Hi, please, don't forget to rate and comment. Libre lang po ang rate and comment hehe. Maraming salamat po.
“SIGURADO KA NA ba rito, Cathy? Puwede ka namang sumama, eh. Paniguradong malulungkot ang mga bata sa probinsya.”Nakangiting tinanguan ni Cathy ang Tita Sylvia niya na kapatid ng mama niya. “Sigurado na po ako, tita. At isa pa, mas safe sila sa probinsya kaysa rito. Sigurado ako na aalagaan sila roon ni Kuya Carlos. Medyo complicated lang po ang sitwasyon ngayon. Gustuhin ko man pong sumama sa kanila pero… pero may trabaho po ako rito.”“Mommy, why aren't you coming with us?” umiiyak na tanong ni Chase.“Chase, I told you everything, right? Mas safe kayo sa malayo. Don't worry, hindi naman ito permanent. It's just temporary. After this, babalik din kayo rito. Don't cry, we can talk everyday through calls, ‘di ba? There's still a way, Chase,” nakangiting sambit ni Cathy pero sa loob-loob niya at nasasaktan siya dahil pansamantala niyang hindi makikita ang mga anak niya.Dahil nagkaroon ng amnesia ang Kuya Carlos niya at hindi pa siya nito maalala, napagpasyahan niya na ipadala muna it
MALINAW NA KAY Cathy ang lahat ngayon. Kailangan na niyang tumigil at bumalik sa normal niyang buhay. Dahil kapag patuloy niya pang iisipin ang mga bagay na iyon, baka tuluyan na siyang masiraan ng ulo.Kakatapos lang ni Cathy sa pag-oopera at ngayon ay pabalik na siya sa kaniyang opisina nang biglang may tumawag sa pangalan niya. Nang balingan niya iyon, napakunot-noo siya nang makita si Sigmud.“Sigmud, what are you doing here?” nagtatakang tanong ni Cathy sa lalaking may dalang kape.Nakangiting lumapit sa kaniya si Sigmud at inabot ang kape. “How are you, Cathy? I'm sorry hindi ako nakadalaw rito sa iyo.”Kinuha ni Cathy ang kape kay Sigmud. “Thanks. It's fine. You don't need to worry about it.”“Hindi ka ba galit sa akin dahil sa nagawa ko nitong nagdaang araw? I… I took Chase.”Nakangiting umiling si Cathy. “Huwag mo nang isipin iyon, Sigmud. But please, remember what I told you. If you want to impress me—”“—don’t do anything like what I did,” nakangiting pagtatapos ni Sigmud n
FIVE YEARS AGO… “If you really want to have your father's company, then do what I say. You already failed me, Phoenix. If you fail me again, the company will no longer be yours!” seryosong turan ni Beatrice sa anak niya na nakatayo sa harap niya. Lumunok si Phoenix. “I had no choice, mom. Cathy wanted to end our marriage, I just did what she wan—” “Enough, Phoenix! Kung ano man ang nangyari sa pagitan niyo ni Cathy, ayoko nang maririnig iyon kahit kailan. What I want you to do is to marry a woman and impregnate her.” Phoenix's eyes widened. “What, mom? You want me to marry a woman and… and make her pregnant?” “Oo, iyon naman ang gusto ko noon pa, ‘di ba? Gusto ko ng apo, kaya kung gusto mong mapasaiyo ang kumpanya, then do it.” Sunod-sunod na lumunok si Phoenix bago nagsalita. “I-I’ll try, mom.” “No, anak, don't try. Do it…” Tumango si Phoenix bilang tugon sa kaniyang mommy. Desidido siyang gawin ang gusto nito dahil ilang taon na niyang pinapangarap na mapasakaniya ang ProMed
ANG PAGKAMATAY NI Beatrice ay lubusang ikinalungkot hindi lamang ng pamilya nito, maski ang mga malalapit at kakilalang tao ay nagdadalamhati rin sa pagkawala nito. Ilang araw na simula nang mawala ito pero wala pa ring buhay ang mansyon ng mga Montgomery. Halos nakakabingi ang katahimikan sa loob at lahat ay malungkot.Walang nangyaring burol dahil nang araw na mawala ito ay cr-in-emate agad ito at ang abo nito ay nakalagay sa urn na makikita sa chapel kung saan madalas ginugugol ni Beatrice ang kaniyang oras upang kausapin ang Diyos.Lubusang dinamdam ni Phoenix ang nangyari. Sa ilang araw na nawala ang mommy niya ay nasa kuwarto lang siya. Halos hindi na rin siya nakakain at nakatulog nang maayos. Minsan, umaga pa lang ay alak na agad ang laman ng tiyan niya.“Babe, puwede bang lumabas ka na riyan sa kuwarto? Halos hindi ka na kumakain. May dala ako, oh. It's your favorite, sushi. Open the door, babe!” hiyaw ni Miriam sa labas habang makailang beses na iyong kinakalampag.Rinig ma
