“DADDY, WHY DID she hurt you?” nakangusong tanong ni Parker kay Phoenix nang makabalik siya sa loob.Phoenix smiled. “Don't mind it, baby. How's your feeling now? May masakit ba sa katawan mo? Tell me, baby.”Malapad na ngumiti si Parker. “I'm good, daddy. Dr. Sigmud took care of me. Daddy, when will I see mommy again? I missed her so much.”Phoenix knew his son was talking about Miriam.Bumuntong-hininga si Phoenix bago sinagot ang anak. “When she wakes up, dadalhin agad kita sa kaniya.”Ilang buwan na rin ang nakalipas nang maaksidente si Miriam. Pauwi na ito galing sa birthday party ng mommy ni Phoenix at habang binabaybay ang kahabaan ng kalsada ay bigla na lang nagkaroon ng malfunction ang sasakyan nito. Hindi gumana ang break ng sasakyan ni Miriam kaya nahulog ito sa bangin. Miriam miraculously survives the crash, but falls into a deep coma. At base sa imbestigasyon, ang naging dahilan nang pagka-aksidente ni Miriam ay dahil putol ang brake hose ng sasakyan nito. Hinihinala nila
“PASENSYA NA PO, Tita Beatrice. Aminado po ako sa sarili ko na napabayaan ko si Parker pero sobra ko po iyong pinagsisisihan…” humahagulgol na lintaya ni Laura sa matanda.“Aba dapat lang na pagsisihan mo iyang kapabayaan niyo sa apo ko. Ipinagkatiwala ko siya sa inyo para mas makilala niya kayo tapos ganito pa ang mangyayari? Mga wala kayong silbi!” hiyaw ng mommy ni Phoenix bago ito bumalik sa apo nitong walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari.“I'm really sorry, Tita Beatrice. Please, give me a second chance. Hayaan mong patunayan ko sa iyo na karapat-dapat akong maging taga-alaga ni Parker habang wala pa ang ina niya. Tita Beatrice, Parker is my nephew, kaya karapatan ko po siyang alagaan. Kung saan siya pupunta, dapat kasama rin po ako. Parker can't live without me, right, Parker?” At baling ni Laura sa bata.At dahil sandaling nalingat ang mga mata nina Phoenix at ng mommy nito, pinanlakihan niya ng mga mata si Parker na nagpatango agad dito.“Y-Yes, T-Tita Laura…” takot na sag
“...AND THAT'S HOW the story ends,” pagtatapos ni Lando sa binabasang kuwento.“I enjoyed it very much, Kuya Lando,” tuwang-tuwa wika ni Parker. “Ako rin, Young Master Parker. I hope you learned a lot from this story.”"I learned that giving a person a second chance isn't bad, just like how the story ends: the frog forgave the fox. So, when bad people do something to you, it's never too late to give them a second chance. Forgive and forget: forgive them for what they did to you, then forget the harm they caused you.”Nakangiting tumango si Lando. “You're smart, Young Master Parker. By the way, kumusta ang kalagayan mo? Balita ko, makakalabas ka na rito sa isang araw.”“I'm good, Kuya Lando. I can't wait to live with my grandma. Excited na po akong makasama siya kasama si grandpa,” may kasabikang tugon ni Parker kay Lando.Mag-iisang linggo na ring nandito si Parker sa ospital at unti-unti na itong nakaka-recover at sa isang araw ay makakalabas na rin ito. “Good to know. Your father
KASALUKUYANG NASA LOBBY si Cathy—nakaupo sa upuan habang malayo ang tingin. Kanina pa siyang kumukuyakoy dahil wala siyang ibang maisip kundi ang anak niyang si Parker. Ngayong araw na kasi ito lalabas ng ospital.“Are you okay, Dr. Cathy? Nasabi sa akin ni Dax na hindi mo raw naoperahan iyong pasyente mo kanina dahil nanginginig ka. Muntikan mo na rin daw mahiwa ang sarili mo ng scalpel,” may pag-aalalang saad ni Sigmud nang makalapit ito kay Cathy.Lumunok si Cathy bago nagtaas ng tingin kay Sigmud. “Ngayong araw na lalabas si Parker, Sigmud. Hindi ako mapakali. Hindi rin ako nakatulog kagabi kakaisip sa kaniya. Hindi ko na makikita si Parker, Sigmud…” emosyonal na tugon ni Cathy kay Sigmud.Naiiling na umupo si Sigmud sa harap ni Cathy. “Huwag kang mag-isip ng ganiyan, Cathy. No matter what happens, may karapatan ka pa rin kay Parker. He's your son—you’re his biological mother, so don't think like that. Makikita mo pa rin si Parker, maybe this isn't the right time, but I know, dara
