I was living in a comfortable and contented life not until my mom passed away one month ago.
Our house, cars, properties and our company that was founded by my parent's were all taken away from me and it's all because of my step-father.Isinugal niya lahat-lahat ang mga ari-arian ng mga magulang ko. It looks like my mom knew about his bad habit, but my mom stayed silent.Hindi na ako magtataka. Mabait, maunawain at mapagbigay ang mommy ko kaya siguro hinayaan niya lang si tito Henry sa bisyo nito, pero masiyado naman niyang inabuso ang kabutihan ng mommy ko.Gusto kong pagsalitaan ng mga masasakit na salita si tito Henry, but my mom didn't teach me to be a bad daughter. She always told me to be kind no matter what the situation is. Hindi rin ako sanay na magalit at magtanim ng sama ng loob kaya ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay mag-isip ng paraan kong paano kami makaka-survive sa mga pang-araw-araw na gagastusin namin.Kakalipat lang namin ngayon sa isang hindi kalakihang apartment. Sa unang naglipatan kasi namin ay masiyadong maingay. I cannot stand with noise dahil nasanay akong tahimik ang paligid ko kaya naghanap ulit ako ng ibang apartment.I have a step-sister. Her name is Portia. She was six years younger than me at nasa ikaapat na taon na siya sa kolehiyo ngayong taon.Portia loves luxuries. Lahat ng mga gamit niya ay purong mamahalin at sunod sa uso. She is spoiled, but thank god, she is not a brat.We differ in personality. We don't have the same taste, likes and preferences, but we get along well.Parehong maagang namatay ang mama niya at ang papa ko. Sanggol pa lang kami nang mamatay sila kaya hindi namin sila nakilala."Ate, ang init. I need an airconditioner." Narinig kong reklamo ni Portia dahilan para bumalik sa kasalukuyan ang isip ko.Nandito kami ngayon sa kwarto namin. Magkatabi kami at parehong nakahiga. Dalawa lang ang kwarto dito sa inuupahan namin kaya wala kaming choice kung hindi ang mag-hati sa iisang silid. Sa kabilang-silid naman natutulog si tito Henry.Sinulyapan ko si Portia at hustong nakita ko ang namumuong pawis sa kanyang nuo. Nakaramdam ako ng habag sa kanyang itsura. Centralized ang aircon sa bahay namin dati kaya hindi kami sanay na mainit ang kwarto namin. Kahit gustuhin ko mang palagyan ng aircon dito, wala naman kaming sapat na pera. Lahat kasi ng bank accounts naming tatlo ay naka-freeze kaya hindi ako makapaglabas ng pera.Hindi ko alam kong gaano kalaki ang utang ni tito Henry at pati sarili naming bank accounts ni Portia ay kailangang i-hold ng bangko. Hindi tuloy namin magamit ang perang naka-imbak doon. Malaki-laki pa naman ang pera namin. Sigurado akong hindi sasampung milyon ang pera ko dahil maliit pa lang ako ay naghuhulog na si mommy sa bank account ko. Hindi ko lang alam kong magkano ang pera ni Portia pero sigurado akong aabot din sa milyon ang pera niya sa kanyang bank account."Kahit gustuhin ko mang bumili, wala na tayong sapat na pera Portia. Naubos na ang perang pinagbentahan ko ng aking mamahaling Louis Vuitton bag." Malungkot kong sagot sa kanya.Nag-advance deposit kasi ako ng anim na buwan dito sa apartment na inuupahan namin ngayon. Buong bahay itong inupahan ko kaya aabot din sa twenty five thousand pesos ang upa kada buwan. May natira pang pitumpu't-libo, pero sa mahal ng mga bilihin ngayon, hindi na aabot sa isang buwan ang pera namin.Masakit saakin na ibenta ang bag na iyon dahil regalo saakin iyon ni mommy pero sa kalsada naman kami matutulog kapag hindi hindi ko ginawa iyon."I can sell my expensive bags too, ate. Iyon na lang ang ipambili natin ng aircon." Suhestiyon niya pero agad ko siyang kinontra."Kung ibebenta mo man ang mga iyon, hindi mo iyon ipambibili ng aircon. Alalahanin mong malapit na ang pasukan niyo. Ang mahal ng tuition fee mo sa pinapasukan mong skwelahan. Kailangan mo pa ng baon araw-araw at paano ang iba mo pang babayaran sa school niyo?"Portia heaved