“I wasn’t able to announce it sooner, akala ko lang alam na ni Miss Kat. I guess hindi ninyo nasabi sa kanya, Miss Nori, ano? Para nakapagpaalam sana si Miss Kat sa pamilya nya nang maaga.” “Uhm, na-nawala sa isip ko, Rector, ah, busy po kasi. Pasensya na po,” nauutal na sagot ni Miss Nori pagkatapos ay yumuko biglang paghingi nya ng paumanhin.Nakakaloka, edi ibig sabihin may dalawang party palang magaganap ngayon. Bakit wala man lang man lang kahit na sinong nagbanggit sa akin tungkol dito? Nagtagpo ang nagtatanong na tingin namin ni Miss Isabel sa isa’t isa na wala ring kaalam-alam dahil pareho lang kaming ngayong taon lang na ito nag-umpisang magturo rito.“Don’t worry about your sister, Mr. Tuazon. Ipinapahatid ko lahat ng mga teachers sa school service, responsibilidad ko silang lahat kapag late ko na sila pauuwiin.”“I see,” tugon ni Ahya. “Pero hindi mo na sya kailangan ipahatid sa school service, Rector. I’ll fetch her as soon as matapos ang party ninyo.”“But I insist, Mr.
Kahit pawisan at nagkukumpul-kumpol ang ilang hibla ng nabasang buhok sa kanyang noo ay mukha pa rin syang fresh. At in fairness, mabango pa rin. “Siguro naman pinayagan ka ng kuya mo na magpunta sa party ko,” bulong nya kahit sa nagsasalitang emcee sya nakatingin. “Alam kong hindi ka papayagan noon eh, lalo na kapag ako ang nag-aaya.” Sa totoo lang ay medyo nagi-guilty ako, kaso wala na akong choice kundi ang diretsuhin na sya. Ayoko nang pahirapan ang sarili ko sa kakaisip ng dahilan kung paano ako makaka-attend sa party nya. Maiintindihan naman ako nina Miss Nori dahil hindi naman lingid sa kanilang lahat na strikto si Ahya. Buti na nga lang at nahiya sya kay Rector kanina, kaya pinayagan ako. Naalala kong tatawagan ko pa nga pala si Atsi. Tatawagan ko na rin sya. Oras-oras ko syang tatawagan para mapanatag sya. “Eh kasi, may party rin pala rito mamaya, End-of-School-Year Party kineme, sabi ni Rector. Ipinaalam nya ako kanina kay Ahya, kaya dito na lang muna ako dadalo. Hindi na
“Dito ka nakatira?!” In-adjust ko ang aking antipara nang maghinto kami sa kulay abong solidong bakal na gate sa gitna ng konkretong pader na mga tipong abot hanggang ikatlong palapag ang taas at may mga bakal na spike sa ibabaw. Dahan-dahan itong nagbukas pagbusina nya. “Oo. Bakit?”“Wala naman.” Hindi ko na sinabi pero sa unang tingin ko talaga sa labas ay akala ko pabrika ito o warehouse.Ibinaba nya ang bintana ng kotse nang may lumapit sa kanyang snappy ang tindig na lalakeng nakakulay itim na polo shirt at itim na slacks. “Boss,” bati nito sa kanya. Tinapunan ako ng tingin ng lalake at ngumiti kaya nginitian ko rin sya. Natanaw ko ang tatlong lalake na mga nakakulay itim rin na naglalakad pasalubong sa amin, sumaludo ang mga ito sa kanya.“Kasama ko ‘yung dalawang sasakyan sa likod. Papasukin ninyo sila.” Iyon lang at itinaas nyang muli ang bintana ng sasakyan at humarurot muli papasok sa malawak na espasyo sa loob. Napakaganda at napakalaki ng bahay ni Seiji! Moderno ang dis
