"Kuya!" Patakbong lumapit si Zahara sa kapatid at mahigpit na yumakap."Arghhh! Ang sugat ko!" daing ni Ashton nang masagi nito ang sugat niya sa braso."Opps, sorry, Kuya!" Malapad ang pagkangiti na ani Zahara sa kapatid. Lingid sa kaalaman ng pamilya niya, nagkakilala na sila ng kapatid dahil hindi siya tumigil hangga't hindi ito nakilala.Nagulat pa ang ama nila na magkakilala na silang dalawang magkapatid. "Maging ang anak mong babae ay hindi rin namana ang ugali m,." tonong nang-aasar na ani ni Ashton sa ama. Gusto niya lang makita nito ang panahon na sinayang kung hindi lang ito naging duwag. Pero nagtataka siya kung saan galing ang pagkapareho nila ng ugali ng kapatid. Ang ugaling hindi basta susuko at hindi titigil hangga't hindi naabot ang nais makamit sa buhay. Makulit din siya lalo na kapag gusto niya ang isang taong kausap."Masaya ako at hindi niyo namana ang kaduwagan ko. Salamat at nagkakilala na kayo at nagkasundo." Naluluha na amindo si Jessie sa paratang sa kaniya n
MULING umani ng award at papuri ang ahensya ng Eagle's Wings Secret Agency nang malutas ang kaso sa pangunguna ni Ashton Montis. Umiiyak ang pamilya ni Irish at nagpasalamat sa kanila dahil nabigyan na rin ng hustisya ang pagkamatay nito. Ikinulong si Meynard sa mental hospital bago ito ililipat sa piitan dahil nabaliw sa paggamit ng bawal na gamot. Si Philip ay patay na at abswelto si Ashton sa kasong pagpatay dito bilang self defense. Ang matandang doctor ay inako ang kasong pagpatay sa mga pasyente para sa anak. Ang huling biktima ng mga ito ay hindi na naagapan at pumanaw na rin nang araw na iyon dahil nagdurugo ang ulo na umabot sa utak."Mabuti naman at naabutan pa kitang buhay." Pabirong bati ni Jeydon sa kaibigan. Hindi nila natapos ang dalawang buwang bakasyon at second honeymoon na rin dahil sa masamang balita na nakarating sa kanya. Hindi pa nakahuma si Ashton sa biglaang sulpot ng kaniyang best friend nang ang asawa naman nito ang sumugod sa kaniya."Ashton, Babe!" Patak
Madaling araw na nang makadaong ang barko sa terminal ng Batangas kung kaya isinama muna siya ng binata sa condominium nito. Pumayag siya dahil naroon umano ang ina nito at makasama niya sa silid. Ang silid na ginagamit ng ina nito ay ang dating silid ni Jeydon."Hindi ba nakakahiya kung istorbohin natin ang tulog ng iyong ina?" may pag-alinlangan na aniya."Huwag ka nang mahiya kay mama, "saway niya sa dalaga habang hawak ang kamay nitong naglalakad papunta sa silid ng ina.Natigil sa ere ang kamay ni Ashton at hindi naituloy ang pagkatok sa pintuan nang maulinigang may nag-uusap sa loob. Idinikit pa niya ang tainga sa pinto upang klarong marinig."Jessie!"Napakurap ang binata at biglang inilayo ang tainga sa pintuan nang marinig ang pagtawag ng ina sa panglan ng kaniyang ama at may kasama pang ungol."Bakit?" pabulong na tanong ni Yvonne mula sa likuran ng binata."Sa silid ko na lang ikaw matulog, Labs." Kumakamot sa batok na turan nito."Hindi pwede, baka makita ako ng mama mo ro
"HUMANAY sa tatlong linya!" sigaw ng lalaking naka itim sa sampung kabataan na naka suot din ng itim. Anim na lalaking labindalawang taon ang edad at apat na kababaihan na kaedaran lang din ng iba pa.Mula sa isang hanay ay pilit na kino-control ni Kiko ang takot na namamahay sa musmos niyang damdamin. Dalawang buwan na rin mula nang mapadpad siya sa lugar na iyon kasama ng ilan pa. Hindi niya makilala ang ilan sa kasamahan, tulad niya ay may takip din ang mga mukha at tanging mata at bibig ang makikita. Kailangan nilang sumunod sa pinagagawa ng mga taong dumukot sa kanila upang hindi na muli makatikim ng parusa. Hindi niya alam kung saang lugar sila naroon ngayon. Napapalibutan ng puno at mataas na bakod ang paligid ng malaking bahay."Hawakang mabuti ang espada!" sigaw muli ng lalaki na siyang ikinapitlag ni Kiko at ng katabi niya na nakilala sa pangalang Lights."Sa grupong ito, walang dapat kayong kilalaning kaibigan! Ituring ninyo na kaaway ang bawat isa!"Napatingin si Kiko sa k
