Share

Chapter 5: Revelation

“I DON'T KNOW what you're talking about!” turan ni Catherine bago tuluyang umalis subalit hindi pa man siya nakakailang hakbang nang biglang pigilan siya ni Phoenix sa pamamagitan nang paghawak nito ng braso niya.

Puwersahan siya nitong iniharap at walang pag-aalinlangang hinaklit ang suot niyang face mask. Dahil sa ginawa ni Phoenix, bumalandra rito ang mukhang itinatago ni Catherine. She can't do anything now, but to accept her fate.

“I knew it. From the moment I saw you, I felt something. Your smell… iyong amoy mo ang pruweba na ikaw nga si Cathy. I wasn't wrong. Behind this mask, there's a woman hiding her identity, but she can't hide her identity anymore,” wika nito habang pinagmamasdan si Cathy mula ulo hanggang paa. “I thought you're dead, how come you're alive now?” tanong pa ni Phoenix.

“Nagulat ka ba, Phoenix? Na ang patay mong ex-wife ay bumangon sa hukay?” Tumawa si Cathy. “Oo, buhay na buhay ako, Phoenix.”

“Bakit bumalik ka pa?!” malamig na tanong ni Phoenix kay Cathy habang seryoso ang tingin nito sa mga mata niya.

“Bumalik? Sa pagkakaalam ko, hindi ako umalis. For the past few years, nandito lang ako.”

“Stay away from me… and from my family.”

“Bakit? Am I a big threat to your family?” Ngumisi si Cathy. “Don't worry, wala naman akong balak na pestehen ang mga buhay niyo dahil wala naman akong pakialam sa inyo.”

Pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon, lumisan na si Cathy. Dire-diretso lang ang paglalakad niya hanggang sa makarating na siya sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan niya.

Sumakay siya sa kaniyang kotse at minaneho iyon pauwi sa bahay ng Kuya Carlos niya. Hating-gabi na kaya halos paharurutin na ni Cathy ang kaniyang kotse. At makalipas pa ang ilang minuto, nakarating na rin si Cathy sa kaniyang destinasyon.

Dali-dali siyang bumaba sa kaniyang sasakyan at dinako ang pinto. Pagkabukas ni Cathy ng pinto, bumungad agad ang Kuya Carlos niya sa kaniya.

“Hindi ko alam kung bakit mo nasabi iyon kanina, pero sina Chase at Cora lang ang anak mo, wala nang iba.”

“Magsabi ka sa akin ng totoo, Kuya Carlos. Ikaw na lang ang pamilya ko rito. Wala na sina mama at papa kaya ayokong paglilihiman mo ako. Bakit kamukha ni Chase iyong anak ni Phoenix na si Parker? Bakit magkaparehong-magkapareho ang mukha nila?”

“Baka coincidence lang, Cathy. Bilog ang mundo, kaya posible na mayroon tayong kamukha.”

Sunod-sunod na umiling si Cathy. “Coincidence? Paano mo nasabing coincidence iyon kung nagkaroon kami ng koneksyon ni Phoenix noon? Kuya Carlos, umamin ka na sa akin. Anak ko ba si Parker? Anak ko ba ang batang iyon?”

“Hindi, Cathy, hindi mo anak ang batang iyon. Nagkataon lang na kamukha lang siya ni Chase,” tanggi ni Carlos. “Hindi ba't nasabi ko sa iyo na namatay ang isa mong anak noon? Lumabas siya sa iyo na wala ng hininga, at pawang sina Chase at Cora lang ang nabuhay. Kaya imposible na tatlo ang anak mo. Oo, tatlo ang anak mo, pero patay na iyong isa. Basically, dalawa na lang ang anak mo, at hindi tatlo.”