Hindi ko naiwasang hindi mamanghang lalo nang makapasok kami sa loob ng bahay ni Seiji. Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng malawak na living room—mga mamahaling furniture, marble floors, chandelier na napakaganda at mga art pieces na sa hula ko ay milyon ang halaga. Halos lahat ng dingding sa gilid at harapan ng bahay na nakaharap sa gate ay salamin na mayroon lang makakapal na kurtina na nakahawi sa magkabilaang gilid. Kaiba ito sa ganda ng mansyon ni Tito Miguel na may pagka-gothic ang style; itong kay Seiji ay sleek at modern ang dating. “Miss, my boss wants you to sit here—right beside his seating,” hila nya ng upuan sa pinakadulong kanan ng mahabang glass table nang makarating kami sa dining area na mayroon ding napakagandang chandelier sa itaas ng ceiling. Tumango ako bilang pasasalamat sa kanya at naupo sa hinila nyang upuan. “Please enjoy the appetizers and the wine while we wait for Mr. Mendoza to come down,” anunsyo ng babae nang makapag-ayos kaming lahat ng upo sa dinin
Pinihit ko pakaliwa ang door knob pero matigas ito. Pinihit ko sa kanan, pero gano’n din, kaya napamura ulit ako. “Tangina, naka-lock pa yata!” naiinis na sambit ko. “Teka, ako nga. Naiinis ka agad eh,” pakli ni Miss Nori tapos sya naman ang nagpihit-pihit ng door knob, nakumbinsi sya kaagad nang hindi rin nya nagalaw ang seradura. “Oo nga, naka-lock. Baka hindi rito ang CR, teka.” Binunot nya ang kanyang cellphone sa dala nyang purse at binuksan ang flashlight nito pagkatapos ay inilawan ang mga katabing pinto na pare-pareho lang ang mga itsura. Wala sa loob kong pinipihit-pihit ang seradura ng pinto habang tinitingnan ko rin ang kanyang iniilawan nang biglang bumukas ang pinto sa likuran ko. “Ay depotang kalabaw!” halos umangat ako sa sahig sa sobrang gulat. “Master! Ay, sir!” gulat rin na sambit ni Miss Nori. “Nasa’n ba kasi ang kalabaw na ‘yan?” natatawang tanong ni Seiji habang itinataas ang manggas ng suot nyang long-sleeve pakalahati sa kanyang braso. Marahil nagulat
“Hindi ba sabi mo may ipapakita ka pala sa ‘kin? Ano ba ‘yun? Pwede ko bang makita ngayon?” naglulumanding tudyo ko sa kanya. “Uhm, ma-mamaya na lang siguro kapag nakapag-dinner na tayo. Mahaba pa naman ang gabi,” natitilihan nyang sagot saka napatingin sa pagbukas ni Miss Nori ng pinto ng CR. “Okay, ikaw ang bahala,” sagot ko naman. “Iwan ninyo na ako para makapag-start na kayo ng dinner.” “Sure ka, dai, okay ka lang?” “Oo, okay lang ako. Bababa na lang ako pagkatapos ko,” pagkuwa’y pumasok na ako sa loob ng CR at pininid ang pinto. Naririnig ko pa silang dalawa sa labas na nag-aayaang bumaba, tapos ay bigla na lang tumahimik. Nakahinga ako nang maluwag nang mapagtantong bumaba na sila, ayoko pa naman ng may nagbabantay sa mismong labas ng pinto habang umiihi ako kasi nako-conscious ako. Matapos kong i-enjoy ang aking pag-ihi ay nag-umpisa na akong ire-touch ang aking sarili sa harap ng maliit na salamin ng maliit rin na lababo ng restroom. Inilugay ko ang mahaba kong buhok a
Nahulaan ko na agad sa mga itsura nila na kami ang tampok ng kanilang tsismisan at tawanan bago kami dumating. “Nag-CR lang, magka-holding hands na agad-agad?” komento ng isa naming ka-guro na si Sir Jonel na medyo may pagkasilahis pero tatlo na ang anak nang makaupo kami sa dining table. “Inalalayan ko lang sya sa hagdan,” natatawang dumipensa si Seiji. “How’s the wine? Masarap ba?” pag-iiba nya habang sinasalinan ng babaeng Kastilain ang kanyang wine glass. “Oo, Sir, masarap gaya ng tinginan ninyong dalawa. Matamis na matamis,” sagot ni Miss Nori na tipong kinikilig-kilig pa, umugong na naman ang tawanan nilang lahat. Nakitawa rin sya sa biro na iyon ng baliw kong kaibigan sabay napasulyap sa akin na ikinalakas lalo ng tawanan nila. Kunwang inalihan naman ako ng hiya, tumungo ako at inayos ang pagkakapakat ng salamin ko sa mata. “Simmer down, baka naiinis na si Miss Kataleia at si Mr. Mendoza sa biruan ninyo,” saway ni Rector na katapat ko lang sa mahabang lamesa, pigil-pigil a
