Share

Chapter Three

"E-excuse me, Sir but my surname is Fontanilla." Kinakabahan na sagot ko.

Nagpanggap akong hindi siya kilala at sana maniwala siya.

Tumambol nang malakas ang dibdib ko ng dahan-dahan siyang tumayo.

Gusto kong tumakbo pero parang napagkit ang mga paa ko sa sahig.

Naglakad siya at tumigil sa harapan ko. Napahinga ako ng malalim nang masamyo ko ang pan-lalaking pabango niya.

"The last time I checked, I didn't sign our divorce papers and that only mean---you are still a Fajardo." He answered in his sultry voice dahilan para tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan.

Napamura ako sa aking isipan. Is he flirting with me? Bakit ganyan ang boses niya?

Huminga ako ng malalim. I need to gather myself or else I will lose it here.

This is the first time that we'll come face to face, but he's making me lost myself already. What more kapag nakikita ko na siya araw-araw? Baka lumayas na ang kaluluwa ko sa aking katawan.

"Hindi ko alam kong ano ang sinasabi mo. Kung wala na po kayong kailangan aalis na po ako dahil oras pa po ng trabaho ko." Magalang na sagot ko bago ako tumalikod at halos liparin ko na ang pintuan upang makalayo sa kanya.

Hawak ko na ang doorknob nang biglang hawakan ni Devin ang mga balikat ko at ipaharap ako sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko. He's that fast? Ni hindi ko man lang narinig ang tunog ng kanyang sapatos.

Before I could even realize what is happening, he already pinned me against the wall and encircle my waist with his one hand.

"Not so fast, baby." He muttered seductively which made my knees turn into jellies. Kung hindi niya lang hawak ang beywang ko, baka kanina pa ako napadausdos sa sahig sa sobrang panghihina.

Hindi pa ako nakakahuma nang basta na lang niyang hinila ang tray sa mga kamay ko at itinapon na lang sa kong saan.

I stood like a tree when he leaned forward and speak in my left ear. "Don't pretend as if you don't know me kong ayaw mong ipaalala ko saiyo mismo kong sino nga ba ang taong kaharap mo ngayon."

Nagrigodon sa sobrang kaba ang puso ko. Hindi ko alam kong saan ko ipapaling ang ulo ko kaya yumuko na lang ako.

Hindi naman ako nakainom pero bakit nag-iinit ang pakiramdam ko?

Why is my brain imagining things never did I imagine before?

"Gaia? Are you there? Bakit ang tagal mo?"

I blink and thanked all the heavens when I heard Vina's voice outside. May dahilan na ako upang makalayo kay Devin.

"S-Sir, if you'll excuse me. Hinahanap na po ako sa labas. Isang linggo pa lang ako dito at ayaw kong masesante agad kong hindi ko magawa nang mabuti ang trabaho ko." Paliwanag ko sa kanya upang pakawalan na niya ako.

Sinubukan kong tanggalin ang kanyang kamay sa aking beywang pero humigpit lang ang pagkakahawak niya dito.

Napasinghap ako dahil doon. Naramdaman ko kasi ang bolta-boltahe ng kuryente na dumaloy sa buong katawan ko.

"Mas mabuti kong ganoon. I don't like your work here. It's not fit for a billionaire's wife." Puno ng disgusto na sambit niya.

Parang nagising ako sa isang panaginip dahil sa kanyang sinabi. I almost forgot that I am a billionaire's wife, but that was before I didn't signed our divorce papers.

Ang gatiting na lubid na nagkokonekta saamin ay matagal nang naputol kaya wala na siya dapat pakialam dahil sa una palang wala naman talaga siyang pakialam saakin. I don't understand why he needs to appear now, and act like a devoted husband?

Bumalik ang inis na naramdaman ko lalo na ng maalala ko kong paanong ipinamukha saakin ng kanyang ina kong gaano ka walang kwenta ang kasal namin. Malakas ko siyang naitulak at hindi niya napaghandaan iyon.

Nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya siguro inaasahan na magagawa ko siyang itulak.

"I am not a billionaire's wife, anymore. Kung hindi mo pa napepermahan ang divorce papers natin ay kunin mo iyon sa ina mo at permahan mo na. I don't want anything to do with you kaya please lang, lubayan mo ako." Sagot ko bago ko binuksan ang pintuan at lumabas.