a deep and dissappointed sigh."I don't know why this is happening to us. The last time I checked, we are living a very luxurious life and then suddenly, bigla na lang tayong maghihirap. I am not prepared for this kind of life. Kasalanan ito ni daddy. If only he didn't gamble everything that we have." Paninisi niya sa kanyang ama.Napabuntunghininga na lang ako.I am not prepared for this kind of life too, but we need to adjust if we want to live. Kahit sisihin namin ng sisihin si tito Henry, hindi na maibabalik ang mga nawala saamin. All we need to do now, is to accept the reality that we are no longer rich.Nagluluksa pa ako sa pagkawala ni mommy pero pakiramdam ko ngayon, parang wala na akong karapatang magluksa dahil sa mga patong-patong na problemang kinakaharap namin.If only my mom was still alive when this happened, atleast, hindi ako ganito magiging kaproblemado. Nasanay akong palaging nakadepende sa kanya kaya isang malaking kawalan talaga saakin ngayong wala na siya.Minsan, gusto ko ring sisihin si mommy kung bakit maaga siyang nawala. If only, she told us early that she had a brain tumor, baka naagapan pa ng mga doktor ang kanyang sakit. But she choose to keep her sickness to herself. Nalaman na lang namin ang kanyang sakit ng lumala na ito at wala nang lunas.Pinunasan ko ang luhang bigla na lang naglandas saaking pisngi bago pa iyon makita ni Portia. Naalala ko kasi ang itsura ni mommy noong kanyang mga huling sandali. Her face is full of pain but she still manage to gave me smile before she took her last breath.Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang hikbi na gustong umalpas mula sa aking bibig. I don't want to show Portia that I am crying at bakamag-iyakan na lang kami dito imbes na mag-isip kami ng paraan kong paano namin masosolusyonan ang mga problema namin.I need to be strong for her dahil wala na kaming maaasahan pa kay tito Henry."I will sell my Diamond Forever Chanel bag today. Do you want to come with me?"Napasinghap ng malakas si Portia. Napabalikwas pa siya ng bangon dahil sa sinabi ko."Ate, you must be kidding me. That is the most expensive bag Chanel have ever designed. You cannot sell it." Mariin niyang protesta habang nanlalaki ang kanyang mga mata.I let out a deep breath. Bumangon din ako at umupo sa kama."Aanhin ko ang bag kong wala naman tayong kakainin? Besides, kailangan natin ng extra na pera habang hindi pa ako nakakahanap ng trabaho."Napasinghap nanaman ng malakas si Portia. Nang magtama ang mga mata namin ay nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata."Ate, hindi ka sanay magtrabaho. Ano ang trabahong papasukan mo? Yes, you graduated in Harvard, but that was five years ago. You don't have any experience dahil hindi ka naman nagtrabaho. May kukuha kaya saiyo?" Nag-aalang tanong niya.Nag-iwas ako ng tingin. Portia is right. I should have applied for a job after I graduated, but my mom didn't let me to. Hindi rin niya ako hinayaang magtrabaho sa kumpanya namin. Literal na sa edad kong dalawampu't anim ay nakadepende parin ako sa kanya kaya lumaki akong walang kahit na anong trabahong kayang gawin."I have to try this time. Kung hindi ako magtatrabaho, pare-pareho tayong magugutom." Malungkot na sagot ko.Mahigpit akong niyakap ni Portia."Ate, what if I stop going to school so I could help you for the meantime?" Suhestiyon niya.Sa narinig ko ay humulagpos ako mula sa pagkakayakap sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang magkabilang-balikat at pinanliitan siya ng mga mata."You are already graduating. I won't allow you to stop schooling." Mariin kong sagot sa kanya.She pouted her lips. Tinanggal niya ang aking mga kamay na nasa kanyang balikat at pinagsalikop ang aming mga daliri."But ate, you don't have to bear all the problems alone. Makapaghihintay ang aking pag-aaral. I can just stop for one year. Magtrabaho tayong dalawa at kapag nakaipon na tayo, tsaka na lang ako