Share

Chapter 65: Wrath of the Mother

“NASAAN ANG ANAK ko?!” nanggagalaiting sigaw ni Cathy habang nanlilisik ang tingin kay Phoenix. “Nasaan si Parker?!” aniya pa habang unti-unti nang namumuo ang luha sa mga mata niya.

“My God, Cathy! Huwag ka ngang mag-iskandalo rito. Wala ka sa bahay mo, nasa bahay ka ng iba!” panghihimasok ni Laura habang magkakrus ang mga braso sa dibdib.

“Wala akong pakialam sa inyo! Nasaan ang anak ko? Nasaan si Parker?!” patuloy pa rin si Cathy sa pagsigaw ng oras na iyon. “Ikaw, Phoenix! Nawala ang anak ko sa mga kamay mo kaya ikaw ang may dahilan kaya siya nawala. Ipinagkatiwala ko si Parker sa iyo kasi akala ko maaalagaan mo siya nang maayos, pero kasinungalingan lang pala iyon. Pinabayaan mo si Parker! Pinabayaan mo siya!”

Doon ay tuluyan nang bumagsak ang luha sa mga mata ni Cathy. Hinayaan niya lang bumagsak ang mga iyon habang nanlilisik pa rin ang tingin kay Phoenix. Walang ibang maramdaman si Cathy ngayon kundi ang sakit sa kaniyang puso sapagkat iniisip niya si Parker. Nawawala ang ana
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Josie N. Perez
gandaaaaaa... more updates po plsss...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status