DEAD ON ARRIVAL. Wala nang buhay nang madala si Laura sa ospital. Cardiac arrest ang ikinamatay nito. Ilang araw na ang nakalipas nang malaman ni Cathy na wala na si Laura. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ang isa sa mga kaaway niya. Una, ang mommy ni Phoenix, at ngayon naman ay si Laura. Sa loob ng mga araw na nagdaan, walang araw na hindi napaisip si Cathy. Anong dahilan para biglang huminto sa pagtibok ang puso nito? Walang ibang nakuhang impormasyon si Cathy kaya kahina-hinala para sa kaniya ang biglaang pagkawala ni Laura.Sa loob lamang ng halos dalawang linggo, napakarami nang nangyari. Una, namatay ang mommy ni Phoenix. Ikalawa, namatay ang guard dahil sa cyanide poisoning na hanggang ngayon ay hindi pa rin nalulutas ang kaso. Ikatlo, nawala si Parker at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ito nahahanap. At ika-apat, ang biglaang pagkamatay ni Laura. Nakaramdam ng takot si Cathy para sa sarili niya lalo pa't lahat ng mga nangyari ay related
A FEW HOURS ago…“Huwag po kayong mag-alala, Ma'am Cathy, tutulong po ako sa paghahanap kay Parker. Alam ko pong hindi biro ang pinagdadaanan niyo kaya hayaan niyo po akong tumulong.”Halos magpantay ang mga kilay ni Phoenix nang marinig ang mga iyon kay Lando. Cathy and Lando are talking? Kailan pa? Agad bumakas sa mukha ni Phoenix ang galit ng sandaling iyon kaya dali-dali niyang nilapitan si Lando.“Are you talking to Cathy?!” galit niyang tanong sa butler.Dali-daling pinatay ni Lando ang tawag at humarap sa amo. “A-Ano pong sinasabi niyo, Master Phoenix? W-Wala po akong ala—”Hinaklit ni Phoenix sa kamay ni Lando ang cellphone nito at tiningnan doon ang history. At halos lumuwa ang mga mata niya nang makita ang sunod-sunod na pangalan ni Cathy. “What the hell is this, Lando? I thought… I thoug—”“Let me explain, Master Phoenix. Nagkakamali ka nang iniisip. Nagkakausap kami ni Ma'am Cathy dahil… dahil kay Parker.”Nagtagis ang panga ni Phoenix habang sinubukang pakalmahin ang sa
MATAPOS ANG HALOS isang linggong burol ni Laura, inilibing na rin ito. Wasak ang puso ni Matilda sapagkat hanggang ngayon ay hindi pa rin nito matanggap ang nangyari sa anak—sa tunay nitong anak. Matapos ang libing, bumalik na rin sila Hacienda Montgomery subalit pagbaba nila ng sasakyan, ganoon na lang ang gulat nila nang makitang nasa labas na ang mga gamit nila.“S-Sandali, anong ibig-sabihin nito?” hindi makapaniwalang tanong ni Matilda.“Pinapaalis na po kayo ni Sir. Alfredo. Wala na raw pong rason para manatili kayo ri—”“Hindi ito puwede!” bulyaw ni Miriam kay Helena. “Hindi niyo kami puwedeng paalisin dahil asawa ako ni Phoenix!” dagdag niya pa.“Sinusunod ko lang si Sir. Alfredo,” anang Helena bago tuluyang pumasok sa loob.Pero sa galit ni Matilda, sinugod niya ito at walang pagdadalawang-isip na hinila ang buhok nito palabas. Walang kalaban-laban si Helena ng sandaling iyon. Nang makalabas, itinulak ito ni Matilda sa lapag, inupuan sa tiyan, at walang pakundangang pinagsasa
HINDI PA RIN MAPAKALI si Cathy habang paulit-ulit na iniisip ang sinabi ng daddy ni Phoenix sa kaniya. May kailangan daw siyang malaman pero bigla namang namatay ang tawag. Ilang oras na ang nakalipas nang tumawag ito pero hanggang ngayon ay ito pa rin ang bumabalot sa utak niya.“C-Cathy…” Mabilis na napalingon si Cathy at napangiti siya nang makitang nakamulat ang mga mata ni Sigmud. Lumapit siya rito.“How's your feelings, Sigmud? Gumising ka kaninang umaga pero nakatulog ka rin agad. Gutom ka na ba? Tell me para makabili ako ng pagkain.”Umiling si Sigmud kapagkuwan ay ngumiti. “Kumusta ka, Cathy? H-Hindi ka ba nasaktan? H-Hindi ka ba sinugod noong lalaki?” sunod-sunod at nag-aalalang tanong ni Sigmud.Bumuntong-hininga si Cathy bago umupo sa upuang nasa tabi niya. “I'm fine, Sigmud. You don't need to worry about me. Ikaw nga dapat ang alalahanin ko, eh. Look at you now, puro pasa ang katawan mo. Putok pa iyang mga labi mo. Sino ba ang gumawa nito, Sigmud?” nag-aalalang turan ni