NAHATI sa dalawang grupo ang kabataan kinabukasan. Ngayon susubukan ang lakas at liksi nila sa pakipag tunggali sa kalaban. Sa kasamaang palad ay napunta sa kabilang grupo si Raiko at Mae kung kaya makakalaban nila ni Lights ang mga ito. Hawak nila ng mahigpit ang stick na kawayan na nagsisilbing armas nila. Kailangan nilang magsanay humawak niyon umano at isiping espada ang hawak na nakakamatay. Agad na pumorma si Kiko bilang paghahanda sa pag-atake ni Raiko. Bawat galaw ng isang paa nitong pumaikot ay kaniyang minamatyagan. Masasabi niyang magaling na ang babae dahil matagal na rin itong nagsasanay. Ang advantage niya lang ay isa siyang lalaki. Ayaw niyang manakit ng babae pero wala siyang magagawa kundi gawin ang labag sa kaniyang kalooban."Argh!" Daing ni Kiko nang tamaan siya ni Raiko sa binti. "Lumaban ka at huwag maawa sa akin!" Galit na bulyaw nito sa kanya dahil puro iwas lang ang ginagawa niya upang hindi ito masaktan.Umiling siya na ikinagalit lalo ng babae. "Gago! Mama
"BAKIT narito ka sa labas?" nagtataka na tanong ni Dexter kay Micko nang makita ito roon bago pa man makarating sa kanyang opisina."Natutulog pa si Cloud, alam mo naman na kaunting ingay lang ay nagigising iyon.""Ginawa niyo ng hotel itong opisina ah." Biro ni Dexter sa kanyang kaibigan. Dumiritso na muna siya sa conference room kasunod si Micko."Nakakapagod din bumeyahe pauwi, isa pa ay wala namang dapat uuwian o naghihintay sa bahay katulad ninyo nila James." Pahintamad itong umupo sa isang upuan.Matiim na tinitigan ni Dexter ang kaibigan bago binuksan ang sariling laptop. "Sigurado ka ba na iisang tao ang gumagawa nitong kaso sa ngayon at noon?" tanong niya kay Micko habang binabasa ang report na nasa files."Malakas ang kutob ko na muli na naman silang kumikilos para sa illegal na gawain nila. Alam ko na buhay siya at ang ilan sa kasama nito noon." Kumpiyansadong tugon ni Micko sa kaibigan."Kailan mo simulan ang pagturo sa ating Jr Eagles tungkol sa paghawak ng espada?""Ngay
"MATA pa nga lang ang nakikita ko sa iyo ay ang pangit mo na, paano pa kaya kung buong mukha na?" mapang asar na ani ni Mae kay Kiko nang tuksohin siya nito na may gusto umano siya dito."May kasabihan nga na tulak ng bibig, kabig ng dibdib." Kumindat pa ang binatilyo sa dalagita. May tatlong taon na rin sila magkakasama at nakasanayan na niyang tuksohin ito para sa kanyang sarili."Baka nakalimutan mo na bibig lang ang mayroon tayo dito?" nang-uuyam na tugon ni Mae.Natigilan si Kiko, kapag ang dalagita ang kanyang kaharap ay pansamantala niyang nakakalimutan na abnormal ang kanilang buhay ngayon. Nakaingos na tinalikuran siya nito nang hindi na siya nakapagsalita. Hanggang ngayon ay kumikirot ang likod niya tuwing mabugbog iyon sa kagagawan din ng babae na hayagan ang pagpapakita ng disgusto sa kanya. Hindi niya alam kung bakit galit ito sa kanya gayong ginagawa naman niya ang lahat upang mapalapit dito. Umiiwas na rin siya kay Raiko dahil lalo lamang siya pinag-iinitan ng huli kap
NABAWASAN na rin ang tauhan na bantay sa paligid dahil nasugatan nila ang karamihan. Kasabay ng putok ng baril na hudyat na umpisa na ng second round na laban ay ang mahinang pagsabog din ng tangke sa kusina."Boss, may sunog!" sigaw ng isang tauhan nang makita ang apoy sa loob ng bahay."P*tang i*a, may nagbabalak na naman na tumakas! Akin na ang remote at patayin ang apoy!" Labasan ang litid ng ugat sa leeg na bulyaw ng kanilang pinuno sa mga tauhan."Hawak ni Darwin ang remote kanina, Boss!""Hanapim siya at paslangin!" bulyaw nito muli sa tauhan. Nagkagulo na ang kanyang mga bisita. Natakot na masunog kung kaya kanya-kanya na ng alis at labas ng building. Ang ilan sa tauhan ay abala na sa pag-apula ng apoy."Habulin ang mga bata at paslangin kung kinakailangan!" Galit na utos muli ng pinuno sa tauhan nang makita na mabilis ding lumabas ng trangkahan ang lima. Ang tatlo ay na agapan na mahuli at pansamantala nilang itinali sa mga puno."Bilis!" sigaw ni Darwin sa lima nang biglan