Kumunot ang nuo ko nang maging pamilyar saakin ang daan na tinatahak namin.
Bakit feeling ko pauwi naman sa apartment ko ang tinatahak ng sasakyan?
Hindi muna ako nagtanong dahil baka dito rin ang daan papunta sa bahay nina Devin.
Sinulyapan ko si Devin na tulog na tulog. Magkatabi kami dito sa likod ng sasakyan pero nakaupo kami sa magkabilang-gilid. Si Dino ang nagmamaneho habang si Drigo ay nakaupo sa passenger seat. Pareho silang tahimik kanina pa.
Naalala ko nanaman kong bakit napilitan akong iuwi si Devin. Hindi ko alam na marunong din palang magdrama ang dalawa. Akalain mong mas mabuting magpasagasa na lang daw sila sa truck kaysa si Devin mismo ang magpira-piraso ng kanilang mga katawan kapag hindi ako ang nag-uwi sa amo nila?
Alam kong nagpapaka oa lang ang dalawa dahil hindi magagawa ni Devin ang sinasabi nila pero pumayag na lang ako sa gusto nila dahil desperado na ang kanilang mga itsura.
Pagdating namin sa VIP 2, halos hindi na maka-galaw si Devin sa sobrang kalasingan. Nakahiga siya sa sofa habang ang isang kamay niya ay nasa sahig kasama ang kanyang itim na coat.
He looked like a dignified businessman when he is sober. Ngayong nakainom siya, dinaig niya pa ang mga tambay sa kanto sa sobrang kalasingan.
Napaayos ako ng pagkaka-upo ng umungol si Devin. Nanlaki ang mga mata ko nang hanapin ng kanyang mga kamay ang botones ng suot niyang puting long sleeves at unti-unti itong kalasin.
"D-Drigo. Naghuhubad ang amo. Pigilan mo siya." Tarantang utos ko sa kanya pero lumingon lang siya kay Devin at itinuon na ulit ang mga mata sa unahan.
OMG!
Napalunok ako ng tuluyang lumitaw saaking harapan ang dibdib ni Devin. Ngayon lang ako nakakita ng literal na six pack abs ng malapitan dahil tanging sa mga pinapanood ko lang ako nakakakita.
Pinaypayan ko ang sarili ko dahil biglang uminit ang paligid kahit naka full aircon naman sa loob ng sasakyan.
"Maam, gusto mo bang tanggalin namin ang damit ni Sir Devin?" Suhestiyon ni Drigo dahilan para maiiwas ko ang aking mga mata dahil sa pagkapahiya.
Damang-dama ko ang pag-iinit ng aking magka-bilang pisngi nang ibaling ko ang aking tingin sa labas ng bintana.
"Ano, maam? Pagkakataon mo na ito habang lasing at walang malay ang amo namin. Promise, hindi namin ipagsasabi kahit mamatay man ang alagang french bulldog ng kapitbahay naming inaabot ng taon bago maligo." Pamimilit naman ni Dino.
"Shut up and just drive " Asik ko sa kanya.
Sabay silang napahagikhik ng malakas.
Kahit gusto ko silang panlisikan ng mga mata hindi ko sila magawang tignan dahil sigurado akong nanunukso lang ang kanilang mga tingin ngayon. Mabuti na lang at lasing na lasing si Devin. Wala siyang kamalay-malay sa mga pinag-uusapan namin. Baka gugustuhin ko na lang na kainin ng lupa kapag nalaman niyang halos pagnasaan ko na siya.
Sa sobrang pagkapahiya ko, hindi ko na siya inulit pang tinignan. Bahala siya diyan kong magka stiff neck siya sa kanyang ayos.
"Akala ko ba gusto niyong ihatid ko pauwi ang amo niyo? Bakit ako ang una niyong inihatid?" Tanong ko nang huminto kami mismo sa tapat ng apartment namin.
"At teka nga, papaano niyong nalaman na dito ako umuuwi? Are you stalking me?" Akusa ko sa dalawang nasa harapan.
"Maam, huwag kang masiyadong assuming at hindi magandang ugali iyan. Dito rin nakatira si sir Devin. Diyan lang sa katapat ng apartment niyo."
Itinuro ni Drigo ang apartment na nasa kabilang-daan. Ang alam ko, wala namang umuokupa diyan dahil hindi ko naman kahit minsan nakita na may lumabas na tao diyan magmula nang lumipat kami rito.
