HINDI MAKATINGIN NANG diretso si Phoenix sa kaniyang ina habang binabaybay nila ang daan patungo sa kanilang mansyon. Kakapasok lang nila sa Hacienda Montgomery at kitang-kita ni Phoenix ang kasiyahan sa mukha ng kaniyang anak.“This place is so beautiful, grandma,” manghang-manghang wika ni Parker habang pinagmamasdan ang kagandahan ng kapaligiran.Lagpas isang daang ektarya ang laki ng Hacienda Montgomery at lagpas isang daan din ang mga tauhan dito—hindi pa kasama ang mga farmer na nangangalaga ng mango farm. Sa sobrang laki ng hacienda, hindi imposibleng hindi ka mawala. “Really, apo? Thank God you liked it.”“Yes, grandma. Ang ganda-ganda po rito. Parang ayaw ko na nga pong umalis dito, e. Ang dami pong puno ng mango, can I eat them po ba?”“Sure, apo. Kahit anong hilingin mo, ibibigay ko. Maraming activity ang puwedeng gawin dito sa hacienda, magsabi ka lang. Gusto mo bang mag-golf? Mag-polo? Mag-basketball? Anything, apo, puwede mong gawin dito.”Tuwang-tuwa nagtatalon si Park
KANINA PANG PAIKOT-IKOT si Cathy subalit hindi pa rin niya mahanap si Sigmud. Pagkatapos nang pag-uusap nila kaninang umaga ay bigla na lang itong naglaho na parang bula.“Tinatawagan ko siya pero hindi siya sumasagot. Nagri-ring naman iyong cellphone niya. Bakit kaya, Cathy?” Maski si Johanna ay naguguluhan din sa biglang inakto ni Sigmud. Umiling si Cathy. “Hindi ko rin alam, Johanna. Sa dalawang buwan ko rito sa ospital, ngayon lang yata siya umalis na hindi man lang nagsasabi sa akin. Nasanay kasi ako na sa tuwing aalis siya, nagpapaalam siya sa akin.”“Baka naman nagseselos,” turan ni Johanna na mabilis na ikinabaling ni Cathy rito.“Selos? Saan siya magseselos?” natatawang tanong ni Cathy sa kaibigan kapagkuwan ay muling tinawagan ang numero ni Sigmud at sa pagkakataong iyon ay unattended na ang linya nito. “He turned off his phone.” Bumuga nang marahas na hangin sa bibig si Cathy bago dismayadong umiling.“Kay Phoenix, I think,” usal ni Johanna.Mahinang tumawa si Cathy. “I do
MAHIGPIT ANG HAWAK ni Laura sa kopitang nasa kamay niya. May laman iyong wine na halos paubos na rin.“I can't believe that woman, mommy! You think magagawa natin ang plano natin kung ganiyan si Beatrice?!” iritadong usal ni Laura sa kaniyang ina na nakaupo sa harap niya.Kasalukuyan silang nasa pool area na matatagpuan sa labas ng mansyon. Nasa labas silang mag-ina samantalang ang mga bisita ay nasa loob ng mansyon.Dahil sa pagdating ni Parker sa Hacienda Montgomery, nagkaroon ng selebrasyon. Gabi na subalit maliwanag pa rin ang kapaligiran dahil sa mga ilaw na nakapuwesto kung saan-saan. Pero tila hindi sang-ayon kay Laura ang naturang party sapagkat imbes na maging masaya, mas lalo siyang nagngalit nang makita sa kinalalagyan niya kung gaano kasaya ang matandang hukluban habang nakikipag-usap ito sa mga kamag-anak nito. Hindi pa yata sapat iyong ginawa niya kay Pipita. Kulang pa iyong ginawa niya rito bilang ganti niya sa amo nitong akala mo naman kung sino kung tratuhin sila ng
MARAHANG IMINULAT NI Cathy ang kaniyang mga mata nang biglang may lumundag sa kaniyang kama. Pero imbes na magalit, sumilay ang ngiti sa kaniyang mukha nang makita niya ang mga anak niyang sina Chase at Cora.“Good morning, mommy,” sabay na sabi ng dalawa.Nangingiting umupo si Cathy sa kinahihigaan at sabay na niyakap ang dalawa. “Good morning din sa inyong dalawa. How's your sleep, huh?” aniya.Humiwalay ang dalawa sa kaniya.“Mommy, I dreamt about a man. He told me he was my father,” nakangusong tugon sa kaniya ni Chase.“Mommy, kinuha na po ba talaga ni Jesus ang daddy namin?” tanong naman ni Cora.Napalunok na lang nang mariin si Cathy nang marinig ang mga iyon sa dalawa. Ito ang pinaka-ayaw niyang pinag-uusapan nila sapagkat hindi na alam ni Cathy kung ano pa ang idadahilan sa mga ito.Well, everytime na nagtatanong sila kung nasaan ba ang daddy nila—ang palagi niyang sinasagot ay patay na ito kahit buhay na buhay pa ito. Walang plano si Cathy na aminin sa dalawa na si Phoenix a
