“STRESS IS THE culprit. I suggest staying calm and positive. Avoid doing anything that could worsen the situation,” saad ni Dr. Garry habang nakatingin kay Beatrice.Kasalukuyan silang nasa loob ng isang private room ng sandaling iyon. Nandoon din sina Alfredo, Miriam, Laura, Phoenix, at Cathy.“How can I be calm if my diamond necklace is gone? How, Garry?!” bulalas ni Beatrice na kakagising lang.“Darling, your heart,” suway ni Alfredo sa asawa na kasalukuyang nakaupo sa tabi nito.“Mom, I told you to stop looking for that damn necklace. It can be replaced. We can buy a new o—”“I want that necklace back because it has sentimental value to me. I’ve had it for five years, anak. Mahalaga ang kuwintas na iyon sa akin. Your father gave it to me,” putol ni Beatrice kay Phoenix.“Mom, did you hear what Dr. Garry said? Avoid doing anything that could worsen the situation. Kung patuloy mong iisipin ang kuwintas na iyan, baka mas lalo pang lumalala ang kundisyon mo.”“I don't care if I die!”
“STAY SAFE, AURELIA!” Paulit-ulit iyong umeeko sa magkabilang tainga ni Cathy habang nag-oopera siya ng isang matandang babae na nasa edad kuwarenta na. Hindi siya makapagpokus ng sandaling iyon dahil hindi pa rin niya maiwaksi sa kaniyang isipan ang sinabi ni Phoenix kagabi. Pagkatapos ng operasyon ay dumako si Cathy sa kaniyang opisina. Kakapasok pa lang niya nang bigla siyang natigilan dahil sa nakita. May nakapatong na isang bugkos ng bulaklak sa kaniyang lamesa. Nangungunot ang noong nilapitan ni Cathy ang bulaklak at kinuha iyon. Hinanap niya kung may nakalagay roong note pero wala siyang nakita kaya nagtataka siya kung kanino ito galing. “Woah, may manliligaw ka na? You better not tell me na si Sir. Phoenix iyon.” Mula sa pinto, nakita ni Cathy si Johanna. Umiling siya bago ibinalik sa lamesa ang bulaklak at umupo sa upuan niya. “Wala akong manliligaw,” tugon ni Cathy sa kaibigan. “Can we not talk about Phoenix anymore? Ayoko na sanang marinig ang pangalan niya.” Nakangi
UPANG MAPATUNAYAN NI Sigmud ang pagmamahal niya kay Cathy, ginawa niya ang bagay na alam niyang magpapasaya rito—bagay na matagal na nitong hinahangad. Sisiguraduhin niya na magiging masaya ito sa gagawin niya. At iyon ang magiging daan para mahalin din siya nito.Sa kabilang dako naman, sunod-sunod ang pag-ring ng cellphone ni Cathy sa kaniyang bag habang dinadako niya ang daan palabas ng ospital. Nakakunot-noo niyang kinuha ang kaniyang cellphone at nang makitang ang Kuya Carlos niya ang tumatawag, hindi agad siya nag-atubiling sagutin ito.“Napatawag ka, Kuya Carlos?” “Huwag kang mabibigla sa sasabihin ko, Cathy,” hinihingal na tugon ni Carlos sa kabilang linya na agad ikinabahala ni Cathy.“Ano ba iyon, Kuya Carlos? M-May nangyari ba? Tell m—”“Si Chase, nawawala.”“Ano?!” usal agad ni Cathy nang marinig iyon sa kaniyang kapatid. “Anong nawawala, Kuya Carlos?!” Tinakbo na ni Cathy ang kaniyang kotse at sumakay roon. “Hindi ko alam kung paano siya nawala, Cathy. Iniwan ko lang s
HINDI NA ALAM ni Cathy kung ilang oras na siya sa labas ng ICU kung saan kasalukuyang nasa loob ang Kuya Carlos niya. Hindi siya mapakali. Pabalik-balik siya. At umaasa na anumang segundo ay lalabas si Dr. Paxton upang ipaalam sa kaniya ang kalagayan ng kapatid niya. Patuloy pa rin sa pagtulo ang luha niya sa kaniyang mga mata ng sandaling iyon. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Akala niya magiging maayos na ang lahat matapos niyang makita si Chase, ngunit nagkamali siya ng isang tawag ang nagpatigil sa pag-inog ng mundo niya. Wala pa rin siyang makuhang update sa mga pulis na humahawak sa kaso ng Kuya Carlos niya kaya wala pa siyang alam sa totoong nangyari. Mayamaya pa, makalipas ang halos dalawang oras na paghihintay, lumabas na rin si Dr. Paxton sa loob ng ICU. Dali-daling lumapit si Cathy rito. “Is he okay, Dr. Paxton?” “Unfortunately, no. He’s still unconscious for now. Your brother has many fractures in his body, and he also has brain da