"Kung ganoon, bakit dito kayo mismo sa tapat ng apartment ko huminto?" Asik ko upang itago ang pagkapahiya ko.
"Natural maam dahil dito sa apartment niyo po matutulog si sir Devin."
Feeling ko, pati ang ilong ko ay nanlaki ang butas nang marinig ko ang kanyang rason.
"Ang usapan natin ihahatid ko ang amo niyo sa kanyang bahay. Wala sa usapan na matutulog siya sa apartment ko. Atsaka, dalawa lang ang kwarto sa loob. Wala siyang tutulugan doon."
Bakante ang kabilang-kwarto dahil umuwi si tito Henry sa probinsiya nila at ayaw naman ni Portia na matulog doon pero kahit na, hindi ko parin pwedeng patulugin doon si Devin.
Bakit niya kasi gustong dito matulog kong meron naman pala siyang sariling apartment? May sarili din naman silang bahay. Kapag nalaman ng mama ni Devin na dito natulog ang anak niya, baka sugudin nanaman ako dito ng wala sa oras.
"Maam, kung gusto niyo may paraan pero kong ayaw niyo marami talagang dahilan." Nakakalokong sagot ni Dino.
Napanganga ako sa kanyang isinagot. Binuksan ni Dino ang pintuan sa tapat ni Devin at inalalayan nila itong lumabas.
Isinampay nila ang magkabilang-braso ng amo nila sa mga balikat nila at dahan-dahan nila itong inalalayan sa paglalakad.
Napababa narin ako ng sasakyan. Inunahan ko sila at iniharang ang aking katawan sa tapat ng pintuan.
Hindi sila pwedeng makita ni Portia at inis pa siya hanggang ngayon kay Devin. Magmula kasi ng sabihin kong divorce na kami ay nagalit siya sa lalake. Halos umusok ang ilong niya nang sabihin kong ang mama ni Devin ang nagbigay ng divorce papers namin. Akala daw niya may sariling pag-iisip at desisyon ang lalake. Hindi daw niya inakala na mama's boy ito. Magmula noon, huminto na siya sa pag-aabang ng balita kay Devin. Kapag nakita niya itong naibabalita sa tv ay agad na niya itong pinapatay.
"Maam, umalis po kayo diyan sa daanan namin at nangangalay na ang mga balikat namin." Angal ni Dino.
"Hindi nga sabi kayo pwedeng pumasok." Itinuro ko ang katapat naming apartment."Nandiyan lang ang apartment ng amo niyo, bakit niyo ipinagsisiksikan ang mga sarili niyo dito?"
"FYI maam, si sir Devin lang po ang may kagustuhan na matulog dito at dahil mga bodyguards niya kami ay nadamay lang kami." Nakangiwing pangagatwiran ni Drigo.
"Hindi nga sabi pwede." Itinulak ko sila at muntik na silang mapa-upo sa sahig.
Napasinghap ako nang malakas nang magmulat ng mga mata si Devin. Ang kanyang inaantok na mga mata ay dumapo saakin.
"I-I want to p-pee." Mahinang sambit niya pero dinig na dinig namin.
"Maam, naiiihi daw si sir. Mawalang galang na pero papasok na po kami sa loob."
Magrereklamo na naman sana ako pero hindi ako nakapagsalita nang bumitaw si Devin mula sa pag-alalay ng dalawa at tinanggal ang botones ng kanyang pantalon.
Napasigaw ako ng malakas. Mabilis kong tinakpan ang mukha ko.
Napahagalpak naman sa pagtawa ang dalawa.
"Anong itinatawa niyo diyan? Alalayan niyo siya papasok sa kwarto ko at doon niyo sa banyo paihiin." Malakas na sigaw ko.
Tumalikod ako at nagderetso sa kwarto ko upang palabasin si Portia. Sabado ngayon at usually, umaga na natutulog si Portia lalo na kong marami siyang assignment na ginagawa. Mas gugustuhin daw niya kasing magpuyat kakagawa ng assignment niya kaysa gawin ito sa araw. Hindi ko rin maintindihan minsan ang trip ni Portia.
Nang makapasok ako sa kwarto ay nakita ko siyang nakasandig sa headrest ng kama at nag-cecelphone. Walang sali-salita na hinila ko siya patayo.
