Share

Chapter 4: Look Alike

“ANG KAPAL NG mukha mo para tanggihan ang tagapagmana ng hospital na ito!” hiyaw ni Laura habang patuloy niyang hinihila ang buhok ni Catherine.

“Tama na po, nasasaktan niyo na po siya!” pigil ni Drax sa babae.

Pero kahit anong gawing pagpigil ni Drax kay Laura ay hindi niya magawang matanggal ang mga kamay nito sa buhok ni Catherine. Sunod-sunod na rin ang pagdaing ni Catherine ng sandaling iyon habang si Johanna naman ay nakaalalay kay Catherine.

Nag-ipon nang maraming lakas si Catherine bago walang pagdadalawang-isip na itinulak si Laura dahilan para mapasalampak ito sa sahig. At nang akmang susugod na siya, bigla siyang pinigilan ni Johanna.

“How dare you push me?!” gulat na bulalas ni Laura bago dahan-dahang tumayo sa kinasasalampakan nito.

“Sa ating dalawa, ikaw ang mas makapal ang mukha. Hindi kita kilala at wala akong panahon na kilalanin ka. Wala akong pakialam kung sinong santo ka pa!” bulyaw ni Catherine sa babae habang inaayos ang buhok niyang nagulo na dahil sa pagsabunot nito.

“Kailangang operahan ni Parker dahil nabali ang ilang ribs niya. Pero hindi ako makapaniwala na tatanggihan ng isang katulad mo ang mapagaling ang apo ng may-ari ng hospital na ito. Are you even a doctor? You're acting like you're not. It's your responsibility to treat every patient here. Ano bang ipinagyayabang mo? Your degree? Tell me. E, baka mas magaling pa nga ako sa iyo, e…” Duro ni Laura kay Catherine.

Ngumisi si Catherine sa likod ng kaniyang face mask bago bahagyang lumapit kay Laura. “Dalawang buwan na ako rito, at sa loob ng dalawang buwan na iyon, lagpas isang daan na ang naoperahan ko. Every patient that I had operated on was successful. Ikaw, kaya mo bang mag-opera? Baka nga hindi mo alam kung paano hawakan nang maayos ang scalpel. Tell me, are you capable of doing what I'm doing?” puno nang pagmamayabang na lintaya ni Catherine kay Laura na animo'y wala nang masabi pa dahil nakatulala na lang ito ngayon.

“Shut up! Magkaiba ang may experience sa walang experience. Are you ignorant for not thinking that?” nang-aasar na tanong ni Laura.

Ngumiti si Catherine. “Pero kung kaya mong operahan ang batang iyon, then do it yourself. Nagmamarunong ka, ‘di ba?”

“You're really getting on my nerves!” nakatiim na sigaw ni Laura bago muling sinugod si Catherine pero sa pagkakataong iyon ay napigilan na ito ni Drax. “If something bad happens to the future heir, it will be your responsibility. Ako mismo ang makakalaban mo!” saad pa ni Laura bago tuluyang lumabas sa kaniyang opisina.

“Ang dami mo ng kaaway, Catherine,” natatawang wika ni Johanna bago ito bumalik sa pagkakaupo.

“I'm not a coward, Johanna.”

Hindi mahahalata sa boses ni Catherine ang takot kahit ilang beses na siyang napagbantaan ngayong araw. Siguro dahil ganito lang siya pinalaki ng mga magulang niya bago mawala ang mga ito. Na kahit sa mga mata niya ay hindi kakikitaan ng takot o kaya pangamba.

Makalipas ang halos tatlong oras, nabalitaan ni Catherine na naging successful ang operasyon ng anak ni Phoenix at nasa intensive care unit na ito ngayon upang doon magpagaling.

“This is a serious matter, Dr. Catherine,” wika ni Dr. Sigmud. “Nangangamba ako na baka mapahamak ka sa ginawa mong pagtanggi,” anito pa.

“You don't need to worry about me, Dr. Sigmud. I'm fine. At isa pa, maayos na ang bata, so bakit pa ako matatakot?”

“Maayos na nga siya, kaya lang mataas naman ang lagnat. He will be fine in a few days. Pero may tanong lang ako, bakit sa lahat ng pasyente, bakit anak pa ni Phoenix ang tinanggihan mong gamutin?”

“Why?” Tumayo si Catherine sa kinauupuan. “Because that child is the child of Phoenix and Miriam.”

“Then? What does that child have to do with you? I don't understand, Dr. Catherine.”

“Naintindihan ko na curios ka, Dr. Sigmud. But that thing is not your business. I have to go…”

Hindi na hinintay ni Catherine na sumagot si Dr. Sigmud. Lumabas na siya ng opisina nito upang bumalik sa opisina niya.

Subalit napahinto si Catherine nang madaanan niya ang kuwartong kinalalagyan ng anak ni Phoenix. Nagmasid-masid siya bago sumilip mula sa pinto.

At ganoon na lang ang gulat ni Catherine nang makita ang mukha ng bata. Natigilan siya. Hindi makapaniwala habang nakatuon ang atensyon sa mukha ng bata. It can't be… it can't really be.

Sa kagustuhang makita ito nang malapitan, pumasok siya sa loob at nagpanggap na may aayusin lang siya.

“Kailan gagaling ang apo ko?” tanong ng babaeng mga nasa sesenta na ang edad.

“This week, gagaling na rin po siya,” anang Catherine.

At doon ay halos mapatid si Catherine nang tuluyang makita sa malapitan ang bata. Bakit ganito ang mukha nito? Bakit kamukhang-kamukha nito ang anak niyang si Chase?

Hindi puwedeng magkamali si Catherine dahil pareho lang ang hulma ng mga mukha nila. Sa isang tao lang sila nagmana… at iyon ay walang iba kundi kay Phoenix.

Walang paalam na lumabas si Catherine sa ICU at dali-daling bumalik sa kaniyang opisina. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan doon ang numero ng kapatid niyang si Carlos.

“Tulog na ang mga bata, Cathy…”

“May gusto akong malaman, Kuya Carlos. Please, gusto kong umamin ka sa akin…” Bahagya nang namamasa ang mga mata ni Catherine.

“Ano ba iyon, Cathy?”

“Ilan ba talaga ang anak ko? Dalawa… o tatlo?”

“Ano bang sinasabi mo, Cathy? Si Chase at Cora lang ang anak mo. Bakit tatlo?”

“Hindi ito puwedeng pag-usapan sa telepono. Uuwi ako, Kuya Carlos.”

Pinatay na ni Catherine ang tawag at nagmamadaling lumabas ng kaniyang opisina. Sa pagmamadali niya, hindi na niya namalayan na nahulog na ang susi ng kaniyang kotse. At kung hindi pa tinawagan ang pangalan niya, hindi niya pa iyon malalaman.

“It must be yours,” nakangisi nitong wika pero mararamdaman mo pa rin ang pagiging malamig nito. “You seem to be in a hurry, huh…” dagdag pa nito.

Hinaklit ni Catherine ang susi niya rito bago nagpatuloy sa pag-alis.

“You don't need to hide behind that mask, I know you're Cathy.”

Napahinto si Catherine sa paglalakad nang marinig iyon dito. Humarap siya rito bago sunod-sunod na lumunok.

“Who's Cathy?”

Pumamulsa ang lalaki bago ngumisi. “My ex-f*cking-wife…”

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jessa Jordan
bakit parihas sa story ni author meteorcomets yung story?
goodnovel comment avatar
Sally Mendoza
bket kapareho ng kwento ng bellionaire ex husband i want my baby back....naiba lng pangalan ng character...pero sa kwento parehong pareho
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status