Share

Chapter Five

Hindi ko alam kong papaano akong nakawala sa mahigpit na yakap ni Devin. Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa gilid ng kama habang nakatingin kay Portia na nanlilisik ang mga mata.

Nagpanik ako ng magmartsa siyang papalapit sa banda ni Devin.

OMG! Ano ang binabalak niyang gawin?

Bago pa niya malapitan ang lalake ay mabilis ko nang naiharang ang katawan ko.

"Umalis ka diyan ate, nandidilim ang paningin ko ngayon at baka hindi kita matantiya." Utos niya habang nangangalit ang kanyang mga ngipin.

Umiling ako.

"Naman Portia. Ipagpabukas mo na kong anuman ang sasabihin mo sa kanya. Lasing iyong tao at natutulog na." Pigil ko sa kanya sa mahinang boses.

Mas matangkad ako kay Portia kaya naman kailangan niya pang tumingkayad upang makita si Devin.

Nang hindi siya magtagumpay na malapitan ito ay ako ang binalingan niya.

"Ate, alam kong hindi pa siya natutulog. Hayaan mo kasing kausapin ko siya." Pagpupumilit niya.

"Bukas na kasi. Tara na."

"Portia, right? Ano ang gusto mong sabihin saakin?"

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang magsalita si Devin. Mukhang tuluyan na siyang nagising dahil sa lakas ng boses ng kapatid ko.

"Sabi nang gising siya e." Ismid ni Portia.

Muntik na akong mawalan ng balanse nang itulak niya ako.

Nang humarap ako sa dalawa nakita kong nakaupo na si Devin sa kama. Gulo-gulo ang kanyang buhok at inaantok pa ang kanyang mga mata. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang nakasara na lahat ang butones ng kanyang suot na long sleeves.

Dahil nakaupo si Devin, tumingala siya sa nakahalukipkip na si Portia.

"Bakit yakap-yakap mo si ate, ha? Alam mo bang ang kapal ng mukha mo? Matagal na kayong divorce. Anong karapatan mong yakapin siya? Fyi, hindi mo na siya asawa." Halos isigaw na ni Portia sa mukha ni Devin ang mga huling pangungusap na binanggit niya.

"Portia." Nahihiyang saway ko sa kanya.

Ayaw kong tignan kong ano ang naging reaksiyon ni Devin sa sinabi ng kapatid ko. Ako ang nahihiya sa inaasal niya. Baka akalain ni Devin na wala kaming manners na magkapatid. Sinabi na kasing hayaan munang matulog si Devin bago niya kausapin e.

"Huwag mo akong pigilan ate. This man should know where he stand."

Napahilot ako sa aking sentido dahil sa konsumisyon. Hindi naman ganito kabungangera si Portia noon. Nagsimula lang naman ng tumira kami rito. Mukhang nahawa na rin siya sa pag-uugali ng mga tao rito.

"Let me explain. I think you misunderstood something." Mahinahon na sagot ni Devin.

Napapikit ito at hinilot ang kanyang sentido. Mukhang masakit rin ang ulo niya katulad ko. 

"Explain?" Sikmat ni Portia. "It was already long overdue. Naka move on na si ate so dapat mag move on ka na rin."

"Ay mali, wala pala dapat ipag-move on si ate dahil hindi naman kayo naging totoong mag-asawa." Galit na galit na pangga-gaya niya sa sinabi ng mama ni Devin noon saakin.

Humakbang paatras si Portia nang tumayo si Devin mula sa pagkaka-upo sa kama. Muntik na siyang bumaliktad mabuti na lang at nabalanse rin niya agad ang kanyang katawan. Iyon nga lang hindi parin maganda ang pagkakatayo niya. Mukhang nahihilo pa siya. Sa dami ba naman kasi ng ininom niya.

"I'm sorry kong ngayon lang ako dumating. You see, I came from a five months business travel abroad. I swear, I don't know that my mom gave your sister a divorce papers. I just find out when I got back that is why I came straight to her." Devin explained wholeheartedly.

Hindi nakaimik si Portia at ganoon din ako. Sinabi na saakin ng mga bodyguards niya na galing nga siya sa ibang bansa pero hindi ko alam na hindi pala alam ni Devin ang ginawa ng mama niya noon.

Sinulyapan ako ni Devin. Lumamlam ang kanyang mga mata kaya nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang nangungusap niyang mga mata. Hindi ko naman siya mahal pero bakit apektado ang buong pagkatao ko sa presensiya pa lang niya? Lalo na ngayong nalaman kong wala siyang kinalaman sa ginawa ng kanyang mama?

Itong tatanga-tangang puso ko, aasa nanaman ba sa wala?

"Portia, can you let me explain? Can you let me make up everything to your sister?" May pagmamaka-awa sa tono ng boses ni Devin.

Kumunot ang nuo ko. Teka nga. Bakit kay Portia siya nakikiusap? Siya ba ang na divorce? Bago ko pa marinig ang sagot ng kapatid ko ay pumagitna na ako.

"Kung hindi niyo alam, madaling-araw na. Kung wala kayong balak matulog ay ako ang matutulog." Nakabusangot na tinalikuran ko ang dalawa pero humarap ulit ako sa kanila at mariin na tinignan si Devin.

"At ikaw naman? Bakit kay Portia ka nagpapaalam? May magagawa ba siya kong ayaw kitang kausapin?" Nakataas ang kilay na sabi ko.

Napatulala saakin si Devin. Bumukas sara ang kanyang bibig na parang may gustong sabihin pero hindi niya siguro alam kong papaano ito sabihin.

Inismiran ko siya bago ko binalingan si Portia na bigla na lang naging pipi. Huwag niyang sabihing naniwala siya agad sa sinabi ni Devin? 

"Portia, let's go." I said in a stern voice.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at inakay siya papalabas.

"G-gaia." Tawag saakin ni Devin pero hindi ako lumingon sa kanya.

Kung gusto niya kaming mag-usap, pagbibigyan ko siya pero huwag lang ngayon at antok na antok na talaga ako. Kung makareact naman kasi ang dalawang ito parang wala nang bukas. Mabuti sana kong hindi ako pagod at puyat.

"A-Ate." Mahinahon na tawag saakin ni Portia ng makapasok kami sa kwarto ni tito Henry.

"Oh, shut up Portia."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status