"Ate, anong ginagawa mo?" Naguguluhan na tanong niya saakin.
"Mamaya ka na magtanong. Lumabas ka muna." Itinulak ko siya palabas ng kwarto namin.
Tamang-tama naman na nasa labas na sina Devin, Dino at Drigo.
Nanlaki ang mga mata ni Portia nang mabungaran niya ang mga ito. Sumipol si Dino at Drigo nang makita si Portia dahilan para samaan ko sila ng tingin.
Makukutusan ko sila kapag nilandi nila ang kapatid ko.
"Ate, sino sila?" Gulat na gulat niyang tanong saakin.
Nakayuko si Devin at mukhang nakatulog nanaman kaya hindi siya mamukhaan ni Portia.
"Wow, maam, may kapatid ka palang kasingganda mo rin? Anong pangalan niya?" Nakangising tanong ni Drigo.
"Shut up, Drigo. Off limits ang kapatid ko kaya huwag kayong malandi diyan." Nakabusangot na sagot ko.
"Nagtatanong lang, malandi na agad?" Narinig kong pabulong na sagot niya.
Nag-effort pang bumulong kong dinig na dinig ko naman.
"Ipasok niyo na si Devin sa loob. Bilisan niyo. Maghihintay kami dito sa labas." Mariin kong utos sa dalawa na agad naman nilang sinunod.
Narinig kong napasinghap ng malakas si Portia.
"Ate, si kuya Devin ba iyon, as in iyong ex-husband mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya saakin. Hindi ko siya sinagot. Tinalikuran ko siya at pumunta sa sala upang doon maghintay sa paglabas ng tatlo.
"Ate, sagutin mo ako." Kulit ni Portia habang nakasunod saakin.
"Oo." Maikling sagot ko.
Napasinghap siya ng malakas. Umupo ako at sumandig sa sofa habang nagpalakad-lakad naman si Portia sa harapan ko.
"Pero papaano kayo nagkita? Kailan pa? Anong sinabi niya? Bakit ngayon lang siya nagpakita saiyo? Anong gusto niya?" Sunod-sunod niyang tanong.
Sinapo ko ang ulo ko dahil bigla itong sumakit.
"Pumunta siya sa bar na pinagtatrabahuan ko kanina lang."
"O tapos? Nag-usap kayo? Bakit siya nandito kong ganoon? Ate? Pinatawad mo na siya agad?" Akusa niya saakin.
"Hindi. Bakit ko siya papatawarin kung hindi naman siya humihingi ng tawad?"
"Huh? At ang kapal naman pala talaga ng mukha niyang magpakita saiyo. Ako ang magpapalayas sa kanya."
Nagmartsa si Portia papunta sa taas pero napigilan ko siya. Hinila ko ulit siya at pinaupo sa sofa. Sinamaan niya ako tingin.
"Can you please calm down? Lasing iyong tao. Bukas mo na siya palayasin."
Nanlaki ang butas ng ilong ni Portia.
"Huh? At balak mong patulugin ang lalaking iyon dito? Ate, nahihibang ka na ba?" Halos mabingi ako sa lakas ng kanyang boses.
Mariin kong minasahe ang sentido ko. Mas lalong nadagdagan ang sakit ng ulo ko dahil sa lakas ng kanyang boses.
"Please, Portia. I can't think straight right now. I am still too shock to see him. My brain won't function. Pagod na pagod rin ako sa trabaho. Parang awa mo na. Bukas na tayo mag-usap." Mahinahon na sagot ko.
Umismid si Portia. Tumayo siya at umalis. Nang sulyapan ko kong saan siya papunta ay doon sa kwarto ni tito Henry ang tinungo niya. Kitang-kita ko dito dahil nasa bungad lang naman ng hagdanan ang kwarto ni tito habang ang kwarto naman namin ni Portia ay nasa dulo.
Napapikit na lang ako ng malakas na sumara ang pintuan. Maya-maya pa ay pababa na si Dino at Drigo.
"Maam, natutulog na po si sir Devin sa kwarto niyo. Kukunin lang namin ang gamit niya at aalis na rin kami." Pagbibigay-alam ni Dino.
"Teka lang naman." Pigil ko sa kanila. "Bakit kailangan pang ilagay niyo ang gamit niya rito? Aalis narin naman siya bukas. Dalhin niyo na sa apartment niya ang mga gamit niya."