“IF PARKER KNEW something, he would tell you,” turan ni Cathy habang seryosong nakatingin kay Phoenix. Umiling si Phoenix bago umupo sa swivel chair nito. “He's scared. Nang araw na tinanong ko siya, hindi siya makapagsalita nang maayos. He's stuttering. I don't wanna force our son, so I stopped questioning him.” “Then he did know something, and maybe… someone is manipulating him. Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa akin, Phoenix? I am Parker’s mother, which is why I need to know this. Why did it take you so long to inform me?” “I'm sorry, okay? Akala ko kasi maaayos ko na, but until now, hindi pa rin nagsasalita si Parker. Ayoko na ring ipaalala iyon sa kaniya dahil baka kung ano na ang mangyari sa kaniya. Our son is only five years old. Maybe there are things he's afraid of—things we don't get scared of as we grow up.” Mahinang tumawa si Cathy. “You mean is nakakita siya ng multo? He's scared, and he's afraid to tell you. Ganoon b—” “Probably.” “Gosh, Phoenix. Ikaw na ang nagsab
“WAIT, NANANAGINIP BA ako? Is that really you, Cathy?” hindi makapaniwalang usal ni Johanna kay Cathy habang nakatingin sa mukha nitong may malapad na ngiti.Natatawang napailing si Cathy. “Ngayon mo lang ba ako nakitang ganito? Na masaya?”“These past few weeks, oo. Why, Cathy? Napansin ko rin na blooming na blooming ka ngayon. Did something happen? Tell me.”Ngumiti si Cathy kapagkuwan ay naglakad patungo sa kaniyang opisina. Kakatapos lang ng departmental meeting nila. Nakasunod pa rin si Johanna kay Cathy at nang makarating sa opisina, umupo na sila.“Sa tingin ko ito na ang oras para sa pagbabago. Phoenix and I are already okay. Wait, nabanggit ko ba sa iyo na ako ang ina ni Parker at hindi si Miriam?”Agad na napakunot-noo si Johanna. “Wala akong maalala kaya baka nga hindi mo nabanggit. Pero weh? Really? Anak mo si Parker tapos okay na kayo ni Sir. Phoenix? Ay, kaya naman pala masaya ka riyan. What a wholesome moment. So, what will happen next?”Bumuntong-hininga si Cathy. “Ipa
NANINIWALA SI CATHY na hindi kayang gawin ni Phoenix ang ibinibintang dito. Malakas ang paniniwala niya na hindi siya nito kayang patayin. Dahil sa nangyari, kumalat na iyon sa buong ospital, at dahil si Phoenix ang may-ari noon, walang imik ang mga tao roon sa takot na baka mawalan sila ng mga trabaho. Ilang oras na ang nakalipas nang mangyari ang bangungot na iyon kay Cathy. Takot na takot pa rin siya magpahanggang ngayon at hindi siya makausap nang maayos. Wala siya sa huwisyong magsalita o makipag-usap sa kadahilanang lubusan siyang naapektuhan sa nangyari. Isang mabait na tao ang namatay ng dahil sa kape na para sa kaniya dapat. Sinisisi rin ni Cathy ang sarili dahil kung hindi niya ibinigay ang kape sa guard, hindi sana ito mamamatay.“Stop blaming yourself, Cathy,” mahinahong sambit ni Anthony na kakapasok lang ng silid ni Cathy.Pinauwi muna siya ni Mr. Harold dahil hindi rin naman siya makakapagtrabaho. At dahil mag-isa na lang si Cathy sa bahay niya, sinamahan siya ni Antho
“NASAAN ANG ANAK ko?!” nanggagalaiting sigaw ni Cathy habang nanlilisik ang tingin kay Phoenix. “Nasaan si Parker?!” aniya pa habang unti-unti nang namumuo ang luha sa mga mata niya.“My God, Cathy! Huwag ka ngang mag-iskandalo rito. Wala ka sa bahay mo, nasa bahay ka ng iba!” panghihimasok ni Laura habang magkakrus ang mga braso sa dibdib.“Wala akong pakialam sa inyo! Nasaan ang anak ko? Nasaan si Parker?!” patuloy pa rin si Cathy sa pagsigaw ng oras na iyon. “Ikaw, Phoenix! Nawala ang anak ko sa mga kamay mo kaya ikaw ang may dahilan kaya siya nawala. Ipinagkatiwala ko si Parker sa iyo kasi akala ko maaalagaan mo siya nang maayos, pero kasinungalingan lang pala iyon. Pinabayaan mo si Parker! Pinabayaan mo siya!” Doon ay tuluyan nang bumagsak ang luha sa mga mata ni Cathy. Hinayaan niya lang bumagsak ang mga iyon habang nanlilisik pa rin ang tingin kay Phoenix. Walang ibang maramdaman si Cathy ngayon kundi ang sakit sa kaniyang puso sapagkat iniisip niya si Parker. Nawawala ang ana