“SINO KA? ANONG ginagawa mo rito? Nasaan sina mama at papa? Umalis ka! Umalis ka, hindi kita kilala!”Tila pinagsakluban ng langit at lupa si Cathy nang marinig ang mga iyan sa Kuya Carlos niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na dahil sa concussion ay nagkaroon ito ng amnesia na maaaring tumagal ng maraming taon. Sabi ni Dr. Paxton, may retrograde amnesia si Carlos—ito iyong klase ng amnesia kung saan nakalimutan ni Carlos ang mga memorya niya pagkatapos nitong masangkot sa aksidente. Pero masuwerte raw ito dahil naalala nito ang mga magulang nila, pero siya ay hindi. At sinabi pa sa kaniya nito na hindi magiging madali ang proseso upang bumalik ang memorya ng Kuya Carlos niya.Masaya siya dahil buhay ito—subalit malungkot siya sapagkat nakalimutan na siya nito. Hindi na alam ni Cathy ang kaniyang gagawin. Ilang oras na siyang umiiyak at nakaupo lang sa lobby ng ospital.“I've heard the news.”Mabilis na napa-angat ng mukha si Cathy nang marinig iyon. At agad na nandilim ang mukha niy
“CATCH, YAYA PIPITA!” hiyaw ni Parker bago ibinato sa direksyon ni Pipita ang bola.Sinambot ni Pipita ang bola. “Panalo na ako, Sir. Parker. Nakasampung salo na ako, ikaw, lima pa lang,” may pang-aasar na sambit ni Pipita bago ibinato kay Parker ang bola.Tumingin nang diretso si Parker sa paparating na bola at tumalon nang malapit na iyon sa kaniya. Pero dahil hindi pa siya ganoon katangkaran, hindi niya nakuha ang bola, imbes, napunta lang iyon sa loob ng fountain.“Argh, I hate this. Fine, you won. Here's your prize, Yaya Pipita,” nakabusangot na wika ni Parker bago kinuha sa kaniyang bulsa ang isang toblerone.Nakangiting lumapit si Pipita sa amo niya at kinuha ang chocolate sa kamay nito. “Salamat, Sir. Parker. Halika na sa loob, lilinisan na ki—”“I'm not a kid, Yata Pipita,” nakangusong asik ni Parker bago naglakad papasok sa loob.“Five ka pa lang, ibig-sabihin, bata ka p—”“I can clean myself. Just enjoy your chocolate. Eat responsibly. Baka masira mga teeth mo.”Napailing n
“ARE YOU REALLY sure about this, Chase? This isn't a good idea. Mommy will get mad at us. She told us to stay in the house with Nana Sally.”“Cora, it has been three days since we talked to mommy. I want to see her and Uncle Carlos. If you don't want to come with me, then it's fine. Stay here, I'll go on my own.”At lumabas na si Chase sa kuwarto dala ang face mask na gagamitin niya sa pagpasok sa ospital. Naglakad siya pababa habang si Cora naman ay nakasunod dito. Sumilip muna si Chase sa baba at nang hindi makita ang Nana Sally nila, naglakad siya at tahimik na dinako ang pinto. Nakasunod pa rin si Cora ng sandaling iyon at nang pareho silang makalabas, humarap si Chase kay Cora.“Don't you miss mommy and Uncle Carlos?” tanong ni Chase sa kapatid.Umiling si Cora. “I missed them, Chase, but what we're going to do isn't a good idea. We can't go there. Mommy told us, remember? It's for our own good, Chase. We have to listen to mom—”“Then stay here!” iritadong anas ni Chase at naglak
“WE NEED TO talk thoroughly. Halos araw-araw ko kayong binibilinan na huwag na huwag kayong lalabas sa bahay natin. At isa sa mga rule ko sa inyo na hindi kayo puwedeng pumunta rito sa ospital ng hindi ko alam. Bakit sinuway niyo ako? Anong naging pagkukulang ko para hindi kayo makinig sa akin? Am I a bad mom? Tell me, masama ba akong i—”“No, mommy, no!” agad na sagot ni Chase sa kaniya.Kasalukuyang silang nasa bakanteng silid at nakaupo sa harap ni Cathy ang mga anak niya. Nang malaman niya kay Detective Vann ang nangyari, agad niyang pinuntahan ang dalawa at inilayo ito sa Kuya Carlos niya lalo pa't napag-alaman niya na may mga bagay itong nabanggit sa dalawa—mga bagay na hindi dapat nito sinabi.“Then bakit kayo pumunta rito?!” Doon ay lumakas na ang boses ni Cathy.“Because we missed you and Uncle Carlos. Mommy, three days na po kayong hindi umuuwi sa bahay. We think you need us. Mommy, I'm sorry…” umiiyak namang tugon ni Cora sa kaniya.“Naintindihan ko kayong dalawa na miss na