[Knives’ POV] ‘Masarap ba dinner?’ ‘Ok lang babe. Kumusta ka?’ ‘I’m OK. I miss you.’ ‘Miss na rin kita babe. We’re not done with the meeting, lumipat lang kami ng venue.’ Para akong teenager na nangingiti nang mag-isa sa pagpapalitan namin ng sweet nothings ng aking bagong textmate. I glance at my phone’s clock; it’s 6:30. Maaga pa. Napagdesisyunan kong umalis na kapag malapit na syang umuwi, susunduin ko sya sa school so dapat before 11 pm naroroon na ako sa school gate para abangan ang aking magandang ibon. ‘Antagal ng meeting nyo babe. Success ba?’ ‘We're sealing the deal babe. Next week magpipirmahan na kami. Masakit na nga ang ulo ko.’ I unconsciously pouted my lips as if nakikita ako ng ka-text ko. ‘Talaga? Nice one babe! Mamasahiin ko lahat ng ulong meron ka mamaya. *three winking emojis* Ingat ka babe.’ Hindi ko naiwasang hindi ma-voice out ang aking tawa sa segway nyang iyon. Na-imagine ko agad ang masaheng sinasabi nya sa iba ko pang ulo. Napaisip ako b
Tumahimik ang paligid ng ilang segundo na tila napakatagal para sa akin, hanggang sa sinagot na rin nya ang tanong ni Kataleia. “Uhm, oo, nauntog. Nauntog ako. Hindi ko kasi nakita… Madilim dito,” napakahinang bulong ni Veronica na halos hindi bumuka ang mga namamaga nang labi. Para akong nabunutan nang malaking tinik sa lalamunan. “See? Nauntog. Nagulat na nga lang ako pag-akyat ko dito umiiyak na sya eh. Hay naku! Ipapalipat ko na nga 'yang pasong ‘yan, laging na lang may nadidisgrasya rito,” natatawa na naiiling ako. Daig ko pang nakapasa sa bar exams nang maibsan ang kaba ko. “Magpahinga ka na Veronica. Ipapasunod ko na lang sa kwarto mo ang first aid kit... ‘Lika na, love.” yakag ko sa kanya. “Gutom na ‘ko, baka hindi pa sila kumakain kakahintay sa ‘tin,” Hinawakan ko syang muli sa braso pero tinapik nya nang malakas ang aking braso. “Hindi pwede! Anong first aid kit?! Kelangan ‘tong matahi,” although may pagpa-panic, marahan nyang sinapo ng panyo ang tumulong dugo sa pisngi ni
“Hindi ba sinabi kong h’wag mong aalisin ang tingin mo sa kanya?!” gumaralgal ang boses ko sa lakas ng aking hiyaw. “Napakawala mong silbi!” “Pa-pasensya na, Boss. A-aalis na po ako nga-ngayon— hahanapin ko si Madame,” nagkakandautal sya sa takot sa nag-aapoy kong titig. Tumalikod sya sa akin at akmang lalayasan ako kaya hinablot ko ang maiksi nyang blonde na buhok, hinatak ko ‘yun at naglakad patungo sa bahay. Hanggang sa napahiga sya sa semento ay hindi ko binitawan ang buhok nya at nagpatuloy sa bilis ng paglalakad. Dumidilim ang utak ko sa nagpupuyos kong galit. Hindi ko na naririnig ang mga matitinis nyang tili sa sakit na dulot ng pagkakakaladkad ko sa kanya paakyat sa hagdan patungo sa ikatlong palapag. “Saan sya nagpunta??!” nanggagalaiting hiyaw ko pagbalibag ko sa maliit nyang katawan sa gilid ng sofa, nauntog pa sya sa matulis na gilid ng kwadradong paso ng halaman kaya dumugo ang malapit sa kanyang kilay . “Nasampal na kita kanina bago kayo umalis, ‘di ba? Hindi ka p
