“YOU’RE VERY BEAUTIFUL, Cathy…” Napangiti si Cathy nang biglang sabihin iyon ni Sigmud habang nakatayo ito sa likuran niya at isinusuot ang kuwintas sa kaniyang leeg. Kitang-kita ni Cathy ang sariling repleksyon sa harap ng salamin. Sa loob ng mga taong lumipas, ito yata ang unang pagkakataon na nag-ayos siya ng ganito. Suot niya ngayon ang silver mermaid gown at kumikinang-kinang pa iyon dahil sa mga sequin na nakatahi sa mismong tela ng gown niya. Open-toe heels naman ang sapin niya sa kaniyang mga paa. “Pagpasok mo pa lang sa red carpet, ikaw agad ang magiging sentro ng atraksyon,” mayamaya pa'y wika ni Sigmud.Nakangiting humarap si Cathy rito. “Bakit naman?” tanong niya.“Cathy, tinatanong pa ba iyan?” Ngisi ni Sigmud bago nagpatuloy sa pagsasalita, “Napakaganda mo kaya ngayon. Your gown highlights your curvy body. Maraming titingin sa iyo, iyong iba, pagnanasahan ka pa. Kung ipinagalaban mo lang na dapat kasama ako, hindi ka sana mag-isang pupunta roon.”“Hindi naman siguro g
NAPUNO NANG PALAKPAKAN ang buong ballroom nang tawagin ng host ang pangalan ni Phoenix. Nakangiti itong tumayo at humalik muna sa anak bago umakyat sa stage upang magbigay ng speech nito nang ianunsyo na isa na itong bilyonaryo.Tinanggap ni Phoenix ang isang tropeyo bilang pagkilala sa tagumpay nito bago lumapit sa lectern. “Wow, this is unbelievable,” hindi makapaniwalang sambit ni Phoenix habang namamasa ang mga mata. “For some reason, I feel like this is just a nightmare. It’s been more than a week since I realized that I’m now a billionaire. When I saw that my net worth had surpassed a billion pesos, I could only think of one thing—and that’s my father. Without him, none of this would have been possible…” wika pa ni Phoenix. “Hey, dad, can you please stand up and wave at them?” pakiusap niya pa sa daddy niya.Tumango si Alfredo at tumayo saka kumaway sa mga tao. Napuno muli nang palakpakan ang ballroom. Nang bumalik si Alfredo sa pagkakaupo, nagpatuloy si Phoenix sa pagsasalita.
ILANG ARAW NA nang matapos ang gala pero magpahanggang ngayon ay hindi pa rin makalimutan ni Cathy ang inakto ni Miriam. Isa lang ang malinaw sa kaniya ngayon, baliw na ito. Hindi normal ang galaw nito—baka nga pati ang utak. Ibang Miriam ang nakausap niya nang gabing iyon kaya malakas ang kutob niya na baliw na ang babaeng iyon.“Mommy, can I come with you?” mayamaya pa'y untag sa kaniya ni Parker.Ngumiti si Cathy sa anak. “Baby, I told you, you can't. Napag-usapan na natin ito, ‘di ba?”Nasa pangangalaga niya si Parker ngayon. Matapos ang isang linggo kay Phoenix, siya naman ang nag-alaga rito. Salitan silang dalawa ni Phoenix, linggo-linggo nila hinahati ang pag-aalaga sa kanilang anak.“Pero kapag si daddy po, anytime ay puwede po akong pumasok sa ospital,” nakangusong sambit ni Parker bago bumakas sa mukha nito ang kalungkutan.Ngumiti si Cathy. “Magkaiba kasi kami ng daddy mo, Parker. I'm a doctor there, right? I work at the hospital all day. Meanwhile, your daddy is usually th
“KUNG MAHAL KO man si Sigmud, I don't think you care about i—”“I care about it because I love yo—”“But I don't.”Umiling si Phoenix. “Cathy, you trusted the wrong man. Trusting Sigmund was the biggest mistake you've ever made in your life. And... I can prove it to you.”Mahinang tumawa si Cathy. “No, Phoenix. Wala kang dapat patunayan sa akin. I know Sigmud, I know him very well. Huwag mo nga siyang siraan sa akin. He's such a good man. Alam mo ba, siya ang katuwang ko sa pag-aalaga kay Parker. Whenever I see him playing with my son, I can only think of one thing—Sigmund is the man I should trust, not you.”“Well enough to know his dark side, huh? And what did you say, Sigmud has been taking care of my son? Is he living with you?” Bumakas ang gulat sa mukha ni Phoenix ng sandaling iyon.“May problema ba roon? Anak ko rin si Parker, at wala akong nakikitang problema kay Sigmud sa tuwing inaalagan niya ang anak ko. I told you, Sigmud is a good man… he's an ideal man. At kahit anong sa