mag-aaral ulit. What do you think?" Itinaas-baba niya ang kanyang mga kilay at ngumiti pero pinandilatan ko siya ng mga mata."No! You need to graduate now no matter what happens. Don't worry about money. Ako na ang bahala." Assurance ko sa kanya.Nalaglag ang kanyang balikat."Bahala ka. Basta ha? Kapag kailangan mo pa ng pera, we can always sell my signature bags and shoes. Huwag mo na akong alalahanin. Bibili na lang ulit ako kapag nakagraduate ako at nakahanap ng trabaho."I smiled warmly at Portia pagkuwa'y, niyakap ko siya ng mahigpit. It looks like Portia is now beginning to mature.Pumunta nga kaming dalawa sa botique na pinagbentahan ko rin noong nakaraang buwan at ibinenta ang Chanel bag ko."Ate naman, why did you sell your Chanel bag for only 1 million? It's worth was fourteen times higher from the money she gave you. It was very clear that she took advantage of you, but you let her." Portia ranted nang makalabas kami sa botique na pinaggalingan namin."Hayaan mo na. We badly needed money right now. Wala tayo sa pwesto upang magreklamo."She stomped her feet on the floor. "OMG! I so hate that kind of people. Masiyado silang gahaman. I hope their botique will go bankcrupt." Naiinis na sagot niya.Tipid akong napangiti. I can feel her frustrations. Masakit din sa loob ko, pero tulad nga ng sinabi ko wala kami sa pwesto upang magreklamo. Nangangailangan kami ng pera ngayon kaya tatanggapin ko anumang presyo ang kaya nilang ialok."Don't bother to make a fuss about it. We better head to the mall to buy the things we need in our apartment. Marami pa tayong kulang na gamit."She snorted pero hindi na sinubukang magreklamo pa. Nilakad na lang namin ang papuntang mall since malapit lang naman ito mula sa pinanggalingan namin. We are both wearing flat sandals kaya hindi kami mahihirapang maglakad.Mag-aalastres na ng hapon pero nasa katirikan parin ang araw. Wala pa kaming dalang payong kaya pinagpapawisan tuloy kaming dalawa. Mabuti na lang at may dala kaming panyo kaya iyon ang ipinam-punas namin sa mga pawis na tumutulo sa nuo namin.I never imagine myself that I will walk in the streets under the heat of the sun dahil lumaki akong may naghahatid at nagsusundo saakin saan man ako pumunta.Panay ang reklamo ni Portia na mainit habang naglalakad kami. Hinayaan ko lang siyang magsalita ng magsalita. Huminto lang siya nang makapasok kami sa loob ng mall dahil siguro sa malamig na dito.Wala kaming sinayang na sandali. Nagderetso agad kami sa appliances section at binili ang mga kagamitan na wala pa saamin. Inuna ko ang ref at kumuha na rin ng dalawang aircon. Hindi sana ako bibili ng aircon pero naaawa ako kay Portia. Hindi siya nagsasalita pero panay naman ang tingin niya sa aircon kanina kaya bumili na lang ako. Nang sa tingin ko ay nabili ko na ang mga importanteng gamit na kailangan namin ay nagbayad na ako gamit ang nag-iisang card na natira saakin pagkatapos ay ipinadeliver ko lahat sa apartment namin.Nang matapos kami ay sa grocery section naman kami dumiretso. Inuna namin ang mga personal na gamit namin dahil pati ang mga iyon ay hindi namin naisama nang lumipat kami.Ura-urada kasi kaming pinaalis at hindi man lang kami binigyan ng kahit isang araw man lang na palugit upang makapag-empake ng mga gamit namin. Ang ending tuloy, ang mga damit lang namin at iba pang mahahalagang gamit ang tanging nadala namin."Ate, nagugutom na ako." Reklamo ni Portia ng mabayaran namin ang mga groceries na binili namin.Ako rin. Kanina pa nagugutom at nauuhaw. Hindi ko pa alam kong paano magluto kaya mas mabuti sigurong kumain na muna kami bago kami umuwi. Magtetake-out na lang kami para kay Tito Henry."Sige. Kumain muna tayo." Sagot ko bago ko binalingan ang cashier upang tanungin kong pwedeng ipadeliver na lang sa apartment namin ang mga binili namin. Nang umuo siya ay ibinigay ko ang address namin at nagdagdag ng delivery fee's."Saan mo gustong kumain?" Tanong ko kay