“...AND THEY LIVED happily ever after.”Papikit-pikit na itiniklop ni Phoenix ang libro bago bumaling kay Parker. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mukha niya nang makitang natutulog na ang anak. Siniil niya ito ng halik sa noo bago lumabas ng silid nito.Inaantok na siya kaya napagpasyahan na ni Phoenix na magtungo sa kaniyang kuwarto nang marinig niya ang pagbukas ng main door ng bahay nila. Sinilip iyon ni Phoenix at napakunot-noo siya nang makitang lumabas si Laura.“It's 10 P.M, what is she doing outside?”Tila nawala ang antok niya ng sandaling iyon at naalala niya pa iyong sinabi ni Anthony kanina kaya bumaba siya upang sundan si Laura. Dinako agad niya ang pinto at nang buksan niya iyon, nakita niya si Laura na naglalakad na papalayo.“Laura!” tawag niya rito.Huminto ito at humarap sa kaniya. “Phoenix? Gabi na, a-akala ko tulog ka na,” gulat na sambit nito.Naglakad si Phoenix palapit sa babae at luminga-linga. “Where are you going? It's 10 P.M,” aniya rito.Hindi nagsali
“YOU LOOKED… HIDEOUS today.”Napa-angat agad si Phoenix nang marinig iyon kay Miriam. “What did you say?!” “I'm just joking, babe.” At nakangiting kumandong si Miriam sa kaniya. “Ito naman, parang ayaw laging mabiro. I'm just joking, okay? Gusto ko lang makitang ngumiti ka. These past few days kasi, ni hindi kita nakitang ngumiti…” anito pa.Kasalukuyang nasa pool area si Phoenix at nakaupo siya sa sun lounger. Tahimik lang siya kanina pero nang dumating si Miriam, bigla siyang nainis. Gusto niya itong buhatin at ihagis sa swimming pool.“Wala akong time sa mga biro mo, Miriam. Your jokes aren't even funny. It's annoying,” iritadong saad niya. “I'm sorry, okay?” Umalis ito sa pagkakakandog sa kaniya kapagkuwan ay umupo sa tabi niya at niyakap pa siya nito patagilid. “Can I ask something, babe?” nakanguso pang usal ni Miriam na ikinailing na lang ni Phoenix.Kinuha niya ang juice niya at sumimsim doon. “Kapag bumalik si mommy at Parker sa loob, umalis ka na sa tabi ko. Stop pretendin
MALAMLAM LANG ANG ilaw sa living area ng oras na iyon. Nakaupo si Miriam sa sofa habang nakadekwatro at may hawak na kopita na may lamang wine. Sa harap niya, nakatayo si Sigmud habang nakapamulsa, may hawak ding kopita at nakatanaw sa madilim na labas. Nasa penthouse sila ng ProMed Grand Hotel—ang hotel na pagmamay-ari ni Phoenix na under din ng kumpanya nitong ProMed Solutions. “So what's the plan?” panimula ni Sigmud nang humarap ito kay Miriam. Sumimsim si Miriam sa hawak niyang kopita. “Cathy and Phoenix are getting too attached to each other. We need to make a plan or take action to prevent them from becoming close, or else we'll lose.” “Cathy is the one I truly love, so whatever plan you have, I’ll accept it. I’m willing to do anything to separate them…” Inikot ni Miriam ang hawak niyang kopita bago muling sumimsim doon. “We have to know their weaknesses. We can use that to separate them.” Napakunot-noo si Sigmud. “What do you mean? I don't even know Cathy's weak
“SIGURADO KA NA ba rito, Cathy? Puwede ka namang sumama, eh. Paniguradong malulungkot ang mga bata sa probinsya.”Nakangiting tinanguan ni Cathy ang Tita Sylvia niya na kapatid ng mama niya. “Sigurado na po ako, tita. At isa pa, mas safe sila sa probinsya kaysa rito. Sigurado ako na aalagaan sila roon ni Kuya Carlos. Medyo complicated lang po ang sitwasyon ngayon. Gustuhin ko man pong sumama sa kanila pero… pero may trabaho po ako rito.”“Mommy, why aren't you coming with us?” umiiyak na tanong ni Chase.“Chase, I told you everything, right? Mas safe kayo sa malayo. Don't worry, hindi naman ito permanent. It's just temporary. After this, babalik din kayo rito. Don't cry, we can talk everyday through calls, ‘di ba? There's still a way, Chase,” nakangiting sambit ni Cathy pero sa loob-loob niya at nasasaktan siya dahil pansamantala niyang hindi makikita ang mga anak niya.Dahil nagkaroon ng amnesia ang Kuya Carlos niya at hindi pa siya nito maalala, napagpasyahan niya na ipadala muna it
