Share

Chapter 49: Detective Anthony Vann

“SINO KA? ANONG ginagawa mo rito? Nasaan sina mama at papa? Umalis ka! Umalis ka, hindi kita kilala!”

Tila pinagsakluban ng langit at lupa si Cathy nang marinig ang mga iyan sa Kuya Carlos niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na dahil sa concussion ay nagkaroon ito ng amnesia na maaaring tumagal ng maraming taon. Sabi ni Dr. Paxton, may retrograde amnesia si Carlos—ito iyong klase ng amnesia kung saan nakalimutan ni Carlos ang mga memorya niya pagkatapos nitong masangkot sa aksidente. Pero masuwerte raw ito dahil naalala nito ang mga magulang nila, pero siya ay hindi. At sinabi pa sa kaniya nito na hindi magiging madali ang proseso upang bumalik ang memorya ng Kuya Carlos niya.

Masaya siya dahil buhay ito—subalit malungkot siya sapagkat nakalimutan na siya nito. Hindi na alam ni Cathy ang kaniyang gagawin. Ilang oras na siyang umiiyak at nakaupo lang sa lobby ng ospital.

“I've heard the news.”

Mabilis na napa-angat ng mukha si Cathy nang marinig iyon. At agad na nandilim ang mukha niy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status