"Hindi po pwede maam. Deretso pong naliligo si sir Devin pagka-gising na pagka-gising niya. Kapag nalaman niyang wala ang mga gamit niya dito, siguradong magagalit siya." Pagrarason ni Dino.
Marahas akong napabuga ng hangin. Kalalaking tao niya ang dami namang arte sa katawan.
Inaantok na ako kaya hindi na ako nakipagtalo pa pero nawala talaga ang antok ko nang makita ko kong gaano karami ang maleta na ipinasok nila sa loob. Dinaig niya pa ang maglalayas sa dami ng gamit na dala niya. Balak niya bang dito na tumira?
"Bakit napakarami naman niyang gamit? Naglayas ba ang amo niyo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Hindi, maam. Mga gamit na dala ito ni sir noong pumunta siya ng ibang bansa. Actually, kararating niya lang kanina at sainyo agad siya dumiretso." Paliwanag ni Dino.
Hindi ko alam kong matutuwa ako o maiinis sa sinabi ni Dino. Anong karapatan niyang dito dumiretso? Hindi siya ang nagbabayad ng upa dito.
Pinaiwan ko sa salas ang lahat ng mga gamit ni Devin. Hindi ako pumayag na dalhin nila sa kwarto ko.
Pagkatapos magpaalam ng dalawa ay dumiretso ako sa kwarto ko upang tignan si Devin. Sisilipin ko lang siya pagkatapos ay aalis na rin ako. Pasalamat talaga ito at tinuruan akong maging mabait ng mommy ko.
Dahan-dahan akong pumasok. Naka sara ang main switch ng ilaw at tanging ang lampshade lang sa may bedside table ang nakabukas.
Magaan ang mga hakbang ko nang lumapit ako sa kama. Nakita kong nakatihaya si Devin habang nakapikit. Hindi ko naiwasang mapatitig sa kanyang mukha lalo na nang makita kong bahagyang nakabukas ang kanyang mapupulang mga labi. Napalunok ako dahil biglang nanuyo ang lalamunan ko.
Agad akong nag-iwas ng tingin bago pa kong saan nanaman mapunta ang imahinasiyon ko. Tatalikod na sana ako nang biglang hilahin ni Devin ang kamay ko at ipahiga ako sa kanyang tabi. Nanigas ang buong katawan ko sa sobrang pagkabigla.
Dumagundong ng sobrang lakas ang puso ko nang ilagay niya ang kanyang kamay sa may bandang puson ko at inusog ako papalapit sa kanyang katawan.
Ang aking likuran ay dikit na dikit sa kanyang dibdib at damang dama ko ang init na ibinubuga ng kanyang katawan dahil hindi naman ibinalik ng kanyang mga bodyguards ang pagkakabotones ng kanyang damit.
Pinakiramdaman ko kong ano ang susunod niyang gagawin pero hindi na siya kumilos pa. Nakatulog na kaya siya? Hinintay ko muna na dumaan ang ilang minuto bago ko dahan dahan na inalis ang kanyang kamay na nasa aking puson pero napasinghap ako ng malakas nang mas idiniin niya ang kanyang kamay doon.
Napahinga ako ng malalim. Ilang pulgada na lang at mahahawakan na niya ang pinaka-iingat ingatan ko sa ibaba.
"D-Devin. C-Can you please remove your hand?" Mautal-utal na utos ko sa kanya.
"N-No! I want to sleep like this." Sagot niya sa mahina at magaspang na boses.
Tumaas ang lahat ng mga balahibo ko sa katawan. Ayan nanaman iyong nakaka-akit niyang boses.
Napakagat-labi ako. Kung hindi pa ako aalis ngayon ay siguradong magtataka si Portia.
"K-kailangan ko nang--." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang marahas na bumukas ang pintuan at sumigaw si Portia nang pagkalakas-lakas.
"Ate, bumangon ka diyan kong ayaw mong kaladkarin kita papalabas."