“LETSE TALAGA ANG matandang hukluban na iyon! Mommy, bakit mo naman hinayaan na maging kasambahay nila tayo? Look at us now! Ugh, I can't imagine wearing this ugly uniform. Hindi bagay sa akin!” iritadong asik ni Laura habang naghuhugas ng mga plato.“Wow, bakit parang sinisisi mo ako? Eh, pareho lang naman natin itong ginusto, ‘di ba? Kung hindi ka sumali, e ‘di sana'y wala ka rito. Pakialamera ka rin talaga minsan, Laura. Tiis-tiis na lang, dalawang araw na lang at matatapos na rin itong pagdudusa natin,” wika naman ni Matilda habang nagba-vacuum ng sahig.Dahil sa ginawa nilang mag-ina kina Helen at Pipita, pinarusahan silang dalawa ni Beatrice. Kung gusto pa nilang manatili sa mansyon, kailangan nilang maging kasambahay ng limang araw. At kung ayaw naman nilang tanggapin ang parusa, palalayasin silang dalawa sa mansyon. At dahil wala na silang pagpipilian, kahit masakit sa loob ng mag-ina ay pinili pa rin nilang maging kasambahay dahil kung hindi nila tatanggapin iyon ay hindi ni
“STAY AWAY FROM my son! Stay away from him!” madiing turan ni Beatrice kay Cathy nang makasalubong niya ito sa hallway.Ngumiti si Cathy kapagkuwan ay inayos ang kaniyang buhok. “Ayoko po ng gulo, Ma'am Beatrice. Mauna na po ako,” saad ni Cathy at nilagpasan na ang matanda.Subalit hindi pa man siya nakakalayo ay hinawakan ng matanda ang braso niya at pinigilan siya. Binawi ni Cathy ang kaniyang braso mula sa matanda at humarap dito.“Ma'am, ako na po ang nag-a-adjust. Hanggat maaari ay ayoko po ng gulo.”Ngumisi si Beatrice. “Ayaw mo ng gulo? Kasi pinoprotektahan mo ang reputasyon mo bilang isang doktor? O ayaw mo ng gulo dahil ina ako ng ex-husband mo?”“Pareho po, Ma'am Beatrice. Nakakabastos man po itong pagtalikod ko pero ito lang po ang nakikita kong paraan para walang gulong mangyari. Nirerespeto po kita, hindi dahil ina ka ni Phoenix, nirerespeto kita dahil ikaw po ang may-ari ng ospital na ito kung saan ako nagtatrabaho. Mauna na po ako.”Pero hindi pa man nakakahakbang si Ca
“MOMMY, ‘DI BA favorite flower mo iyon?” nakangiting tanong ni Cora sabay turo sa mga nakahilerang tulips.“Yes, baby.”“Mommy, puwede po bang bumili tayo?”“Sure, baby. Ilan ba ang gusto mo?”“Five po, mommy.”Nakangiting tumango si Cathy kapagkuwan ay kumuha ng limang pirasong tulips sa mga nakahilera. Nang bayaran niya ang mga ito, masayang iniabot iyon ni Cathy sa anak.“Ano naman ang gagawin mo riyan, baby?”“Secret, mommy,” nakabungisngis na tugon ni Cora na ikinailing na lang ni Cathy.Inaya na niya ang anak papasok ng mall kung saan naghihintay sina Carlos at Chase. Sabado kaya day off ni Cathy sa pagtatrabaho. Ganito sila tuwing Sabado, inilalabas niya ang mga anak niya at nagkataon naman na walang trabaho ang Kuya Carlos niya kaya sinama na niya ito. Single lang ang Kuya Carlos niya at mas ginusto na lang nitong alagaan ang mga pamangkin nito kaysa maghanap ng mapapangasawa para bumuo ng pamilya. Tutol ang magulang nila sa desisyong iyon ni Carlos at namatay pa ang mga ito
Sa FUNCTION HALL—na matatagpuan sa loob ng ProMed Solutions, nagsama-sama ang mga empleyado at malalaking tao na bahagi ng naturang kumpanya upang ganapin ang Welcome Party para sa bagong itatalagang CEO ng kumpanya.Napuno na ng bulong-bulungan ang function hall at hindi na rin sila makapaghintay na dumating ang bagong itatalagang CEO ng ProMed Solutions. Nakakahumali ang function hall ng oras na iyon dahil sa napakagandang disenyo nito na nagpapadagdag sa atraksyon ng mga tao. Isama pa ang mga mamahaling chandelier na nasa itaas na siyang nagbibigay liwanag sa buong hall.Sa gitna ng silid, nakatayo roon ang isang podium na kanina pang hinihintay ang pagdating ng bagong CEO. Mayamaya pa, pagsapit ng alas-otso ng gabi, bumukas ang malaking pinto ng function hall at ibinungad noon si Phoenix habang kasama nito ang mommy at daddy nito.Napuno agad nang palakpakan ang buong hall. Napangiti na lang nang malapad si Phoenix nang sandaling iyon dahil tuwang nararamdaman niya. Hindi niya na