“WELCOME BACK, PARKER!” ‘Pagkapasok pa lang ni Parker sa pinto ng mansyon ay bumungad agad dito si Alfredo kasama ang mga katulong at si Miriam na may hawak ng banner kung saan nakasulat doon ang kanilang tinuran. Binitiwan ni Miriam ang hawak at dali-daling nilapitan si Parker. Samantalang sina Manang Helena ay kinuha ang mga gamit ni Parker na dala ng dalawang kalalakihang kasama ng mag-ama. Ngunit hindi pa man nakakalapit si Miriam kay Parker nang pigilan siya ng dalawa. “Kahit ngayon lang, Phoenix,” pakiusap ni Miriam kay Phoenix na kasalukuyang nakatayo sa likod ng anak. Bumuntong-hininga si Phoenix bago sinenyasan ang dalawang lalaki na hayaan si Miriam. Nag-uumapaw na lumapit si Miriam kay Parker at niyakap ito nang mahigpit. “Thank God, nakabalik ka na rito. Miss na miss na kita, Parker. Gusto mo ba ng sushi, gumawa kami nina Manang Helena, magugustuhan mo iyon,” tuwang-tuwang usal ni Miriam nang humiwalay siya sa bata. “He has already eaten. Kumain muna kami bago umuwi,
“YOU DON'T NEED to do this, Sigmud,” sambit ni Cathy habang naglalakad silang dalawa ni Sigmud patungo sa opisina niya.Dala-dala ni Sigmud ang bag niya ng sandaling iyon pero hindi iyon ang tinutukoy niya. Ang tinutukoy niya ay ang paghatid nito sa kaniya rito sa ospital at nagbilin pa ito na ito na rin ang kakaon sa kaniya mamaya. Ilang araw na rin ang makalipas nang mabugbog ito at maayos na ang kalagayan nito kaya nakakagalaw na ito—ito nga, hinatid pa siya.Hindi naman sa tutol si Cathy sa kabutihan ni Sigmud, ayaw lang niyang ipamukha sa mga mata ng tao na mahaba ang buntot niya. “I need to protect you, Cathy. Please, stop saying that,” tugon ni Sigmud sa kaniya kapagkuwan.Nang makapasok sila sa opisina, dumiretso si Cathy sa kaniyang desk. Sumunod naman si Sigmud at ipinatong ang bag niya sa lamesa.“I don't need protection,” nakangiting wika ni Cathy.Umiling si Sigmud. “I don't think so, Cathy. Miriam is still here, she's dangerous. Baka saktan ka niya kaya poprotektahan k
“YOU’RE VERY BEAUTIFUL, Cathy…” Napangiti si Cathy nang biglang sabihin iyon ni Sigmud habang nakatayo ito sa likuran niya at isinusuot ang kuwintas sa kaniyang leeg. Kitang-kita ni Cathy ang sariling repleksyon sa harap ng salamin. Sa loob ng mga taong lumipas, ito yata ang unang pagkakataon na nag-ayos siya ng ganito. Suot niya ngayon ang silver mermaid gown at kumikinang-kinang pa iyon dahil sa mga sequin na nakatahi sa mismong tela ng gown niya. Open-toe heels naman ang sapin niya sa kaniyang mga paa. “Pagpasok mo pa lang sa red carpet, ikaw agad ang magiging sentro ng atraksyon,” mayamaya pa'y wika ni Sigmud.Nakangiting humarap si Cathy rito. “Bakit naman?” tanong niya.“Cathy, tinatanong pa ba iyan?” Ngisi ni Sigmud bago nagpatuloy sa pagsasalita, “Napakaganda mo kaya ngayon. Your gown highlights your curvy body. Maraming titingin sa iyo, iyong iba, pagnanasahan ka pa. Kung ipinagalaban mo lang na dapat kasama ako, hindi ka sana mag-isang pupunta roon.”“Hindi naman siguro g
NAPUNO NANG PALAKPAKAN ang buong ballroom nang tawagin ng host ang pangalan ni Phoenix. Nakangiti itong tumayo at humalik muna sa anak bago umakyat sa stage upang magbigay ng speech nito nang ianunsyo na isa na itong bilyonaryo.Tinanggap ni Phoenix ang isang tropeyo bilang pagkilala sa tagumpay nito bago lumapit sa lectern. “Wow, this is unbelievable,” hindi makapaniwalang sambit ni Phoenix habang namamasa ang mga mata. “For some reason, I feel like this is just a nightmare. It’s been more than a week since I realized that I’m now a billionaire. When I saw that my net worth had surpassed a billion pesos, I could only think of one thing—and that’s my father. Without him, none of this would have been possible…” wika pa ni Phoenix. “Hey, dad, can you please stand up and wave at them?” pakiusap niya pa sa daddy niya.Tumango si Alfredo at tumayo saka kumaway sa mga tao. Napuno muli nang palakpakan ang ballroom. Nang bumalik si Alfredo sa pagkakaupo, nagpatuloy si Phoenix sa pagsasalita.
