I hope this chapter doesn't confuse y'all. Flashback lang po ito—as stated in the title chapter. I made this chapter to make it clear, and to let you know that Phoenix still loves Cathy. That's it. And don't forget to rate this story and comment. Pa-follow na rin po. Muchas gracias!
ANG PAGKAMATAY NI Beatrice ay lubusang ikinalungkot hindi lamang ng pamilya nito, maski ang mga malalapit at kakilalang tao ay nagdadalamhati rin sa pagkawala nito. Ilang araw na simula nang mawala ito pero wala pa ring buhay ang mansyon ng mga Montgomery. Halos nakakabingi ang katahimikan sa loob at lahat ay malungkot.Walang nangyaring burol dahil nang araw na mawala ito ay cr-in-emate agad ito at ang abo nito ay nakalagay sa urn na makikita sa chapel kung saan madalas ginugugol ni Beatrice ang kaniyang oras upang kausapin ang Diyos.Lubusang dinamdam ni Phoenix ang nangyari. Sa ilang araw na nawala ang mommy niya ay nasa kuwarto lang siya. Halos hindi na rin siya nakakain at nakatulog nang maayos. Minsan, umaga pa lang ay alak na agad ang laman ng tiyan niya.“Babe, puwede bang lumabas ka na riyan sa kuwarto? Halos hindi ka na kumakain. May dala ako, oh. It's your favorite, sushi. Open the door, babe!” hiyaw ni Miriam sa labas habang makailang beses na iyong kinakalampag.Rinig ma
“IF PARKER KNEW something, he would tell you,” turan ni Cathy habang seryosong nakatingin kay Phoenix. Umiling si Phoenix bago umupo sa swivel chair nito. “He's scared. Nang araw na tinanong ko siya, hindi siya makapagsalita nang maayos. He's stuttering. I don't wanna force our son, so I stopped questioning him.” “Then he did know something, and maybe… someone is manipulating him. Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa akin, Phoenix? I am Parker’s mother, which is why I need to know this. Why did it take you so long to inform me?” “I'm sorry, okay? Akala ko kasi maaayos ko na, but until now, hindi pa rin nagsasalita si Parker. Ayoko na ring ipaalala iyon sa kaniya dahil baka kung ano na ang mangyari sa kaniya. Our son is only five years old. Maybe there are things he's afraid of—things we don't get scared of as we grow up.” Mahinang tumawa si Cathy. “You mean is nakakita siya ng multo? He's scared, and he's afraid to tell you. Ganoon b—” “Probably.” “Gosh, Phoenix. Ikaw na ang nagsab
“WAIT, NANANAGINIP BA ako? Is that really you, Cathy?” hindi makapaniwalang usal ni Johanna kay Cathy habang nakatingin sa mukha nitong may malapad na ngiti.Natatawang napailing si Cathy. “Ngayon mo lang ba ako nakitang ganito? Na masaya?”“These past few weeks, oo. Why, Cathy? Napansin ko rin na blooming na blooming ka ngayon. Did something happen? Tell me.”Ngumiti si Cathy kapagkuwan ay naglakad patungo sa kaniyang opisina. Kakatapos lang ng departmental meeting nila. Nakasunod pa rin si Johanna kay Cathy at nang makarating sa opisina, umupo na sila.“Sa tingin ko ito na ang oras para sa pagbabago. Phoenix and I are already okay. Wait, nabanggit ko ba sa iyo na ako ang ina ni Parker at hindi si Miriam?”Agad na napakunot-noo si Johanna. “Wala akong maalala kaya baka nga hindi mo nabanggit. Pero weh? Really? Anak mo si Parker tapos okay na kayo ni Sir. Phoenix? Ay, kaya naman pala masaya ka riyan. What a wholesome moment. So, what will happen next?”Bumuntong-hininga si Cathy. “Ipa
NANINIWALA SI CATHY na hindi kayang gawin ni Phoenix ang ibinibintang dito. Malakas ang paniniwala niya na hindi siya nito kayang patayin. Dahil sa nangyari, kumalat na iyon sa buong ospital, at dahil si Phoenix ang may-ari noon, walang imik ang mga tao roon sa takot na baka mawalan sila ng mga trabaho. Ilang oras na ang nakalipas nang mangyari ang bangungot na iyon kay Cathy. Takot na takot pa rin siya magpahanggang ngayon at hindi siya makausap nang maayos. Wala siya sa huwisyong magsalita o makipag-usap sa kadahilanang lubusan siyang naapektuhan sa nangyari. Isang mabait na tao ang namatay ng dahil sa kape na para sa kaniya dapat. Sinisisi rin ni Cathy ang sarili dahil kung hindi niya ibinigay ang kape sa guard, hindi sana ito mamamatay.“Stop blaming yourself, Cathy,” mahinahong sambit ni Anthony na kakapasok lang ng silid ni Cathy.Pinauwi muna siya ni Mr. Harold dahil hindi rin naman siya makakapagtrabaho. At dahil mag-isa na lang si Cathy sa bahay niya, sinamahan siya ni Antho
