Don't forget to rate and comment on this story, guys. Thank you so much for reading this. 😘 Marami pa po tayong pagsasamahan hehe.
“SINO KA? ANONG ginagawa mo rito? Nasaan sina mama at papa? Umalis ka! Umalis ka, hindi kita kilala!”Tila pinagsakluban ng langit at lupa si Cathy nang marinig ang mga iyan sa Kuya Carlos niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na dahil sa concussion ay nagkaroon ito ng amnesia na maaaring tumagal ng maraming taon. Sabi ni Dr. Paxton, may retrograde amnesia si Carlos—ito iyong klase ng amnesia kung saan nakalimutan ni Carlos ang mga memorya niya pagkatapos nitong masangkot sa aksidente. Pero masuwerte raw ito dahil naalala nito ang mga magulang nila, pero siya ay hindi. At sinabi pa sa kaniya nito na hindi magiging madali ang proseso upang bumalik ang memorya ng Kuya Carlos niya.Masaya siya dahil buhay ito—subalit malungkot siya sapagkat nakalimutan na siya nito. Hindi na alam ni Cathy ang kaniyang gagawin. Ilang oras na siyang umiiyak at nakaupo lang sa lobby ng ospital.“I've heard the news.”Mabilis na napa-angat ng mukha si Cathy nang marinig iyon. At agad na nandilim ang mukha niy
“CATCH, YAYA PIPITA!” hiyaw ni Parker bago ibinato sa direksyon ni Pipita ang bola.Sinambot ni Pipita ang bola. “Panalo na ako, Sir. Parker. Nakasampung salo na ako, ikaw, lima pa lang,” may pang-aasar na sambit ni Pipita bago ibinato kay Parker ang bola.Tumingin nang diretso si Parker sa paparating na bola at tumalon nang malapit na iyon sa kaniya. Pero dahil hindi pa siya ganoon katangkaran, hindi niya nakuha ang bola, imbes, napunta lang iyon sa loob ng fountain.“Argh, I hate this. Fine, you won. Here's your prize, Yaya Pipita,” nakabusangot na wika ni Parker bago kinuha sa kaniyang bulsa ang isang toblerone.Nakangiting lumapit si Pipita sa amo niya at kinuha ang chocolate sa kamay nito. “Salamat, Sir. Parker. Halika na sa loob, lilinisan na ki—”“I'm not a kid, Yata Pipita,” nakangusong asik ni Parker bago naglakad papasok sa loob.“Five ka pa lang, ibig-sabihin, bata ka p—”“I can clean myself. Just enjoy your chocolate. Eat responsibly. Baka masira mga teeth mo.”Napailing n
“ARE YOU REALLY sure about this, Chase? This isn't a good idea. Mommy will get mad at us. She told us to stay in the house with Nana Sally.”“Cora, it has been three days since we talked to mommy. I want to see her and Uncle Carlos. If you don't want to come with me, then it's fine. Stay here, I'll go on my own.”At lumabas na si Chase sa kuwarto dala ang face mask na gagamitin niya sa pagpasok sa ospital. Naglakad siya pababa habang si Cora naman ay nakasunod dito. Sumilip muna si Chase sa baba at nang hindi makita ang Nana Sally nila, naglakad siya at tahimik na dinako ang pinto. Nakasunod pa rin si Cora ng sandaling iyon at nang pareho silang makalabas, humarap si Chase kay Cora.“Don't you miss mommy and Uncle Carlos?” tanong ni Chase sa kapatid.Umiling si Cora. “I missed them, Chase, but what we're going to do isn't a good idea. We can't go there. Mommy told us, remember? It's for our own good, Chase. We have to listen to mom—”“Then stay here!” iritadong anas ni Chase at naglak
“WE NEED TO talk thoroughly. Halos araw-araw ko kayong binibilinan na huwag na huwag kayong lalabas sa bahay natin. At isa sa mga rule ko sa inyo na hindi kayo puwedeng pumunta rito sa ospital ng hindi ko alam. Bakit sinuway niyo ako? Anong naging pagkukulang ko para hindi kayo makinig sa akin? Am I a bad mom? Tell me, masama ba akong i—”“No, mommy, no!” agad na sagot ni Chase sa kaniya.Kasalukuyang silang nasa bakanteng silid at nakaupo sa harap ni Cathy ang mga anak niya. Nang malaman niya kay Detective Vann ang nangyari, agad niyang pinuntahan ang dalawa at inilayo ito sa Kuya Carlos niya lalo pa't napag-alaman niya na may mga bagay itong nabanggit sa dalawa—mga bagay na hindi dapat nito sinabi.“Then bakit kayo pumunta rito?!” Doon ay lumakas na ang boses ni Cathy.“Because we missed you and Uncle Carlos. Mommy, three days na po kayong hindi umuuwi sa bahay. We think you need us. Mommy, I'm sorry…” umiiyak namang tugon ni Cora sa kaniya.“Naintindihan ko kayong dalawa na miss na