Ilegal ang mga laban sa aking flight club. Mga puganteng kriminal ang aking mga manlalaro—mga itinakwil ng batas at itinulak sa aking teritoryo. Walang anunsyo sa TV o radyo, walang media, walang permit. Isa lang ang batas dito: lumaban hanggang sa huling hininga. Ang gantimpala? Kalayaan para sa nag-iisang mabubuhay na higit pang mahalaga kesa sa pera. At tanging mga high-definition na kamerang nakakonekta sa bahay ni Yasou at ng ilan pang kasapi ng pamilya ang tahimik na nagmamasid sa bawat laban. Sa aming pamilya, death boxing is a sport— a tradition. A challenge of courage. The definition of honor. Isang tournament kung saan ang bawat igkas ay hindi lang pagsubok ng lakas, kundi pati na rin ng tapang at paninindigan. Dito, ang bawat manlalarong nasa loob ng ring ay hindi lumalaban para lang manalo, kundi para patunayan ang kanilang sarili at para sa kanilang kasarinlan. Sa ring na ito, hindi sapat ang bilis ng kamao o tigas ng katawan. Kailangan ng tibay ng loob, dahil ang bawa
[Seiji’s POV] “Aniki! Faito Kurabu o katte ni shimeru nante arienai! Koko de sore ga wakattara, watashitachi no pātonā ga dore dake okoru ka wakatteru no ka!? (Older brother! You can’t just close the fight club like that! Do you know how frustrated our family will get?!) “Kore wa watashi no bijinesu da. Shimeru ka dou ka wa watashi no jiyuu da. (This is my business. Whether I close it or not is my choice.)” mahinanong tugon ko sa kausap ko sa malaking monitor. Bumuntung-hininga ako at hinila ang aking buong bigat sa nakalaglag na lubid. I can feel my muscles flexing with each pull. “No, we cannot do that. The cards have already been laid out, and it is not possible to return their money so easily. That is not how things are done!” Gumusot pang lalo kulubot nyang mukha sa galit nya nang ibalita ko sa kanya na isasarado ko na ang club na matagal kong pinagyaman. Kanina pa nya ako sinisermunan. Paulit-ulit na ang pagpapaliwanag ko, mapa-English, Tagalog, o Nihongo, wala syang mai
Nang makahuma ako sa pagkagitla ay lumabas ako ng kotse. Lumakad pa ako ng may ilang metro para habulin ng tingin ang kumakaripas na motor. Napakabilis nyang nakalayo, gatuldok na lang sya sa aking paningin na nagpapasingit-singit sa trapik. Syet! Sya ba ‘yun??! Napakapit ako banda sa aking dibdib para pigilan ang pagwawala ng puso ko. Natutulala sa kawalang nakatayo lang ako sa gitna ng kalsada sa ilalim ng malakas na ulan. Maya-maya narinig kong sumigaw ang pasahero ko pagbaba nya ng bintana. “Hoy praning! Hindi mo ba nararamdamang umuulan?!” “Ang tanga mo naman! Ginitgit ka na nga, hinabol mo pa. Isusumbong talaga kita kay Boss. Kung nagasgasan lang 'tong kotse pati ako yari kay Boss! Hindi ka nag-iisip...” naiinis na turan nya pagbalik ko sa kotse na tila basang sisiw sa pagkakaligo ko sa ulan. Halos bumula ang kanyang bibig sa kung anu-anong pinagsasabi nyang hindi ko na inintindi. Tahimik at nangangaligkig sa lamig na ipinagpatuloy ko ang pagtahak ko sa daan habang na
“Kung dudang-duda ka, edi tawagan mo. Tawagan mo si Boss, tanungin mo. Ngayon na, hangga’t nandito pa tayo kasi baka nga naman mali ako.” Nagngingitngit ang loob kong dinampot ko ang aking cellphone. Tatanungin ko talaga si Seiji. Sasabihin ko na ring ihahatid ko na ang bruhang ito kung saan pa ito pwedeng tumira bukod sa bahay namin kesa maibusal ko sa matabil nyang bibig ang cellphone at kamao ko. “Ni isang beses hindi pa ako nagkamali sa utos sa ‘kin. Sinu-sure ko lahat ‘yun. Bawal akong magkamali. Kung nagkamali na ako noon edi sana matagal na sana akong patay! Bente-dos lang ako, wala akong pinag-aralan pero hindi naman ako gano’n katanga.” “May galit ka ba sa ‘kin?!” hindi ko na talaga natiis at kinompronta ko na sya. “Kung makapagsalita ka parang kilalang-kilala mo na ‘ko eh. Wala akong ginawang masama sa ‘yo para sagut-sagutin mo ‘ko ng ganyan!” “Wala ka ngang ginagawang masama, pero lalo lang bumigat ang buhay ko mula noong dumating ka!” malakas na singhal nya sabay du
