Home / Romance / The Billionaire's Triplet Babies / Chapter 3: I Can't Do It

Share

Chapter 3: I Can't Do It

PARANG BINIBIYAK ANG ulo ni Dr. Catherine nang magising siya mula sa malalim na pagkakatulog. Bumungad sa harap niya si Mr. Harold, na director ng Montgomery Medical Center kung saan din siya nagtatrabaho bilang surgeon.

“Is there a problem, Mr. Harold?” naguguluhang tanong ni Catherine.

“I need you right now, Dr. Catherine. We have a patient. No, we have a special patient that needs special treatment. At nakikita ko na kaya mo iyon.”

Napatayo si Catherine sa kaniyang kinauupuan. Papungay-pungay pa ang mga mata niya ng sandaling iyon dahil kakagaling lang niya sa malalim na pagkakatulog.

“Sino siya?” tanong niya kapagkuwan.

“Parating na sila, follow me.”

Tumango si Catherine. Kinuha niya muna ang kaniyang lab gown na nakasabit sa upuan at kumuha rin siya ng face mask bago sinundan si Mr. Harold.

Walang ideya si Catherine kung bakit siya ang pinuntahan ni Mr. Harold gayong marami namang doktor dito sa Montgomery Medical Center. Pero hindi mawala sa isip niya ang sinabi nito. Special patient? Special treatment?

Sa lalim nang pag-iisip ni Catherine, hindi na niya namalayan na nakarating na ang pasyente. Pero imbes na tumuon ang atensyon niya sa batang nasa gurney na kasalukuyang tinutulak patungo sa emergency room, biglang napako ang tingin ni Catherine sa lalaking nakabuntot sa bata.

Bahagya siyang napaatras at pakiramdam niya ay unti-unti siyang nawawalan ng hangin habang nakatitig sa mukha nito. Sa mukha lang nito siya nakatuon at hindi na rin niya namalayan na nagsasalita na pala si Mr. Harold sa tabihan niya.

“Naririnig mo ba ako, Dr. Catherine?” untag ng director kay Catherine.

Bumaling si Catherine kay Mr. Harold. “Ano po iyon, Mr. Harold?”

“Kailangan ka na sa ER ngayon din. Please, take care of Mr. Phoenix’s son. Kaya ikaw ang pinili ko dahil alam kong kaya mong gawin ang kailangang gawin sa anak niya. You have to be careful, Dr. Catherine. If something bad happened to the kid, katapusan na natin…” lintaya nito.

“Anak ni Phoenix Montgomery ang batang iyon?”

“Yes.”

“How? Paano nagka-anak si Phoenix kung wala naman siyang asawa? Hindi ba't patay na ang asawa niya?”

“Anak ni Mr. Phoenix Montgomery ang batang iyon sa asawa niyang si Mrs. Miriam Alcazar.”

Nanlaki ang mga mata ni Catherine. Anak ni Phoenix ang batang iyon kay Miriam? What the hell?

“My son needs a doctor right now!” hiyaw ni Phoenix mula sa emergency room.

“You have to hurry, Dr. Catherine.”

Umiling si Catherine. “Ayokong gamutin ang batang iyon.”

“What? Are you serious? Mr. Phoenix's son needs treatment right now. Hindi ka puwedeng humindi, Dr. Catherine. I chose you because I know you're an experienced doctor. You can't do this. You can't decline me.”

“Tell Dr. Sigmud to treat that child,” sagot ni Catherine bago naglakad pabalik sa kaniyang opisina.

Pagkabalik ni Catherine sa kaniyang opisina, agad siyang dumiretso sa banyo. Hinubad niya ang kaniyang face mask at naghilamos ng mukha.

Hindi niya inaasahan na sa loob ng maraming taon, muli niyang makikita ang lalaking iyon. At kasama pa nito ang anak nito sa babaeng mortal niyang kaaway. Kaya bakit niya gagamutin ang batang iyon? No way. Unprofessional man ang ginawa niya, ginawa lang niya ang bagay na alam niyang hindi ikakasakit ng puso niya.

Makalipas ang ilang minuto, napagdesisyunan na rin ni Catherine na lumabas ng banyo. Pero sa pagkakataong iyon ay bigla siyang natigilan nang makita ang isang lalaki na nakaupo sa swivel chair niya. Tanging likod lang ang nakikita niya pero aminado siya na kilala niya ito.

“What are you doing here?” tanong niya.

Mabuti na lang at ibinalik niya ang face mask sa mukha niya kaya hindi siya nito makikilala.

“You refused to treat my son, why?” malamig na tanong nito bago tumayo sa kinauupuan.

Humarap ito sa kaniya at nakita niya ang madilim nitong mukha. Napalunok si Catherine pero hindi iyon naging hadlang sa kaniya para matakot dito. Nanatili siyang kalmado.

“I don't owe you an explanation, Mr. Phoenix Montgomery,” turan niya.

“You know who I am, but you don't know what I can do. It's my son's life, yet you refused to treat him!” Dama pa rin ni Catherine ang panlalamig sa bawat salitang binibitiwan nito. “Who are you?!’ tanong pa nito.

“I am Dr. Catherine Sy, Mr. Phoenix. I came from LifeCare Medical Center, one of the best hospitals here in the Philippines. I was assigned here two months ago.”

Dahan-dahang lumapit si Phoenix palapit sa kaniya. Umatras siya palayo rito ng sa ganoon ay hindi siya nito mamukhaan kahit mata lang ang kita sa mukha niya.

Nakapamulsa pa rin si Phoenix ng sandaling iyon samantalang si Catherine naman ay wala nang pag-aatrasan pa. Tumigil si Phoenix ilang hakbang ang layo kay Catherine bago nagsalita.

“If something bad happens to my son, you'll have to deal with me!” pagbabanta ni Phoenix bago nito ibinato sa harap niya ang ID na naiwan niya sa kaniyang lamesa.

Sandaling pa siyang tiningnan ni Phoenix bago ito tuluyang lumabas ng kaniyang opisina. Nakahinga nang maluwag si Catherine.

Kinuha niya sa lapag ang ID niya at napalunok siya nang mariin nang makitang balot iyon ng kulay pulang ekis. Natakluban na noon ang mga impormasyon niya.

Sunod-sunod na lamang na napailing si Catherine at itinapon sa basurahan ang ID niya saka bumalik sa kaniyang swivel chair. Saktong pag-upo niya, biglang dumating ang mga kilala niyang doktor sa Montgomery Medical Center.

“We heard what happened, Catherine,” sambit ni Johanna bago ito umupo sa harap niya. “Hindi ka ba natakot sa ginawa mo? Puwede kang mawalan ng trabaho,” dagdag pa nito.

“Johanna is right, Catherine. You should not have refused to treat Mr. Phoenix’s son. Kilala naman natin ang mga Montgomery. They are powerful, and they can do everything,” sabi naman ni Drax.

“Hindi ako natatakot na mawalan ng trabaho,” walang buhay na sagot ni Catherine. “Kailanma'y hindi ko gagamutin ang anak ng isang… I don't wanna say it.”

“But that child is innoc—”

Hindi pa man natatapos si Johanna sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Catherine at bumungad ang isang pamilyar na babae. Humahangos itong pumasok sa loob at lumapit sa kaniya.

“Hayop ka!” nanggagalaiti nitong sigaw bago walang pagdadalawang-isip na sinampal si Catherine.

Hindi pa ito nakuntento, hinila pa nito ang buhok ni Catherine dahilan para matumba siya sa kinauupuan niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status