Hindi ko alam kong papaano akong nakawala sa mahigpit na yakap ni Devin. Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa gilid ng kama habang nakatingin kay Portia na nanlilisik ang mga mata.Nagpanik ako ng magmartsa siyang papalapit sa banda ni Devin.OMG! Ano ang binabalak niyang gawin?Bago pa niya malapitan ang lalake ay mabilis ko nang naiharang ang katawan ko."Umalis ka diyan ate, nandidilim ang paningin ko ngayon at baka hindi kita matantiya." Utos niya habang nangangalit ang kanyang mga ngipin.Umiling ako."Naman Portia. Ipagpabukas mo na kong anuman ang sasabihin mo sa kanya. Lasing iyong tao at natutulog na." Pigil ko sa kanya sa mahinang boses.Mas matangkad ako kay Portia kaya naman kailangan niya pang tumingkayad upang makita si Devin.Nang hindi siya magtagumpay na malapitan ito ay ako ang binalingan niya."Ate, alam kong hindi pa siya natutulog. Hayaan mo kasing kausapin ko siya." Pagpupumilit niya."Bukas na kasi. Tara na.""Portia, right? Ano ang gusto mong sabih
Kahit gusto ko pang matulog ay napilitan na akong bumangon dahil naalala kong walang magluluto ng umagahan kay Devin. Hindi ko inakalang darating ang araw na ipagluluto ko siya. Kahit nga noong ikinasal kami sa papel, never kong inisip na gagawin ko ang karaniwang ginagawa ng isang babaeng may asawa na. Habang nagsisipilyo ay iniisip ko kong ano ang lulutuin ko. Nilagang itlog lang ang alam kong lutuin. Alam ko namang magprito noon, kaso, puro pasa ang inaabot ko. Kaya naman sa pangatlong beses na natalsikan ako ng mantika ay itinigil ko na ang pagpiprito at nagta tiyaga na lang kami ni Portia sa nilagang itlog sa umaga. O kaya naman nagnoodles na lang kami dahil madali rin lang iyong lutuin. Alangan namang nilagang itlog ang ipapakain ko kay Devin? Nakakahiya. Sigurado akong sanay iyon sa masasarap na pagkain. Nang matapos akong magsipilyo at maghilamos ay lumabas na ako sa banyo. Natutulog pa si Portia dahil alas-otso pa lang ng umaga. Mga alas-dose pa iyan magigising at ganoon d
Magkatabi kami ni Portia habang nasa tapat naman namin nakaupo si Devin, Dino at Drigo. Wala kaming imikan habang kumakain. Hindi ko rin naman sinubukang magsalita dahil wala naman akong alam na sasabihin. I was busy eating my roasted tomato grilled cheese when I heard Dino and Drigo cough repeatedly. Mukhang nabulunan pa yata ang dalawa. Nang tignan ko sila ay hindi na maipinta ang mga mukha nila. Parang may nakain silang mapait dahil lukot na lukot ang kanilang mga mukha. Nang sulyapan ko kong ano ang nasa pinggan nila ay nakita kong ang waffles ang kasalukuyan nilang kinakain. Hindi ba masarap ang pagkakagawa ko? Bakit kulang na lang isuka nila ang kanilang mga kinakain? Tinignan ko si Devin na katabi ni Dino dahil waffles din ang nakita kong kinuha niya kanina. Ngumunguya siya pero bakit nahihirapan siyang lunukin ang kinakain niya? Kinuha nito ang kapeng tinimpla ko at ininom pero akmang ibubuga niya ito nang mapasulyap siya saakin. Mabilis pa sa alas-kwatro na agad niya itong
Marahan kong hinaplos ang mga kamay ko habang nakaupo ako dito sa counter at naghihintay ng costumer. Apat na araw pa lang ang nakakalipas pero wala na ang bakas ng mga pasa ko. Napaka- effective ng cream na ibinigay ni Devin saakin. Speaking of him, apat na araw na rin siyang hindi nagpapakita saakin. He was so sure of himself when he said that he will make up for all of his shortcomings, but where is he now? Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na siya nagpakita saakin. Nagpakawala ako ng isang buntung-hininga. Mabuti na lang at hindi ako umasa sa mga binitawan niyang salita. Paano na lang kapag naniwala ako? Edi sobrang disappointed na sana ako ngayon? "Your sigh is too deep. May problema ka ba?" Napatayo ako mula sa pagkaka-upo nang marinig ko ang baritonong boses ng aking amo. He is Adam Roosevelt. A half-filipino, half-american and the owner of this exclusive night club where I am working at. "Wala naman po, sir." Kiming sagot ko. Tumaas ang kanyang kilay na parang