"Oh Gaia. Bakit ang tagal mo? May nangyari ba?" Nag-aalalang salubong na tanong ni Vina nang makalabas ako.

Naghihintay pala siya sa labas. Akala ko umalis na siya dahil hindi na niya inulit ang pagtawag saakin.

"Wala naman. Tara na. Baka marami na ang costumers." Sagot ko at nilagpasan siya.

Marami na nga ang mga costumer nang makabalik ako sa counter kaya inabala ko ang sarili ko sa pagseserve sa kanila. Sa sobrang busy ko ay nakalimutan ko pansamantala si Devin. Hindi ko pa sana siya maaalala kong hindi lang ako nilapitan ng dalawang lalaking sobrang pamilyar saakin. Teka, saan ko na nga ba sila nakita?

"Maam, parang awa niyo na. Sunduin niyo na si sir Devin. Lasing na lasing na siya." Nagmamakaawang sambit ng lalaking nasa kanan.

He is taller than the other one. They had the same body physique. Nakasuot sila ng itim na coat at kurbata. Sa pang-ibaba nila ay itim na pants at sapatos. Kulang na lang ng earpiece at black sunglasses at magiging isang kagalang-galang na silang bodyguards.

"Maam, ako nga pala si Dino at siya naman si Drigo. Magkapatid po kami at kami po ang bodyguards ni sir Devin." Pakilala niya nang hindi ako umimik.

Kaya pala pamilyar sila saakin dahil palagi ko silang nakikitang kasa-kasama ni Devin kapag nakikita ko siya sa tv.

Paano nila nalamang asawa ako ni Devin? Hindi ba at walang nakaka-alam kong hindi ang pamilya niya at pamilya ko lang? Sinabi ba niya sa kanila?

Pinangunutan ko ng nuo ang dalawa.

"Kayo ang mga bodyguards at obligasiyon niyong pauwiin siya. Huwag niyo akong inaabala at hindi pa tapos ang trabaho ko." Pagsusungit ko sa kanila.

"Pero maam, kayo po ang asawa at mas obligasiyon niyong iuwi siya." Ganting sagot ni Drigo.

Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Hindi ko alam na may attitude ang mga bodyguards ni Devin. Akala ko kasi sila iyong mga tipo ng bodyguards na palagi lang nakasunod sa sinasabi ng kanilang amo nang hindi nagrereklamo.

"Hindi ko na siya asawa. Matagal na kaming hiwalay kaya umalis na kayo. Iuwi niyo na siya." Medyo tumaas na ang boses ko.

Kung noon, ni hindi nila marinig na tumaas ang boses ko, ngayon ay hindi na. Sa dami ng hirap na pinagdaanan ko sa loob ng pitong buwan, natuto na akong makibagay sa ugali ng mga taong nakakasalamuha ko lalo na sa lugar na nilipatan namin.

Medyo maaangas ang mga tao doon lalo na ang mga tambay sa tindahan na pinagbibilhan namin. Ang mga matatanda naman ay parang mga bingi kong mag-usap usap kahit magkaka-harap naman sila. Noong una ngang marinig ko ang mga boses nila ay medyo natakot ako dahil ang akala ko nag-aaway away sila. Kung hindi pa sinabi ng kasabayan kong dalaga na normal na nilang boses iyon ay baka hindi ko na ulitin pa ang bumili doon.

"Ano? Hindi pa ba kayo aalis?" Nakataas ang kilay na tanong ko nang hindi sila gumalaw sa kanilang kinatatayuan.

"Kung nakikita niyo, dumarami na ang costumers. Kung wala kayong balak mag-order, pwede bang gumilid kayo at nakaka-abala kayo sa mga costumers namin?"

Nalaglag ang panga ko nang umismid sila at paikutan ako ng mga mata bago sila tumalikod at nagdadabog na nagmartsa paalis.

OMG! Mga bakla ba sila?

Tatlong oras pa ang nakalipas at tapos na ang duty ko.

Inunat ko ang aking mga kamay at naghikab. Kanina pa ako inaantok pero nilalabanan ko lang. Noon, palagi akong on-time kong matulog at never akong nagpuyat kahit pa noong nag-aaral ako kaya naman sobra-sobra ang ginawa kong pag-aadjust nang magtrabaho ako dito sa bar.