HINDI MAKATINGIN NANG diretso si Phoenix sa kaniyang ina habang binabaybay nila ang daan patungo sa kanilang mansyon. Kakapasok lang nila sa Hacienda Montgomery at kitang-kita ni Phoenix ang kasiyahan sa mukha ng kaniyang anak.“This place is so beautiful, grandma,” manghang-manghang wika ni Parker habang pinagmamasdan ang kagandahan ng kapaligiran.Lagpas isang daang ektarya ang laki ng Hacienda Montgomery at lagpas isang daan din ang mga tauhan dito—hindi pa kasama ang mga farmer na nangangalaga ng mango farm. Sa sobrang laki ng hacienda, hindi imposibleng hindi ka mawala. “Really, apo? Thank God you liked it.”“Yes, grandma. Ang ganda-ganda po rito. Parang ayaw ko na nga pong umalis dito, e. Ang dami pong puno ng mango, can I eat them po ba?”“Sure, apo. Kahit anong hilingin mo, ibibigay ko. Maraming activity ang puwedeng gawin dito sa hacienda, magsabi ka lang. Gusto mo bang mag-golf? Mag-polo? Mag-basketball? Anything, apo, puwede mong gawin dito.”Tuwang-tuwa nagtatalon si Park
KANINA PANG PAIKOT-IKOT si Cathy subalit hindi pa rin niya mahanap si Sigmud. Pagkatapos nang pag-uusap nila kaninang umaga ay bigla na lang itong naglaho na parang bula.“Tinatawagan ko siya pero hindi siya sumasagot. Nagri-ring naman iyong cellphone niya. Bakit kaya, Cathy?” Maski si Johanna ay naguguluhan din sa biglang inakto ni Sigmud. Umiling si Cathy. “Hindi ko rin alam, Johanna. Sa dalawang buwan ko rito sa ospital, ngayon lang yata siya umalis na hindi man lang nagsasabi sa akin. Nasanay kasi ako na sa tuwing aalis siya, nagpapaalam siya sa akin.”“Baka naman nagseselos,” turan ni Johanna na mabilis na ikinabaling ni Cathy rito.“Selos? Saan siya magseselos?” natatawang tanong ni Cathy sa kaibigan kapagkuwan ay muling tinawagan ang numero ni Sigmud at sa pagkakataong iyon ay unattended na ang linya nito. “He turned off his phone.” Bumuga nang marahas na hangin sa bibig si Cathy bago dismayadong umiling.“Kay Phoenix, I think,” usal ni Johanna.Mahinang tumawa si Cathy. “I do
MAHIGPIT ANG HAWAK ni Laura sa kopitang nasa kamay niya. May laman iyong wine na halos paubos na rin.“I can't believe that woman, mommy! You think magagawa natin ang plano natin kung ganiyan si Beatrice?!” iritadong usal ni Laura sa kaniyang ina na nakaupo sa harap niya.Kasalukuyan silang nasa pool area na matatagpuan sa labas ng mansyon. Nasa labas silang mag-ina samantalang ang mga bisita ay nasa loob ng mansyon.Dahil sa pagdating ni Parker sa Hacienda Montgomery, nagkaroon ng selebrasyon. Gabi na subalit maliwanag pa rin ang kapaligiran dahil sa mga ilaw na nakapuwesto kung saan-saan. Pero tila hindi sang-ayon kay Laura ang naturang party sapagkat imbes na maging masaya, mas lalo siyang nagngalit nang makita sa kinalalagyan niya kung gaano kasaya ang matandang hukluban habang nakikipag-usap ito sa mga kamag-anak nito. Hindi pa yata sapat iyong ginawa niya kay Pipita. Kulang pa iyong ginawa niya rito bilang ganti niya sa amo nitong akala mo naman kung sino kung tratuhin sila ng
MARAHANG IMINULAT NI Cathy ang kaniyang mga mata nang biglang may lumundag sa kaniyang kama. Pero imbes na magalit, sumilay ang ngiti sa kaniyang mukha nang makita niya ang mga anak niyang sina Chase at Cora.“Good morning, mommy,” sabay na sabi ng dalawa.Nangingiting umupo si Cathy sa kinahihigaan at sabay na niyakap ang dalawa. “Good morning din sa inyong dalawa. How's your sleep, huh?” aniya.Humiwalay ang dalawa sa kaniya.“Mommy, I dreamt about a man. He told me he was my father,” nakangusong tugon sa kaniya ni Chase.“Mommy, kinuha na po ba talaga ni Jesus ang daddy namin?” tanong naman ni Cora.Napalunok na lang nang mariin si Cathy nang marinig ang mga iyon sa dalawa. Ito ang pinaka-ayaw niyang pinag-uusapan nila sapagkat hindi na alam ni Cathy kung ano pa ang idadahilan sa mga ito.Well, everytime na nagtatanong sila kung nasaan ba ang daddy nila—ang palagi niyang sinasagot ay patay na ito kahit buhay na buhay pa ito. Walang plano si Cathy na aminin sa dalawa na si Phoenix a