"Where are you taking me?" Tanong ko sa kanya nang bigla na lang niya akong kaladkarin papalabas sa silid na kinaroroonan namin."I will take you home. You shouldn't go to this kind of place. It doesn't suite you." Nagpanting ang tainga ko sa kanyang sinabi.Malakas kong iwinasiwas ang aking kamay kaya nabitawan niya ako.He had the nerve to insult me now? Bakit? Dahil ba sa mahirap na ako kaya wala na akong karapatang pumasok dito?Bilib din ako sa kanya. Noong nakaraang mga araw kulang na lang lumuhod siya saakin para lang makinig ako sa kanyang paliwanag. Ngayon naman ay iniinsulto na niya ako?"And who are you to say that this place doesn't suit me? The one who took me here is confident with my presence, but here you are forbidding me to come here? Sino ka sa akala mo?" Tumaas-baba ang dibdib ko dahil sa galit.Kung hindi lang nakakahiya sa mga bisita dito ay baka pinagtaasan ko na siya ng boses. Pasalamat siya at marunong akong mahiya.Napaawang ang mga labi ni Devin pagkuway nap
Ang sabi niya ay wala siyang sariling bahay, ano ngayon ang tawag niya sa pinagdalhan niya saakin ngayon?Pinagloloko ba niya ako? E sa Forbes Park pa nga nakatayo ang kanyang bahay. Sa design pa lang nito ay mukhang billion na ang nagastos niya rito.His house is an ultra-luxurious resort like mansion. It was spacious, huge and the walls are made of glass. Everything around here screams luxury that only wealthy people can afford."Go to the second floor and get in to the third door that you will see. Change your clothes pagkatapos ay bumaba ka. Nandoon lang ako sa kusina. I will make food for us."Pagkatapos sabihin ni Devin iyon ay iniwan na niya ako sa salas na napapatunganga.Iginala ko ang tingin sa paligid sa pag-asang nasa tabi-tabi lang sina Dino at Drigo pero hindi ko makita kahit mga anino nila. Nasa labas kaya ang dalawa? Kung kailan naman kailangan ko sila ay tsaka ko naman sila hindi mahagilap.Pero nandito kaya sila? Hindi ko na kasi nakita kong sumunod ba si Drigo saami
"Bitawan mo ako. Uuwi na ako." Galit kong sambit nang kaladkarin niya ako patungo sa kanyang kusina.Muntik na akong mapasubsob sa marmol niyang lamesa nang padarag niya akong bitawan.Hindi makapaniwalang hinarap ko siya pero tumalikod siya saakin at umalis. Nang bumalik siya ay may bitbit na siyang vegetarian sandwich na nakalagay sa isang platito. Inilapag niya ito sa harapan ko."Sit down and eat." He ordered in a strict tone.Hindi ako kumilos. Minasahe ko ang palapulsuhan ko dahil namamanhid ito. Ang higpit kasi nang pagkaka-hawak niya kanina."I said, sit down and eat." Pag-uulit niya nang hindi ako kumilos."Kung hindi ka kakain, huwag mo nang asahang makaka-alis ka pa rito."Napatingin ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi. He looked serious dahil nakatiim ang kanyang panga.Namumula rin ang kanyang mga mata tanda na inaantok na ito. Isa pa nakainom pala ito pero hindi naman siya mukhang lasing.Kung ganoon, hindi pa siya agad nalalasing sa isang bote lang ng alak? Kasi noong
Namuo ang takot sa dibdib ko. There is no wrong having a baby, but we are on the process of divorcing. It's unsuitable if we plan to have a baby in our situation, right now. And besides, I never plan my baby to experience a broken family."I can't give you what you want." I said as I stare at him blankly.Tumiim ang panga nito. Humigpit ang pagkakahawak niya sa damit ko."Why?" Matigas ang boses na tanong niya.Napalunok ako. He should know the answer very well, but I hate how he is acting clueless."I don't want a baby."I lied, but it is the right words for me to say at this moment."What?" He unbelievably muttered.Lumuwag ang pagkakahawak niya sa damit ko hanggang sa tuluyan niya itong pakawalan.Tumigas ang panga nito. "You don't want or you just don't want me to be the father?""Both." Walang anumang sagot ko.Napalayo siya saakin. Muntik pa nga itong matumba mabuti na lang at nabalanse agad nito ang sarili."I never knew that you are that kind of woman."My brows furrowed. "Wha