandang doctor ay pagapang na umalis sa kinasadlakan at nilapitan ang anak sa kabilang kama. Nag-iingay ang aparato na nakakabit sa katawan nito hudyat na nawawala ang pintig ng puso. Para na rin itong nababaliw at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status