TAHIMIK NA NAGTITIPA si Phoenix sa kaniyang laptop nang marinig niyang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina. Nang mag-angat siya ng mukha, nakita niya ang humahangos na kaibigan.“Totoo ba na kayo ang sinisisi ni Cathy sa nangyari sa kapatid niya?”Mahinang natawa si Phoenix. “Pumunta ka ba rito para lang diyan?” “Just answer my goddamn question, Phoenix.”“Yeah, it's true,” naiiling na sagot ni Phoenix sa kaibigan bago nagpatuloy sa kaniyang ginagawa.“Damn, bro! How?”Napakunot-noo si Phoenix. “I actually don't know. Hinayaan ko na lang siya na isisi sa amin ang nangyari kay Kuya Carlos. I understand her situation. Her brother almost died, maski ako ganoon din ang magiging reaksyon kapag nakita kong nasaktan ang kapatid ko.”“Does tita know about it?” nagtatakang tanong ni Ambrose.Mabilis na umiling si Phoenix. “Not… yet!”“If tita knows about it, she'll get mad for sure. Pero nagtataka pa rin ako, bro. Paano kayo nagawang sisihin ni Cathy? Dahil ba galit siya sa inyo? Or… or may
AT THE OB-GYNE Clinic…Kanina pang nanginginig ang mga binti ni Miriam habang hinihintay ang paglabas ni Dr. Smith sa loob. Mag-iisang oras na rin magmula nang pumasok si Dr. Smith kaya ngayon ay hindi na mapakali si Miriam lalo pa't naririnig niya ang pagpilantik ng orasan. Nakakabingi ang katahimikan ng sandaling iyon kaya kung ano-ano na ang naririnig ni Miriam.Mayamaya pa, tuluyan na ring lumabas si Dr. Smith sa loob. Lumapit ito sa lamesa nito at umupo sa upuan. Mahigpit na napahawak si Miriam sa gilid ng lamesa lalo pa't nakita niya ang hindi kaaya-ayang mukha ng doktora. “I have reviewed your test results, Miriam. I need to discuss some… some difficult news.”Bumakas agad ang pagtataka sa mga mata ni Miriam nang marinig iyon. Ilang beses siyang nagpakawala ng hangin sa bibig upang pakalmahin ang sarili.“I-Is it bad, Dr. Smith?” Nanginginig ang mga labi ni Miriam habang diretsong nakatingin sa mga mata ng doktora.Bumuntong-hininga si Dr. Smith. “The results indicate that you
“...AND THEY LIVED happily ever after.”Papikit-pikit na itiniklop ni Phoenix ang libro bago bumaling kay Parker. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mukha niya nang makitang natutulog na ang anak. Siniil niya ito ng halik sa noo bago lumabas ng silid nito.Inaantok na siya kaya napagpasyahan na ni Phoenix na magtungo sa kaniyang kuwarto nang marinig niya ang pagbukas ng main door ng bahay nila. Sinilip iyon ni Phoenix at napakunot-noo siya nang makitang lumabas si Laura.“It's 10 P.M, what is she doing outside?”Tila nawala ang antok niya ng sandaling iyon at naalala niya pa iyong sinabi ni Anthony kanina kaya bumaba siya upang sundan si Laura. Dinako agad niya ang pinto at nang buksan niya iyon, nakita niya si Laura na naglalakad na papalayo.“Laura!” tawag niya rito.Huminto ito at humarap sa kaniya. “Phoenix? Gabi na, a-akala ko tulog ka na,” gulat na sambit nito.Naglakad si Phoenix palapit sa babae at luminga-linga. “Where are you going? It's 10 P.M,” aniya rito.Hindi nagsali
“YOU LOOKED… HIDEOUS today.”Napa-angat agad si Phoenix nang marinig iyon kay Miriam. “What did you say?!” “I'm just joking, babe.” At nakangiting kumandong si Miriam sa kaniya. “Ito naman, parang ayaw laging mabiro. I'm just joking, okay? Gusto ko lang makitang ngumiti ka. These past few days kasi, ni hindi kita nakitang ngumiti…” anito pa.Kasalukuyang nasa pool area si Phoenix at nakaupo siya sa sun lounger. Tahimik lang siya kanina pero nang dumating si Miriam, bigla siyang nainis. Gusto niya itong buhatin at ihagis sa swimming pool.“Wala akong time sa mga biro mo, Miriam. Your jokes aren't even funny. It's annoying,” iritadong saad niya. “I'm sorry, okay?” Umalis ito sa pagkakakandog sa kaniya kapagkuwan ay umupo sa tabi niya at niyakap pa siya nito patagilid. “Can I ask something, babe?” nakanguso pang usal ni Miriam na ikinailing na lang ni Phoenix.Kinuha niya ang juice niya at sumimsim doon. “Kapag bumalik si mommy at Parker sa loob, umalis ka na sa tabi ko. Stop pretendin