Portia."Kahit anong kainan na lang. Iyong afford natin."Tumango-tango ako. Alam kong napipilitan lang si Portia dahil kung mayaman pa kami hindi ganyan ang isasagot niya. Mapili kasi siya sa mga pagkain kaya hindi mo talaga siya mapapakain sa kung saan-saan lang.Nagtingin-tingin kami sa paligid kong may malapit bang restaurant sa floor na kinaroroonan namin pero mukhang walang kainan dito kaya dumiretso kami sa third floor upang doon maghanap.Malapit na kaming makarating sa itaas nang masulyapan ko ang isang lalaking naglalakad patungo sa direksiyon namin ni Portia. He looks like he came from a business meeting dahil naka coat and tie pa ito. Sa likod nito ay ang dalawang bodyguard niya na palagi kong nakikitang nakasunod sa kanya kapag napapanood ko siya sa tv.Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong gumalaw ang kanyang ulo upang tumingin sa direksiyon namin.Hindi ako mahilig magmura pero napamura ako ng wala sa oras.Yumuko kaagad ako. Nagtago ako sa likuran ng lalaking nasa harapan ko. Hindi pa ako nakuntento at tinakpan ko pa ang mukha ko gamit ang kamay ko."Ate, what are you doing?" Angal ni Portia nang pwersahan kong iyuko ang kanyang ulo."Basta yumuko ka lang. Huwag mong iaangat ang ulo mo hanggang hindi ko sinasabi." Mariin kong utos sa kanya."Mamaya ka na magtanong." Pahabol na dagdag ko pa bago pa siya humirit ulit.Masunurin si Portia ngayon dahil hindi nga siya nagtanong.Mula sa likod ng taong nasa harapan ko, isinilip ko ang mukha ko upang tignan kong wala na ba ang mga lalaking nakita ko kanina. Iginala ko pa ang tingin ko para masiguradong wala na nga sila. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi ko sila makita.Nang makarating kami sa third floor ay hinawakan ko ang kamay ni Portia at mabibilis ang mga hakbang na inakay ko siya patungo sa kaliwang direksiyon ng mall. Doon kasi sa kanang direksiyon ang nakita kong tinungo nila kanina."Ate, Ano ba talaga ang nangyayari?" Naguguluhang tanong niya saakin habang akay-akay ko siya."Can we just eat somewhere else? Baka hindi masarap ang pagkain nila dito. Mapili ka pa naman sa mga kinakain mo." Pag-iiba ko ng usapan."It's okay ate. I don't think I can still afford to become picky. I can eat whatever food they are serving here. Huwag mo na akong alalahanin."Napapikit ako sa kanyang isinagot. Kung kailan naman kailangan ko ang kanyang kooperasiyon, tska naman siya nagpapaka-matured diyan."But I don't like the food here.""Teka lang ate." Pinigilan ako ng kanyang isang kamay kaya napatigil ako sa paglalakad."Why?"Nagpalinga-linga ulit ako sa paligid at baka bigla silang bumalik."Kailan ka pa naging mapili sa pagkain?"Bumalik ang tingin ko kay Portia"Ngayon lang?" Patanong na sagot ko.Hindi pa ako sigurado sa sagot ko dahil hindi naman talaga ako mapili sa pagkain."Huh? At ako pa talaga ang lolokohin mo? Never kang naging mapili sa pagkain so don't pull that prank on me. Gutom na ako ate kaya pakiusap, kahit sa food court na tayo kumain. Hindi ako magrereklamo."Umiling ako. Kahit gusto ko siyang pagbigyan ay hindi maaari."Kahit orderin mo na ang pinakamahal na pagkain, hindi ako magrereklamo basta sa iba na lang tayo kumain."Luh. Sigurado ka? Sinabi mo iyan ha?""Oo nga, kaya tara na.""Tsssk. Ang weird mo ngayon. Pero wala na talagang bawian iyan."Tumango ako at nagpatiuna nang maglakad.Nasa kalsada na kami at naghihintay nang jeep na masasakyan nang biglang may humintong isang mamahaling sports car sa harapan namin.Hindi ko sana ito papansinin kung hindi lang unti-unting bumaba ang bintana sa may bandang likuran ng kotse. I watched how the mirror slowly slide down until the sideview of the man sitting at the back revealed before my eyes.I don't know if I would widen my eyes or gasp in shock. Isa lang ang sigurado ako, I need to get away from him even if it means running away until I lost my last breath."Devin Fajardo, the most successful young businessman in the country