Umiling na naman si Cathy. “It doesn't make any sense, Kuya Carlos. Malakas ang kutob ko na anak ko ang batang iyon. At kung anak ko nga siya, isang malaking pagsisisi ang mararamdaman ko dahil hindi ko man lang nagawang gamutin ang sarili kong anak. Please, Kuya Carlos, tell me the truth…”

Nagsimula nang bumagsak ang ilang butil ng luha mula sa mga mata ni Cathy ng sandaling iyon habang nangungusap sa kaniyang nakakatandang kapatid.

Samantala, nakaramdam ng awa si Carlos kay Cathy kaya wala na siyang ibang nagawa kundi sabihin dito ang katotohanan… katotohanan sa likod ng katauhan ni Parker.

“I'm sorry, Cathy, I'm sorry kung itinago ko sa iyo ang totoo. Tama ka, anak mo nga si Parker. Kinuha siya ni Laura sa iyo noon. Pasensya ka na at itinago ko sa iyo ang totoo. Itinago ko sa iyo ang totoo dahil binayaran ako ni Laura. Patawarin mo ako, Cathy…” pag-amin ni Carlos na halos ikalaglag ng panga ni Cathy.

Anak nga niya si Parker… anak niya ang batang tinanggihan niyang gamutin.

“Papatawarin lang kita kapag naiuwi ko na si Parker dito,” sambit ni Cathy bago bumalik sa kaniyang sasakyan at mineneho iyon pabalik sa Montgomery Medical Center.

Sobra ang pagsisisi ni Cathy ngayon dahil hindi man lang niya natulungang magamot ang anak niya. Kahit nasa maayos na itong kalagayan ngayon, nagsisisi pa rin siya rito. Kung maaari lang niyang maibalik ang oras, gagamutin niya agad si Parker pagkarating na pagkarating nito sa hospital. Habang-buhay niyang pagsisisihan ang ginawa niya. Na sarili niyang anak ay nagawa niyang tanggihan.

Pagkabalik ni Cathy sa hospital, halos liparin na niya ang kuwartong kinalalagyan ni Parker. Pero malayo pa lang, hinarang na agad siya ng ilang kalalakihan.

“Padaanin niyo ako. Gusto kong makita ang anak ko!”

“Hindi puwede, hindi ka puwedeng pumasok sa loob.”

“Anong hindi puwede? May karapatan ako! Ako ang ina ni Parker. Padaanin niyo ako bago pa ako tumawag ng pulis!” hiyaw ni Cathy dahilan para magtinginan ang mga tao sa kaniya. “Parker is my son, and he needs me right now.”

“After you refused to treat him, ngayon naghahabol ka? What an a*shole!”

Nang marinig iyon sa likuran, binalingan iyon ni Cathy.

“Anak ko si Parker, Phoenix. Hindi mo ako puwedeng ilayo sa anak ko!” madiin niyang saad habang nanlilisik ang tingin kay Pheonix.

Ngumisi si Phoenix bago hinila si Cathy palayo sa mga kalalakihan. “You're an irresponsible mother, Cathy. How can you refuse to treat your own son, huh? Tapos ngayon, maghahabol ka? You're crazy. I knew it… baliw ka talaga.”

Hinampas ni Cathy ang matigas na dibdib ng lalaki. “Ako ang ina ni Parker, ako dapat ang makilala niya bilang ina niya hindi ang malanding babae na iyon. Hindi mo ito puwedeng gawin sa akin, Phoenix. Kahit anong mangyari, may karapatan pa rin ako kay Parker.”

Tumango si Phoenix. “I understand you, Cathy. However, when Parker was born, it was our names on the paper—mine and Miriam's. So essentially, Miriam and I are considered Parker's parents, not you.”

Napamulagat si Cathy. “It can't be…” anas niya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa mga mapang-asar na mata ni Phoenix.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Riesha Sabdanie
hii novel nga nman hindi logic ang kwento hahaha ang bilis hindi nya naalala nag-agawan pa cla ng bata ni laura Hanggang sa cya nahimatay tas dyan maalala kwento nga nman wlang kabuluhan hahaha pro bnabasa hahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status