“NASAAN ANG ANAK ko?!” nanggagalaiting sigaw ni Cathy habang nanlilisik ang tingin kay Phoenix. “Nasaan si Parker?!” aniya pa habang unti-unti nang namumuo ang luha sa mga mata niya.“My God, Cathy! Huwag ka ngang mag-iskandalo rito. Wala ka sa bahay mo, nasa bahay ka ng iba!” panghihimasok ni Laura habang magkakrus ang mga braso sa dibdib.“Wala akong pakialam sa inyo! Nasaan ang anak ko? Nasaan si Parker?!” patuloy pa rin si Cathy sa pagsigaw ng oras na iyon. “Ikaw, Phoenix! Nawala ang anak ko sa mga kamay mo kaya ikaw ang may dahilan kaya siya nawala. Ipinagkatiwala ko si Parker sa iyo kasi akala ko maaalagaan mo siya nang maayos, pero kasinungalingan lang pala iyon. Pinabayaan mo si Parker! Pinabayaan mo siya!” Doon ay tuluyan nang bumagsak ang luha sa mga mata ni Cathy. Hinayaan niya lang bumagsak ang mga iyon habang nanlilisik pa rin ang tingin kay Phoenix. Walang ibang maramdaman si Cathy ngayon kundi ang sakit sa kaniyang puso sapagkat iniisip niya si Parker. Nawawala ang ana
FIVE YEARS AGO…It was too late to save her. Matapos ianunsyo ni Dr. Salazar ang pagpanaw ni Cathy, naglakad na ito palabas ng kuwarto. Subalit hindi pa man nakakalabas si Dr. Salazar nang biglang magsalita ang isa sa mga nurse na kasama nito sa loob ng silid.“Doc, may kailangan kang makita,” sambit nito.“What's that?”“May dalawa pang bata sa sinapupunan niya,” tugon nito na nagpamulagat kay Dr. Salazar.“How?” aniya.Inangat ng nurse ang kamay nito at nanlaki ang mga mata niya nang makita kung ano iyon. It's an ultrasound. Kinuha niya iyon at tiningnan. At napasinghap na lamang siya nang makita kung ilang sanggol ang nandoon. There are three babies on the ultrasound. How could she not know about this? Well, she was Cathy's OBGYN; however, she abandoned her a few months ago.“Anak… n-nasaan ka na, anak?” Mabilis na pumaling ang ulo ni Dr. Salazar kay Cathy at ganoon na lamang ang gulat niya nang makitang unti-unti nitong iminumulat ang mga mata nito. “B-Buhay siya, doc,” anang nu
“I'M GOING TO find Parker, mom! I will do anything to find your grandson. Trust me, I won't break your promises.”Iyan ang huling lintaya ni Phoenix sa kaniyang mommy. Hinalikan niya muna ang urn kung nasaan ang abo nito bago lumabas sa chapel at nagtungo sa helipad kung saan naghihintay ang helicopter sa kaniya. “Let's go!” aniya bago sumakay sa loob. “I'm coming with you, babe,” anang Miriam na kanina pang hinihintay siya. Tumango si Phoenix kahit ang totoo ay ayaw niya. Inabot na sa kanila ng crew ang helmet at sinuot na nila iyon bago iyon pinalipad ng piloto.Sa Hacienda Montgomery sila magsisimulang hanapin si Parker. Malaki ang hacienda, kaya posible na naligaw lang ito rito. May parte rin doon na gubat kaya naniniwala si Phoenix na baka naliligaw lang ang anak niya.Gamit ang helicopter at searchlight na nagsisilbi nilang ilaw sa ibaba, sinuyod nilang ang buong Hacienda Montgomery. Bawat parte nang natatamaan ng ilaw ay tinitingnan ni Phoenix nang maigi ng sa gayon ay wala
DALAWANG ARAW NA simula nang mawala si Parker pero wala pa ring tigil si Cathy sa paghahanap. Patuloy pa rin siya sa pagbibigay ng flyer na may larawan at impormasyon ng anak niya sa mga tao at nagdidikit din siya sa mga poste. Malaki pa rin ang pag-asa ni Cathy na mahahanap niya ang anak niya. Naniniwala siya na nasa paligid lang ito.“Cathy, ipagpabukas na lang natin ang pamimigay nitong flyer. Kailangan mo ring magpahinga—isa pa, hindi ka pa kumakain simula kaninang umaga. Malapit nang dumilim, oh,” sambit ni Johanna na kasalukuyang kasama ni Cathy.Umiling si Cathy. “Hindi ako titigil hanggat hindi ko nahahanap ang anak ko. Puwede ka nang umuwi, Johanna. Salamat sa pagtulong sa akin. Kaya ko ito,” nakangiting sambit ni Cathy subalit taliwas iyon sa nararamdaman niya ngayon.Masakit pa rin ang puso niya at walang segundong hindi niya inaalala ang anak niya. Nangako siya sa sarili niya na kahit anong mangyari ay hindi siya titigil—mapagod man o magutom siya. Lubusan na siyang nag-aa