is with Katherine Revamonte; the daughter of a hotel magnate. It seems like they just came from a dinner date. Is the most eligible billionaire bachelor in the country not single, anymore?"Below the caption is a video of Devin and that girl Katherine going out of a famous restaurant.Reporters from different stations immediately approached them, but Devin used his arms to cover the woman's face habang nagmamadali silang pumasok sa nakahanda nang pulang Lamborghini Aventador.Nag-unahan sa pagtakbuhan ang mga reporters pero huli na sila dahil humarurot na palayo ang sasakyan.I don't know what will I felt with the scene that I've witnessed. Madidis-appoint ba ako dahil hanggang ngayon wala pang nakaka-alam na matagal na kaming kasal ni Devin o magagalit dahil kung hawakan niya si Katherine ay parang wala siyang asawa na makakakita sa ginagawa niya.Sabagay, sino ba kasi ako? Kahit nga nagkikita kami sa pagtitipon noo
Hindi ko akalaing mahirap pala ang maghanap ng trabaho. Sa limang kumpanya na pinasahan ko ng aking resume, lahat ay hindi ako tinanggap. Pare-pareho sila ng sinasabi. Wala daw akong experience. They must have been kidding me. How can I have an experience if they won't allow me to work with them? I don't understand their rules. How about the newly graduates? Inaasahan ba nilang may mga experience na ang mga iyon? I let out a frustrated sigh. Hindi ko maintindihan kong anong klaseng mindset mayroon ang mga nangangasiwa sa mga kompanya ngayon. Napapaisip tuloy ako, ganoon rin ba ang patakaran ng kompanya namin namin noon? But how would I know now kung wala na saamin ang kumpanya namin? Pinunasan ko ang pawis na namuo sa nuo ko gamit ang manggas ng puting long sleeves ko. Nandito ako sa gilid ng kalsada at naghihintay ng masasakyang jeepney. Malapit na ang rush hour kaya kailangang makasakay na agad ako dahil siguradong siksikan na mamaya dahil uwian na ng mga estudyante at mga nag-o
"E-excuse me, Sir but my surname is Fontanilla." Kinakabahan na sagot ko. Nagpanggap akong hindi siya kilala at sana maniwala siya. Tumambol nang malakas ang dibdib ko ng dahan-dahan siyang tumayo. Gusto kong tumakbo pero parang napagkit ang mga paa ko sa sahig. Naglakad siya at tumigil sa harapan ko. Napahinga ako ng malalim nang masamyo ko ang pan-lalaking pabango niya. "The last time I checked, I didn't sign our divorce papers and that only mean---you are still a Fajardo." He answered in his sultry voice dahilan para tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Napamura ako sa aking isipan. Is he flirting with me? Bakit ganyan ang boses niya? Huminga ako ng malalim. I need to gather myself or else I will lose it here. This is the first time that we'll come face to face, but he's making me lost myself already. What more kapag nakikita ko na siya araw-araw? Baka lumayas na ang kaluluwa ko sa aking katawan. "Hindi ko alam kong ano ang sinasabi mo. Kung wala na po kayong kailang
Kumunot ang nuo ko nang maging pamilyar saakin ang daan na tinatahak namin.Bakit feeling ko pauwi naman sa apartment ko ang tinatahak ng sasakyan?Hindi muna ako nagtanong dahil baka dito rin ang daan papunta sa bahay nina Devin.Sinulyapan ko si Devin na tulog na tulog. Magkatabi kami dito sa likod ng sasakyan pero nakaupo kami sa magkabilang-gilid. Si Dino ang nagmamaneho habang si Drigo ay nakaupo sa passenger seat. Pareho silang tahimik kanina pa.Naalala ko nanaman kong bakit napilitan akong iuwi si Devin. Hindi ko alam na marunong din palang magdrama ang dalawa. Akalain mong mas mabuting magpasagasa na lang daw sila sa truck kaysa si Devin mismo ang magpira-piraso ng kanilang mga katawan kapag hindi ako ang nag-uwi sa amo nila?Alam kong nagpapaka oa lang ang dalawa dahil hindi magagawa ni Devin ang sinasabi nila pero pumayag na lang ako sa gusto nila dahil desperado na ang kanilang mga itsura.Pagdating namin sa VIP 2, halos hindi na maka-galaw si Devin sa sobrang kalasingan.