“...AND I FOUND him inside the walk-in closet, unconscious. When I saw Parker, I immediately called Phoenix because I didn’t know what to do in that moment. I froze, scared and devastated by what had happened to Parker…” patuloy na salaysay ni Miriam sa mga pulis.Kasalukuyan silang nasa labas ng ICU at kinukuhanan sila ng statement.“May nakapag-lead po ba sa inyo na nandoon ang bata o aksidente niyo lang siyang nakita?” tanong ng isang pulis kay Miriam.Bumuntong-hininga si Miriam. “Wala na ang gumawa nito kay Parker,” sagot nito na ikinakunot-noo nilang lahat.Maski si Cathy ay napakunot-noo ng sandaling iyon habang nakatingin sa direksyon ni Miriam na nakapulupot ang braso sa braso ni Phoenix.“Sinasabi niyo po ba na nalaman niyo sa taong iyon kung nasaan ang bata?” Tumango si Miriam kaya nagpatuloy ang pulis sa pagsasalita, “Maaari po ba naming malaman kung sino ang nasa likod nang pagdukot sa bata?” Tumango si Miriam bago sandaling binalingan si Phoenix kapagkuwan ay ibinalik an
DALA ANG SUSHI, bumaba si Cathy sa kaniyang sasakyan at naglakad papasok sa Montgomery Medical Center. Binabaybay na niya ang daan patungo sa private room ni Parker nang biglang may tumawag sa pangalan niya mula sa likuran. Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Cathy at hinarap ito. It's Miriam.“Kung gusto mong makipag-away, not this time, Miriam. Wala akong panahon para makipagtalo sa iy—”“Hindi iyan ang ipinunta ko rito, Cathy,” mahinahong saad nito habang kalmado ang tingin nito sa kaniya kapagkuwan ay bigla na lang itong lumuhod. “Nagmamakaawa ako, Cathy, hayaan mong makita ko si Parker. Gusto ko siyang makita at mayakap. I know I'm not his real mother, but I consider him my child—not biologically, but in my heart...” pagmamakaawa nito bago tuluyang dumausdos sa mga mata nito ang luha.Pero hindi man lang nakaramdam ng awa si Cathy ng sandaling iyon habang pinagmamasdan ang dati niyang kaibigan na ngayo'y nakaluhod sa harap niya habang nagmamakaawa. Mas lalo lang siyang nagalit dito
SA LOOB NG boardroom kung saan matatagpuan ang matataas na opisyal ng ProMed Solutions—abala sila para sa kanilang quarterly financial review meeting. Nakapaligid sila sa conference table habang may mga hawak na folder kung saan tinitingnan nila ang financial reports at projections ng kumpanya sa loob ng tatlong buwan.“Our revenue has exceeded our expectations this quarter. We must discuss potential reinvestment strategies,” saad ng isa sa mga board member.Tumango si Phoenix at binuklat ang dokumentong hawak niya. “I agree, it's unbelievable. But first, let’s dive into the summary of our overall performance and net worth.”Tumango ang mga kasamang opisyal ni Phoenix kaya naman nagpatuloy siya sa pagbabasa ng dokumento. Sinuri niya ang summary report, napahinto siya, at tiningnang mabuti ang nakita niya.“Hold on… this can't be right…” hindi makapaniwalang saad ni Phoenix bago binalingan ang CFO na si Evelyn.Natahimik ang bahagyang maingay na silid dahil sa pag-uusap ng mga opisyal
“WELCOME BACK, PARKER!” ‘Pagkapasok pa lang ni Parker sa pinto ng mansyon ay bumungad agad dito si Alfredo kasama ang mga katulong at si Miriam na may hawak ng banner kung saan nakasulat doon ang kanilang tinuran. Binitiwan ni Miriam ang hawak at dali-daling nilapitan si Parker. Samantalang sina Manang Helena ay kinuha ang mga gamit ni Parker na dala ng dalawang kalalakihang kasama ng mag-ama. Ngunit hindi pa man nakakalapit si Miriam kay Parker nang pigilan siya ng dalawa. “Kahit ngayon lang, Phoenix,” pakiusap ni Miriam kay Phoenix na kasalukuyang nakatayo sa likod ng anak. Bumuntong-hininga si Phoenix bago sinenyasan ang dalawang lalaki na hayaan si Miriam. Nag-uumapaw na lumapit si Miriam kay Parker at niyakap ito nang mahigpit. “Thank God, nakabalik ka na rito. Miss na miss na kita, Parker. Gusto mo ba ng sushi, gumawa kami nina Manang Helena, magugustuhan mo iyon,” tuwang-tuwang usal ni Miriam nang humiwalay siya sa bata. “He has already eaten. Kumain muna kami bago umuwi,