ILANG ARAW NA nang matapos ang gala pero magpahanggang ngayon ay hindi pa rin makalimutan ni Cathy ang inakto ni Miriam. Isa lang ang malinaw sa kaniya ngayon, baliw na ito. Hindi normal ang galaw nito—baka nga pati ang utak. Ibang Miriam ang nakausap niya nang gabing iyon kaya malakas ang kutob niya na baliw na ang babaeng iyon.“Mommy, can I come with you?” mayamaya pa'y untag sa kaniya ni Parker.Ngumiti si Cathy sa anak. “Baby, I told you, you can't. Napag-usapan na natin ito, ‘di ba?”Nasa pangangalaga niya si Parker ngayon. Matapos ang isang linggo kay Phoenix, siya naman ang nag-alaga rito. Salitan silang dalawa ni Phoenix, linggo-linggo nila hinahati ang pag-aalaga sa kanilang anak.“Pero kapag si daddy po, anytime ay puwede po akong pumasok sa ospital,” nakangusong sambit ni Parker bago bumakas sa mukha nito ang kalungkutan.Ngumiti si Cathy. “Magkaiba kasi kami ng daddy mo, Parker. I'm a doctor there, right? I work at the hospital all day. Meanwhile, your daddy is usually th
“KUNG MAHAL KO man si Sigmud, I don't think you care about i—”“I care about it because I love yo—”“But I don't.”Umiling si Phoenix. “Cathy, you trusted the wrong man. Trusting Sigmund was the biggest mistake you've ever made in your life. And... I can prove it to you.”Mahinang tumawa si Cathy. “No, Phoenix. Wala kang dapat patunayan sa akin. I know Sigmud, I know him very well. Huwag mo nga siyang siraan sa akin. He's such a good man. Alam mo ba, siya ang katuwang ko sa pag-aalaga kay Parker. Whenever I see him playing with my son, I can only think of one thing—Sigmund is the man I should trust, not you.”“Well enough to know his dark side, huh? And what did you say, Sigmud has been taking care of my son? Is he living with you?” Bumakas ang gulat sa mukha ni Phoenix ng sandaling iyon.“May problema ba roon? Anak ko rin si Parker, at wala akong nakikitang problema kay Sigmud sa tuwing inaalagan niya ang anak ko. I told you, Sigmud is a good man… he's an ideal man. At kahit anong sa
ALAS-OTSO NA NG gabi kaya naghanda na si Cathy na umuwi. Nag-ayos na siya ng mga gamit niya bago naglakad palabas ng ospital. Ngunit hindi pa man siya nakakalabas nang biglang bumungad sa harap niya si Sigmud.“Tatawagan pa sana kita pero nandito ka na pala.”“Let's go, Cathy.”Nakangiting hinawakan ni Sigmud ang kamay niya at hinila siya palabas. Naguguluhan si Cathy ng sandaling iyon Ngunit imbes na pigilan ang lalaki, hinayaan niya lang ito hanggang sa makarating na silang dalawa sa sasakyan.Pinagbuksan siya ni Sigmud ng pinto kaya pumasok si Cathy sa loob samantalang ang lalaki ay umikot at pumasok sa driver seat. Sinigurado muna nitong nakasuot ang seatbelt niya bago pinaandar ang sasakyan.“Bakit parang nagmamadali ka, Sigmud?” naiiling na tanong ni Cathy.Nakangiting siyang binalingan ni Sigmud. “It's a surprise, Cathy.”“Surprise? Ano namang surpri—”“Eh ‘di hindi ka na magugulat kapag sinabi ko,” sambit ni Sigmud na agarang ikinatango ni Cathy. May punto naman ito. Hindi na
“MOMMY, STOP CRYING na po…” pakiusap ni Cora sa mommy niyang wala pa ring humpay sa pag-iyak.Ngumiti si Cathy at kinalma ang sarili bago tinuyo ang magkabila niyang pisngi gamit ang mga palad niya. Sinigurado niyang walang natirang luha sa mukha niya bago umupo sa harap ng mga anak niya.“I'm sorry. I'm sorry kung nagawa ko kayong ipaglayo. I made a mistake. I'm really sorry. Please forgive me.”“Mommy, you don't need to apologize,” sambit ni Chase bago sinapo ang pisngi niya. “You didn't even make a mistake—you just did the thing you thought was right,” dagdag pa nito.“Chase is right, Mommy. Apologizing isn't really necessary. Instead, we can show our love for each other, or better yet, we can fix the things that were broken,” wika naman ni Parker.“They're so young, but look at how they think,” nakangiting usal ni Phoenix.“I still made a mistake. Hindi ko agad kayo ipinakilala sa isa't-isa,” anang Cathy.“But we're complete now, mommy,” usal naman ni Cora.Napailing na lang si Ca