Hindi ko alam kong papaano akong nakawala sa mahigpit na yakap ni Devin. Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa gilid ng kama habang nakatingin kay Portia na nanlilisik ang mga mata.Nagpanik ako ng magmartsa siyang papalapit sa banda ni Devin.OMG! Ano ang binabalak niyang gawin?Bago pa niya malapitan ang lalake ay mabilis ko nang naiharang ang katawan ko."Umalis ka diyan ate, nandidilim ang paningin ko ngayon at baka hindi kita matantiya." Utos niya habang nangangalit ang kanyang mga ngipin.Umiling ako."Naman Portia. Ipagpabukas mo na kong anuman ang sasabihin mo sa kanya. Lasing iyong tao at natutulog na." Pigil ko sa kanya sa mahinang boses.Mas matangkad ako kay Portia kaya naman kailangan niya pang tumingkayad upang makita si Devin.Nang hindi siya magtagumpay na malapitan ito ay ako ang binalingan niya."Ate, alam kong hindi pa siya natutulog. Hayaan mo kasing kausapin ko siya." Pagpupumilit niya."Bukas na kasi. Tara na.""Portia, right? Ano ang gusto mong sabih
Kahit gusto ko pang matulog ay napilitan na akong bumangon dahil naalala kong walang magluluto ng umagahan kay Devin. Hindi ko inakalang darating ang araw na ipagluluto ko siya. Kahit nga noong ikinasal kami sa papel, never kong inisip na gagawin ko ang karaniwang ginagawa ng isang babaeng may asawa na. Habang nagsisipilyo ay iniisip ko kong ano ang lulutuin ko. Nilagang itlog lang ang alam kong lutuin. Alam ko namang magprito noon, kaso, puro pasa ang inaabot ko. Kaya naman sa pangatlong beses na natalsikan ako ng mantika ay itinigil ko na ang pagpiprito at nagta tiyaga na lang kami ni Portia sa nilagang itlog sa umaga. O kaya naman nagnoodles na lang kami dahil madali rin lang iyong lutuin. Alangan namang nilagang itlog ang ipapakain ko kay Devin? Nakakahiya. Sigurado akong sanay iyon sa masasarap na pagkain. Nang matapos akong magsipilyo at maghilamos ay lumabas na ako sa banyo. Natutulog pa si Portia dahil alas-otso pa lang ng umaga. Mga alas-dose pa iyan magigising at ganoon d
Magkatabi kami ni Portia habang nasa tapat naman namin nakaupo si Devin, Dino at Drigo. Wala kaming imikan habang kumakain. Hindi ko rin naman sinubukang magsalita dahil wala naman akong alam na sasabihin. I was busy eating my roasted tomato grilled cheese when I heard Dino and Drigo cough repeatedly. Mukhang nabulunan pa yata ang dalawa. Nang tignan ko sila ay hindi na maipinta ang mga mukha nila. Parang may nakain silang mapait dahil lukot na lukot ang kanilang mga mukha. Nang sulyapan ko kong ano ang nasa pinggan nila ay nakita kong ang waffles ang kasalukuyan nilang kinakain. Hindi ba masarap ang pagkakagawa ko? Bakit kulang na lang isuka nila ang kanilang mga kinakain? Tinignan ko si Devin na katabi ni Dino dahil waffles din ang nakita kong kinuha niya kanina. Ngumunguya siya pero bakit nahihirapan siyang lunukin ang kinakain niya? Kinuha nito ang kapeng tinimpla ko at ininom pero akmang ibubuga niya ito nang mapasulyap siya saakin. Mabilis pa sa alas-kwatro na agad niya itong
Marahan kong hinaplos ang mga kamay ko habang nakaupo ako dito sa counter at naghihintay ng costumer. Apat na araw pa lang ang nakakalipas pero wala na ang bakas ng mga pasa ko. Napaka- effective ng cream na ibinigay ni Devin saakin. Speaking of him, apat na araw na rin siyang hindi nagpapakita saakin. He was so sure of himself when he said that he will make up for all of his shortcomings, but where is he now? Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na siya nagpakita saakin. Nagpakawala ako ng isang buntung-hininga. Mabuti na lang at hindi ako umasa sa mga binitawan niyang salita. Paano na lang kapag naniwala ako? Edi sobrang disappointed na sana ako ngayon? "Your sigh is too deep. May problema ka ba?" Napatayo ako mula sa pagkaka-upo nang marinig ko ang baritonong boses ng aking amo. He is Adam Roosevelt. A half-filipino, half-american and the owner of this exclusive night club where I am working at. "Wala naman po, sir." Kiming sagot ko. Tumaas ang kanyang kilay na parang