ALAS-OTSO NA NG gabi kaya naghanda na si Cathy na umuwi. Nag-ayos na siya ng mga gamit niya bago naglakad palabas ng ospital. Ngunit hindi pa man siya nakakalabas nang biglang bumungad sa harap niya si Sigmud.“Tatawagan pa sana kita pero nandito ka na pala.”“Let's go, Cathy.”Nakangiting hinawakan ni Sigmud ang kamay niya at hinila siya palabas. Naguguluhan si Cathy ng sandaling iyon Ngunit imbes na pigilan ang lalaki, hinayaan niya lang ito hanggang sa makarating na silang dalawa sa sasakyan.Pinagbuksan siya ni Sigmud ng pinto kaya pumasok si Cathy sa loob samantalang ang lalaki ay umikot at pumasok sa driver seat. Sinigurado muna nitong nakasuot ang seatbelt niya bago pinaandar ang sasakyan.“Bakit parang nagmamadali ka, Sigmud?” naiiling na tanong ni Cathy.Nakangiting siyang binalingan ni Sigmud. “It's a surprise, Cathy.”“Surprise? Ano namang surpri—”“Eh ‘di hindi ka na magugulat kapag sinabi ko,” sambit ni Sigmud na agarang ikinatango ni Cathy. May punto naman ito. Hindi na
“MOMMY, STOP CRYING na po…” pakiusap ni Cora sa mommy niyang wala pa ring humpay sa pag-iyak.Ngumiti si Cathy at kinalma ang sarili bago tinuyo ang magkabila niyang pisngi gamit ang mga palad niya. Sinigurado niyang walang natirang luha sa mukha niya bago umupo sa harap ng mga anak niya.“I'm sorry. I'm sorry kung nagawa ko kayong ipaglayo. I made a mistake. I'm really sorry. Please forgive me.”“Mommy, you don't need to apologize,” sambit ni Chase bago sinapo ang pisngi niya. “You didn't even make a mistake—you just did the thing you thought was right,” dagdag pa nito.“Chase is right, Mommy. Apologizing isn't really necessary. Instead, we can show our love for each other, or better yet, we can fix the things that were broken,” wika naman ni Parker.“They're so young, but look at how they think,” nakangiting usal ni Phoenix.“I still made a mistake. Hindi ko agad kayo ipinakilala sa isa't-isa,” anang Cathy.“But we're complete now, mommy,” usal naman ni Cora.Napailing na lang si Ca
KINABUKASAN, NANG MAGISING si Cathy ay wala na si Phoenix sa kaniyang tabi. Tinanggal niya ang kumot na nakatabing sa kaniyang katawan at napangiti siya nang makitang bihis na siya. Hindi na siya nagulat, alam niyang binihisan siya ni Phoenix.Nangingiting bumaba si Cathy sa kama at dumiretso sa banyo saka naglinis. Nang matapos ay bumaba na rin siya. Malayo pa siya sa kusina pero narinig na niya agad ang ingay sa kusina. Ano kayang nangyayari roon?May kunot-noong pumasok si Cathy sa kusina at napa-amang siya nang makita ang triplets, ang ama ng mga ito, at si Manang Sally na abala sa island counter habang may kung ano-anong ginagawa.Umiling si Cathy bago lumapit sa mga ito.“You're awake. How was your sleep?” nakangiting tanong ni Phoenix sa kaniya.“Ayos naman. Mabuti nga at hindi ko dinamdam iyong nangyari kagabi,” tugon niya.Abala pala ang mga ito sa pagdedekorasyon ng mga pagkain. Si Parker, gumagawa ng paborito nitong sushi habang katuwang si Manang Sally. Si Cora naman ay di
“YOU HAVE TWO options, Alfredo: aalis ka o ipapakulong kita!”“Please, Beatrice. H-Hindi ito kailangang humantong sa ganito. Nagkakamali ka nang iniisip. I love you, okay? So… so how can I cheat on yo—”“Nandito na si Carlos, and he told me what he saw that night! Napakababoy mo, Alfredo. Matanda ka na pero pumatol ka pa sa halos kalahati lang ng edad mo. Hayok ka! You're disgusting! Kinamumuhian kita, Alfredo!” madiin at gigil na gigil na asik ni Beatrice sa asawa niya habang nanlilisik ang tingin dito.Habang patuloy ang argumento ng dalawa, napabaling si Cathy sa Kuya Carlos niya. Masaya siya dahil sa wakas ay bumalik na rin ang alaala nito. Iyon pala ang matagal na nitong gustong sabihin sa kaniya—na may relasyon si Laura at ang asawa ni Beatrice na si Alfredo.Pero magpahanggang ngayon ay hindi pa rin sila makapaniwala na buhay si Beatrice. Peke lang pala ang pagkamatay nito at pansamantala itong nawala upang magpagaling at iwasan ang magulong sitwasyon. Pero kung kailan bumalik