MALINAW NA KAY Cathy ang lahat ngayon. Kailangan na niyang tumigil at bumalik sa normal niyang buhay. Dahil kapag patuloy niya pang iisipin ang mga bagay na iyon, baka tuluyan na siyang masiraan ng ulo.Kakatapos lang ni Cathy sa pag-oopera at ngayon ay pabalik na siya sa kaniyang opisina nang biglang may tumawag sa pangalan niya. Nang balingan niya iyon, napakunot-noo siya nang makita si Sigmud.“Sigmud, what are you doing here?” nagtatakang tanong ni Cathy sa lalaking may dalang kape.Nakangiting lumapit sa kaniya si Sigmud at inabot ang kape. “How are you, Cathy? I'm sorry hindi ako nakadalaw rito sa iyo.”Kinuha ni Cathy ang kape kay Sigmud. “Thanks. It's fine. You don't need to worry about it.”“Hindi ka ba galit sa akin dahil sa nagawa ko nitong nagdaang araw? I… I took Chase.”Nakangiting umiling si Cathy. “Huwag mo nang isipin iyon, Sigmud. But please, remember what I told you. If you want to impress me—”“—don’t do anything like what I did,” nakangiting pagtatapos ni Sigmud n
FIVE YEARS AGO… “If you really want to have your father's company, then do what I say. You already failed me, Phoenix. If you fail me again, the company will no longer be yours!” seryosong turan ni Beatrice sa anak niya na nakatayo sa harap niya. Lumunok si Phoenix. “I had no choice, mom. Cathy wanted to end our marriage, I just did what she wan—” “Enough, Phoenix! Kung ano man ang nangyari sa pagitan niyo ni Cathy, ayoko nang maririnig iyon kahit kailan. What I want you to do is to marry a woman and impregnate her.” Phoenix's eyes widened. “What, mom? You want me to marry a woman and… and make her pregnant?” “Oo, iyon naman ang gusto ko noon pa, ‘di ba? Gusto ko ng apo, kaya kung gusto mong mapasaiyo ang kumpanya, then do it.” Sunod-sunod na lumunok si Phoenix bago nagsalita. “I-I’ll try, mom.” “No, anak, don't try. Do it…” Tumango si Phoenix bilang tugon sa kaniyang mommy. Desidido siyang gawin ang gusto nito dahil ilang taon na niyang pinapangarap na mapasakaniya ang ProMed
ANG PAGKAMATAY NI Beatrice ay lubusang ikinalungkot hindi lamang ng pamilya nito, maski ang mga malalapit at kakilalang tao ay nagdadalamhati rin sa pagkawala nito. Ilang araw na simula nang mawala ito pero wala pa ring buhay ang mansyon ng mga Montgomery. Halos nakakabingi ang katahimikan sa loob at lahat ay malungkot.Walang nangyaring burol dahil nang araw na mawala ito ay cr-in-emate agad ito at ang abo nito ay nakalagay sa urn na makikita sa chapel kung saan madalas ginugugol ni Beatrice ang kaniyang oras upang kausapin ang Diyos.Lubusang dinamdam ni Phoenix ang nangyari. Sa ilang araw na nawala ang mommy niya ay nasa kuwarto lang siya. Halos hindi na rin siya nakakain at nakatulog nang maayos. Minsan, umaga pa lang ay alak na agad ang laman ng tiyan niya.“Babe, puwede bang lumabas ka na riyan sa kuwarto? Halos hindi ka na kumakain. May dala ako, oh. It's your favorite, sushi. Open the door, babe!” hiyaw ni Miriam sa labas habang makailang beses na iyong kinakalampag.Rinig ma
“IF PARKER KNEW something, he would tell you,” turan ni Cathy habang seryosong nakatingin kay Phoenix. Umiling si Phoenix bago umupo sa swivel chair nito. “He's scared. Nang araw na tinanong ko siya, hindi siya makapagsalita nang maayos. He's stuttering. I don't wanna force our son, so I stopped questioning him.” “Then he did know something, and maybe… someone is manipulating him. Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa akin, Phoenix? I am Parker’s mother, which is why I need to know this. Why did it take you so long to inform me?” “I'm sorry, okay? Akala ko kasi maaayos ko na, but until now, hindi pa rin nagsasalita si Parker. Ayoko na ring ipaalala iyon sa kaniya dahil baka kung ano na ang mangyari sa kaniya. Our son is only five years old. Maybe there are things he's afraid of—things we don't get scared of as we grow up.” Mahinang tumawa si Cathy. “You mean is nakakita siya ng multo? He's scared, and he's afraid to tell you. Ganoon b—” “Probably.” “Gosh, Phoenix. Ikaw na ang nagsab