Isang linggo palang ako dito pero pakiramdam ko pagod na pagod na ako. Kinuha ko na ang aking bag at lumabas sa locker room nang bumungad na naman saakin ang mga pagmumukha nina Dino at Drigo.

They looked calmer now kaysa kanina.

"Maam, parang awa mo na. Sunduin mo na si sir Devin tutal mukhang pauwi narin naman kayo. Hindi daw siya uuwi hangga't hindi kayo ang mag-uuwi sa kanya." Halos lumuhod na si Dino sa harapan ko.

Tumango-tango naman si Drigo at parang maiiyak na ang kanyang itsura.

"Maam, hindi po talaga maganda ang itsura ni sir Devin kapag nalalasing siya. Mukha po kasi siyang mangkukulam na sinabunutan ng sampung demonyo at hindi siya dapat lumabas na ganoon ang itsura dahil naglipana ang mga reporters sa paligid. Kapag lumabas na pangit ang mukha niya sa newspaper at sa tv, papatayin kami ni sir Devin at ayaw ko pang mamatay Maam. May girlfriend pa po ako na kailangang pakasalan." Tuluyan na ngang lumuhod si Dino sa harapan ko.

"Ako maam, NGSB po ako pero wala po akong balak mamatay nang hindi man lang nagkaka-girlfriend." Segunda naman ni Drigo at lumuhod narin.

Malakas siyang siniko ni Dino.

"Gago. Anong sinasabi mong NGSB? Ang kapal ng mukha mo e mas marami ka pang naging babae kaysa saakin." Kompronta ni Dino.

"Mga fling ko ang mga iyon. Hindi iyon counted na girlfriend dahil oras lang naman ang itinagal namin. Kumbaga nagtikiman lang kami." Parang proud pa si Drigo nang sumagot siya.

"Napakababaero mo talagang gago ka. Kaya walang gustong magseryoso saiyo e."

"Huh? At ikaw? Sa tingin mo hindi ka babaero? Kung makapagsalita ka naman. Bakit? Pang-ilan na ba ang girlfriend mo ngayon?"

Saglit na natigilan si Dino. Mukhang nag-bibilang na siya sa kanyang isipan.

"Pang-singkwenta-singko na siya."

OMG! Seryoso siyang hindi pa siya babaero sa lagay na iyan?

"Oh! Kita mo na? Kwarenta singko lang naman pala ang pagitan natin."

Mariin kong hinilot ang sentido ko. Sumasakit ang ulo ko sa dalawa.

"Ano? Iuuwi niyo ba ang amo niyo o magbibilangan na lang kayo ng mga naging babae niyo?" Malakas na bulyaw ko sa kanila dahilan para tumigil sila sa pagbabangayan.

Sabay silang tumingin saakin. Nanlaki ang mga mata nila. Bakit parang gulat na gulat silang nasa harapan nila ako?

Pinameywangan ko sila.

"Naman maam. Nandito pa kayo? Akala ko umalis na kayo upang iuwi si sir Devin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dino.

Ano daw? Tumaas yata ang alta-presiyon ko dahil sa kanyang sinabi.

"Aba't! Kung maka-demand kayo, bakit? Katulong niyo ba ako?" Nanlalaki ang mga matang sagot ko.

Nagkamot ng ulo si Drigo.

"Maam, hindi naman po kayo bingi 'diba? Ang sinabi ko po kanina asawa niya kayo. Wala akong sinabing katulong kayo." Pangangatwiran pa niya.

"At sinabi ko ring hindi ako asawa ng amo niyo. Hindi rin naman siguro kayo bingi hindi ba?"

Nagkatingin ang dalawa at sabay na umiling. Huh? At anong ibig sabihin ng pag-iling nila?

"Hindi nga maikakailang mag-asawa kayo ni Sir Devin maam. Pareho kayong matigas ang ulo."

Napasinghap ako ng sobrang lakas. Dinuro ko sila.

"Lumayas kayo sa harapan ko. Lumayo kayo kong ayaw niyong manghiram ng mukha sa aso. Stress na ako sa aking buhay. Anong karapatan niyong dagdagan pa ito?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status