“Ikaw ha, inano mo?” kagyat kong hinampas si Seiji sa braso bago sumakay sa bagong bili nyang kulay pulang sedan. Natatawang ikinibit nya ang kanyang balikat sa pagmamaang-maangan nya. “Wala akong ginawa, ano?” Bumunghalit sya ng tawa sa pagpapalatak ko na nagpapailing-iling. “Abnormal ka ba? Tawa ka nang tawa?!” dagli akong nainis sa OA nyang tawa. Nagi-guilty na nga ako sa pag-atungal ni Veronica, tinatawanan pa ako. “Hindi ako abnormal, love. Ang abnormal eh ‘yung paalis na lang, nagagalit pa… Hay nako! Teka nga pala,” dumukot sya sa kanyang bulsa ng kanyang shorts at iniabot sa akin ang kumpol ng pera na naka-rubber band. “Tapos bumili ka na rin ng gamit mo, love. Kumain na rin muna kayo ng gusto n'yo bago kayo umuwi.” “Oh, may pang-grocery na ako, ‘di ba? Baka wala ka nang pera d’yan?” “Meron akong tinabi dito panggasolina ko. Kung may matitira ka pa, ilagay mo sa ipon mo para sa baby natin... Lumakad na kayo, love. Maaabutan n’yo na ang trapik sa daan kapag hindi pa kayo u
“Sumama ka na. Wala ring magda-drive sa ‘yo papunta sa bangko dahil isasama ko si Ibiza, may pupuntahan kami,” ani Seiji. “Kaya ko namang pumunta ng bangko nang mag-isa eh, mamamasahe na lang ako. Bakit kaylangang sumama pa d’yan?! Marunong ba talagang mag-drive ‘yan?” naiinis na turan nya. Paalog-alog ang suso nyang walang panapo sa papadyak-padyak nya. Tumutulis ang nguso ko habang tinitingnan ko sya sa pagmamarakulyo nya, ‘kung matadyakan ko lang ‘tong maliit na babae na ‘to talaga…’ gigil na nasabi ko na lang sa aking sarili. “Hindi ka pwedeng mamasahe, Veronica. Please, gumayak ka na lang. Pagkatapos naming kumain magbibihis na si Kataleia… Pasensya ka na, love, nagkaro’n ng emergency sa bar eh,” nagi-guilting hinawakan nya ang aking pisngi. “Magkita na lang tayo rito mamaya para makapunta tayo sa mansyon. Nag-promise ako kay Mama na du’n tayo magdi-dinner at matutulog,” “Okay lang, love. Kaso parang ayaw nya kasi,” tinapunan ko ng tingin ang pabulung-bulong na mestizang pins
Lumabas ako sa kwarto at binuksan ang katapat naming kwarto at binuksan ang ilaw nito na nasa gilid ng pinto. Ito ang drawing room ni Seiji. Puno ang bawat dingding ng kanyang mga obra. Gustung-gusto kong tumatambay rito kasi ang tahimik tsaka natutuwa ako sa pagtingin-tingin sa mga larawang iginuhit nya halos puro pagmumukha ko—iba’t ibang anggulo at facial expressions. Napaka-passionate nya sa pagpipinta. Kung gagawa nga lang si Seiji ng art gallery mapupuno nya iyon ng mga display kaso naisip ko baka walang pumunta kasi puro ako rin lang naman ang maidi-display nya. Napasimangot ako nang makita ang canvas na huli nyang iginuhit na nakalagay na naman sa painting stand. “Sabi ko itago eh, nakakahiya! Pa’no kung may makakita. Dyusko!” nagigiba ang aking mukha habang ibinabalik ko ang larawan ng aking hubad na katawan sa likuran ng aparador kung saan ito nakalagay. “Did Veronica bother you again? Ay! I told you I’ll dust it off myself,” ani Mamancona pagsilip nya at nadatnan nya ako